FIL Concept Paper - Lecture notes 10 PDF

Title FIL Concept Paper - Lecture notes 10
Author Maubrick Khian Astuto
Course Accountancy
Institution Western Mindanao State University
Pages 29
File Size 410.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 544
Total Views 616

Summary

Kaligirang Kultura Ng Pangkat-etnikong Badjao Sa PilipinasIPINASA NINA:Abubakar, Al-Yehshein J. Agsalud, Jehan Vonne Tadjmahal M. Albiso, Markgil C. Alviar, Gwendholene Amilasan, Yasmine Arellano, Iris Nathalia F. Asaali, Irshelina H. Astuto, Maubrick KhianBSAC 1BIPINASA KAY:Dr. Cheryl Barredo Guro ...


Description

Kaligirang Kultura Ng Pangkat-etnikong Badjao Sa Pilipinas

IPINASA NINA: Abubakar, Al-Yehshein J. Agsalud, Jehan Vonne Tadjmahal M. Albiso, Markgil C. Alviar, Gwendholene Amilasan, Yasmine Arellano, Iris Nathalia F. Asaali, Irshelina H. Astuto, Maubrick Khian

BSAC 1B

IPINASA KAY: Dr. Cheryl Barredo Guro sa FIL 101

I. Kaligiran ng Pananaliksik A. Panimula Ang pangkat etniko ay grupo ng mga tao na may mga pagkakatulad o pagkakahawig sa kultura, lengguwahe, tradisyon, at paniniwala. Ang perlas ng silangan, hindi lang mayaman sa likas na yaman kundi mayabong din ang kultura, at malaking bahagi nito ang pangkat etniko sa Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa ating kapatid na mga Badjao o Sea Gypsies. Sa iyong patuloy na pagbasa sa sanaysay na ito, ika’y mamulat sa mga kakaibang paniniwala at tradisyon na mayroon ang mga Badjao. Ikaw ay lubos na magkakaroon ng ideya sa kanilang mga nakasanayang gawin. Ang mga Badjao ay tinatawag ding mga Hitano ng Dagat. Ito ay isang dibisyon ng Sama-Bajau na umasenso ang tribo ng Sama Moro ng Tawi-Tawi. Tinawag silang “Sama Abaknon” sa Western Samar, “Sissano” sa Papua New Guinea, “Otang Laut” sa hilagang Indonesia, Singapore at Malaysia, at “Badjaw” sa Maluku (Indonesia) at sa mga lugar na lampas na ng teritoryo ng Indonesia. Ang mga pamilya ng mga hitanong dagat na ito ay matatagpuan din sa Mindanao at sa karagatan ng Sulu, Moro Gulf, Davao Gulf at Illana Bay (Iso). Kung sisiyasatin ng mabuti, napakalawak ang pag-aaral sa mga Badjao. Kagaya ng ibang relihiyon, ang mga Badjao ay may sarili ring mga kultura, tradisyon, kaugalian, wika, pamumuhay, pamahiin, at marami pang iba. Napakahalagang pag-aralan ito ng nakararami dahil sa kaalaman ng lahat, ang kultura ng mga Badjao ay nawawala na. Ito ay hindi na nabibigyan ng importansya ng lahat dahil ang mga Badjao ay hindi nabibigyan ng maayos na trato ng lipunan. Kapag naririnig ang

salitang “Badjao”, pawang diskriminasyon ang iyong maririnig ukol sa kanilang relihiyon. Kagaya ng ibang relihiyon sa ating bansa, kailangan nating pahalagahan ang kultura ng mga Badjao. Napakaraming mga bagay ang dapat na matutunan at malaman ng lahat ukol sa mga Badjao dahil sila ay may mga magagandang katangian na tiyak na nakalulugod at maipagmamalaki ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananaliksik, napapatunayan natin sa lahat na nabibigyang halaga pa rin ang kultura ng mga Badjao. Karapat-dapat lamang na ipagmalaki ang kanilang kultura dahil ito ay lubos na mahalaga para sa lahat hindi lamang bilang isang mamamayan kundi bilang isang Pilipino na handang tumulong sa ating kapwa.

B. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay pumapatungkol sa kapaligirang kultura ng pangkat-etnikong Badjao sa Pilipinas. Hangad nito’y makasagap ng mga impormasyon upang masagutan ang mga sumusunod na katanungan na pumapatungkol sa paksa: 1.

Sino ang mga Badjao? a.

Sama Bajau Bihing

b.

Sama Bajau Dea

c.

Sama Bajau Dilaut

2.

Ano ang kanilang kalagayan sa kasalukuyan?

3.

Ano-ano ang kanilang kultura?

