Filipino 5- Pang-uri at Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos Q3W1- Esmeraldasabado - Esmeralda Sabado PDF

Title Filipino 5- Pang-uri at Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos Q3W1- Esmeraldasabado - Esmeralda Sabado
Course Bachelor of Science in Accountancy
Institution University of Saint Louis
Pages 17
File Size 358.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 120
Total Views 170

Summary

hope this helps...


Description

PANG-ABAY AT PANG-URI SA PAGLALARAWAN

Self-Learning Worksheet sa Filipino 5

Your text Kwarter here3

ESMERALDA B. SABADO Developer Department of Education • Cordillera Administrative Region

Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Cordillera Administrative Region SCHOOLS DIVISION OF ABRA Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra Published by: DepEdAbra-Learning Resource Management and Development Section

COPYRIGHT NOTICE 2020 Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through

the

Curriculum Implementation

Division

(CID)—Learning

Resource

Management Section. It can be reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed in the intext citation. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit. Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other copyrighted contents) included in this Self Learning Worksheet are owned by their respective copyright and intellectual property right holders, DepEd is represented by the Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. in seeking permission to use these materials. Publishers and Authors do not represent nor claim ownership over them. Thisself-learning worksheet is intended for educational purposes and will be subjected for further Learning Resource Copyright evaluation. The inventory of copyrighted third party content will also be prepared. This Learning Material is owned by the Department of Education, Schools Division of Abra, Curriculum Implementation Division,Learning Resource Management Sectionaccessed at https://lrmsabra.blogspot.com.

ii

PREFACE This Self Learning Worksheet is a project of the Curriculum Implementation Division,Learning Resource Management Section, Department of Education, Schools Division of Abra. This aims to support all Learning Delivery Modalities anchored on the DepEdK-12 curriculum/ the Most Essential Learning Competencies/ Alternative Learning System. Date of Development

: January,2020

Resource Location

: Schools Division of Abra

Learning Area

: Filipino

Grade Level

:5

Learning Resource Type

: Self-Learning Worksheet

Quarter

: Kwarter 3

Week

:1

Learning Competency

: Nagagamitang ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos : Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan ng kilos : F5WG-IIIa-c-6 : F5WG-IIId-e-9

Code

iii

ACKNOWLEDGEMENT

Producing this set of self-learning worksheets entails a lot of efforts and time management. It would have not been brought to success without the assistance of individuals to whom the developer extends her gratitude. To the Division LRMS team managed by Mr. Ronald T. Marquez, Education Program Supervisor for the continuous quality assurance and enhancement training. To Mr. Pedro B. Talingdan Jr., EPS in Filipino, Mr. Guillermo L. Ortega Jr.,PSDS, and Mr. Cleto T. Batondo, Manabo Pilot Elementary School Principal, for the trust and encouragement. To her family, co-teachers and friends for the support and love. Above all, to Almighty God for His omnipotence. ESMERALDA B. SABADO Manabo Pilot Elementary School, Manabo District

LEARNING RESOURCE DEVELOPMENT and QUALITY ASSURANCE TEAM PEDRO B. TALINGDAN JR. Education Program Supervisor for Filipino RIZA E. PERALTA Librarian II

RYNWALTER A. PAA Project Development Officer II RONALD T. MARQUEZ Education Program Supervisor for LRMS CONSULTANTS:

HEDWIG M. BELMES Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division SORAYA T. FACULO Assistant Schools Division Superintendent

GLORIA B. BUYA-AO Schools Division Superintendent

iv

TALAAN NG NILALAMAN Copyright Notice……………………………………………….……...…. ….. Preface ………………………………………………………………...…….… Acknowledgement…………………………………………………. …….…... Talaan ng Nilalaman………………………………………………….……. … Title Page………………………………………………………………………. Balikan …………………………………………………………………………. Pagsusuri at Pagtatalakay…...……………………………………………….. Gawain 1……………………………………………………….………………. Gawain 2……………………………………………………………………… Gawain 3 ………………………………………………………………………. Pagtatasa at Pagtataya……………………….……………….…….………. Susi saPagwawasto…………………………………………...……………. Talaan ng Ispesipikasyon……………………………………………………

v

Pahina ii iii iv v 1 2 3 6 7 8 9 10 11

PANG-ABAY SA PAGLALARAWAN NG KILOS Self-Learning Worksheet saFilipino 5 Kwarter 3

