Epekto ng “Online Learning Mode” sa Aspektong Sikolohikal ng mga Mag-aaral sa Kursong “Accountancy” sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal – Pasig Campus PDF

Title Epekto ng “Online Learning Mode” sa Aspektong Sikolohikal ng mga Mag-aaral sa Kursong “Accountancy” sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal – Pasig Campus
Author Rhona Grace M. Macahilas
Course Bs accountancy
Institution Rizal Technological University
Pages 48
File Size 700.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 44
Total Views 143

Summary

ABSTRAKPamagat: “Epekto ng Online Learning Mode sa Aspektong Sikolohikal ng mga Mag-aaral sa Kursong Accountancy sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal – Pasig Campus” Mga Mananaliksik: Paul Mcreiy Calaor, Alliza Mae Cartin, Alieza Mae Casia, Rhona Grace Macahilas at Rachelle Ann Rivarez Kurso: Accoun...


Description

ABSTRAK

Pamagat: “Epekto ng Online Learning Mode sa Aspektong Sikolohikal ng mga Mag-aaral sa Kursong Accountancy sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal – Pasig Campus” Mga Mananaliksik: Paul Mcreiy Calaor, Alliza Mae Cartin, Alieza Mae Casia, Rhona Grace Macahilas at Rachelle Ann Rivarez Kurso: Accountancy Taon: 2020 Propesor: Gng. Editha Aragoza Macalinao

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang Epekto ng “Online Learning Mode” sa Sikolohikal na Aspekto ng mga Mag-aaral sa Kursong “Accountancy” sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Kampus. Ang pag-aaral na ito ay layuning tugunan ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga kadahilanan ng online learning mode? 2. Ano epekto ng online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mag-aaral? 3. Ano ang opinyon ng mga respondante ukol sa paraang nakakaepekto ang online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mag-aaral? Upang makamit ang sagot sa mga sumusunod na katanungan, ginamit ng mga respondente ang 'Ground Theory' kung saan; ang mga ideya, pananaw at opinyon ng mga respondente ay natipon upang makabuo ng isang sagot. Ang pamamaraang ginamit sa pangangalap ng datos ay sa anyo ng isang sarbey o talatanungan na nilikha ng mga mananaliksik. Ang mga resulta ng survey ay nasuri sa pamamagitan ng

1

pamamahagi ng dalas at porsyento. Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral ang mga sumusunod na kongklusyon ay iginuhit: 1. Ang opinyon ng mga mag-aaral ukol sa kadalihalan ng online learning mode ay sila ay may kagamitang teknolohiya, may katatamang bilis ng koneksyon sa Internet, minsan lang matuto sa mga aralin, minsan nahihirapan gawin ang mga naatas na gawain, nagdudulot ng distrasyon ang kasapi ng pamilya sa kanila tuwing online learning mode. 2. May negatibong epekto ang online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mga mag-aaral. 3. Ang mga opinyon ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng online learning mode sa sikolohikal na espeto, ay sa paraang ang mga mag-aaraal ay nawawalan ng gana sa pag-aaral, nakakaramdam ng despresyon, nahihirapan matulog, dumating din sa pagkakataong bumababa ang kumpiyansa sa sarili, palaging naiinis. Bukod pa riyan ay pinupwersa na rin ng mga mag-aaral ang kanilang sarili kaya sila rin nakakaramdam ng “mental breakdown”.

2

TALAAN NG NILALAMAN Pamagating Pahina…………………..………………………………………………. 1 Dahon ng Pagpapatibay………………………………………………………………2 Dahon ng Pasasalamat………………………………………………………………..3 Dahon ng Paghahandog..……..………………………………………………………4 Abstrak……………………………………………………………………………………5 Talaan ng Nilalaman………………..……………………………………………….....7 Apendiks Talatanungan ………………………………………………………………9

KABANATA I: Kaligiran ng Pag-aaral Introduksyon……………………………………………………………………........12 Tesis ng Pangungusap……………………………………………………………..15 Rasyonal……………….………………………………………………………………15 Mga Layunin…………………...…………………………………………….………..15 Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………….....16 Saklaw At Hangganan Ng Pag – Aaral…………………………..………………..17 Inaasahang Output…………………………………………………………………...17 Konseptuwal na Balangkas……………………………………………………...….18 Depinisyon ng mga Termino………………………………………………………..19

KABANATA II: Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Mga Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………...........22 Dayuhang Literatura……………………………………………………………..........23