4.

a.

Kultura sa pag-aasawa

b.

Panggagamot

c.

Paggawa

d.

Kapistahan

e.

Kaugalian at Paniniwala

f.

Paglilibing

g.

Pagbubuntis

Ano-ano ang mga problemang kanilang dinaranas bilang isang Badjao?

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng mga mananaliksik na pagtibayin ang kaalaman ng mga estudyante sa pag-aaral ng kultura at pamumuhay ng pangkat-etnikong Badjao. Maliban dito, layunin din ng mga mananaliksik na makamit ang mga sumusunod: 1. Mailahad ang pamumuhay ng mga Badjao sa panahon noon at ngayon. 2. Maibalik ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kultura ng pangkat-etnikong nabanggit sa itaas. 3. Alamin ang hamon ng mga Badjao sa henerasyong ito.

Ang pananaliksik na ito ay may pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay sa mga kabataan o mag-aaral sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa mga magandang kultura ng pangkat-etnikong Badjao. Sa mga Guro at Magulang. Nagsisilbing patnubay ang konseptong papel na ito sa pagtuturo ng mga nakatatanda sa mga kabataan ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Badjao at kung paano nila matutulungan ang mga ito. Sa mga Mananaliksik sa hinaharap. Ang konseptong papel na ito ay maaaring mag-silbing sanggunian ng mga nagnanais na pag-aralan sa hinaharap ang kultura at pamumuhay ng mga Badjao sa Pilipinas.

D. Batayang Konseptwal

MGA KASANAYANG PANGKULTURA NG MGA BADJAO a.

Kultura sa pag-aasawa

b.

Panggagamot

c.

Paggawa

d.

Kapistahan

e.

Kaugalian at Paniniwala

f.

Paglilibing

g.

Pagbubuntis

Pigura 1 nagpapakita ng konseptwal na paradigma ng pag-aaral.

E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga nalikom na impormasyon at datos na tumatalakay sa mga kultura na nakapaloob sa pangkat-etnikong Badjao. Pinag-aaralan sa papel na ito ang kanilang nakasanayang tradisyon, umiiral na paniniwala, nakagawiang pamumuhay, sinasalitang wika, kinalakhang pananamit at

sayaw, at iba pang bagay na bumubuo sa kanilang kultura. Ang lahat ng nakasulat na kaalaman ay patuloy pa ring pinapahalagahan ng mga Badjao simula noon hanggang sa kasalukuyan. Saklaw din dito ang talakayin sa tatlong uri ng Badjao ang Sama Bajau Bihing, Sama Bajau Dea at Sama Bajau Dilaut. Limitado lamang ang paksang ito kung kaya ay hindi kabilang dito ang iba pang mga pag-aaral na walang kinalaman sa pamagat ng konseptong papel. Kahit sa alin mang bahagi ng papel ay walang mababasa o makikita na mga detalyeng hindi naaayon sa piling paksa at ang lahat ng nilalaman nito ay pawang may katuturan at kahalagahan sa kaligirang kultura ng pangkat-etnikong Badjao.

F. Kahulugan ng mga Katawagan Bibigyang kahulugan sa bahaging ito ang mga katawagang ginamit sa papel na ito. Badjao - ay isang pangkat-etniko na namumuhay bilang mga mandaragat. Economics - ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Immune system - ay isang kaluponan ng mga mekanismong nagbibigay proteksyon laban sa mga karamdaman sa pamamagitan ng pagkilala at pagpatay sa mga patohen at mga selulang lumilikha ng mga bukol. Indigenous groups - ay isang grupo ng tao kung saan ay matagal na naninirahan sa isang lugar.

Internet - ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapag konekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon. Kwalitatibong pananaliksik - ito ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na “non-numerical” o “hindi nabibilang”. Orang Laut - ay mga taong Malay na naninirahan sa karagatan. Pananaliksik - ay ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangan na bigyan ng kalutasan. Sama Abaknon - sila ang mga Badjao na matatagpuan sa Kanlurang Samar. Sama Bajau Bihing - mga Badjao na nakatira sa tabing dagat. Sama Bajau Dea - mga Badjao na nakatira sa lupa. Sama Bajau Dilaut - mga Badjao na nakatira sa dagat. Sissano - mga Badjao na matatagpuan sa Papua New Guinea Social Media - ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at pakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Vinta - isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao.