Your text here Pangalan ng Mag-aaral:

_______________________

Petsa ng Pagbigay: _______________________ Petsa ng Pagsauli: Guro:

_______________________

________________________

Binigyang-puna ni: ________________________ Tagalikha:

Esmeralda B. Sabado Teacher III

Balikan Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit. Ayusin ang mga salitang nasa kahon upang mabuo ang sagot. Isulat ang nabuong salita sa inyong sagutang papel.

1. Huwag na nating dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng ibang tao. bwsaaan

2. Laging mahinahon si Lita kaya naaayos niya ang mga problema.

gltai

3. Makinis at hindi pa nasusugatan ang mga kamay ng bata. gnapmgasa

4. Ipinagmamalaki ko ang aking mga magulang dahil sila ay masisipag at mabubuting tao. hihikiniaya

5. Noon, nagagalit siya kapag may maliliit na kasalanan ang kaniyang mga kaibigan. uttunawa Batayang Aklat sa Alab ng Filipino 5

2

Pagsusuri at Pagtatalakay Kulang ang isang pahayag kapag hindi tayo nakapaglarawan. Kailangan nating mailarawan ang mga bagay na ating nakikita, naririnig, naaamoy, natitikman, at nahahawakan upang higit na maging epektibo an gating pagpapahayag. Bukod sa mga nabanggit, maaaririn nating ilarawan ang ating mga ginagawa at mga mismong bagay na binibigyan natin ng paglalarawan. Sa paglalarawan ng mga ito ay gumagamit tayo ng mga pang-uri at pang-abay. Ang pang-uri at pang-abay ay parehong mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip samantalang ang pangabay naman ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at isa pang pang-abay. Sa pang-uri bilang paglalarawan ay gumagamit tayo ng mga wika ng pandama: Pandama

Paglalarawan

Halimbawa

nakikita

naaamoy

kulay itsura hugis laki lakas,hina, katahimikan bango, baho

pula, bughaw maganda bilog, parihaba maliit malakas, mahina tahimik mabango, mabaho

natitikman

lasa

mapait, matamis

nahahawakan

kinis, gaspang, testura

makinis,magaspan g

naririnig

Halimbawang Pangungusap Kulay pula ang damit. Malakas ang boses ng mag-aaral. Mabango ang batang bagong ligo. Mapait ang ampalaya. Makinis ang kutis ng bata. Magaspang ang lawanit na nabili ni tatay.

Narito pa ang ilang halimbawa ng pang-uri o salitang naglalarawan. puti

mataas

sira

malapit

payat

mabuti

pahaba

sariwa

bilog

tuyo

singkit

maunawain

3

Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba. Puti ang damit ko. Bilog ang salamin niya. Ang lubid na gamit nila ay matibay. Ang mga bata ay malulusog. Ang mga salitang may salungguhit ay mga pang-uri. Sa pang-abay naman bilang paglalarawan ay gumagamit tayo ng mga salitang maglalarawan mismo sa ating mga ikinikilos ( pandiwa), inilalarawan ( panguri), at isa isa pang pang-abay. Paglalarawan

Halimbawang Pang-abay

Halimbawang Pangungusap

sa pandiwa

Halimbawang Pandiwa, Pang-uri, at Pang-abay tumakbo

mabilis

sa pang-uri

matalino

sobra

sa pang-abay

lubha

mabagal

Mabilis tumakbo ang bata. Sobrang matalino ang kaniyang anak. Lubhang mabagal maglakad ang dalaga.

