AP9 Q3 M2 - n/a PDF

Title AP9 Q3 M2 - n/a
Course Accounting
Institution Araullo University
Pages 16
File Size 666.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 441
Total Views 513

Summary

AralingAIRs - LM9Araling PanlipunanIkatlong Markahan - Modyul 2:Pamamaraan at Kahalagahan ngPagsukat ng Pambansang KitaAraling Panlipunan 9Ikatlong Markahan - Modyul 2: Pamamaraan at Kahalagahan ng Pagsukatng Pambansang KitaUnang Edisyon, 2021Karapatang sipi © 2021La Union Schools DivisionRegion IAn...


Description

9 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul 2: Pamamaraan at Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

AIRs - LM

Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan - Modyul 2: Pamamaraan at Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita Unang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Christopher D. Caranta Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: ATTY. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph.D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II

Sapulin

Maraming pangyayari ang hindi inaasahan sa ating bansa dala ng COVID19. Lahat ay apektado sa suliraning dala ng pandemya. Isa sa pinakaapektado rito ay ang ekonomiya ng ating bansa, ramdam ito ng lahat. Marami ang ating naririnig at nababasa na habang tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit ay bumubulusok naman pababa ang ekonomiya ng ating bansa. Ngunit ano nga ba ang mga basehan para masabing maganda o hindi maganda ang ekonomiya ng isang bansa? Ang modyul na ito ay isinulat at dinesenyo upang maging gabay sa pag-aaral upang magkaroon ng higit na kaalaman kung anu-ano ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita at kung bakit napakahalagang masukat ang pambansang kita. Bilang isang mag-aaral, kailangang maunawaan mo ang mga iba’t-ibang paraan at kahalagahan ng pagsukat sa pambansang ekonomiya dahil malaki ang iyong gampanin dito. Sa modyul na ito ay gagabayan ka na maunawaan at maisapuso ang mga kaalamang saklaw ng Kasanayang Pampagkatuto na: •

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita

Karagdagan nito, mapapalawak din ang iyong pag-unawa, kakayahan at kaalaman upang matugunan ang mga sumusunod na kasanayan. • • • •

Natutukoy ang konsepto at kahalagahan ng pambansang kita, Napaghahambing ang Gross National Product at Gross Domestic Product, Naipapaliwanag ang mga pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita, Naipapakita sa pamamagitan ng sining (poster) ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita

Handa ka na bang palawakin ang iyong kaalaman? Inaasahan sa modyul na ito ang iyong aktibong pagsunod sa bawat gawain upang makamit ang kompetensing ninanais at matatamo.

1

Simulan

Ang mga paunang gawain sa modyul na ito ay tutuklas sa iyong kaalaman patungkol sa pambansang kita at kung bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa.

Gawain 1: Pic-Tuklas Panuto: Suriin ang ipinapahiwatig ng larawan sa abot ng iyong makakaya. Matapos ang pagsusuri, punan ang pahayag.

Pinagkunan: https://pinoyweekly.org/category/opinyon/kolum/editoryal-kolum

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay_____________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________.

2

Gawain 2: Alam Ko Ito! Panuto: Lagyan ng tsek (√) bago ang bilang kung may kaalaman na sa paksa kung wala naman ay lagyan ito ng ekis (X) bago ang bilang . 1. Ang produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income. 2. Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor. 3. Ang Gross National Product ay ang halaga ng produksiyon ng mamamayan sa loob at labas ng pambansang ekonomiya. 4. Ang kinita ng mga dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa. 5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya. 6. Ang Gross National Income na dating tinatawag na Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa bansa. 7. Ang subsidiya ay salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. 8. Kabilang sa pagsukat ng Gross National Income ay ang paraan batay sa paggasta, paraan batay sa pinagmulang industriya at paraan batay sa kita. 9. Kailangan ang datos sa pagsukat ng pambansang kita upang ito ay maging kapani-paniwala. 10. Ang Gross National Income ay sinusukat gamit ang salapi ng ibang bansa. Mga Pamprosesong Tanong 1. Matapos mong sagutan ang gawain, ilan na ang alam mo patungkol sa na paksa? Ilan naman ang hindi mo nalalaman? 2. Base sa iyong kasagutan, ano ang mabubuo mong hinuha batay sa lawak ng iyong kaalaman sa paksa? 3. Ano ang iyong paunang pagkakaunawa sa paraan at kahalagahan pagsukat ng pambansang kita?

