AP10 DLP Terorismo - Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 10. PDF

Title AP10 DLP Terorismo - Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 10.
Author Dianne Castro
Course Education
Institution Ramon Magsaysay Technological University
Pages 20
File Size 384.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 76
Total Views 424

Summary

President Ramon Magsaysay State UniversityPalanginan, Iba, ZambalesDetailed Lesson Plan in Araling PanlipunanGrade 10I. LAYUNINSa loob ng apatnapung (40) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nasusuri ang mga anyo, dahilan, at epekto ng terorismo B. Napahahalagahan ang nagkakaisang h...


Description

President Ramon Magsaysay State University Palanginan, Iba, Zambales

Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan Grade 10

I. LAYUNIN Sa loob ng apatnapung (40) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nasusuri ang mga anyo, dahilan, at epekto ng terorismo B. Napahahalagahan ang nagkakaisang hakbang ng mga bansa sa daigdig laban sa terorismo C. Nakakapagmumungkahi ng mga mabisang paraan sa pagkontrol at pagsugpo ng terorismo sa sariling bansa II. PAKSANG ARALIN A. Paksa: “Terorismo” B. Sanggunian: KAYAMANAN-Mga Kontemporaryong Isyu (Binagong Edisyon) Eleanor D. Antonio, Arthur S. Abulencia, PhD, Consuelo M. Imperial, Roel G. Lodrnio, at Celia D. Soriano (pahina 225-235) C. Kagamitan: Mga iba’t ibang larawan na may kinalaman sa terorismo (Flashcards), DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain at Sagutang Papel D. Pagpapahalaga:  Makabansa  Kapayapaan  Paggalang sa Kapwa  Mabuting Pamamahala III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Gawain ng Guro

Gawain ng Bata

1. Panalangin  Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (pangungunahan ni Ms. Vidal ang panalangin).  Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang

araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin an gaming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.  Maraming Salamat ___________________. 2. Pagbati  Magandang umaga mga bata!

 Magandang umaga rin po aming guro!

 Maaari nang umupo ang lahat

3. Paglilista ng lumiban  ________, mayroon bang mga lumiban sa klase natin sa araw na ito? Sinu sinu sila?

 Wala pong lumiban sa ating klase sa araw na ito.

 Mahusay! 4. Balik-Aral  Bago tayo tumungo sa ating panibagong paksa, balikan muna natin ang ating naging diskusyon noong nakaraang araw. Patungkol saan ang ating naging paksa noong nakaraang araw?

 Magaling Ms. Castro, maraming salamat. Ano naman ang ibig sabihin ng Political Dynasty? Mr.

 Ang ating paksa noong nakaraang araw ay patungkol po sa political Dynasties at Graft and Corruption.

Pasia

 Ang ibig sabihin ng Political Dynasty ay ang panunungkulan ng mga magkakamag-anak sa politika.

 Mahusay Mr. Pasia. Ngayon naman ay magbigay kayo ng mga pamilyang tumakbo at hinalal sa politika, Ms. Vidal.

 Ang mga Marcos po Sir.

 Magaling Ms. Vidal. Una si Mariano Rubio Marcos na nagging Kongresista ng Ilocos Norte at siyang ama ni Ferdinand Marcos Sr. na ating ika-10 pangulo. Si Imelda Marcos na dating Unang Ginang na nagging Kongresista rin ng Ilocos Norte at ilan pang posisyon na kanyang tinakbuhan. At marami pang mga Marcos ang naihalal sa iba’t ibang posisyon sa politika. May iba pa ba kayong kilalang pamilya bukod sa mga Marcos? Ms. Garingarao.

 Mga Macapagal po Sir.

 Tama Ms. Garingarao. Sinong Macapagal ang naging Presidente ng Pilipinas?

 Si Gloria Macapagal-Arroyo po Sir.

