AP8 q3 mod2 v4-converted word file for AP 8 module 2 for third grading PDF

Title AP8 q3 mod2 v4-converted word file for AP 8 module 2 for third grading
Course BSED major in Social Science
Institution Holy Name University
Pages 24
File Size 1.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 220
Total Views 330

Summary

Araling PanlipunanQuarter 3 – Module 2Paglawak ngKapangyarihanng EuropeDevelopment Team of the ModuleAuthor: Reviewers: Illustrator & Layout Artist: Management Team Chairperson:Angeline M. Esconde Norebel A. Balagulan, PhD J ay Michael A. Calipusan Elvira Ruvi U. CamocamoJesnar Dems S. Torres, P...


Description

Araling Panlipunan Quarter 3 – Module 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

Araling Panlipunan - Grade 8 Alternative Delivery Mode Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe First Edition, 2020 Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalty. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education – Division of Gingoog City Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Development Team of the Module Author: Reviewers: Angeline M. Esconde Norebel A. Balagulan, PhD Illustrator & Layout Artist: Jay Michael A. Calipusan Elvira Ruvi U. Camocamo Management Team Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Schools Division Superintendent Co-Chairpersons:

Conniebel C. Nistal, PhD Assistant Schools Division Superintendent Pablito B. Altubar CID Chief

Members Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – AralingPanlipunan Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Gingoog City Office Address: Telefax: E-mail Address:

Brgy. 23, National Highway, Gingoog City 088 328 0108/ 088328 0118 [email protected]

8 Araling Panlipunan Quarter 3 - Module 2 Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

Tala ng mga Nilalaman Paunang Salita .................................................................................................................. i Alamin ............................................................................................................................... i Pangkalahatang Panuto................................................................................................... ii Mga Icon ng Modyul na ito............................................................................................ ii Subukin.............................................................................................................................. iii Panimulang Pagtataya.................................................................................................. iii Aralin 1: Yugto sa Kasaysayan ng Europa: Panahon ng Pagtuklas at Paglalakbay Alamin.........................................................................................................1 Gawain 1: Suriin Mo................................................................................ 1 Suriin .......................................................................................................... 2 Gawain 2: Basahin at Matuto!.................................................................. 2 Pagyamanin ................................................................................................ 3 Gawain 3: Halina’t Sagutan Natin............................................................ 3 Gawain 4: Tara’t Ating Tuklasin!.............................................................. 4 Isagawa ...................................................................................................... 5 Gawain 5: Pangarap Ko, Isagawa Ko!..................................................... 5 Aralin 2: Paglakas ng kapangyarihan ng mga Kanluranin Balikan ........................................................................................................ 6 Gawain 1: Pares Ko, Pares Mo!.............................................................. 6 Suriin .......................................................................................................... 7 Gawain 2: Basahin at Matuto!.................................................................. 7 Pagyamanin ................................................................................................ 9 Gawain 3: Sagutan Mo!...........................................................................9 Isaisip......................................................................................................... 9 Gawain 4: Halina’t Isipin Natin!................................................................ 9 Isagawa....................................................................................................... 9 Gawain 5: Sanaysay................................................................................ 9 Buod .................................................................................................................................. 10 Pagtatasa .......................................................................................................................... 11 Susi sa Pagwawasto........................................................................................................13 Sanggunian ....................................................................................................................... 14

Paunang Salita Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval and nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig. Sa module na ito tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.

Alamin Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ngg daigdig. Matatagpuan dito ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome sa Italy, Paris sa France, at London sa Great Britain. Ang mga lunsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang pasyalan at maging ang nangungunang train system sa buong daigdig. Kontribusyon sa malawak na pag-unlad ng Europe ang lahat ng ito. Nakapaloob sa modyul na ito ang araling: Paglakas ng Europe Sa Araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod: 1. Nasusuri ang mga sumusunod na yugto sa kasaysayan ng Europa: a. Panahon ng Pagtuklas at Paglalakbay b. Kolonyanismo c. Imperyalismo

i

Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay sa paggamit ng Modyul na ito: 1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. 2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan. 3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. 4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul na ito