May mga salitang kapuwa ginagamit bilang pang-uri at bialng pang-abay rin. Nakadepende ito sa kung ano ang inilalarawan nito at kung paano ito ginagamit sa pangungusap. Tingnan ang mga halimbawa: 1. Mahusay: ( pang-uri) Mahusay ang bata sa Filipino. ( pang-abay) Mahusay sumagot ang bata. 2. Malakas: ( pang-uri) Malakas ang katawan ng mga manlalaro. ( pang-abay) Hinila niya nang malakas ang tali. 3. Mabilis: ( pang-uri) Mabilis sa pagsulat ang mga mag-aaral. ( pang-abay) Tumakbo siya nang mabilis. Batayang Aklat sa Alab ng Filipino 5

4

May iba’t ibang uri ng pang-abay: 1. Ang pang-abay na pamaraan ay sumasagot sa tanong na Paano. Halimbawa: Taimtim na nananalangin ang mga tao. Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matitiyaga. 2. Ang pang-abay na pamanahon ay mga salitang naglalarawan kung kalian naganap ang kilos o Gawain. Sumasagot sa tanong na Kailan. Halimbawa: bukas, mamaya, ngayon, kagabi, samakalawa, noong nagdaang linggo Maglalaba na naman kami bukas. Araw-araw kaming naglilinis ng bahay. 3. Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kilos. Sumasagot sa tanong na Saan. Halimbawa: sa silong ng bahay, sa gitna ng daan, sa bukid, sa ilalim ng tulay Naglalaro ang mga bata sa silong ng punong mangga. Naghahabulan sila sa tabi ng ilog. Batayang Aklat sa Hiyas sa Wika 5

5

Gawain 1 Panuto: Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay isang pang-uri pang-abay batay sa gamit nito sa pangungusap. Isulat ang PU kung ito ay pang-uri at PA naman kung ito ay pang-abay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Masayang tumutulong ang mag-aaral ng kolehiyo sa mga mag-aaral sa pambublikong paaralan. 2. Si Lucia ang pinakamatalinong mag-aaral sa kalse ko. 3. Ang mga mag-aaral ay labis na naapektuhan sa mga nangyayari sa paligid. 4. Mayaman sa kabutihan ang mga mag-aaral. 5. Nagulo ang tahimik na buhay ni Ireneo nang dumating ang trahedya. 6. Paluhod siyang nagmakaawa sa kaniyang inagawan ng bag. 7. Napakalinaw ng tubig mula sa bukal kaya tiyak na ligtas itong inumin. 8. Mabusisi si Tiya Pia sa mga aplikante sa kaniyang tanggapan. 9. Paisa-isa kung mamili si Mely kaya napagsabihan siya ng kapatid/ 10. Mabagal magsulat si Abner kaya siya ang lagging nahuhuling lumabas ng silid-aralan.

Batayang Aklat sa Alab ng Filipino 5

6

Gawain 2 Panuto: Piliin ang mga pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap. Salungguhitan ito. Pagkatapos, isulat sa patlang kung ito ay Pamaraan, Panlunan o Pamanahon. ______________1. Totoong mabagal maglakad ang pagong. ______________2. Dito pala sa Paaralang Sentral idaraos ang Palarong Bayan. ______________3. Pumitas ka nga sa balag ng bunga ng upo. ______________4. Maglalagay ako ng duyang uway sa ilalim ng punong mangga. ______________5. Maingat na sumulat sa kuwaderno si Ana. ______________6. Naliligo ang bata araw-araw. ______________7. Mahusay magtalumpati si Gng.Gonzales. ______________8. Masusing nagsasanay ang mga doctor tungkol sa gamot sa COVID-19 ______________9. Masaya silang naglundagan at nagsayawan. ______________10. Nakikita ko tuwing hapon ang paglubog ng araw.