 Magaling! Mukhang marami kayong natutunan sa naging paksa natin nitong nakaraang araw. Ngayon naman ay dumako na tayo sa ating sunod na gawain. 1.5 Pagganyak Gawain: Guess the Word Panuto: Hatiin sa dalawang grupo ang klase. Gamit ang mga paglalarawang sasabihin ng guro, isayos ang mga letrang nasa pisara upang mabuo ang tamang sagot. Isa-isang pupunta sa harapan ang bawat miyembro ng grupo upang mag-unahan sa pagbuo ng salita. Ang unang grupong makalimang puntos ang siyang tatanghaling panalo.

Gawaing Guro  Ito ay tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng karahasan o pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang magkaroon ng pagbabagong political.  Magaling! Nauna ang ikalawang grupo! Sila ang mga taong nagsasagawa ng terorismo?

Gawaing Mag-aaral

 Terorismo po Sir!

 Terorista po!

 Magaling! Nauna ulit ang ikalawang grupo. Mayroon na silang dalawang puntos. Layunin nila ang labanan ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas.

 New People’s Army po o NPA Sir!

 Isang puntos para sa unang grupo! Siya naman ang nagtatag ng NPA!

 Jose Maria Sison!

 Magaling! Isang puntos ulit para sa ikalawang grupo! Sila ay nakipaglaban sa ating pamahalaan sa Mindanao. Hinangad nila na mabawi ang lahat ng mga lalawigan sa Mindanao!  Moro Islamic Liberation Front o MILF! Tama! Isang puntos para sa unang grupo! Ikaanim na tanong. Siya ang pinuno ng mga MILF!  Isa na namang puntos para sa unang grupo! Pareho na silang may tigtatlong puntos! Ikapitong tanong. Ito ay itinatag noong 1989 sa pamumuno ni Abdurajak Abubakar Janjalani.  Puntos ulit para sa ikalawang Grupo! Mayroon na silang apat na puntos. Isa na lang at mananalo na ang ikalawang

 Moro Islamic Liberation Front po Sir!

 Nur Misuari Sir!

 Abu Sayyaf Group po Sir!

grupo! Para sa ikawalong katanungan! Ito ang tawag sa kasunduang pinirmahan ni fidel v ramos at nur misuari

 Davao Consensus

 Magaling! Panalo na ang ikalawang grupo! 2. Panlinang na Gawain 2.1 Paglalahad ng Paksa  Palakpakan natin ang ating mga sarili sa husay at galling na ating ipinamalas sa pagbuo ng mga salitang may kinalaman sa terorismo. Dumako naman tayo ngayon sa ating panibagong aralin sa araw na ito na tungkol sa Terorismo! 2.2 Pagtatalakay  Alam niyo ba kung ano ang Terorismo? May ideya ba kayo tungkol sa salitang ito?

 Mabuti naman at may ideya na kayo sa salitang yan dahil tungkol sa Terorismo ang paksa na ating tatalakayin ngayon. alaki   ba ang kahulugan ng salitang ito? Pakibasa ang unang talata Ms. Vidal.

 Madalas po naming naririnig ang salitang Terorismo kapag nanunuod kami ng balita o kaya ay nakikinig ng radyo pero hindi pa po naming lubos na naiintindihan ang salitang yun.

 Ang Terorismo ay isang suliraning pandaigdig. Masasabing ang lahat ng mga bansa at mga tao sa mundo ay hindi ligtas sa karahasang maaaring idulot ng mga terorista. Nitong mga huling dekada, ang terorismo ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na isyung pandaigdig. Simula 1970s at 1980s, naging bahagi na ng Pambansa at pandaigdigang mga polisiya ang

pagsugpo o pakikibaka laban sa terorismo.

 Ayon kay Bruce Hoffman(1998), isang political analyst, ang terorismo ay tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng karahasan o pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang magkaroon ng pagbabagong political. Ang layunin ng grupo nila ay magtanim ng sikolohikal na takot sa publiko, pamahalaan, at sa mga grupong kalaban ng kanilang lahi o relihiyon. Sa ating bansa, maraming acts of terror ang sinasabing conflictbased at pulitikal. Kadalasan, ito ay ukol sa kapangyarihan. Magbigay nga ng halimbawa ng act of terror na nangyari sa ating bansa.