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

ii

Subukin Panimulang Pagtataya Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang panimulang pagtataya. Isula ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyan pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito. 1. Kailan nagsimula ang paggalugad at pagtuklas ng Europa? a. 1400 hanggang katapusan ng ika-15 siglo b. 1425 hanggang katapusan ng ika-10 siglo c. 1425 hanggang katapusan ng ika-15 siglo d. 1415 hanggang katapusan ng ika-17 siglo 2. Ano ang tawag ng pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa ng ibang lupain upang isulong ang mga pansariling interes nito? a. Imperyalismo b. Nasyonalismo c. Komunismo d. Nasyonalista 3. Sinong Prinsipe ang may malaking kontribusyon sa pagtuklas ng mga kaalaman sa paglalayag sa buong Europe? Nagpasimula siya ng ekspedisyon at mga pananaliksik na nakatulong sa pagtuklas ng mga bagong ruta at mga kaalaman sa heograpiya ng Europe. a. Prinsipe Luther b. Prinsipe Henry c. Prinsipe Charles d. Prinsipe Columbus 4. Sino ang unang nakarating sa Silangang Africa na naging tuntungan ng mga Portugese patungong India? a. Amerigo Vesoucci b. Ferdinand V c. Vasco da Gama d. Christopher Columbus 5. Sino ang isang marinong Italian, na sa kanyang panukala ang mga Espanyol ay naglayag pakanluran patungong Asya? Taong 1492 nang maglayag siya patawid ng Atlantic Ocean at narating ang ilang teritoryo sa Carribean o West Indies. a. Amerigo Vesoucci b. Ferdinand V c. Vasco da Gama d. Christopher Columbus

iii

6. Ang ang nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang upang sukatin ang taas ng bituin. a. Tape measure - ruler b. Relo- steel tape c. Compass- astrolabe d. Wala sa nabanggit. 7. Ito ay gamit bilang pampalasa sa mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. a. Pabango b. Sabon c. Asin d. Spices 8. Anong tawag sa linya na humahati sa kanluran at silangang bahagi ng daigdig upang matigil ang tunggalian ng Portugal at Spain? a. Marker b. Line of Demarcation c. Line of Origin d. Wala sa nabanggit. 9. Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain? a. Pope Francis b. Pope Chistopher c. Pope John d. Pope Alexander VI 10. Sinong Portuges ang naglakabay sa rutang pakanluran tungong Silangan na itinama ang lumang kaalaman na ang mundo ay patag dahil nakabalik ang kanyang barkong Victoria sa Spain kahit napatay siya. a. Ferdinand Magellan b. Vasco da Gama c. Ferdinand V d. Christopher Columbus

iv

Aralin

1

Yugto sa Kasaysayan ng Europa: Panahon ng Pagtuklas at Paglalakbay

Alamin Matapos mong matalakay ang mga salik sa paglakas ng Europe, Renaissance at Repormasyon, bibigyan diin naman sa araling ito ang naging paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malaman kung paano ito nangyari? Paano kaya nakatulong ang paglawak ng kapangyarihan ng Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil handa ka na para sa mga gawain sa araling ito. Simulan mo na.

Gawain 1: Suriin Mo! A. Suriin ang kasunod na mga larawan kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay. Isulat sa sagutang papel ng bawat larawan ang naiisip mong naiututulong sa iyo ng mga ito.

https://elearningindustry.com/top10-books-every-college-student-read

https://www.tes.com/lessons/gRuS LJs1IIf2nA

https://www.tibco.com/blog/2015 / 08/25/en-route-keys-to-valuedriven-iot-deployments-intransportation-and-logistics/

NAITUTULONG SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY 1

Suriin Gawain 2: Basahin at Matuto! Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo ay nagsimula noong ika-15 siglo. Ito ang nagbigay daan sa KOLONYALISMO na ang ibig sabihin ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: 1.Paghahanap ng kayamanan: 2.Pagpapalaganap ng kristiyanismo; at 3.Paghahangad sa katanyagan at karangalan. Nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo na maaaring tuwiran o di-tuwirang pananakop noong ika-15-17 siglo. Ang imperyalismo ay ang paghihimasok, pagiimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa. Hindi na sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa ilang salik. Ito ang mausisa na pag-aaral ng mga monarkiya sa paglalakbay at ang pagpapaunlad sa sasakyang pandagat at mga instrumentong pangnabigasyon dahil kailangan ito sa kanilang paglalakbay upang mapagtagumpayan ang maraming pagsubok na kanilang kinakaharap. Nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig ang nasabing eksplorasyon. Ang mga karagatan ay naging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo sa panahon ng eksplorasyon.

Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon Para sa mga Europeo ang Asya ay isang kaakit-akit na lugar kahit na ang kanilang kaalaman tungkol nito ay limitado at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta. Napukaw ang kanilang paghahangad na makarating dito dahil sa paglalarawan na mayaman ang lugar na ito. Sa aklat na “The Travels of Marco Polo” (circa 1298) ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China at naghikayat sa mga Europeo na marating ang China. Samantala, si Ibn Battuta Muslim na Muslim na manlalakbay ay nagtala sa kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Ang tala nina Marco Polo at Ibn Battuta ay nakadagdag sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya. Kontrolado ng mga Muslim ang rutang dinaanan sa kanlurang Asya sa panahong ito. Sa pagkatuklas ng compass at astrolabe, parang sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal. Kapwa malaki ang tulong nga dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay ang compass habang ang astrolabe naman ay para sukatin ang taas ng bituin. Ang Portugal at Spain ang dalawang bansa sa Europe na nagsimula sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. Dahil kay Prinsipe Henry “ the Navigator” na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kanyang panahon, nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo. Pangarap niyang makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal. Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-6 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalakaing imperyo ng mga Europeo na nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain. 2

Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Issabella kay Ferdinand ng Aragon. Sa pamamagitan ng kanilang suporta nananatili ang kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista sa kanilang paghahari. Naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France, at Netherlands noong ika-17 na siglo. Ito ang nagbibigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing sa Silangan.

Pagyamanin Gawain 3: Halina’t Sagutan Natin! Panuto: Sagutin ang tanong sa mga kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano-ano ang motibo at salik sa Eksplorasyon? Motibo

Salik

Suriin Ang Paghahanap ng Spices Mula noong ika-13 na siglo ay nagdepende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang mga paminta, cinnamon at nutmeg. Kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya. Bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice ang mga mangangalakal na Tsino at Indian. Ang ganitong uri ng kalakalan ay nag-akyat ng malaking kita sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal ng direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan. Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain, pagpreserba ng mga karne, panghalo sa mga pabango, kosmetiks, at medisina.

Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad Ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggagalugad sa karagatan ng Atlantic ay ang Portugal dahil gusto nitong makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya. 3

Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na tanging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Nagpakilala ang paglalakbay ni Dias na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinapamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedesyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hinu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal sa kanila ngunit di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang bayani. Dahil din sa kanya kaya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon din ag maunlad na kalakalan. Si Prinsipe Henry, anak ni Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensya ng nabigasyon sa bansa. Dahil siya ang naging patron ng mga manlalakbay ikinabit sa pangalan ni Prinsipe Henry ang katawagang “The Navigator.” Sa mga paglalakbay na kanyang itinaguyod ay nakarating siya sa Azores, Isla ng Madeiram, at sa mga isla ng Cape Verde.

Pagyamanin Gawain 4: Tara’t ating Tuklasin! Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. 1. Ano ang dahilan sa paghahanap ng spices sa mga Europeo sa Asya? 2. Magtala ng maiksing konsepto sa bawat kaganapan ng eksplorasyon

1420

1497

1488

4

Prince Henry

Isagawa Gawain 5: Pangarap ko! Isagawa ko! Sa panahon ng eksplorasyon, maraming ginawa ang mga Europeo upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ikaw, bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang makamit mo ang iyong pinapangarap sa buhay ngayong nagkaroon ng pandemic ang buong mundo?

Ang aking magagawa para sa aking pangarap.

__

5

Aralin

2

Paglakas ng Kapangyarihan ng mga Kanluranin

Balikan Balikan natin ang nakaraang paksa kung natatandaan pa ninyo ito.

Gawain 1: Pares ko! Pares mo! Panuto: Hanapin sa Hanay A ang katugmang pahayag ng nasa Hanay B. Hanay A

Hanay B a. Nagbibigay ng tamang direksyon habang

1. Imperyalismo

naglalakbay b. Bansang kompetensiya ng Portugal sa

2. Marco Polo 3. Spain

eksplorasyon c. Gamit upang sukatin ang taas ng bi...


Similar Free PDFs