II. Mga Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral

Kaligirang Kultura ng Pangkat Etnikong Badjao Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, mayroon ding mga bahagi na nakapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular na sa mga Badjao. Sa paglipas ng panahon, ang ating kultura ay nagbabago. Patuloy na umuusbong at sumusulong sa maka-modernong panahon. Ito ay katangian na ng bawat kultura at maaaring maging sanhi ng pagkaiba o pagkawala ng isang kultura. Mga Kaugnay na Literatura Ayon sa isang website sa internet, sa lahat ng tinatawag na “Indigenous groups” sa Pilipinas, ang mga Badjao na ang higit na kapos sa pag-unawa at pag-aaral. Ang mga Badjao ay mga “Sea Gypsies” o mga taong gumagala hindi sa lupa kundi sa karagatan. Karaniwang matatagpuan ang mga ito sa Karagatang Celebes

at Sulu sa Timog na bahagi ng Pilipinas. Ang mga salitang badjao ay mayroong iba’t ibang kahulugan. Ito ay nakadepende sa kung anong wika ang ginamit, halimbawa kung sa Ingles ito ay nangangahulugang "MAN OF THE SEAS" at kung sa tagalog naman ito ay “Ang Mangingisda”. Ang mga lalawigan ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at Zamboanga ang may pinakamalaking populasyon ng Badjao sa Pilipinas. Kilala sila sa kanilang mga makukulay na bangka na tinatawag na "Vinta". Karaniwan silang nakatira sa dalampasigan sa mga bahay na tinatawag na "house on stilts" o sa bangka mismo o "boat houses". Kilala sila bilang magaling na mangingisda at maninisid sa karagatan. Mayroon dalawang uri ng badjao. Una, ito ay ang mga badjao na naninirahan sa karagatan o dalampasigan ng mga kapuluan sa Sulu, Tawi-tawi, at katimugang Palawan. Sila ay mga muslim at pinaniniwalaang mga samal na nakabase sa lupa, sila rin ang pinaniniwalaang unang dumating at nanirahan. Pangalawa, Ang mga Badjao na karaniwang naninirahan sa mga bangka, sila ay mga hitano o hitana ng dagat na walang rehiliyon. Ang mga ninuno nila ang kanilang sinasamba, maraming klase ang pagtawag sa kanila, katulad ng Luwaan na ang ibig sabihin ay tagalabas o itinakwil, Ang Palau na ibang katawagan sa Paraw o bangka, Pinangangalanan din silang kuto Tahik na ang kahulugan ay kuto ng dagat. Gayunpaman, sinasabi ng mga Badjao na sila ay mga Samal o Sama (nimmo, 1968). Unang dumating ang mga Samal laut bago ang mga Badjao. Marami tawag sa kanilang wika, mayroon Sinama na diyalekto ng wikang Samal habang ang iba nama'y Badjau, Badjaw, o Badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng mga Samal na ninirahan sa lupa.

Ayon kay Marlea P. Nunez, Executive Director ng National Commission on Indigenous People hindi pa rin tiyak kung saan talaga nagmula ang mga Badjao. Ayon pa kay Director Nunez may halo na rin ang kultura ng mga Badjao depende kung saan sila napadpad o nakihalubilo na grupo ng mga tao. Gayunpaman may mga natitirang kultura pa rin na likas sa mga Badjao katulad ng kanilang mga sayaw, sa pag-aasawa, Panggagamot, Paggawa, Kapistahan, Kaugalian at Paniniwala, Paglilibing at Pagbubuntis. Ang kasal ay tumatagal ng tatlong araw na sayawan, kainan, at pagsasaya na buong bayan ay kasama; Ang pagpa-plano ng kasal ay dapat na pagkatapos ng ikatlong dalaw ng babae. Dapat din na mas matanda ng isang taon o higit pa ang lalaking mapapangasawa; Pinaniniwalaan ng mga Badjao na ang espiritu ng patay ay nanatili sa isang libingan at tuwing panahon ng Shaaban, ang mga kaluluwa ay pinapayagan ng kanilang panginoon na bumalik sa mundo. Bilang pagsalubong, ang mga tao ay naglilinis ng mga libingan at nagsasagawa ng pagdarasal. Naniniwala rin sila na ang mga patay ay kayang makipag-usap sa mga buhay sa pamamagitan ng ritual ceremonies of celebration, worship, and exorcism. Ang kanilang tradisyon naman sa pagbubuntis ay may Panday, babae o lalaking manggagamot. Ito ay tinatawag para sa pagpapaanak, panggagamot ng nalaglagang ina, pagbibigay ng gamot para sa pagpapalaglag, at para sa pagtutuli sa mga babae. Pagbabago ng ‘di-Materyal na Kultura sa Kanilang Paniniwala sa Pag-aasawa Napuna ng mga nagsasaliksik na wala namang nagbago sa paniniwala ng mga Bajau hinggil sa kanilang pag-aasawa. Ang mga magulang pa rin nila ang pumipili