 Halimbawa po ng acts of terror na nangyari sa ating bansa ay ang Plaza Miranda Bombing noong Agusto 21, 1971.

 Isa pa pong halimbawa ay yung Sidapan Kidnappings na nangyari noong taong 2000.  Magaling! Ano pa ang alam ninyong halimbawa?

 Tama! Ang tinuturong grupo dito ay ang mga Abu Sayyaf! Mamaya tatalakaying natin ang iba’t ibang uri ng terorismo sa Pilipinas. Sa ngayon ay dumako muna tayo sa mga Anyo ng Terorismo. Ayon sa ilang pag-aaral, may tatlong anyo ang terorismo. Ang Terorismong Etniko (Ethnic Terrorism),

Terorismong Pang-ideolohiya, at ang Religious Fanaticism. Malalaman natin dito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Pakibasa ang unang anyo ng terorismo.

 Maraming salamat! Naniniwala si Bayman na alaki  ang impluwensiya ng relihiyon sa terorismo ngunit naiiba rito ang terorismong entiko. Sinasabi niya dito na ang mga etnikong terorista raw ay kadalasang mas Makabayan at madaling makabuo ng pambansang pagkakakilanlan (national identity) kaysa sa mga teroristang makarelihiyon. Pakibasa nga ang mga maituturing na etnikong terorista.

 Maraming Salamat! Ang ikalawa anyo ay ang terorismong pang-ideolohiya. Ayon kay Manalo (2004), ang terorismong pang-ideolohiya ay batay sa mga hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan. Maaaring ang kanilang ideolohiya ay may kinalaman sa relihiyon o sa politika. Layunin ng pangkat na ito na magkaroon ng pagkakaisa ang

 Ayon kay Bayman (2002), ang terorismong etniko (ethnic terrorism) ay naiiba s terorismong isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o kaunlarang pang-ekonomiya.

 Ang ilan sa mga maituturing na etnikong terorista ay ang Liberation Tigers of Tamil Eelam (LITE), ang Kurdish Workers Party (PKK), ang Irish Republican Army (IRA), at ang Basque Fatherland and Liberty (ETA).

 Sinabi naman ni Ranstorp (2000) na ang religious fanaticism ay isa sa mga pinakamatinding motibasyon ng terorismo, tulad ng kaso ng maraming kultong Muslim, Hudyo, at Hapon.

kanilang mga kasapi at makipagugnayan sa mga komunidad na susuporta sa kanilang mithiin. Pakibasa nga ang ikatlong anyo.

 Salamat Ms. Vidal! Nagyon naman ay dumako tayo sa Estruktura ng mga Pangkat Terorista. Pakibasa ang pinakauna.

 Kung ang pinuno ng karaniwang organisasyon ay kadalasang nasa tuktok, ang sa mga terorista naman ay nasa pinakagitna. Nasa pinakasentro sila ng kanilang organisasyon dahil hindi lang sila basta nagbibigay ng utos kundi direkta rin silang kasali sa kanilang mga gawain. Sunod ay ang mga kasapi. Sa palagay niyo, bakit

Sabi niya ang makarelihiyong terorismo ay isang uri ng political na itinutulak ng krisis-espiritwal o kaya ay reaksiyon sa mga pagbabago sa lipunan at politika.

 Kaiba sa posisyon ng mga pinuno ng ibang mga grupo, ang pinuno ng mga terorista ay nasa gitna. Bukod sa pagbibigay ng mga utos sa kanilang mga kasapi, direkta rin silang kasali sa mga gawain ng kanilang pangkat. Ayon sap ag-aaral nina Cragin at Daly (2004), sinasabing ang karisma ng grupong terorista ay susi sa pagkakaisa ng mga kasapi nito.

