Mga Bantas - Copy PDF

Title Mga Bantas - Copy
Course Filipino Major
Institution Cebu Normal University
Pages 10
File Size 66.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 65
Total Views 138

Summary

Mga Bantas sa Wikang Filipino galing sa iba't ibang sanggunian. Ito ay pawang notes lamang at hindi personal na pag-aari ng nag-upload....


Description

Mga Bantas Ang bantas ay ginagamit upang maunawaan ang diwa ng komunikasyon sa anyong pasulat. Maraming bantas ang maaring gamitin sa pagsulat. I- TULDOK ( . ) – Ang tuldok ay ginagamit na pananda. A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Hal.

Igalang natin ang Pambansang Awit. Ang buhay ay sadyang makulay. Ikuha mo ako ng panulat. May magandang babae sa palatuntunan. Pagod man sa buong maghapon ay di alintana ng matanda.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat. Hal.

Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. G. Lope K. Santos BB. Michaela S. Pedro A. Bonifacio F.P.J.

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang balangkas o talaan. Hal.

A.1.

1.1

C.5

3.5

10.5

II- PANANONG ( ? ) Ginagamit ang pananong sa sumusunod: A. Sa pangungusap na patanong. Hal.

Paano mo ipakita ang pagmamahal sa iyong bayan?

Ipagpapalit mo rin ba ang iyong buhay para kalayaan ng iyong mahal?

Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Bakit mahalaga ang magkaroon ng kabuhayan? Saan mo nais magpasyal? B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Hal.

Si Manuel Roxas ang ikalawang(?) pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang Hapon ang pinakamaunlad na bansa sa Silangan ( ? ).

Ang tulang, “Ang Buhay n g Tao” ay akda ni Jose Corazon De Jesus ( ? ). Ang mga kastila ang nagdala ng Dulang Tanghalan sa Pilipinas (?). Ang awiting, “Magkaisa” ay inawit ni Regine Velasquez ( ? ). III- PADAMDAM ( ! ) Ang bantas na padamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Hal.

Mabuhay ang Pangulo! Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. Aray! Naapakan mo ang paa ko. Huwag ka ng umalis ! Kay ganda ng mga tanawin sa Pilipinas !

IV- KUWIT ( , ) Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi. A. Ang paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Hal.

Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Bumili ka ng kangkong, pechay, kamatis at sibuyas. Namasukan siya bilang driber, mekaniko at konduktor sa pabrika. Halika , Peejay, samahan mo ako sa bayan . Leslie, saan ka nag-aaral ngayon?

B. Hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham. Hal. Mahal kong Marie,

Mahal kong Nanay,

Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose,

Sa mga Kaibigan ko, Lubos na gumagalang,

Tapat na sumasaiyo, C. Pagkatapos ng Oo at Hindi. Hal.

Oo, uuwi ako ngayon sa probinsya. Hindi, ayaw niyang sumama. Hindi, si Clara ang kumain ng inihanda mong pagkain. Oo, maraming pako sa bahay nina Hailey. Hindi, masarap talaga ang nabili kong ulam.

D. Sa mga lipon ng mga salitang panuring o pamuno. Hal.

Si Andres Bonifacio, ang Ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.

Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo. Si Ferdinand Marcos, ang naglunsad ng batas-militar, ay taga-Ilocos. E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham. Hal.

Nobyembre 14, 2009 Project 8, Quezon City Pebrero 14, 2015

Meycauayan, Bulacan Tambler, Lungsod ng Heneral Santos Tupi, Timog Cotabato

F. Sa pagkahiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal.

Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”.

Ang pinakatanyag na pahayag ni Pangulong Erap,” Huwag ninyo akong subukan”. Pinagdiinan ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati, “ Sabayan nyo ako sa pagtahak sa landas ng tuwid na daan”. “Mahirap ang ating takdang- aralin,” usal ng ilang mag-aaral.

V- KUDLIT ( ‘ ) Ginagamit sa paghalili ang kudlit sa isang titik na kinakaltas.

Hal.

Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.

