Example ng Pananaliksik para sa aming pangkatang gawain PDF

Title Example ng Pananaliksik para sa aming pangkatang gawain
Author Christine Ann Samant Repolles
Course Fundamentals of Accountancy, Business, and Management
Institution National College of Business and Arts
Pages 26
File Size 575.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 270
Total Views 309

Summary

HAMON SA PANGINGIBANG BANSA: PAGSISIYASAT SA KALAGAYAN NG MGAKABABAYAN NATING OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWs)Isang pananaliksik bilang patupad sa Gawaing Pagganap sa Asignaturang Araling Panlipunan XSinaliksik para kay: Bb. Cristine Joy Lentija Peria GURO SA ARALING PANLIPUNAN XIsinaliksik nina: Je...


Description

HAMON SA PANGINGIBANG BANSA: PAGSISIYASAT SA KALAGAYAN NG MGA KABABAYAN NATING OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWs)

Isang pananaliksik bilang patupad sa Gawaing Pagganap sa Asignaturang Araling Panlipunan X

Sinaliksik para kay: Bb. Cristine Joy Lentija Peria GURO SA ARALING PANLIPUNAN X

Isinaliksik nina: Jenaisa P. Gatoc Lloyd Andrew H. Torres Jed S. Destua Franz Allen M. Solis PANGKAT 8: 10 – OUR LADY OF LA SALETTE

Enero 20, 2021

TALAAN NG NILALAMAN

I.

Introduksyon A. Kaligiran ng pag-aaral……………………………………………………………………. 1 B. Kahalagahan ng pag-aaral………………………………………………………………. 3 C. Metodolohiya……………………………………………………………………………… 5

II.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura A. Maikling kasaysayan ng Pangingibang-bayan………………………………………… 8 B. Mga Batas Para sa Proteksyon ng Manggagawa…………………………………….. 11

III.

Diskusyon A. Surbey……………………………………………………………………………………… 13 B. Paglalahat ng nakalap na impormasyon……………………………………………….. 15

IV.

Konklusyon A. Paglalagom………………………………………………………………………………… 18 B. Rekomendasyon………………………………………………………………………...… 21

V.

Mga Pinagkunan …………………………………………………………………………..... 23

I.

INTRODUKSYON

A. KALIGIRAN NG PAG-AARAL Sa patuloy na paghubog ng mundo sa pagbabago kasabay ng pag-usad ng daigdig, umiiral ang globalisasyon na siyang nagbibigay kamalayan sa paglobo ng mga Pilipinong manggagawang nakikipagsapalaran sa daloy ng mundo. Buhat na lamang ng peligrong maaaring naghihintay sa ibang bansa (Williams & Balaz, 2012), ang pangingibang-bansa upang kumita ng pera at pagbutihin ang estado ng buhay ay isang uri ng pakikipagsapalaran, o paghahanap ng suwerte (Hosoda, 2008). Ang desisyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mangibang-bansa ay isang uri ng pakikipagsapalaran dahil sa kawalang-katiyakan at peligrong maaaring naghihintay. Sa paglipas ng panahon ay nakasanayan na ng mga Pilipino ang kultura ng pag-iisip na kung saan ay “Ang pangingibang bansa ang solusyon sa kahirapan”. Maaaring n apanonood na sa telebisyon o naririnig sa radyo ang mga balita tungkol sa ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Bilang karamihan sa ating mga Pilipino ay maituturing pa ring dukha, mas bumubugso ang damdamin nilang maghanap-buhay sa ibang bansa. Hindi man alintana ang maaaring kahihinatnan ay nagpapakatatag ang mga kababayang Pilipino roon dahil sa mga layunin na nais nilang mapunan ngunit tanging ang paglayo sa bayang sinilangan ang paaran. Nakadaragdag pa ang sirkumstansya na kung saan ang kahirapan dulot ng pagiging mahirap ng ating bansa na nananatili pa rin sa antas ng pag-unlad magpasahanggangngayon. Ang pagpapasiya sa bagay na ito ay hindi naging madali para sa kanila sapagkat nalalaman nilang panibagong kapaligiran ang kanilang mararanasan at tiyak na hindi pa nila gamay ang mga bagay roon. Tanging ang karanasan na lamang ang pinanghahawakan nila kapag sila’y naroon na sapagkat nais nilang magkaroon ng karanasan upang sa mga susuond na taon, kung nanaisin pa 1