ng kanilang mapapangasawa. Ang mga kabataang babaeng Badjao ay maagang nag- aasawa at nagkakaroon ng mga anak. Hanggang sa kasalukuyan ay nagbibigay pa rin ng dowry ang lalaki sa mga magulang ng babaeng ibig niyang pakasalan. Tinatayang ito ay nagkakahalaga ng P 15, 000 hanggang P 20, 000. At ang nasabing salapi ay hindi mapupunta sa mag-asawa kundi sa mga magulang ng babaeng pakakasalan ng lalaki. Ang tradisyonal na pagkain ng mga Badjao ay panggi at isda. Ang kanin ay inihahain lamang sa hapag bilang panghimagas o ‘di kaya ay tuwing mayroong espesyal na okasyon. Walang almusal, tanghalian, merienda, at gabihan sa mga Badjao. Kumakain sila kung kailan nila gusto at kung kailan sila may pagkain. Pagbabago ng Materyal na Kultura sa Kanilang Pagkain Hanggang sa kasalukuyan, wala pa rin silang almusal, tanghalian, merienda at gabihan. Kumakain pa rin sila kung kailan nila gustong kumain at kung mayroon silang makakain. Binigyan namin sila ng noodles at iilang lata ng sardinas dahil batay sa larawan na makikita ninyo sa itaas ang mga Bajau ay kumakain ng kanin na ang ulam ay Lucky Me. Masasabing nasa sangang-daan ang kultura ng Badjao. May mga sektor na gustong pangalagaan ang purong kultura ng Badjao at mayroon ding handang tumanggap ng mga pagbabago at iba pang kultura. Maraming aspeto ang makakaapekto sa preserbasyon ng kultura at isa na rito ay ang Economic aspect. Sa kasalukuyan, ang mga Badjao ay nakakalat sa Pilipinas at maging sa Malaysia at ang pangunahing dahilan ng kanilang pag-alis sa Mindanao ay upang makatakas sa kaguluhan o insurgency na nangyayari ngayon sa bahaging ito ng Pilipinas. Pagdating dito sa Maynila, kung saan inakala nilang mas

gaganda ang kanilang buhay sa malayo sa gitna ng digmaan ng mga rebelde at sundalo, malayo sa mga pirata na nagbuwis ng buhay ay hindi pa rin sila nabubuhay ng maayos bunga ng mga badjao. Maaaring delikado ito sa kanilang buhay, ngunit ito ang karaniwang sitwasyon na makikita mo sa bawat Badjao dito sa Maynila. Kung nabigyan sana sila ng proteksyon sa karagatang kanilang tinitirhan, hindi sana sila nakarating dito sa Maynila at mahulog sa mas matinding hirap ng buhay dahil Ang panglilimos ay hindi kaugalian ng mga Badjao, ngunit karamihan sa kanila kinkailangan lamang na gawin ito upang mabuhay, hindi kasi nila kinasanayan ang buhay na wala sa gitna ng karagatan kung kaya’t pinipilit na gawing normal ang kanilang buhay. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamumuhay malayo sa karagatan

panlilimos

pinakapangunahing

ang

naisip

nilang

hanap

buhay

nila

sa

solusyon lungsod

kaya

ito

mairaos

ang

naging

lamang

ang

pangaraw-araw na pamumuhay. Ayon sa City Environment and Natural Resources Office (ENRO), noong hunyo 25 hanggang hulyo 04 taon ng 2014, sila ay nagsagawa ng isang linggong aktibidad sa pagsasaliksik sa komunidad ng Badjao sa barangay Malitam at Wawa, Batangas City upang mangalap ng mga datos mula sa mga lokal na mapagkukunan at pag-aralan ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. Ang pananaliksik na ito ay isang unang hakbang sa pagpapatupad ng Ala Eh! Bangon Badjao, isang Community-based Natural Resources Management Program sa komunidad ng Badjao. Ito ay nag resulta sa sampo ng Ilan sa mga problema kinakaharap ng mga badjao ang kanilang nahagilap katulad ng pana-panahon lamang ang kanilang kita, karamihan sa mga matatanda na badjao ay nasa kamangmangan. Ayon sa kanila maliban sa hindi sila natutong sumulat at magbasa sapagkat hindi sila napag-aral ng kanilang mga magulang sa maraming dahilan. Ang ganitong buhay nila ay nag-sanhi

ng problema nila hindi lamang sa sarili kundi sa lipunan na rin. Sila ay nabubully, nakakaranas ng diskriminasyon at tinagurian bilang “slow learner, have poor hygiene, and have low emotional quotient”. Sila ay nagkakaroon ng kakulangan sa suportang moral at pinansyal para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Hindi lamang dito nagtatapos ang kanilang suliranin, ang kanilang pangangalaga sa kalusugan at kalinisan, ang pagtatanggi sa likas na yaman katulad ng maliban sa isda ay hindi sila kumakain ng kahit na ano. Kasali rin sa kanilang suliranin ang mataas na rate ng populasyon.