Ako’y mamamayang Filipino at may tungkuling mahalin at pangalagaan ang aking bayan. kami ay - kami’y isa at isa - isa’t isa tayo ay - tayo’y aso at pusa - aso’t pusa iba at ibang – iba’t ibang VI-GITLING ( - ) Ginagamit ang gitling sa loob ng salita sa sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Hal.

araw-araw

isa-isa

apat-apat

dala-dalawa sari-sarili

masayang-masaya

kabi-kabila

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan. Hal.

mag-alis

pang-ako

may-ari

nag-isa

mang-uto

tag-init

nag-ulat

pag-alis

pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Hal.

pamatay ng insekto – pamatay-insekto kahoy sa gubat – kahoy-gubat humigit at kumulang – humigit-kumulang lakad at takbo – lakad-takbo bahay na aliwan – bahay-aliwan dalagang taga-bukid – dalagang-bukid

Subalit sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan hindi na gagamitin ang gitling sa pagitan nito. Hal.

dalagangbukid (isda) buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling. Hal.

maka-Diyos

pa-Baguio

maka-Johnson

maka-Rizal

taga-Luzon

mag-Sprite

maka-Pilipino

mag-Pal

mag-Carona

E. Sa pag-uulit ng pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inuulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan. Hal.

mag-Johnson – magjo-Johnson mag-Corona – magco-Corona mag-Ford – magfo-Ford mag-Japan – magja-Japan mag-Zonrox – magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika ay inuunlapi sa numero o pamilang. Hal.

ika-3 ng hapon

ika-3 na buwan

Ika- 14 na saknong

ika-12 kabanata

Ika-5 na taon

ika-22 na palapag

G. Kapag isinulat nang patitik ang yunit ng fraction o bahagdan. Hal.

isang-kapat(1/4)

tatlong-kanim (3/6)

dalawang-kalima (2/5)

isang-katlo (1/3)

H. Kapag pinagkabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at kanyang bana o asawa. Hal.

Gloria Macapagal-Arroyo

Shirly Pedroso-Guanio

Conchita Ramos-Cruz

Roselyn Teodoro-Salum

Perlita Oroza-Banzon

I. Kapag hinati ang salita sa dulo ng linya. Hal.

Patuloy na nililinang sa lahat ng dako ng bansa ang paggamit ng Filipino. Hindi pa huli ang lahat. May panahon pa. Hindi namama-

tay ang pag-ibig ng Diyos. J. Kapag ginamit sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pandiwa. Hal.

lakad-takbo gising-tulog iyak-tawa

K. Ginagamit sa pagitan ng di at pang-uri Hal.

di-maabot di-iiyak di- matatawaran di-kagwapuhan di-kanais-nais

L. Ginagamit sa pagitan ng panlaping magsa at salitang-ugat. Hal.

magsa-lamok

magsa-pusa

magsa-Goliath

magsa- aso

magsa-tuko

magsa-bulaklak

VII- TUTULDOK ( : ) Ginagamit ang tutuldok sa mga sumusunod: A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Hal. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: rosal, rosas, orchids, santan at iba pa. Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod: pandamdamin, pasalaysay, dula at patnigan.

Ang tulang pandamdamin ay nauuri sa sumusunod: oda, elehiya, soneto at awit o himno. Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo dahil magagandang kaugaliang tulad ng paging: masipag, matapat, maasahan at mapagkatiwalaan.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal. Hal.

Dr. Garcia: Mahal na Ginoo: Bb. Zorilla: G. Mosqueda:

C. Sa paghihiwalay ng mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Hal.

8:00 n.u.

Juan 16:16

4:15 n. u.

Mateo 14: 21

ANA: Akala ko ba’y napagod ka ? REGINA: Gusto kong kumain ng mansanas. ANA: Magpabili tayo. Sino bang ating pabibilhin ? REGINA: Si Tony na lang nasa may labasan lang siya VIII- TUTULDOK-KUWIT ( ; ) Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig at may iba pang gamit: A. Maraming gumagamit ng tutuldok-kuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangangalakal. Hal.

Ginoo;

Bb;

Kagalang-galang na Hukom;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-ugnay ng pangatnig. Hal. Ang pag-asa sa mga dayuhan ay ating iwasan; ito’y lalong hindi makatutulong upang ating bansa ay makaahon sa kahirapan. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makakabuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niya ang magpatiwakal.

