AP10 M2 imeldavaldez - n/a PDF

Title AP10 M2 imeldavaldez - n/a
Course Accounting
Institution Araullo University
Pages 23
File Size 1.6 MB
File Type PDF
Total Downloads 96
Total Views 142

Summary

n/a...


Description

10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 2: Isyung Pang-Ekonomiya

AIRs - LM

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 2: Isyung PangEkonomiya Unang Edisyon, 2020 Karapatang sipi © 2020 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Imelda H. Valdez Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph.D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS Mario B. Paneda, Ed.D., EPS in Charge of Araling Panlipunan Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 2: Isyung Pang-Ekonomiya

Sapulin Ang bahaging ito ng modyul ay isunulat upang makatugon sa iyong pangangailangan bilang isang mag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu. Ikaw ay bibigyan ng karanasang magsuri, humanap at bumuo ng mga solusyon sa mga suliranin at isyu na kinakaharap ngayon ng mga manggagawang Pilipino. Sa pagtalakay sa isyu sa paggawa, malaking hamon ngayon sa ating bansa ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan sa tinatawag na new normal na sitwasyon. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay kung paano tutugunan ng ating pamahalaan ang mga isyu sa lipunan na lalong lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa na nagdulot ngayon ng matinding hamon sa mga manggagawang Pilipino.Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masagot ang tanong na “Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino?” Ang aralin na ito ay tumutukoy sa Mga Isyu sa Paggawa. Ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksa:  Paksa 1: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa  Paksa 2: Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t Ibang Sektor Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:  Naipapaliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:  Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa  Natataya ang implikasyon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa  Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin sa paggawa

1

Simulan

Panimula, subukan mong sagutin ang iba’t ibang g awain sa ibaba upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman sa mga paksang tatalakayin.

Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa iba’t ibang isyu sa paggawa dahil sa pag-iral ng mura at flexible labor. Aling pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor? A. ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalaayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya. B. ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng mababang pasahod. C. ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita sa pamamagitan ng malaking pasahod. D. ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kita at tubo sa pagpapatupad ng malaking pasahod. 2. Ang siguridad sa paggawa ay mahalaga sa isang manggagawa sa kanyang pinapasukang trabaho subalit patuloy pa rin ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa dito sa Pilipinas. Ano ang Iskemang Subcontracting? A. pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o mga indibidwal na contractor upang gawin ang isang trabaho sa isang takdang panahon. B. pagkuha ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho. C. pagkuha ng isang manggagawa upang gawin ang isang gawain sa loob ng 6 na buwan. D. ang isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ay kukuha ng isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho sa loob ng mas mahabang panahon. 3. Maraming mga outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga local at dayuhang namumuhunan ang nagsulpotan sa ating bansa.Ano ang epekto nito sa mga Pilipino? A. Nagkaroon ng maraming trabaho ang mga Pilipino B. Nagkaroon ng di mabuting epekto sa paggawa. C. Walang naidulot na pagbabago sa lifestyle ng maraming Pilipino D. Suliranin lamang ang idinulot nito sa pamumuhay ng tao.

2

4. Sa pagdami ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa, ipinatupad ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawa. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila dito sa ating bansa? A. Ipantay ang sahod ng mga manggagawa sa ibang bansa. B. Maiwasan ng mga namumuhunan ang krisis dulot ng labis na produksiyon at kikita ng malaki. C. Makakabuo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. D. Bababaan ang presyo ng mga produktong iluluwas sa ibang bansa. 5. Mahalaga ang proteksiyon ng mga manggagawa laban sa mababang pasahod at di makatarungang pagtanggal satrabaho bunsod ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga Pilipino? A. Pagrarally ng mga manggagawa laban sa mga kompanya. B. Hindi pagbili sa mga produktong dayuhan. C. Pakikipag-usap ng mga samahan sa mga may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng Collective Bargaining Agreement. D. Pagsabotahe sa mga kagamitan ng mga kompanya. 6. Maaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito? A. Inshoring B. Nearshoring C. Offshoring D. Onshoring 7. Ilan lamang ito sa mga naidulot ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito? A. Nawalan ng trabaho ang karamihan sa mga manggagawa. B. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard. C. Binago ng globalisasyon ang mga salik ng produksyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT Pragrams at iba pang mga makabagong kagamitan sa paggawa. D. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga local na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan. 8. Ayon sa DOLE, alin sa apat na haligi ng disente at marangal na paggawa ang may layuning tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho sa mga manggagawa? A. Social Dialogue Pillar B. Worker’s Rights Pillar C. Employment Pillar D. Social Protection Pillar 9. May mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Ano ang tinutukoy nito? A. International C. Multinational B. Lokal D. Transnational 3

10. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”? A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino. B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa. C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automated Teller Machince (ATM). D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas. 11. Karamihan sa mga manggagawang Pilipino ay sa labas ng bansa sila nagtatrabaho. Ano ang mahihinuha rito? A. Kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga mamamayan sa ibang bansa. B. Mas maliit ang oportunidad sa labas ng bansa. C. Walang mapasukang trabaho ang mga mamamayan sa bansa. D. Istrikto ang patakaran sa labas ng bansa. 12. Ayon sa ulat ng DTI taong 2010, pinakamalaking paglago sa ating bansa ay ang sector ng serbisyo na nangunguna ang industriya ng BPO, anong konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito? A. Pabago-bago ang paggawa sa ating bansa. B. Madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line. C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon na syang pangunahing kailangan ng mga BPOs. D. Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga imported. 13. Patuloy ang paglaganap ng contractualization sa paggawa ng malalaking kompanya sa bansa, ano ang konsepto ng contractualization sa bansa? A. Pag-eempleyo ng isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan. B. Pagkuha sa isang ahensiya sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon. C. Pagkuha ng isang indibidwal mula sa isang kompanya upang isagawa ang isang trabaho o serbisyo. D. Wala sa nabanggit 14. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino dahil sa pagsulpot ng mga Business Process Outsourcing, nagbago ang oras ng paggawa sa maraming kompanya, ano ang naging epekto nito sa kalusugan ng mga manggagawang Pilipino? A. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents na nagtatrabaho sa gabi. B. Umangat ang kalidad ng mga manggagawang Pilipino. C. Natuto sila sa paghuhulog, pagdedeposito, pagbabayad at pagwiwidraw sa mga Automated Teller Machine. D. Dumami ang nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi.

4

15. May mga ahensiya ang nangangalaga sa kapakanan ng ating mga Mangagawa upang bigyang proteksiyon ang kanilang mga karapatan. Anong Ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino? A. Bureau of Internal Revenue (BIR) B. The Commission on Human Rights (CHR) C. Department of Agriculture (DA) D. Department of Labor and Employment (DOLE)

Gawain 2: Awit- Suri Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kanta at sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutan papel. PANDAIGDIGANG AWIT NG MANGGAGAWA Eugene Potier- Kompositor Leonardo Santos-Malayang Salin sa Filipino Bangon sa pagkakagupiling, Bangon ka uring alipin Sa daigdig iyong sikapin, Sosyalismo’y tanghalin Halina at ating usigin, laya nating sinisiil Buhay, dugo ay puhunanin, tanikala ay lagutin Koro: Ito’ huling paglalaban, tunay na kalayaan Ng manggagawa sa buong daigdigan Wala tayong maaasahan, Lingap sa mga gahaman Kaya tayo magbagong buhay, Hirap nati’y lunasan Manggagawa huwag mong tulutan, Apihin ka habang buhay Hanapin mo ang kalayaan, Panlulupig ay wakasan *Mula sa Sarisaringsaliksik.blogspot.com>int.

Mga Tanong: 1. Ano ang gustong ipahiwatig ng kanta? __________________________________________________________________________________ 2. Ito ba ay tumutuligsa sa mga gawain ng ating pamahalaan pati na ang mga panlabas na kaganapan? Patunayan ang sagot. __________________________________________________________________________________ 3. Kung susuriin ang huling bahagi ng awitin, ano ang magagawa mo para makatulong sa kalagayan ng ating mga manggagawa? __________________________________________________________________________________

5

Gawain 3: Dugtungan Mo Panuto: Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa paggawa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga angkop na salita o parirala. 1 Ang Sektor ng Industriya ay may layuning _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________. 2. Magiging maayos ang kalagayan ng mga magsasaka sa Sector ng Agrikultura kung _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________. 3. Mahalaga ang Sektor ng Serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito ang _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________. 4. Ang “mura at flexible labor” ay patuloy na lumalala dahil sa patuloy na krisis dulot ng Pandemic (Covid-19), maiiwasan ang ganito kung _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________. 5. Ang epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa ay _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________.