nilang ipagpatuloy ang pangingibang-bansa ay hindi na sila mangangapa sa kung ano ang nararapat na gawin doon. Ang paghahanap ng suwerte ng mga OFW ay iniugnay sa “muerte,” na nangangahulugang “kamatayan” sa Español, dahil sa kamalasang dinadatnan ng ilang OFW sa ibang bansa (Palmes, 2013). Bagama’t maraming oportunidad ang naghihintay sa ibang bansa, kaakibat ng mga ito ang panganib ng diskriminasyon at abuso mula sa kanilang mga employer at katrabaho. Ang pakikipagsapalaran ay nakikita rin bilang tanging paraan upang tumaas ang antas ng buhay para sa mga taong naniniwalang walang mawawala sa kanila (Arnado, 2010). Ang mga Pilipino’y nagnanais na makatakas sa kumunoy ng kahirapan na magdadala sa kanila sa huling hantungan kung magpapatuloy ang pagbaba ng estado ng kanilang pamumuhay. Sa kadahilang ito’y umiiral ang pagiging maparaan ng mga Pilipino. Nagnanais silang suungin ang buhay na walang kasiguraduhan sa ibang bansa upang kumita at may maipangtustos sa kanilang mga mahal sa buhay na kanilang lilinasin. Ngunit ang mga Pilipinong naninirahan doon ay nakararanas ng hamon sa kanilang pamumuhay. Nabanggit na sa panimulang bahagi ng kabanatang ito na ang mabilisang paglipat ng mga mamamayan sa iba’t-ibang lugar sa daigdig ay isa sa mga pangyayaring kaugnay ng globalisasyon. Mula sa Asya, karamihan sa mga taong umaalis sa kani-kanilang bansa ay mga manggagawang naghahanap ng mas malaking kita. Isa sa mga katangian ng migrasyon ng mga manggagawa ay ang lumalaking bilang ng kababaihan. Pinatutunayan ng maraming pag-aaral na may malaking epektong panlipunan ang ganitong uri ng migrasyon. Ang isa mga suliranin nito ay ang panghihina kung hindi man pagkawasak ng mahahalagang institusyong panlipunan tulad ng pamilya. Ang pamilyang naiiwan ng mga migrante ay dumaranas ng malaking kawalan, pisikal man o emosyonal, sa kabila ng ibinabalik na mag material na kapakinabangan tulad ng salapi. 2

Nakikitang na madaming Pilipino na nagtratrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng malaking kita na hindi nila kinikita sa bansang Pilipinas. Maaaring ang lugar ng kanilang titirahan ay isang maunlad na bansa at nasa isipan nila madali silang uunlad dahil sa laki ng sahod. Sa pag-aaral na ito, pag-uugnayin ng mananaliksik ang pangingibang-bansa ng mga kababayang OFW sa kanilang pagsasakapangyarihan sa loob ng pamilya sa aspeto ng pagtanggap ng kanilang pamilya sa kanilang pangingibang-bansa, pagkakaroon ng paglawak ng tungkulin, at pagkakamit o pagtaas ng antas ng pansariling kalayaan at kumpiyansa. Yamang walang tiyak na pamaraan upang mapigilan ang paglipat ng tao sa iba’t-ibang lugar, kaugnay nito ang suliraning pangkalusugan. Madaling kumakalat ang mga sakit. Naranasan ang mga bansang Asyano ng takot sa iba’t-ibang sakit tulad ng AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome), avian influenza/ bird flu, anthrax, at ang bagong nakahahawang virus na COVID-19. Hindi man maipagkakaila ang hirap na dinaranas ay masasabing malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pamumuhay ng bawat isa na siya ngang ating tinaguriang mga Makabagong Bayani sa kabayanihang taglay nila at baon nila sa kanilang paglipad patungo sa ibang bansa at malayo sa nakagisnang pamumuhay ditto sa Pilipinas.

B. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maipakita ang kalagayan ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers o OFW. Ating mabibigyang linaw ang mga hamon na kung saan ay hindi na payak sa ating pandinig at siya na ring naging laman ng mga balita. Layon ng Pagsusuring Papel na ito na mailahad ang pinagmulan ng konsepto ng pangingibang bansa, ang mga batas para sa proteksyon ng manggagawa, panayam na may kaugnayan sa kalagayan ng OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa, at ang paglalagom kalakip ang rekomendasyon sa umiiral na suliranin. 3

Sa patuloy na pag-usbong ng mga kabuhayan sa ibang bansa ay mas naaakit ang mga Pilipino upang doon na lamang maghanap-buhay. Mahalagang pag-aralan ito sapagkat ang pangingibang bansa ay mayroong iba’t ibang epekto sa ating bansa. Mahalagang nalalaman ang mga karanasan at pakikipagsapalaran ng ating mga kababayang mangingibang bansa upang mamulat ang mga kabataan na magsumikap sa buhay upang gumaw ng bago at maayos na mundo para sa ating mg OFW na magbubunga upang hindi na sila lumisan pa ng ating bansa. Ang kahalagahan din ng pag-aaral na ito ay mayroong kahalagahan sa mga mananaliksik sapagkat nalalaman at nabibigyang-aral ang mga karanasan at kalagayan ng mga manggagawa sa ibang bansa kasabay ng pagbabago ng mundong kalakalan at teknolohikal. Samantala, mahalaga rin ang pag-aaral na ito para mga mamamayang Pilipino na nagnanais at nangangarap na bumagwis sa ibang bansa upang roon itaguyod ang pamumuhay na hinahangad. Upang masuri kung nararapat nga ba ang paglisan na siyang magdudulot ng malaking pagbabago sa sarili at sa pamilya. Ang pag-aaral sa hamon na kinakaharap ng mga kababayan nating nangingibang bansa ay lubhang napakahalaga. Nalalaman nating itinuturing na natin silang mga makabagong bayani dahil sa kanilang pagsasakripisyo at pakikipagsapalaran para sa kanilang mga mahal sa buhay at pati na ang pagtataguyod sa ekonomiya ng ating bansa. Hindi natin maiwasan na maantig ang puso ng mga Pilipino sa katotohanang ito. Karamihan sa mga migranteng Pilipino na nilisan ang Pilipinas at nagdesisyon na nangibang bayan ay sa kadahilanang ang desisyong ito ay kinakailangang gawin, at hindi dahil ang desisyong ito ay kagustuhan nilang gawin. Mga Pilipinong nagtitiis at nagsasakripisyo na mangamuhan sa ibang bansa at mapalayo sa mga mahal sa buhay alang-alang sa layunin na makapagbigay ng magandang kinabukasan ang pamilya. Mahalaga ang gampanin ng ating mga OFW sa patuloy na pag-unlad ng ating ekonomiya na kung saan ay dahil sa mga perang ipinapadala nila ay nagkakaroon tayo ng kita mula sa tubo ng 4

remittances na kanilang ipinapadala. Ito ang isa sa ikinapagpapasalamat natin sa ating mga OFWs, sapagkat hindi lamang ang buhay ng mga mahal nila sa buhay ang kanilang natutulungan kundi maging ang ating ekonomiya. Mahalagang nalalaman natin ang bagay na ito lalo na sa mga pamilyang may nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang pagsusuring ito’y magpapakita kung gaano nga ba kahalaga ang salapi na ating nakukuha at nagagamit. Mula sa makakalap na impormasyon, ay mabibigyang linaw kung ano nga ba ang kalagayan ng mga kababayan nating OFW, mga salik ng kanilang pag-alis at naging resulta nito. Aming ilalatag ang mga kaganapan sa buhay ng malapit na OFW na kung saan ay maipapamalas ang uri ng pamumuhay ang mayroon sila. Matutunghayan din mula sa aming makapapanayam ang diwa ng pananaliksik na ito kung saan sasagutin ang mga katangungang inihanda.