3

Lokal na Literatura………………………………………………………………..…..25

KABANATA III: Metodolohiya………………………………………………………..29 Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………………29 Pamamaraan ng Pagpili ng Respondante ……………………………………...30 Instrumento ng Pananaliksik…….. …………………………………………...…..30 Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos……………………………………………...31 Istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos……………………………………...…...31

KABANATA IV: Paglalahad ng Datos at Interpretasyon Paglalahad At Interpretasyon ng Datos…………………………………………..……….........33

KABANATA V: Lagom, Konklusyon, Rekomendasyon Lagom……………………………………………………………………………………46 Kongklusyon……………………………………………………………………………47 Rekomendasyon………………………………………………………………............48

BIBLIYOGRAPIYA…………………………………………………………....................50 KURICULUM BITEY………………………………………………………………………53

4

APENDIKS A Talatanungan

Epekto ng “Online Learning Mode” sa Sikolohikal na Aspekto ng Mag-aaral sa Kursong “Accountancy” sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Kampus

Pangalan (Opsyonal):

Panuto: Lagyan ng markang (/) ang iyong napagpiliang tugon.

1.1. Mayroon ka bang kagamitang teknolohiya para sa Online Learning Mode? ฀ Mayroon ฀ Wala Kung mayroon, maaaring pakilagay kung ano ito.____________________

1.2. Ano ang kabilisan ng Internet Connection para sa Online Learning Mode? ฀ Mabilis ฀ Katamtaman ฀ Mabagal

5

1.3. May natututonan ka ba sa iyong mga asignatura tuwing Online Learning Mode? ฀ Oo ฀ Wala ฀ Minsan

1.4 Nahihirapan ka ba sa mga inaatas na gawain ng iyong mga propesor sa Online Leaning Mode? ฀ Oo ฀ Hindi ฀ Minsan

1.5 Sa iyong palagay, nakakadulot ba ng distraksyon ang mga kasapi ng inyong pamilya tuwing ikaw ay nasa Online Learning Mode? ฀ Oo ฀ Hindi ฀ Minsan

2. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng Online Learning Mode sa iyong sikolohikal na aspekto? ฀

Negatibong Epekto

฀ Positibong Epekto

6

3. Sa iyong opinyon, naapektohan ba ng Online Learning Mode ang iyong sikolohikal na aspekto sa

Oo

Hindi

paraang? Nawawalan ng gana sa pag-aaral Nahihirapan matulog Nakakaramdam ng depresyon Bumaba ang kumpiyansa sa Sarili Palaging naiinis Pinupwersa ang sarili Nagkakaroon ng Mental Breakdown

7

KABANATA I Introduksyon Sa pagpasok ng taong 2020, hindi rin inaasahan ng lahat ang pagdating ng nakakamatay at nakakahawang “Corona Virus” na kilala sa tawag na “Covid 19” at naituturing na matinding paghinto ng daigdig lalo na sa ekonomiya. Isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang sektor ng edukasyon kung saan ay napilitang magsara at ihinto muna ang pagsasagawa ng tradisyonal na pagtuturo pansamantala. Mahigit isang bilyong estudyante sa 186 na bansa ang naapaektuhan dulot ng pandemiyang ito. Subalit parehong hindi nais ng lahat na ang mga mag-aaral ang matigil sa taong ito gayundin mga guro at iba pang tauhan na mawalan ng trabaho ngunit imposible nang maipatupad ang napagkasanayang pag-aaral dahil sa pag-iingat na madagdagan pa ang mga nahahawaan ng bayrus at para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kaya naman, ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ang mainam lunas ay ang pagpatupad ng online learning mode na sinang-ayunan naman ni Cathy Li (2020) ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online learning kesa sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan. Ang pag-usbong ng mga teknolohiya kagaya ng kompyuter, laptop at iba pang gadgets at sa pagkonekta nito sa internet, nabuksan din ang iba‟t ibang platapoma tulad ng Google Classroom at Google Meet kaya naging possible ang “online learning mode.” Nagagamit ang mga ito para sa pakikipagpalitan ng impormasyon upang mapanatili ang mga gawain at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pag-aaral. Maghaharap ang mga mag-aaral at guro nila sa platform na ito para doon italakay ang mga aralin at ibigay ang mga aktibidad at proyekto na isusumite rin online. Ngayon, madaming unibersidad sa 8