Masaya kaming magpapamilya; marami kami e. Ako ay maka-Pilipino; siya ay maka-Amerikano. C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa – gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Hal. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi napag-ukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa. Gawin nating mas matibay ang ating samahan kaysa dati, paunlarin natin; paris ng pangangaso at magtrabahong muli upang maibalik ang magandang samahan. Ang mga anak ay ipinaghahanda ng mga magulang sa kolehiyo; gaya ng pag-iimpok sa bangko at pagtitiipid sa mga gastusin sa bahay. IX - PANIPI ( “ ” ) inilagay ito sa unahan at dulo ng salita. A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o tuwirang sipi. Hal.

“Hindi kinupkop ang kriminal, pinarurusahan”, sabi ng Pangulo.

“Gusto kong makalaya ang Pilipinas sa kamay ng isang dikatador!” wika ni Ninoy. “Magandang gabi, maari bang makausap si Alexis?” ang bati ng guro. “Wala po yata kayong kasama?” tanong ng guro sa matanda. “Naku! Wala po kayong alalahanin Ginoo”, sagot ng guro. B. Ginagamit ang panipi sa pagtukoy ng pamagat ng aklat, artikulo at iba pa sa pangungusap. Hal.

Nagbukas muli ang “Manila Times”. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak. Dalita”. Ang ganda ng awiting “Bayan Ko”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng salitang banyaga. Hal.

Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

Ang “graph” ay paglalarawang nagpapakita ng pakaugnay-ugnay ng mga bilang. Ang “map” ay isang patag na representasyon o moldelo ng mundo. Ang “skimming” at “scanning” ay mga paraan ng pagbabasa.

Nag-iisang anak lamang si Mon kaya siya ay isang “spoiled brat”.

X- PANAKLONG ( ) Ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktong kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginagamit sa pangungusap na ito. A. Ginamit upang kulungin ang pamuno. Hal.

Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Mi Tangere.

Si Gloria Macapagal Arroyo ( dating Pangulo ng Pilipinas ) ay isang ekonomista. Nanungkulan si Manuel Luis Quezon ( ikalawang Pangulo ng Pilipinas) noong ika-15 ng Nobyembre1935. B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. Hal. Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit- kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao. Pagkatapos ng mga Tsino at Arabo lima ( 5 ) pa ang sumunod na nagdala ng kabihasnan at kultura dito sa Pilipinas. C. Ginagamit sa pamilang o nagpapahayag ng taon. Hal.

Jose P. Rizal (1861-1896) Manuel A.Roxas Ferdinand E. Marcos Carlos P. Garcia

D. Ginagamit sa pagbibigay ng mga aytem na pagpipilian sa mga pagsusulit. Hal:

Isulat sa patlang kung ano ang uri ng pamahalaan ay

(a) demokratiko

(b )parliamentarya

(c) monarkiya

_____Sino ang isinugo ng Diyos upang maituwid si David ? (a) Goliath

(b) Nathan

(c) Urias

(d) David

maputik na landas (a) mali

(b) marumi

(c) magulo

(d) mapanganib

drayber ng buhay (a) nagdadala

(b.) nagpapaikot

(c.) nagko-kontrol

XI- TUTULDOK-TULDOK o ELIPSIS ( … ) nagpapahiwatig ng kusang ibinibitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin. A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga nawalang salita ay sa hulihan ng pangungusap. Hal.

Pinagtibay ng Pangulong Aquino … Likas sa tao ang mapangarapin… Halos nawala ang sarili nating pagkakakilanlan dahil…

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin. Hal.

Kung ika’y maliligo sa tubig ay agap upang …

Ano kayang damdamin ang mamamayani sa kalooban ng mga bata…lumbay, lungkot, pighati? C. Sa pagsasalaysay o dyalogo sa isang dula na nagpapahiwatig ng paghinto Hal.

Ina: Gray… Gray… Bakit ? Anak ko…

Gray: “Di ba sabi mo, magiging masaya kana pag nawala na ako, kaya heto po Mommy ang regalo ko sa ‘yo, happy birthday Mommy… I love you po… Gray. D. Sa hulihan ng pangungusap ay apat na tuldok. Hal. Ang pangyayaring ito’y parang patikim lamang sa karanasang idinulot niya sa kaniyang Inahing Manok nang dinagit niya ang sisiw…. Walang nagawa si Mon kundi ang umiyak at magsisi. Takot na takot sa Mon at siya ay nagdasal na lamang naghihintay sa susunod na mangyari…. Totoong ang pag-asawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kung napapaso…....


Similar Free PDFs