C. Metodolohiya Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na isasakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng Hamon sa Pangingibang Bansa ng mga Kababayan natin OFW. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at linggwistikang pagsusuri mula sa kalagayan ng kababayan nating OFW sa ibang bansa.

C.1 Disenyo ng Pananaliksik Ang nailathalang pagsusuri ay nasa anyo ng Kwalitatibo na kung saa’y binubuo ng pagsisiyasat upang mabigyang kaunawaan ang ugnayan ng mga tao at dahilan na gumagabay rito. Ito ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na "nonnumerical" o "hindi nabibilang". Ang mga datos ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gamit ang "nonnumerical" na pamamaraan gaya ng open-ended surveys,

5

panayam, at mga detalyadong deskripsiyon na kalimitang ginagawa sa iba't ibang disiplinang nabibilang sa Agham Panlipunan (Trochim, Donnelly, at Arora (2014). Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang upang mabigyang pakahulugan ang ugnayan ng mga kababayan nating OFW sa ibang bansa mula sa naturang disenyo. Ang disenyong ito ang magpapatnubay sa paniniwalang kaugalian ng tao na mayroong nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinag-uugatan nito. Mula sa disenyong ito ng pananaliksik ay mabibigyang kasagutan ukol sa malalim na pag-unawa sa opinion o interpretasyon ng sasaliksikin. Ginamit ang Kwalitatibong disenyo upang mas palabuanan ang kaganapan sa mga kababayan nating mga OFW na naglalayong ipabatid ang kanilang opinion at karanasan sa ibang bansa.

C.2 Pamamaraan ng Pagpili ng Respodente Ang pananaliksik ay naisakatuparan sa pangangalap ng impormasyon sa respodenteng nahikayat upang punan ang talatanungan. Upang mabigyang diin ang paksang Pagsisiyasat sa Kalagayan ng mga Kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs), masusing pinili ang makakapanayam na higit sa labing-anim na taong gulang pataas na mayroong kamag-anak o kakilalang naghahap-buhay sa ibang bansa. Naglathala ang mga mananaliksik ng kwalipikasyon para sa kapapanayamin. Isinaalang-alang ang komunikasyon upang malaman kung magiging aktibo ang respodente at walang kagitlaang magaganap sa oras ng panayam. Ang bilang ng mga maaring matampok sa pagsusuring ito ay tiyak at limitado lamang upang mabigyang diin ang magiging kasagutan at mabigyang pagpapalawak. Minabuti ng mga mananaliksik na ibigay ang nasabing talatanungan sa iisang tao lamang na nasa loob o labas man ng paaralan. Nagbigay ng paunang pahayag ang mananaliksik upang magbigay 6

galang sa magiging kasagutan ng respodente at tumanggap ng permisong sinasang-ayunan ang nilalaman ng talatalungan kung sakali mang ito’y labag na sa kaniya.

C. 3 Lokal na Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paraang lokal na kung saan sa tahanan ng nakapanayam naganap ang pakikipagpanayam. Isinagawa ng mananaliksik ang ganitong pag aaral dahil nakita ng mananaliksik na ang respondente ay may kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa.

C. 4 Kasangkapan ng Paglikom ng Datos Ang mananalisik ay gumamit ng talatanungan o surbey bilang pangunahing instrumento ng pagkalap ng makabuluhang datos na siyang magpapatunay sa pag-aaral ng paksa. Naglalaman ang surbey ng katanungan na kung saan ay masasagot batay sa karanasan ng pamumuhay ng isang manggagawa sa ibang bansa. Ginamit din ang Socratic Method na kung saan ay bukod sa sorbey na ibinigay, naglaan ng panahon ang mananaliksik ng panahon upang kumalap ng datos sa respodente sa pamamagitan ng mga karagdagang katanungan at magkaroon ng sagot-tanungan sa pagitan. Ang kabanatang ito ay itinuturing na puso’t kaluluwa ng buong pananaliksik. Dahil dito, ang pagbuhos ng panahon, lakas at tiyaga ng mananaliksik ay kailangan upang maisulat ang bahaging ito ng buong liwanag at nang sa gayon ay magiging madali na ang pagsulat sa ilan pang kasunod na kabanata gayundin ang madaling pag-unawa sa mga mambabasa. Naglalahad ng pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga Epekto ng Pangingimbambansa ng mga OFW ang kabanatang ito. Ang sagot na nakalap ng mga mananaliksik ay sinusuri at binigyan ng kahulugan upang bigyang malalim na interpretasyon at pagsusuring naaayon upang maipamalas ang diwa ng kalahagahan ng pag-aaral na ito. 7

