Title | Banghay-aralin sa Matematika 1: Sample Lesson Plan in Mathematics 1 |
---|---|
Course | Bachelor of Elementary Education |
Institution | Nueva Ecija University of Science and Technology |
Pages | 6 |
File Size | 439 KB |
File Type | |
Total Downloads | 361 |
Total Views | 895 |
Republika bg Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III Sangay ng Nueva Ecija Purok ng PeñarandaPAARALANG ELEMENTARYA NG STO. TOMASBanghay-aralin sa Matematika 1I. LAYUNIN Natutukoy ang bahagi ng orasan. Naisusulat ng wasto ang oras at minuto. (M1ME-IVb-3) Nasasabi ang kahalagahan ng tamang p...
Republika bg Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III Sangay ng Nueva Ecija Purok ng Peñaranda PAARALANG ELEMENTARYA NG STO. TOMAS
Banghay-aralin sa Matematika 1 I. LAYUNIN
Natutukoy ang bahagi ng orasan. Naisusulat ng wasto ang oras at minuto. (M1ME-IVb-3) Nasasabi ang kahalagahan ng tamang pagbasa ng oras.
II. PAKSANG-ARALIN Aralin: Paggamit ng Orasan – Pagsasabi at Pagsusulat ng Oras Batayan: Patunubay ng Guro, pahina 238-240 K-12 Curriculum Elementary Math 1 Most Essential Learning Competencies (MELCs) Mga Kagamitan sa Pagtuturo: Powerpoint Presentation, Bingo Game Cards para sa mga mag-aaral Pagpapahalaga: Pagbibigay importansya sa wastong pagsulat at pagbasa ng oras III. PAMAMARAAN A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pagdarasal Ang mga mag-aaral ay magdadasal kasabay ang guro. 2. Pagbati sa guro at kapwa kamag-aral Babati ang guro at mag-aaral sa bawat isa sa kanilang virtual class. 3. Pagsasaayos ng Sarili Dahil nasa bahay lamang, sisiguraduhin ng guro kung nakaligo na ba ang mga mag-aaral at kung maayos ang kanilang lugar na pinag-aaralan. 4. Pagtsetsek kung may lumiban sa klase Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung lahat ba ay asa virtual class.
5. Energizer Pag-awit ng “Telling Time Song”. B. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay Laro: Magpapabilisan ang mga mag-aaral na masagot and susunod na bilang sa pattern na ibibigay ng guro sa skip counting by 5.
5, 10, ____
25, 30, ____
40, 45, ____
2. Pagbabalik-aral Magbibilang ang mga mag-aaral gamit ang skip counting by 5. 3. Pagganyak Pagkwekwento gamit ang larawan Magpapakita ang guro ng mga sumusunod na larawan na gawain ng mga bata sa araw-araw at pagsusunud-sunurin ito ng mga magaaral at bubuo sila ng kwento sa tulong ng guro.
C. Paglalahad 1. Sasabihin ng guro sa mga mag-aaral na mayroon silang babasahin na kwento. 2. Ipapakita ng guro ang mga katanungan sa mga mag-aaral hinggil sa babasahing kwento:
a. Sino ang tauhan sa kwento? b. Saan papasok si Pamela?
c. Anong oras nagising si Pamela? d. Anu-ano ang mga paghahanda na kanyang ginagawa bago siya umattend ng kanilang klase? e. Anong oras ang simula ng klase nila Pamela? 3. Sisimulan na ang pagbabasa ng kwento. Papasok pa rin ako! Maagang gumising si Pamela dahil sabik sya sa pagpasok sa paaralan, at ang kakaiba pa ngayon ay sa bahay na ang kanyang paaralan dahil sa pandemya. Kahit sa bahay na ang kanyang paaralan, kailangan pa rin nya gumising ng maaga at maghanda. Araw-araw ay mayroon siyang isang oras para maging handa sa kanyang pagpasok sa paaralan. Si Pamela ay gumising ng ika-6 ng umaga, at kailangan nya ng labinlimang minuto para kumain, labinlimang minuto para maligo, labinlimang minuto para magbihis, at labinlimang minuto para ayusin ang kanyang lugararalan sa bahay. Anong oras kaya ang simula ng kanilang klase? D. Pagtalakay 1. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan: a. Sino ang tauhan sa kwento? b. Saan papasok si Pamela? c. Anong oras nagising si Pamela? d. Anu-ano ang mga paghahanda na kanyang ginagawa bago siya umattend ng kanilang klase? e. Anong oras ang simula ng klase nila Pamela? 2. Tatalakayin ng guro at mga mag-aaral ang: Bahagi ng orasan:
Bilang mula 1 hanggang 12. Maikling kamay – ito ay tumutukoy sa ORAS. Mahabang kamay – ito ay tumutukoy sa MINUTO.
3. Ituturo ng guro kung paano bilangin ang oras at minuto. 4. Pagpapahalaga: Bakit mahalaga ang pagbasa nang tama o wastong oras? E. Pagsasanay 1 Paggamit ng Orasan
Gamit ang virtual clock na ipapakita sa PPT, pagagalawin ng guro ang mga kamay ng orasan at tatawag ng mga mag-aaral upang tukuyin nang wasto ang oras. Halimbawa: 1:00, 2:30, 3:00, 5:40 at 8:30 F. Pagsasanay 2 Sabihin at isulat ng wasto ang oras na ipinakikita ng mga sumusunod na orasan.
G. Paglalahat Itatanong ng guro sa mga mag-aaral: Anu-ano ang mga bahagi ng orasan? Ano ang ibig sabihin ng maikling kamay? Ano ang ibig sabihin ng mahabang kamay? H. Paglalapat Bingo Time! Laro: Lalaruin ng mga mag-aaral at ng guro ang “Bingo Time Game”. Gagamitin nila ang Bingo Card Game na binigay ng guro sa kanilang mga magulang. Susundan ng bata ang mga sumusunod na pattern at kung sino ang una na makagawa ay siyang panalo.
na ma d.
at checheckan o kung ito ay asa
Magpapatuloy lamang ang laro hanggat walang nanalo.
IV. PAGTATAYA Isulat sa patlang ang oras na ipinakikita sa bawat larawan.
V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng iyong sariling orasan at siguraduhin na kumpleto ito ng bahagi. Maghanda na ipakita ito sa iyong mga kaklase bukas sa ating virtual classroom.
Inihanda ni:
MARISSA T. RANIT
Guro III Batid ang nilalaman:
EDGARDO L. PACUA Punongguro III...