3

Lakbayin Malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsukat ng economic performance nito. Madalas na ginagamit ang kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Kahalagahan ng Pagsukat sa Pambansang Kita Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang aklat na Economics Principles, Problems, and Policies (1999) ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod: 1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. 2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may magaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa. 3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga magpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mgamamamayan at makapagtataas sa economic performance ng bansa. 4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala. 5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

Gross National Income Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng ng isang taon. Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar ng US. Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Sa pagkuwenta ng GNI, 4

hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Halimbawa, kung ang sinulid ay ibibilang din ang damit na gumamit ng sinulid bilang sangkap, nagpapakita ito na dalawang beses ibinibilang ang sinulid. Kaya naman para ito ay maiwasan, hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang sangkap sa nabuong produkto. Sa halip isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama sa halaga ng damit. Hindi rin isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga hindi pampamilihang gawain, kung walang kinikitang salapi. Isang halimbawa nito ang pagtatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa pansariling pagkonsumo ng pamilya. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy tulad ng mga naglalako sa kalsada, nagkukumpuni ng mga sirang gamit sa bahay bahay, at nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa ay hindi na isinasali sa pagkuwenta ng GNI. Ito ay dahil sa hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga ng kanilang produksiyong masusukat. Ang mga produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng GNI dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang. Pagkakaiba ng Gross National Income (GNI) sa Gross Domestic Product (GDP) Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito ginawa. Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito. Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga dayuhan dahil hindi naman sila mamamayan ng Pilipinas. Halimbawa, ang kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa ibang bansa ay ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross Domestic Income sa bansang kanilang pinagtatrabahuan, ngunit hindi kabilang sa pagkuwenta ng kanilang Gross National Income. Sa halip ang kinita nng mga OFW ay isinasama sa Gross National Income ng Pilipinas. Mga Paraan ng Pagsukat ng sa GNI Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National Income: (1)pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach), (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach) at (3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach). 1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach) Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod: 5

a.Gastusing Personal (C) - napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito. b.Gastusin ng mga namumuhunan (I) - kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa. c.Gastusin ng pamahalaan (G) - kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng ng mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin. d.Gastusin ng panlabas na sektor (X - M) - makukuha ito kung ibabawas ang iniluwas o export sa inaangkat o import. e.Statistical Discrepancy (SD) - ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon. f.Net Factor Income from Abroad (NFIFA) - tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa. Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o expenditure approach ay: GNI = C + I + G + (X -M) + SD + NFIFA. 2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (IndustrialOrigin/Value Added Approach) Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya sa bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura,industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa. 3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach) a.Sahod ng mga manggagawa - sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan b.Net Operating Surplus - tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinapatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo c.Depresasyon - pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon d.Di-tuwirang buwis - Subsidiya 1.Di-tuwirang buwis - kabilang dito ang sales tax, custom duties, lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis. 2.Subsidiya - salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo.

6

Galugarin

Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin mo bilang isang mag-aaral ang nabuo mong kaalaman ukol sa mga Gross National Income at Gross Domestic Product at sa mga paraan ng pagsukat nito.

Gawain 1.GNI o GDP Panuto: Isulat ang GNI kung ang pahayag ay may kinalaman sa Gross National Income at GDP kung ang pahayag ay may kinalaman sa Gross Domestic Product. 1. Ang mga produktong segunda mano ay hindi isinasali sa pgkuwenta rito dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bago pa lamang. 2. Sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. 3. Sinusukat gamit ang salapi ng ibang bansa. Para sa paghahambing ginagamit na pamantayan ang pera ng US. 4. Kalimitang sinusukat ito sa bawat quarter o sa loob ng isang taon. 5. Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto o serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta nito. 6. Sa pagkuwenta nito ay hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon. 7. Hindi isinasali sa pagkuwenta nito ang hindi pampamilihang mga gawain. 8. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor ay hindi kabilang sa pagkuwenta nito. 9. Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na nasa loob ng bansa ay kabilang dito. 10. Ang kita ng mga dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang dito dahil dahil dito sa bansa nabuo.