II.

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

A. Maikling kasaysayan ng Pangingibang-bayan Ayon sa UNPF (2006) mula pa noong mga nagdaang siglo, ang migrasyon ay isinasagawa na ng mga tao. Gayunpaman, ang malalaking paggalaw ng intercontinental ay nagsimula lamang noong Ika-16 na siglo, kasama ang paglawak ng Europa. Sa huling dalawang dekada, mas bumilis ang paglago ng internasyonal na migrasyon. At ang pangunahing dahilan nito ay ang globalisasyon ng mga gawaing pangkabuhayan at ang epekto nito sa labour migration. Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamalaking bilang ng mga migranteng manggagawa sa bawat sulok ng mundo. Ang mabilis na pagtaas ng laki at komposisyon ng mga migrante sa huling dalawang dekada o higit pa ay nagpasidhi muli ng debate sa migrasyon sa Pilipinas. Ang internasyonal na migrasyon ng mga Pilipino, pansamantala man o permanente, ay patuloy na lumalaki sa loob ng maraming taon (Agbola & Acupan, 2010). Ayon sa CMA (n.d.) ang pinaka unang migrasyon na naitala sa Pilipinas ay naganap noong 1417. Ito ay nang magpasimula si Sultan Paduka Batra ng isang misyon upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa emperador ng Tsina, na binubuo ng Sulu Royalties at kanilang mga pamilya. Ang kasaysayan ng kolonisasyon ay may malalim na implikasyon sa pag-unawa sa migrasyon ng Pilipino, kapwa sa kasaysayan at sa kasalukuyan, gayundin kung paano tingnan ng mga Pilipino ang kanilang panlipunang posisyon (Nititham, 2011). Ang imigrasyon ng Pilipino sa Estados Unidos ay nagsimula nang ang Pilipinas, na dating kolonya ng Espanya nang mahigit tatlong daang taon, ay naging teritoryo ng US kasunod ng Digmaang Espanyol–Amerikano, sa ilalim ng Treaty of Paris na nilagdaan noong Disyembre 10, 1898. Ang mga 8