buong mundo ang kumupkop sa pagbabagong ito at isa na roon ang Pamantasang Teknolohikal ng Rizal sa Pasig Kampus. Hindi maipagkakaila na malaki ang naiaambag at naitutulong nito upang makapagpatuloy sa pag-aaral dahil sa kaginhawan at katipiran sapagkat hindi na kailangang gumastos ng pamasahe papuntang paaral an yamang kahit nasa bahay ka lang ay maari ka ng dumalo sa klase. Subalit hindi rin maitatanggi ang mga kahirapan o desbentaha sa ibang mga estudyante sa iba‟t ibang mga kadahilanan na ang kanilang sikolohikal na aspekto ay naaapektuhan. Sa paraang online learning mode hindi na kinakailangang ng mga kung anu-ano pang mga kagamitan, basta‟t may koneksyon ka lamang sa internet ay maaari ka nang makibahagi sa talakayan sa mas mabilis na paraan. Ngunit ang dalawang ito ang ilan sa mga iba pang kadahilanan para mapagtagumpay ang pagpapatupad ng online learning mode. Alam naman ng lahat na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabagal na koneksyon ng internet. Hindi rin lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong magkaroon ng maayos na koneksyon ng internet at isa pang problema nito ay ang mga lugar na wala ring maayos na signal ganoon na rin ang mga kagamitang teknolohiya para sa online learning mode. Sa parte ng mga mag-aaral, nangangailangan ito ng sariling displina at katatagan ng loob dahil sa maraming magiging balakid at istorbo sa kanilang mga focus at maaring magdulot ng karagdagang stress at iba pang mga bagay na makakaapekto sa kanilang sikolohikal na aspekto. Kailangan pagtuunan ng pansin ang sikolohikal na aspekto ng mag-aaral dahil ang buhay ng isang mag-aaral lalo na sa mga kolehiya na dumadaan sa mga hamon na dapat malagpasan hanggaang sila ay makapagtapos. Ang sikolohikal na kalusugan ay naiugnay sa pag-aaral at ito ay maaring magdulot ng pagkaantala ng

9

tagumpay sa pag-aaral noong tradisyon na pag-aaral pa lamang. Ito rin ay nagreresulta ng nakakapinsala sa pakikibahaging akademikal sa araw-araw na buhay ng mag-aaral. Dahil dito walang sinuman ang nakakasubaybay kung gaano karaming mga mag-aaral ang pansamantalang pagliban o pagtigil sa pag-aaral sa kolehiyo alang-alang sa kanilang pangsikolohikal na kalusugan maging ang mga mag-aaral mismo ay hindi nagsasalita tungkol dito. Sa isang pag-aaral sa NAMI, tatlumpu't isang porsyento ang labis na nalulumbay na nahirapan silang gawin ang kanilang mga tungkulin. Kapg hindi naagapan o nabigyan ng tulong, iniuulat ng NAMI na magkaroon sila ng mababang mga grado, huminto sa pag-aaraal, at mawalan ng trabaho sa hinaharap. Sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal sa Pasig Kampus, isa ito sa mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa kursong Accountancy. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang opinyon ng mga –aaral ukol sa mga kadahilanang ng „online learning mode‟, kung ano mayroon o walang negatibong epekto ba ito at kung sa paanong paraan ito nakakaepekto sikolohikal na aspekto ng mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan para maipaabot sa mga kinauukulan ang kinalabasan ng pag-aaral na ito upang makagawa ng mga aksyon o programa na mapabuti ang pagsasagawa ng online learning mode at upang ang epekto nito sa mga mag-aaral ay mabawasan at masolusyunan.

10

Tesis na Pangungusap Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang Epekto ng “Online Learning Mode” sa Sikolohikal na Aspekto ng mga Mag-aaral sa Kursong “Accountancy” sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Kampus. Ang pag-aaral na ito ay layuning tugunan ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga kadahilanan online learning mode? 2. Ano epekto ng online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mag-aaral? 3. Ano ang opinyon ng mga respondante ukol sa paraang nakakaepekto ang online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mag-aaral?

Rasyonal Napili ng mga mananaliksik ang naturang paksa sa kadahilanang ito ay napapanahon at nakakatulong upang malaman kung ano nga ba ang epekto ng online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mga estudyante. Bukod pa dito ay nais ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang di pag-unawa sa aspektong sikolohikal ng mga mag-aaral.

Mga Layunin Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy o malaman ang epekto ng Online Learning Mode sa mga mag-aaral sa aspektong sikolohikal. Naglalayon din itong

11

malaman ang epekto ng pagkatuto ng estudyante batay sa estadong sikolohikal nito at kung paano matutugunan.