7

Gawain 2: Sukatin Mo! Panuto: Isulat sa kahon bago ang bilang ang EA kung may kinalaman sa Expenditure Approach, IO kung may kinalaman sa Indusrial Originat at IA kung may kinalaman sa Income Approach. 1. Napapalob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit paglilibang, serbisyo, ng manggugupit ng buhok, at iba pa. 2.Kabilang ang mga gastos ng bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa. 3.Kasama riro ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pa. 4.Sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa bahay kalakal 5.Binubuo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo. 6.Makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import. 7.Anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. 8.Pagbaba ng ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon. 9.Nakukuha kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa. 10.Sa paraang ito, masususkat ang Goss Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng pangunahing industriya ng bansa.

8

Palalimin

Sa bahaging ito ng modyul ay pagtitibayin at palalalimin mo bilang magaaral ang mga nabuo mong kaalaman tungkol sa mga paraan at kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita. Kaya gawin mo nang buong husay ang inihandang gawain para rito.

Gawain 1: Paghambingin Mo! Panuto: Mula sa naipong kaalaman, punan ang mahahalagang impormasyon ang Venn Diagram upang makita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Gross National Income at Gross Domestic Product. Gawin ito nang buong husay.

Gawain 2: Posterific! Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita. Maging gabay ang rubrik sa paggawa ng poster.

9

Rubrik para sa poster Pamantayan Impormatibo

Malikhain

Kalinisan

4 Angkop na angkop at eksakto ang kaugnayan sa paksa. Gumamit ng maraming kulay at kagamitan na may kaugnayan sa paksa.

3 May kugnayan sa paksa.

Gumamit ng kulay at iilang kagamitan na may kaugnayan sa paksa. Maganda,malinis Malinis ang at kaaya-aya sa ginawang paningin ang poster. ginawang poster.

2

1

May maliit na kaugnayan sa paksa.

Walang kaugnayan sa paksa.

Makulay subalit hindi tiyak ang kaugnayan sa paksa.

Hindi gumamit ng kulay ngunit may kaugnayan sa paksa. Marumi ang pagkagawa ng poster.

Ginawa ng apurahan ngunit hindi marumi.

Sukatin

Pangwakas na Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang kasagutan. 1. Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan sa pagsukat sa Gross National Income.? Alin ang HINDI kabilang dito? A.Income Approach B.Economic Approach C.Expenditure Approach D.Value Added Approach 2. May mga piling sektor panlipunan na kung minsan ay nakatatanggap ng tulong sa pamahalaan ng walang kapalit. Ano ang tawag sa salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo? A. Buwis B.Depresasyon C.Puhunan D.Subsidiya 3. Alin sa sumusunod ang HINDI kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita? A.Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa laki ng subsidiya na ibibigay sa mga taga ibang bansa. B.Masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad.

10

C.Gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran na magpatataas ng economic performance ng bansa D.Sa pamamagitan ng National Income Accounting, masusukat ang kalusugan ng ating ekonomiya 4. Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa? A.Gross National Income B.Gross Domestic Income C.Net Factor Income D.Net National Income 5. May mga ibat-ibang paraan para masukat ang Gross National Income ng ating bansa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan batay sa kita o Income Approach? A.Di-tuwirang buwis B.Net Operating Surplus C.Gastusing Panlabas D.Sahod ng mga manggagawa 6. Bakit hindi isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground economy? Dahil___________ A. kasali ito sa Gross Domestic Product B. napakahalaga nito sa daloy ng ekonomiya C. walang dokumentong mapagkukunan ng datos upang masukat D. maliit lang ang kinikita dito hindi katulad ng pormal na sektor 7. Ano ang tawag sa pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma na bunga ng tuloy tuloy na paggamit at paglipas ng panahon? A.Depresasyon B.Statistical discrepancy C.National product D.Value add...


Similar Free PDFs