 Para po mas lumakas pa ang kanilang organisasyon!

 Siguro po ay dahil din sa dami ng namamatay sa kanilang grupo pag may engkwentro sila laban sa mga

kaya kailangan nilang magrecruit ng bagong kasapi?

military ay kailangang may pumalit upang hindi maubos ang kanilang mga kasapi!

 Magaling April! Ano pa kaya ang ibang dahilan?

 Magaling Dianne! Iyan ang isa sa pinakamahalagang gawain ng mga pangkat terorista, ang pagganyak sa mga bagong kasapi na kailangan upang palakasin ang kanilang organisasyon at upang mapalitan ang mga miyembrong nadadakip, napapatay, o lumilisan. Sunod ay ang sentro ng Grupong terorista. Pakibasa

 Hindi nila pinahihintulutang bastabasta mapasok ng mga ito. Ang isang halimbawa ng kampong pinangangalagaan nang husto ay ang Camp Abubakar ng Abu Sayyaf. Matagal bago ito nalusob ng mga sundalo. Ang pinakahuling estruktura ay ang Pondo! May mga nagsasabing hindi lubusang matitigil ang terorismo hangga’t may nagpopondo sa mga teroristang grupo. Higit na lumalakas

 Gumagamit ang mga pangkat terorista ng tinatawag na command and control network. Dito sila nagpaplan at nag-oorganisa para sa mga isinasagawang pag-atake. Labis nilang binibigyan ng proteksiyon ang kanilang pugad at mga galamay.

 Halimbawa, ang Abu Sayyaf ay may matatag na koneksiyon sa Al-Qaeda sa Afghanistan. Ito ang tumutulong sa kanila upang makapagpatayo ng mga training camp sa Mindanao batay sa modelo ng mga kampo sa

ang mga pangkat ng terorista dahil nagagawa nilang magkaroon ng mga pandaigdigang koneksiyon na napagkukunan nila ng mga kasapi, armas, at iba pang kagamitan. Maaari bang pakibasa ang halimbawa nito?

 Bukod pa rito, malaki rin ang kinita ng Abu Sayyaf mula sa pandurukot ng mga tao (kidnapping), tulad na lang ng 20 milyong dolyar na ibinayad sa kanila ng Libya para sa pagpapalaya ng mga bihag noong taong 2000. Ginamit ng Abu Sayyaf ang kanilang pondo upang makabili ng makabagong kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon. Dumako naman tayo ngayon sa Terorisamo sa iba’t ibang panig ng Mundo. Narito ang ilang balita tungkol sa terorismo.

 Tapos na ba magbasa ang lahat? Tungkol saan ang unang balita?

Afghanistan.

 (Nagbasa nang tahimik)

 Ang unang balita po ay tungkol sa paghi-jack ng Al-Qaida terrorist sa tatlong pampasaherong eroplano upang maisakatuparan nila ang kanilang balak na suicide attack na siyang kumitil sa napakaraming tao. Ang pag-atakeng ito rin po ng mga terorista ang naging dahilan ng pagkasira ng World Trade Center sa New York noong September 11, 2011.

 Ito po ay tungkol sa panawagan ng Islamic State group sa mga Muslim na magsagawa pa ng ilang mga atake laban sa mga Crusaders.

 Magalaing! Tungkol saan naman ang ikalawang balita?

 At ang ikatlong balita naman ay tungkol sa pitong sunod sunod na pagpapasabog ng ilang mga lugar sa Colombo, ang capital city ng Sri Lanka. Dahil dito ay daan daang buhay nawala dahil ito rin ang araw na idinaraos nila ang Linggo ng Pagkabuhay o Eastern Sunday. Dito natin makikita na iisa lang ang layunin ng mga grupong ito. Iyon ay ang magpalaganap ng takot at pumatay ng tao para sa kanilang hangarin! Naiintindihan ba?

 Opo aming guro!

