BAHAGI NG PANANALIKSIK O PAMANAHONG PAPEL PDF

Title BAHAGI NG PANANALIKSIK O PAMANAHONG PAPEL
Course Komunikasyon Sa Akademikong Filipino
Institution Far Eastern University
Pages 3
File Size 104.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 351
Total Views 872

Summary

BAHAGI NG PAMANAHONG PAPELMGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERSa) Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kan...


Description

BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS a) Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito. b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito. c) Dahong Pagpapatibay – ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel. d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan. e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. g)

Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO a)

Ang Panimula o Introduksyon >ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

b)

B. Layunin ng Pag-aaral > inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. >Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c)

Kahalagahan ng Pag-aaral > inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.

d)

Saklaw at Limitasyon >tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik

e)

Definisyon ng mga Terminolohiya >ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan. Maaaring itong: Operational na Kahulugan – kung paano ito ginamit sa pananaliksik Conceptual na Kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA   

tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon. gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan. KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK a. Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. b. Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey. c. Instrumento ng Pananaliksik – inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. d. Tritment ng mga Datos – inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente. KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS



Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri. KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

a)

Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

b)

Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.

c)

Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik. MGA PANGHULING PAHINA



Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.



Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano p...


Similar Free PDFs