Kahalagan ng Pananaliksik Isinagawa ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito upang tukuyin ang mga epekto o dulot ng "Online Learning" sa aspektong sikolohikal. Ang mga benepisyo sa mga benepisyaryo ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maka-tutulong sa mga mag-aaral at mambabasa na malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng makabagong paraan ng pag-aaral o ang "Online Learning", na kung saan maaring nilang bigyang solusyon ang mga hindi magandang epekto nito. Sa mga Guro. Ang mga guro magkakaroon ng kaalaman at ideya sa kung anoano ba ang epekto ng "Online Learning" sa mga mag-aaral at maaari din nilang tugunan ang ilan sa mga suliranin nito. Sa mga Magulang., Ang pananaliksik na ito ay magbibigay hinuha sa mga magulang sa kung ano ang maaaring solusyon sa mga suliranin ng kanilang mga anak sa online learning mode. Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at reperensya sa mga susunod pang pananaliksik.

12

Saklaw At Hangganan Ng Pag – Aaral Ang pananaliksik na ito ay pumopokus sa epekto ng online learning mode sa mag-aaral. Ito ay sumasaklaw sa sikolohikal na aspekto at ang kabuuang epekto nito sa mga mag – aaral ng Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Kampus Ang mga magsasagot ay galing sa kursong Accountancy ng paaralan dahil sa pagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang epekto nito sakanila at hindi nito isasama ang mga mag-aaral sa ibang kurso.

Inaasahang Output Inaasahang walang negatibong epekto ang online learning mode sa sikolohikal na aspekto ng mag-aaral sa kursong “Accountancy‟ sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Kampus.

13

Konseptuwal na Balangkas

“Online Learning Mode”

Mga Kadahilanan:     

Kabilisan ng Internet Kagamitan para sa OLM Kahirapan sa Naatas na Gawain Natutosa Asignatura Distraksyon ang Kasapi ng Pamilya

Negatibong Epekto Walang Negatibong Epekto

Sikolohiyang Aspekto ng Mag-aaral

Pigura 1. Epekto ng “Online Learning Mode” sa Sikolohikal na Aspekto ng Mag-Aaral sa Kursong “Accountancy’ sa Pamantasang Teknolohikal Ng Rizal, Pasig Kampus Ipinapakita ng pigurang ito ang konseptuwal na balangkas ng pag-aaral na ito. Ang salikisik na ito ay nakatuon sa „Online Learning Mode” at ang mga limang kadahilanan nito.

Aalamin ng mga mananaliksik kung ano ang epekto nito sa

sikolohikal na aspekto ng mga mag-aaral sa kursong Accountancy sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Kampus.

14

Depinisyon ng mga Termino Corona Virus – Ang mga Coronaviruses ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso,nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS).Madalas maging sintomasng mga viral infections na ganito ang pagkakaroon ng mataas na init sa katawan, pagkakasakit ngkatawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo. Sa halos lahat ng kaso, tumatagal ito ng ilangaraw bago nawawala. Depression – depresyon ay isang malawak na sakit na hindi matukoy. Nakakaapekto ang banayad na depresyon sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao habang maaaring humantong ang malubhang depresyon sa mga pagtatangkang magpakamatay. Gayunman, maaaring magamot ang karamihang kaso ng depresyon at ang mas maagang pagsisimula ng paggamot, mas mabisa ito. Google Classroom - Ang Google Classroom ay isang libre, gamit sa pakikipagtulungan batay sa internet na binuo ng Google bilang bahagi ng G Suite for Education. Sa pamamagitan ng isang Google account, maaaring gamitin ng mga tagapagturo ang plataporma upang lumikha ng isang birtwal na silid-aralan, anyayahan ang mga mag-aaral na dumalo sa live na pagtuturo, at itala ang mga marka ng magaaral. Hinihikayat din ng Google Classroom ang pakikilahok ng magulang. Maaaring anyayahan ng mga guro ang mga magulang sa Google Classroom upang magbahagi ng mga buod ng gawain ng mag-aaral at upang makatanggap ng mga awtomatikong email na buod ng gawain ng mag-aaral at mga anunsyo sa klase.