 Mga NPA po Sir!

 Ngayon naman ay dumako na tayo sa iba’t ibang uri ng terorismo sa Pilipinas. May alam ba kayong mga grupo ng terorismo sa Pilipinas? Magbigay ng halimbawa.  Tama! Ang mga NPA o New People’s Army! Isa yan sa matatalakay natin. Sa nakaraang apat na dekada, nakaranas ang ating bansa ng iba’t ibang anyo ng terorismo. Nariyan na ang pagkidnap, pambobomba, at ang pag-hijack. Mula taong 1990 hanggang 1995, nakaranas ang Pilipinas ng pinakamatinding karahasang dulot ng terorismo sa buong Southeast Asia. Umabot sa 1,030 ang pag-atake sa anim na taon. Mula 1990 hanggang 1996, umabot ng 1,900 na katao ang napatay dahil sa karahasang dulot ng terorismo. Pakibasa ang tungkol sa

 New People’s Army (NPA) Ang NPA o bagong Hukbong Bayan ay ang sangay-militar ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ito ay itinatag noong 1969. Layunin nito ang labanan ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Labis nitong tinutulan ang pagkakaroon ng mga Amerikanong military sa Pilipinas.

mga NPA!

 Si Jose Maria Sison ang siyang nagtatag ng samahang ito. Siya ay nanirahan sa Netherlands kung saan niya ipinagpapatuloy ang pamumuno sa mga gawain ng Samahan. Sinubukan naman ng pamahalaan na makipagkasundo sa kanila subalit nahinto ito dahil sa mga pag-atakeng ginawa ng mga NPA. Noong Hunyo 2001, inamin nil ana sila ang pumatay sa isang Pilipinong kongresista, at noong Setyembre 2002, sinabi rin nila na sila ang pumatay sa isang alcalde at isang hepe ng pulisya, lumusob sa estasyon ng pulis, at nagpasabog sa estasyon ng mobile telecommunications transmissions. Sa inyong palagay, saan kaya kumukuha ang mga NPA ng pondo upang magawa ang lahat ng ito?  Pwede! Pero nakukuha talaga nila ang pondo mula sa kanilang mga tagasuporta sa Pilipinas at sa Europe. At pwersahan rin umano silang nangongolekta ng tinatawag nilang revolutionary tax sa mga local na negosyante. Kung ating pagsasama samahin ay aabot sa 10,000 ang mga miyembro ng CPP-NPA. Narito naman ang ilan sa mga pangyayari na may kinalaman sa mga NPA.

 Nangingikil rin po ba sila ng pera sa mga mamamayan?

Agosto 2002 – idineklara ng United States ang CPP-NPA bilang isang Foreign Terrorist Organization Marso 2008 – Sinabi ni General Hermogenes Esperon, Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines na ang mga miyembro ng NPA ay umaabot ng 4,900. Oktubre 3, 2011 – napabalitang nilusob ng NPA ang tatlong malalaking korporasyon ng pagmimina sa Surigao del Norte sa Mindanao. Mayo 27, 2013 – Tinambangan ng mga kasaping NPA ang sasakyan ng “elite police commando” ng PNP. Napatay nila ang pitong pulis at nasugatan ang walo. Marso 22, 2014 – nadakip sa Cebu ang sinasabing lider ng NPA na si Benito Tiamzon, chairperson ng Communist Party of the Philippines. Agosto 9, 2018 – nagkaroon ng sagupaan at napatay ng NPA ang tatlong sundalo sa Cawayan, Masbate.  Naiintindihan pa ba ang sinasabi ko?  Mabuti kung ganun, dumako naman tayo sa mga MNLF o Moro National Liberation Front. Sila ang mga nakikipaglaban sa ating pamahalaan sa Mindanao. Ang kanilang pinuno ay si Nur Misuari. Ang kanilang hangarin ay ang mabawi ang lahat ng mga lalawigan at bayan sa Mindanao kung saan nakahihigit na nakatira ang mga Muslim. Pakibasa ang sanhi ng labanan ayon sa MNLF!

