Ang Wikang Filipino ay nagmula sa wikang Austronesyano kung kaya PDF

Title Ang Wikang Filipino ay nagmula sa wikang Austronesyano kung kaya
Author Kim Joyce Miranda
Course BS Business Economics
Institution University of the Philippines System
Pages 1
File Size 34.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 94
Total Views 190

Summary

Download Ang Wikang Filipino ay nagmula sa wikang Austronesyano kung kaya PDF


Description

Ang Wikang Filipino ay nagmula sa wikang Austronesyano kung kaya’t ang iba’t ibang wika sa kapuluan ay magkakamag-anak. Ang pinakamatandang dokumento na nakasulat sa kapuluan ay ang Laguna Copperplate Inscription na nakasulat sa Kawi Script. Ito ay may lumang salita sa Malay, Sanskrit, Java at Tagalog. Bukod dito, mayroon ring baybayin na matandang pamamaraan ng pagsulat na ang hugis ay likha ng galaw o kislot ng tubig. Nang dumating ang mga Kastila, ang wikang Filipino ay matatagpuan sa Vocabulario de la lengua Tagala na mula kay Fray Pedro de San Buenaventura. Ito ay kodipikasyon ng mga unang anyo ng Wikang Filipino. Noong 1609, naisulat sa Succesos de las Islas Filipinas na mataas ang literasi ng mga katutubo gamit ang baybayin ngunit dahil sa pagpataw ng alpabetong romano at wikang kastila sa mga institusyong panlipunan, bumaba ang literasi ng mga katutubo at ang mga matatanda at masa na lamang ang gumagamit nito. Kung kaya’t naging wikang pribilihado ang wikang kastila. Sa kasaysayan, ang unang anyo ng globalisasyon ay ang Kalakalang Galyon. Dahil dito, nagkaroon ng pagbubukas ng kapuluan sa pandaigdigang kalakalan sapagkat nakita ang potensyal at kapangyarihan ng kalakal. Matapos ang mahigit isandaang taon, ilang bagwis ng kolonyalismo at agos ng globalisyon ang naranasan ng bansa. Ang Ingles ang pandaigdigang Lingua Franca at ang Wikang Filipino ay mababa at hindi raw intelektwalisado. Sa kabilang dako, ang green politics ay sinasabi na ang mundo ay multilingual at multicultural kung kaya’t taglay ng wika ang kultura. Kaya’t nararapat lamang na iangat at bigyang dangal ang wikang Filipino sa kasalukuyang panahon. Sabi sa green politics, ang linguistic at cultural diversity ang siyang magpapayaman sa kaalaman at karunungan ng bawat mamamayan ng mundo. Ang internalization of higher educationay tungkol sa mga unibersidad na internasyonal na ang kanilang katayuan. Masasabing internasyonal na ang isang unibersidad kung marami ang internasyonal na mag-aaral, marami ang foreign visiting professors at programang pang-internasyonal. Sa kabilang dako, ang global education ay mas ekonomiko. Masasabing ito ay global education kung labas masok ang mga banyagang mga mag-aaral. Nagiging wikang global ang Filipino dahil sa internasyonalisasyon sa pamamagitan ng kasunduan o partnership ng isang unibersidad sa isa pang unibersidad. Dumarami na ang mga dayuhang mag aaral na pag-aralan ang Wikang Filipino. Sa Estados Unidos, may mga departamento ng Pilipino. Tayo na rin ay nagsasalin ng mga babasahing Ingles sa Wikang Filipino upang mas maintindihan ng ibang mambabasa na hindi nakakaintindi ng Ingles. Isa sa malaking proyekto ng Komisyon ay ang magsalin ng mga teksto sa Wikang Filipino. Kulang ang mga libro ngunit matagumpay sa aspeto ng awit at pelikula, lingua franca ang Filipino at ginagamitan ng intercultural perspective ang pagtuturo ng Filipino ay mga obserbasyon sa paggamit at pagtuturo ng Wikang Filipino sa loob at labas ng bansa. Base sa aking napanuod, aking napagtanto na ang Wikang Filipino ay maaaring makipagsabayan sa internalisasyon at globalisayon sapagkat tayo ay may kakayahang makaimpluwensya sa iba tulad na lamang noong panahon pa ng kalakalang galyon. Tunay nga na ang Wikang Filipino ang sumasalamin sa kultura, tradisyon at kasaysayan ng Pilipinas kung kaya’t nararapat lamang natin na ito ay ipagmalaki at patuloy na pagyabungin. Nararapat din na patuloy natin itong pag-aralan ng sa gayon ay maging globally competitive tayo lalo na at patuloy ang pag-usbong ng madaling pakikipagugnayan dulot ng modernong panahon. Ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino ay siyang magbibigay ng kaunlaran sa ating bansa....


Similar Free PDFs