Pilipino ay itinuturing na mga nasyonal ng US at hanggang sa lumaya ang Pilipinas noong 1946, madali lamang ang paglipat sa Estados Unidos. Sa panahong ito ng kolonyal ng Amerika, dumating ang unang mga migranteng Pilipino noong 1906 para magtrabaho sa mga plantasyon ng asukal sa Hawaii. Hindi nagtagal, dumating ang mas maraming migranteng Pilipino sa Hawaii para magtrabaho bilang namimitas ng prutas. Sa pagitan ng 1906 at 1934 mahigit isang daang libong Pilipino ang dumating sa US, na karamihan ay nasa Hawaii (Gutierrez III, 2013; CMA, n.d.) Sa talata ng Tydings–McDuffie Act noong Marso 24, 1934, ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa US pagkatapos ng labindalawang taon, na mapapabisa sa Hulyo 4, 1946. Lahat ng Pilipino, kabilang na ang mga nagtatrabaho sa mga plantasyon sa Hawaii, California, Alaska, at iba pang mga teritoryo ng Amerika ay muling nauri mula sa "mga nasyonal ng US" sa pagiging "dayuhan" (Gutierrez III, 2013). Ayon sa CMA (n.d.), kasunod ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tinatag ng gobyerno ng US ang pambansang pinagmulan ng quota system, na naglilimita sa imigrasyon para sa mga Pilipinong sumapi sa US Navy. Dahil sa mga paghihigpit sa imigrasyon ng US, nagsimulang dumami ang bilang ng mga Pilipinong lumilipat sa mga bansa sa Asya noong 1950s. Mga 250,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa logging camp sa Sabah at Sarawak na naglilingkod ng limang taon. Marami pang Pilipino ang nagtatrabaho sa mga base-hukbong Amerikano sa Vietnam, Thailand at Guam noong panahon ng digmaang Indotsina. Sa simula ng 1970s nandayuhan din ang mga Pilipino sa Iran at Iraq para magtrabaho bilang mga inhinyero at technician. Noong 1960s, nagpahinga ang US at Canada ng mga regulasyon sa imigrasyon, na nagtutulot sa muling pagsasama-sama ng pamilya, na humantong sa malaking pagtaas ng migrasyon ng Pilipino sa North America. Sa parehong panahon, nagsimulang mandayuhan ang mga Pilipino bilang mga nars o domestic workers sa Kanlurang Europa. Noong 1965, nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas. Sa panahong ito, ang malakihang pandarayuhan sa Pilipinas ay nagsimula. Noong 1974 itinatag ni Marcos ang Labor Code 9

ng Pilipinas sa pagsisikap na makontrol ang mga kasanayan sa pagtatrabaho. Ang code institusyong ito sa ibayong-dagat at ang pagrerekluta ng mga bihasang manggagawa bilang istratehiya sa ekonomiya, simula ng isang matibay na kultura ng pandarayuhan. Sa krisis sa pulitika at ekonomya at pagtatatag ng batas ng martial law, nadagdagan ang bilang at kahalagahan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat (OFWS) (Nititham, 2011). Ayon sa CMA (n.d.), 36, 035 na migrante ang na-deploy noong 1975. Itinaas ni Pangulong Marcos ang batas ng martial law noong 1981, bagama't nanatili sa kapangyarihan ang kanyang rehimen hanggang 1986. Sa panahong ito, ang pambansang utang ay USD28.3 bilyon, tumataas mula sa USD360 milyon noong 1962. Sa pagtaas ng pampublikong dispensasyon at sa People Power Movement (1983–1968) ni Corazon Aquino, si Marcos at ang kanyang asawa ay na exile noong 1986. Pagkatapos ng pangangasiwa ni Marcos, ang bansa ay talagang nabaon sa utang. Nanatili si Aquino sa puwesto hanggang 1992, na nagpasa ng repormang konstitusyonal at nagpapatupad ng mga programa upang maitaguyod muli ang kalayaang sibil at mahusay na pamamahala sa ekonomiya, kabilang ang ‘Act Establishing the Overseas Workers Investment Fund to Provide Incentives to Overseas Workers, Reduce Foreign Debt Burden and for Other Purposes’ (Nititham, 2011) Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang pag-export ng mga bihasang manggagawa, Isa sa mga pinakamalaking layunin ay ngayon upang sanayin ang mga nars at healthcare manggagawa na maging handa para sa emigration. Ang mga programang pang-edukasyon sa nursing ay lumago mula 1400 hanggang 370 noong 2005. Noong 2010, iniulat ng Philippine Overseas Employment Administration Administration na ang bilang ng mga prosesong kontrata ay 1,644,439, isang pagtaas mula sa 1,204,862 noong 2005 (Nititham, 2011)

10

B.

Mga Batas Para sa Proteksyon ng Manggagawa

Batas Republika Blg. 8042 Ang Batas Republika Blg. 8042 ay isang kilos na magtatag ng mga patakaran ng pagtatrabaho sa ibang bansa at magtatag ng isang mas mataas na pamantayan ng proteksyon at pagsulong ng kapakanan ng mga migranteng manggagawa, kanilang pamilya at mga Pilipinong nasa ibang bansa , at para sa iba pang mga layunin, ay kilala at nabanggit n...


Similar Free PDFs