 Opo Sir!

 Pagpapabaya ng pamahalaan sa ekonomiya ng Mindanao at ang pangaabuso nito sa mga likas na yaman upang maging pabor sa pagpapaunlad ng Hilaga at Gitnang bahagi ng Pilipinas.

 Unti unting pagkawala ng mga minanang lupa (ancestral lands) ng mga Muslim dahil sa pagdagsa ng mga Kristiyano sa Mindanao.

 Paulit-ulit na pagsubok na sakupin ng maka-Kristiyanong sistemang politikal ang mga lokal na komunidad na Muslim.

 Pakibasa ang sunod na bullet!

 Kung hindi po ako nagkakamali, ito po yung kasunduan na pinirmahan nina Pangulong Fidel V. Ramos at Nur Misuari na pagtatag ng ARMM o ang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 Ang mga Kristiyanong ito ay inanyayahan ng pamahalaan na manirahan sa Mindanao upang maging balanse ang populasyon sa rehiyon na nagsimula noong 1935. At ang ikatlo pakibasa.

 May alam bakayo tungkol sa Davao Consensus?

 Magaling Ms. Vidal! Nakapaloob rin sa Davao Consensus ang mga probisyon para sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya ng 14 na lalawigan at siyam na lungsod na may populasyong Muslim na tatawaging Special Zone for Peace and Development (SZOPAD). Itinalaga si Misuari bilang pinuno ng ARMM at SZOPAD. Ang mga sumusunod ay ang dahilan kung bakit nabigo ang programang ito. Una, karamihan sa mga malawakang proyektong inilunsad ay nakatuon sa mga inisiyatibong high profile o kapansin-pansin ngunit hindi naman nakasasagot sa mga pangunahing

 Opo Sir!

pangangailangan ng mga pinakamahihirap na komunidad. Ikalawa, hindi nagawa ni Misuari ang mahusay na pamamahala at pamamahagi ng ponding ipinagkaloob sa ARMM at SPCPD, dahil sa kanyang pagkabigo kaya inalis si Misuari sa pagiging chairperson noong Agosto 2001. Ikatlo, hindi nakapagtatag ang pamahalaan ng mga karampatang mekanismo upang masiguro ang accountability sa mga proyekto at pondong ibinigay sa SPCPD. At ang huli, hindi umano nakarating sa mga lokal na pamayanang Muslim ang development aid na ipinangako ng ibang bansa o pandaigdigang organisasyon. Naiintindihan ba?

 Ang huling terorismong grupo ay ang grupo ng Abu Sayyaf. Ang Abu Sayyaf Group (ASG) ay itinatag noong 1989 sa pamumuno ni Abdurajan Abubakar Janjalani, anak ng isang mangingisda sa isla ng Basilan sa Mindanao. Siya ay beterano ng giyera sa Afghanistan kung saan lumaban siya bilang kasapi ng isang pangkat ma mujahideen sa ilalim ni Abdul Rasul Abu Sayyaf. Nang lisanin ng puwersang Soviet ang Afghanistan noong 1989, bumalik si Janjalani sa Basilan at itinatag ang AI Harakut al-Islamiya na mas kilala sa tawag na Abu Sayyaf. Pakibasa ng tahimik ang ilan sa mga ginawa ng ASG. D. Paglalahat o Pagbubuod

 (tahimik na nagbasa)

Panuto: Magbibigay ang guro ng mga pangungusap na naglalarawan ng mga Terorismong Grupo sa Pilipinas. Pipili ang guro ng mga piling estudyante upang piliin kung ito ay naglalarawan sa New People’s Army (NPA), Moro National Liberation Front (MNLF), o Abu Sayyaf ayon sa naging paksa. Gawaing Guro  Dumako na tayo sa ating sunod na gawain. Magtata...


Similar Free PDFs