Kasunduan sa Pagpapaupa ng Bahay PDF

Title Kasunduan sa Pagpapaupa ng Bahay
Author Jennifer Manlangit
Course Accounting
Institution Laguna State Polytechnic University
Pages 2
File Size 50.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 4
Total Views 123

Summary

Kasunduan sa Pagpapaupa ng Bahay...


Description

Kasunduan sa Pagpapaupa ng Bahay/Tindahan Alamin sa lahat ng nakakabasa:

Kami _____________________________ at ________________________________ may sapat na gulang at kasalukuyang naninirahan sa ___________________________________, dito ay kilala bilang may-ari. At si ____________________________________ at may sapat na gulang naninirahan sa _______________________________ at kilala bilang uupa ay nagkasundo at nagsasaysay.

1. Na pumapayag ang may-ari na paupahan ang nasabing bahay na kilala at matatagpuan sa ___________________________ sa halagang __________ bawat buwan.

2. Ang pagpapaupa ay magkakaroon ng isang buwan deposito (advanced deposit) at isang buwan paunang bayad sa loob ng limang araw na hindi kakailanganin pang singilin ng mayari ng pabalik-balik.

3. Ang kasunduang ito ay may bisa lamang mula ____________________________ hanggang _____________.

4. Ang umuupa ay siyang dapat na mananagot sa anumang magugugol dito na ang gastos ng materyales (kasama ng resibo) ay babawasin sa buwnang upa.

5. Ang umuupa ay hindi dapat gumagawa ng anumang pagbabago o pag-aayos sa lugar na inuupahan na walang pahintulot na buhat sa may-ari.

6. Ang umuupa ang siyang mananagot sa ilaw at mga pang araw-araw na kasiraan sa lugar na kanyang inuupahan.

7. Na kung sakaling di makakabayad ng upa o lumabag sa kasunduan na ito, may karapatan ang may-ari na pawalang saysay o bisa ang kasunduang ito at hilingin na umalis na sa inuupahang bahay tindahan.

8. Ang umuupa ay hindi maaring ilipat o ipaubaya sa iba ang kanyang Karapatan sa ilalim ng kasunduang ito.

9. Ang umuupa ay nakipagkasundo na pananatilihing malinis ang loob at labas ng kanyang inuupahan, hindi makakapinsala sa iba at ito naman ay gagamitin lamang bilang tirahan/tindahan na naayon sa batas at mga kautusang bayan.

10. Na ang kasunduang binibigay ng may-ari sa anumang kaluwagan sa umuupa ay hindi

maituturing na pagbabago sa anumang nilalaman ng kasunduang ito....


Similar Free PDFs