III. Pamamaraan A. Metodolohiya Ang konseptong papel na ito ay nabuo ng mga mag-aaral ng pangkat-isa sa 1st year Accountancy section B ng mga mag-aaral sa Pamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao. Nais ng mga mananaliksik na malaman ng mga tao ang kahalagahan ng pagkilala sa mga kaligirang kultura at hamon sa araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo sa Pilipinas lalo na ang kultura ng mga Badjao. Ang parte ng kabanatang ito ay nagsisilbing pahina ng mga impormasyon tungkol sa disenyo ng pag-aaral, instrumento ng pag-aaral ng mga nakalap na datos. 3.1 Disenyo ng Pag-aaral Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay gamit ang kwalitatibong pananaliksik. Ang pinag aralan na isinagawa ng mga mananaliksik ay tungkol sa isang tribo na nagmula sa parte ng Mindanao sa Pilipinas, Ang pag-aaral ay sa pamamagitan ng pagkalap ng mga datos mula sa iba’t ibang mga blog at website sa Internet at ito ay pinag-aralan ng mawari. Ang target ng mga mananaliksik na ang bawat tao ay mas higit na maunawaan ang kaligirang kultura at hamon sa araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo ng pangkat-etnikong Badjao sa Pilipinas. 3.2 Daloy ng Pag-Aaral 1. Pagbuo ng layunin; 2. Pagpili ng Tribo; 3. Pagkalap ng datos mula sa internet; 4. Pagsusuri ng mga nakalap na datos.

ANYO 1.0 PAGBUO NG PANANALIKSIK

3.3 Instrumento ng Pag-aaral Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos para sa pag-aaral ay ang pagbasa ng mga impormasyon sa iba’t ibang mga blog at website sa internet tungkol sa mga kultura ng Badjao. Sa pamamagitan ng pagbasa ng mga blog at ibang mga website ay nakagawa ang mga mananaliksik ng sariling konklusyon ukol sa nabasang mga impormasyon na maaaring makatulong sa pagbuo ng sariling ideya, opinyon na makakatulong sa pagbuo ng konseptong papel.

Ang mga pananaw ng mga pananaliksik tungkol sa mga nabasang impormasyon sa internet ay batay sa kung ano nga ba talaga ang mga kultura, paghahanapbuhay, tradisyon at hamon sa araw-araw na pamumuhay ng mga Badjao at ito ang naging batayan sa pananaliksik tungkol sa mga Badjao.

B. Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos na nakalap tungkol sa kakaibang paniniwala at tradisyon ng mga Badjao o Sea Gypsies. Ang mga datos ay ibinatay sa mga nakalap na impormasyon sa internet.

1. Mailahad ang pamumuhay ng mga Badjao sa panahon noon at ngayon. Sa paglipas ng panahon, sa pag-usbong ng bansa, kalakip ng pagbabago ng panahon ay ang pag-unlad at pagbabago rin sa pamumuhay ng mga taong nakatira sa lipunan nito. Sa daang taon na nakalipas, kaakibat ng pag-unlad at pag-usbong ng bansa ay di maiiwasan ang mga masaklap na pangyayari tulad ng kawalan ng pamumuhay sanhi ng mga bagyo, giyera, at iba pa.

1.1 Pamumuhay ng mga badjao sa panahon noon Ang mga badjao ay ang “Sea Gypsies” o mga taong gumagala hindi sa lupa kundi sa karagatan. Kilala ang badjao sa kanilang mga makukulay na bangka na tinatawag na "Vinta". Karaniwan silang nakatira sa dalampasigan sa mga bahay na tinatawag na "house on stilts" o sa bangka mismo o "boat houses". Kilala rin ang mga badjao bilang magaling na mangingisda at maninisid sa karagatan. Ang Badjao ang karaniwang tawag sa grupong “Sama” na nakatira sa lupa at ang Badjao ay tumutukoy sa mga nakatira sa karagatan.

1.2 Pamumuhay ng mga badjao sa panahon ngayon Ang mga badjao ay Karaniwang matatagpuan sa Karagatang Celebes at Sulu sa Timog na bahagi ng Pilipinas. Ang mga lalawigan ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at Zamb...


Similar Free PDFs