Title | FIL Report - Lecture notes 1 |
---|---|
Author | Anonymous User |
Course | Film Topics: Film Noir Lab |
Institution | University of Notre Dame |
Pages | 1 |
File Size | 26.5 KB |
File Type | |
Total Downloads | 18 |
Total Views | 149 |
Good luck....
Magandang hapon sa inyong lahat. Kami ang ikalawang grupo at aming tatalakayin ang isa sa mga isyung Nasyunal na “out of school youth”. Ano nga ba ang tinatawag nating out of school youth? O sino nga ba sila? Ang mga out of school youth ay ang mga kabataang nasa edad labing lima hanggang dalawampu’t apat na natigil sa pag-aaral o hindi nakapagtapos ng sekondarya o kolehiyo at kung minsan ang mga iba ay hindi man lamang dinanas ang makapag-aral. Sila ang mga kabataang napagkaitan ng isa sa pinakamahalagang karapatang pantao, ang edukasyon. Ngunit may mga out of school youth din na sinadyang hindi makapag-aral at hindi na pumasok sa paaralan. Sila na sinayang ang pagkakataong makapag-aral sa kabila ng mga kabataang uhaw sa kaalaman at gutom sa edukasyon. Sa puntong ito, aming tatalakayin ang dahilan, epekto at solusyon ng out of school youth. Narito si Kyla upang talakayin ang ilang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga out of school youth....