6

Lakbayin

Aralin I: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa Malaking hamon sa ating bansa ang pagharap natin sa tinatawag na “new normal”, mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisasyon. Mas naging bukas ang kaisipan ng mga mamamayang Pilipino sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal sa pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Sa unang aralin ng modyul, nabatid mo ang naging impact ng globalisasyon sa bansa sa pagbabago sa kaisipan at perspektibo ng mga mamamayan. Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang nasolusyunan bagkus ito ay patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap ngayon sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng:  Mababang pasahod  Kawalan ng seguridad sa pinapasukang trabaho  “job-mismatch” bunga ng mga job-skills mismatch  Iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa  Mura at flexible labor  Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:  Una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard  Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga local na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan  Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa, at  Pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kayat madali lang sa mga namumuhunan ang magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto Sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE),kailangan iangat ang antas ng kalagayan ng mga mangagawang Pilipino tungo sa isang disente at

7

marangal na paggawa. Ang mga sumusunod ay ang apat na haligi upang makamit ang mga layuning ito na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa:  Employment Pillar- tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa.  Worker’s Rights Pillar- palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.  Social Protection Pillar- hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksiyon ng mga manggagawa.  Social Dialogue Pillar- palakasin ang lagging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pammahalaa, mga manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga Collective Bargaining Unit

Aralin 2: Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor Ang Unemployment o kawalan ng trabaho ng mga taong may wastong gulang at mabuting pangangatawan ay isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang bunga ng kawalan ng mga oportunidad o pagkakataong makahanap ng trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at sa kailangan ng mga may negosyo. Ang Underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agricultural. Tinataya na maraming nagtatrabaho ang Underemployed. Sila ang manggagawa na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag pang hanapbuhay. Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang maging katanggap-tanggap sila, tinatawag ito ngayong homebase entrepreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking, real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de signature, damit, food supplements, organic products, load sa cellphone at iba”t ibang produktong surplus mula sa mga kapitalistang bansa. A. Sektor ng Agrikultura Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga local na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang local. Lubusang naapektuhan ang mga magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.Mas maraming insentibo nag naipagkakloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Isa pang suliraning kinakaharap ng mga local na magsasaka ay ang kakulangan para sa patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa bansa lalo na kapag may mga nananalasang sakuna. Ang paglaganap ng mga patakarang neo-liberal sa bansa simula dekada 80’s, nagpatuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang industriya sa bansa. Kasabay nito ang pagliit ng lupang agricultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.

8

Nagbunga ang mga pangyayaring ito ng pagkasira ng mga biodiversity, kakulangan sa mga sakahan at nawasak ang mga mabubuting lupa na mainam na taniman. B. Sektor ng Industiya Lubusang naapektuhan ng pagpasok ng nga TNCs at iba pang dayuhang kompanya ang sector na ito bunsod ng naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga imposisyon ng IMFWB bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalization, tax incentives sa mga TNCs, deregulasyon ng mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Isa sa mga halimbawa ng industriya na lubusang naapektuhan ng globalisasyon ay ang malayang pagpasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telekomonikasyon, beverages, mining,at enerhiya kung saan karamihan sa mga kaugnay na industiya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap at pasahod sa mga manggagawa ay naaayon sa kanilang mga pamantayan at polisiya. Kaakibat nito ang ibat ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga mangagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, at kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa. C. Sektor ng Serbisyo Mapapansin din ang patuloy na paglago ng bilang ng mga uring manggagawa na di-regular o nasa ilalim ng Iskemang Sub-contracting. Ang ganitong sistema ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensya o indibidwal na sub contractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. Ito ay may dalawang umiiral na anyo:  Ang Labor-only Contracting kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang ipinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.  Ang Job Contracting naman ang subcontractor ay may sapat na puhunan upang isagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa mga produksiyon. Iniangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa demand ng globally standard na paggawa. Bunga naman nito ang patuloy na pagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho (Unemployment), walang sapat na trabaho ( Underemployment), at nagkakaroon ng Brain Drain dahil nagpupunta na ang mga magagaling na manggagawa sa ibang bansa at kaunti na lamang ang natira sa ating bansa na makakatulong sa pagunlad nito. Malayang naipapatupad ng mga kapitalista ang iskemang kontraktuwalisasyon para ibaba ang gastos sa paggawa. Laganap ang kalakaran ng mga manggagawang kontraktuwal o naeempleyo sa pammagitan ng ahensiya.

9

Isinaayos ng pamahalaan ang tinatawag nilang The Philippine Labor and Employment Plan 2011-2016 n...


Similar Free PDFs