15

Google Meet - Ginagawang available ng Google para sa lahat ang pakikipagkumperensya gamit ang video sa antas ng enterprise. Ngayon, magagawa na ng sinumang may Google Account na gumawa ng online na meeting na may hanggang 100 kalahok at mag-meet sa loob ng hanggang 60 minuto bawat meeting. Puwedeng gamitin ng mga negosyo, paaralan, at iba pang organisasyon ang mga advance na premium, kasama ang mga meeting na may hanggang 250 internal o external na kalahok at live streaming na may hanggang 100,000 manonood sa isang domain. Mental Breakdown - Ang isang nerbiyos o mental na pagkasira ay isang term na ginamit upang ilarawan ang isang panahon ng matinding pagkabalisa sa isip. Sa panahong ito, hindi mo magawang gumana sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang terminong ito ay dating ginamit upang mag-refer sa isang iba't ibang mga sakit sa isip, kabilang ang: depression at pagkabalisa Online Learning Mode - Ang distance learning ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng computer, smartphones at internet o kilala rin bilang online distance learning. Pwede rin naman modular kung saan may mga modules (printed o electronic) na ipamamahagi sa mga estudyante na kanilang pag-aaralan at sasagutan sa itinakdang panahon. Sikolohikal - Ang salitang sikolohikal o pyschological sa wikang Ingles ay isang pang-uri na na ang ibig sabihin ay may kaugnayan sa pag-iisip ng isang tao at kung paano ito ay nakaka-apekto sa pagkilos ng isang indbidwal. Ito ay ay kaugnay sa estadong pang emosyonal ng isang tao. Pwede rin na ito ay tumutukoy sa mga pagkakaroon ng sakit na mula sa pag-iisip at hindi sa pisikal na sanhi. Ilang halimbawa

16

nito ay panic attack at hyperventilation (kung hindi dahil sa isang pisikal na sakit ang dahilan nito.

17

KABANATA II Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura Ang kabanatang ito ay binubuo ng mga literatura at mga pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik mula sa mga aklat, tesis, pahayagan, disertasyon at internet tungkol sa mga epekto ng E-Learning sa aspektong sikolohikang ng mga mag-aaral. Sa pagpasok ng taong 2020, hindi rin inaasahan ng lahat ang pagdating ng nakakamatay at nakakahawang “Corona Virus” na kilala sa tawag na “Covid 19” at naituturing na matinding paghinto ng daigdig lalo na sa ekonomiya. Isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang sektor ng edukasyon kung saan ay napilitang magsara at ihinto muna ang pagsasagawa ng tradisyonal na pagtuturo pansamantala. Mahigit isang bilyong estudyante sa 186 na bansa ang naapaektuhan dulot ng pandemiyang ito. Parehong hindi nais ng lahat na ang mga mag-aaral ay matigil sa taong ito gayundin mga guro at iba pang tauhan na mawalan ng trabaho ngunit imposible nang maipatupad ang napagkasanayang pag-aaral para na rin sa kaligtasan ng lahat. Ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng krisis na ito ang na mainam lunas sa ay ang pagpatupad ng online learning mode. Sa patuloy na pag-usbong at pag-unlad ng ating mga kakayahan unti-unting nagkaroon ng ibat-ibang modal ng komunikasyon mula sa simpleng radyo hanggang sa pagkakaroon ng cellphone at kompyuter na ating ginagamit ngayon bilang modal ng komunikasyon. Mas napadali at napabilis nito ang dating sulat na ginagamit upang makausap natin ang mga taong malalayo sa atin, wari'y mas pinapalapit nito ang mga

18

taong malalayo sa atin. Lalo pang nalinang at napakinabangan ang uring ito ng komunikasyon at nagagamit hanggang sa ngayon bilang modal ng klase.

Dayuhang Literatura Ang Pagsilang ng online learning mode Ayon kay Stacey (2004) hindi lamang sa tradisyonal na klase nagkakaroon ng pagkatuto kundi pati na rin sa mga makabagong teknolohiya tulad ng internet, natutulungan nito matuto ang mga estudyante kahit saan man sila naroroon. Ayon kina E. Guevarra, J. E. Perez, J. J. Salas, R. Mutuc (2013) sa pag-aaral na E Learning: Digital Logic Design for Freshmen. Ang paggamit ng teknolohiya upang makabagong modal ng pagkatuto ay nagdudulot ng magandang epekto sa mga estudyane at guro. Ang konsepto ng internet na naguugnay sa edukasyon ay mas napabuti at napayabong Sinabi din nila na may mahalagang papel ang e-learning sa mga kolehiyo. Problema ng “Online Learning Mo...


Similar Free PDFs