Batayang Aklat sa Hiyas sa Wika 5

7

Gawain 3 Panuto:Gumawa ng isang simpleng islogan tungkol sa pagbibigayan sa oras ng pangangailangan.Ang mahuhusay na islogan ay ipapaskil sa paligid ng paaralan upang magsilbing paalala sa mga tao na maging mapagbigay. Gumamit ng pang-uri o pang-abay sa gagawing islogan. RUBRIK SA PAGSULAT NG ISLOGAN

10 8

6

4

NILALAMAN  pagsunod sa uri at anyong hininingi  lawak at lalim ng pagtalakay BALARILA  wastong gamit ng wika  paglimit sa paggamit ng mga salitang hiram HIKAYAT  paraan ng pagtalakay sa paksa  pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay ng gawain 10- Pinakamahusay 8- Mahusay

4-Mapaghuhusay pa 2- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

6- katanggap-tanggap

Batayang Aklat sa Alab ng Filipino 5

Pagtatasa/Pagtataya 8

2

Panuto: Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay. Isulat ang sagot sa patlang bago ang pangungusap. 1. matiyaga ____________ Siya ay isang matiyagang magsasaka. ____________ Siya ay matiyagang nagsasaka ng bukid. 2. malinis ____________Malinis ang ating kapaligiran. ____________Malinis gumawa ng proyekto ang mag-aaral. 3. masipag ____________ Masipag siyang mag-aral. ____________ Si Icah ay isang masipag na mag-aaral. 4. masaya ____________Si Issa ay masayang nagkukuwento ng karanasan. ____________ Masaya ang magkakaibigan. 5. tahimik ____________ Tahimik na bata si Daniel. ____________ Tahimik na pumasok ang mag-aaral sa silid. 6. masigla ____________ Masiglang nagkuwentuhan ang mga dumalo. ____________ Ang handaan ay masigla. 7. malakas ____________ Malakas na umiyak ang sanggol dahil sa gutom. ____________ Malakas si Ben sa kanyang amo. 8. mainit ___________ Mainit ang ulo ng Hepe ng mga pulisya. ___________Mainit na tinanggap ang kaniyang talumpati. 9. mahusay ___________ Ang ate ay mahusay sa Agham. ___________ Mahusay gumuhit ang binata. 10. mabagal ___________ Ang usad ng trapiko sa EDSA ay mabagal. ___________Ang pagong ay mabagal na hayop.

Manwan ng Guro sa Alab ng Filipino 5

9

Susi saPagwawasto

Balikan 1. 2. 3. 4. 5.

bawasan galit magaspang ikinahihiya natutuwa

Gawain 1 1. PA 2. PU 3. PA 4. PU 5. PU 6.PA 7. PU 8.PU 9. PA 10.PA

Gawain 2 1. totoong-pamaraan 2. sa Paaralang Sentral-panlunan 3. sa balag-panlunan 4. sa ilalim ngpunong mangga-panlunan 5. maingat-pamaraan 6. araw-araw-pamanahon 7. mahusay-pamaraan 8. masusing-pamaraan 9. masaya-pamaraan 10.tuwing hapon-pamanahon Gawain 3- ( Iba iba ang maaaring kasagutan ng mga mag-aaral) Pagtatasa/ Pagtataya 1. Pang-uri Pang-abay 2. Pang-uri Pang-abay 3. Pang-abay Pang-uri 4. Pang-abay Pang-uri 5. Pang-uri Pang-abay

6. Pang-abay Pang-uri 7. Pang-abay Pang-uri 8. Pang-uri Pang-abay 9. Pang-uri Pang-abay 10. Pang-abay Pang-uri

10

Talaan ng Ispesipikasyon(for teachers) Learning Competency/Code: Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan ng kilos F5WG-IIId-e-9

Remembering/ Understanding Applying/ Pag-alala /Pag-unawa Paglalapat 1-10

11

Analyzing/ Pagsusuri

Evaluating/ Creating/ Pagtataya Pagbubuo...


Similar Free PDFs