MC FIL 107 Modyul 1 - Lecture notes 1-3 PDF

Title MC FIL 107 Modyul 1 - Lecture notes 1-3
Author Leannelawrence bonaobra
Course Education
Institution Daraga Community College
Pages 18
File Size 275.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 90
Total Views 857

Summary

MC Fil. 101- KULTURANG POPULARI: UGNAYAN NG WIKA SA KULTURA AT LIPUNAN 1. Ang Wika, Kultura at Lipunan 2. Kultura ng Wika (noon at Ngayon) 3. Filipino at Globalisasyon 4. Kultura at Lipunan 5. Kaalamang BayanII. INTRODUKSYON:Ang ugnayan ng wika, kultura at lipunana ay sumasaklaw sa malalim na kabati...


Description

Daraga Community College Salvacion, Daraga Albay

Modyul

MC Fil. 101- KULTURANG POPULAR

1

I.PAMAGAT: UGNAYAN NG WIKA SA KULTURA AT LIPUNAN 1. Ang Wika, Kultura at Lipunan 2. Kultura ng Wika (noon at Ngayon) 3. Filipino at Globalisasyon 4. Kultura at Lipunan 5. Kaalamang Bayan

II. INTRODUKSYON: Ang ugnayan ng wika, kultura at lipunana ay sumasaklaw sa malalim na kabatiran sa kahalagahan ng ugnayan ng wika, kultura at lipunana na nagpapalakas at nagpapatibay ng pagka-Pilipino na makatutulong sa makabuluhang pagtuturo at pagkatuto. Ang wika, kultura at lipunan ay nakatuon sa sosyolinggwistiko at sosyokultural na dulog na naglalayong linangin ang mapanuring pag-iisip ng mga mag –aaral sa pakikipadiskurso sa ugnayan ng wika sa kultura at lipunang Pilipino. III. Inaasahang Matamo/Layunin: Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang na; 1. Naipakikita ang kaalaman sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan at naihahambing ang kultura ng wika noon at ngayon. 2. Naipakikita ang kaalaman sap ag-usbong ng modernisasyon at globalisasyon. 3. Naipakikita ang kakayahang pagsuri ng iba’t ibang kultura ng wika noon at ngayon at nalilinang ang kritikal at malikhaing pag-iisip. IV. Karanasang Pampagkatuto at Pansariling Pagtataya ng Gawain: Panumlang pagsubok: Panuto: Sagutin ng tama o mali. 1. Ayon sa mga eksperto, sinasabing ang wika ay masistemang balangkas. 2. Ang wika at kultura ay nakabuhol na sa isa’t isa. 3. Ang Pabula ay isang anyo ng panitikan kung saan ang gumaganap ay mga hayop o mga bagay ng walang buhay. 4. Ang maikling-kuwento ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. 5. Ang dula ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan saka isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang pinakamatandang sining ng tula sa kulturang Pilipino?

a. tula

b. alamat

c. dula

d. kuwentong-bayan

2. May layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipontipon, anong uri ng panitikan ito? a. bugtong

b. palaisipan

c. awiting panudyo d. tugmang de-gulong

3. Ano itong kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at traysikel? a. bugtong

b. palaisipan

c. awiting panudyo

d. tugmang de gulong

4. Anong uri ng akdang patula ang kadalasang layunin ay manlibak, manukso o manguyam? a. bugtong

b. awiting panudyo

c. palaisipan

d. tugmang de-gulong

5. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Anong uri ng kaalamang bayan ito? a. bugtong

c. awiting panudyo

c. tugmang de-gulong d. palaisipan

6. Alin sa sumusunod ang katangian ng bugtong? a. kalimitang may himig nagbibiro b. isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan c. makikita sa mga pampublikong sasakyan d. isang paalala o babala na kadalasang makikita sa mga pampublikong sasakyan. 7. Ano ang tamang sagot sa bugtong na “Gumagapang pa ang ina, umuupo na ang anak”? a. talong

b. isda

c. kasoy

d. kalabasa

8. “Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makakababa sa paroroonan”. Ang pahayag ay isang halimbawa ng _________? a. bugtong

b. tugmang de -gulong

c. palaisipan d. awiting panudyo

9. Ang mga sumusunod na pahayag ay katangian ng tugmang de-gulong maliban sa: a. Nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula. b. Mga simpleng paalala sa mga pasahero na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan c. Malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. d. Ang layunin ay manlibak, manukso at mang –uyam sa mga pasahero. 10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de-gulong? a. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para ˝sa tabi ay hihinto. b. Pedro Penduko matakaw ng tuyo, nang ayaw maligo punukpok ng Tabo. c. Bata batuta! Isang perang muta! d. Dito ko itinanim, doon tumubo.

ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN Ano nga ba ang wika?  Ayon kay Archibal Hill and Wika ay pangunahin at pinala-elaborate na anyo ng simbolikong pantao.

 Ayon naman kay Webster and Wika ay istema ng komunikasyon sa pagitan ng tao.

Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas  Ponema – pinakamakahulugang tunog ng isang wika.  Ponolohiya – pag-aaral ng ponema.  Morpema – makabuluhang salita o pinakamaliit nay unit  Morpolohiya – pag-aaral ng makabuluhang tunog.  Sintaksis – ang pag-aaral ng pangungusap. 2. Ang Wika ay Sinasalitang tunog  Kaya nakapagsasalita ang isang tao dahil sa enerhiya o hangin mula sab aga na dumadaan sa pumapalag na bagay o artikulador patungong palatunugan o resonador. 3. Pinipili at Isinasaayos  Para hindi makapanakit ng damdamin ng tao. 4. Ang Wika ay Arbitraryo  Ang esesnsya ng wika ay panlipunan o pinagkasunduan ng lipunanan. 5. Ang Wika ay ginagamit  Para hindi mamatay o mawala kailangang gamitin. 6. Ang Wika ay Dinamiko  Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago 7. Ang Wika ay nakabatay sa Kultura  May mga wika na walang katumbas sa ibang wika. Ano ang Kultura? Ayon kay Anderson at Taylor (2007) isang komplikadong Sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuoan. Ayon naman kay Mooney (2011) tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Sangayon naman kay Panopio (2007) ito ay kabuoang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi at ang kabuoang Gawain ng mga tao. Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas. Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa. Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko. Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa mga sumsunod na henerasyon. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.

Ang kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Nabuo ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa pamayanan.

URI NG KULTURA Materyal Gusali, likhang sining, kagamitan, at iba pang mga bagay na nahahawakan at nakikita ng tao

MGA ELEMENTO NG KULTURA 1. Paniniwala o Beliefs 2. Pagpapahalaga o Values

3. Norms

4. Folkways 5. Simbolo

Di-Materyal Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaring makita at maobserbahan.

Ito ay tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Ito ay batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunana sa kabuuan. Ang paglalapat ng kshulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito.

Ano ang Lipunan? Ayon kay Charles Cooley ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.

Ayon sa mga kilalang tao na sina; 

Emile Durkheim – Ito ay isang buhay na organismo na dito nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.  Karl Marx – Ito ay pinagkakikitaan ng tunggalian mg awtoridad. Ito ay bunga ng pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang kanilang pangangailangan. ELEMENTO NG LIPUNAN Tao/Mamamayan Teritoryo

Pamahalaan

Soberanya

Ang pinakamahalagang element ng lipunan na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop ng lipunan. Lawak na nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao. Ahensiya na nagpapatupad ng mga batas at mga kautusang at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan. Pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas.

Kultura ng Wika (Noon at Ngayon) Ang Wika Noon at Ngayon Lahat ng tao ay iniluwal sa mundong ito na walang kamalay-malay sa mga pangyayari sa paligid. May sariling mundo, may sariling lingguwaheng naiintindihan. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namumulat ang ating sarili sa wika at kulturang bumubuo sa ating pagkatao. Tama, ang wika ay parte ng ating pagkatao. Ito ang sumasagisag at sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino. Ito rin ang nagsisilbing tulay na kumukonekta sa bawat isa upang magkaintindihan, magkaunawaan at higit sa lahat, upang mailahad ang damdaming nais ipabatid. Naging instrumento ang wika tungo sa pagkakaisa. Isang perpektong larawan nito ay ang paglaban at pag-alay ng mga buhay ng ating bayaning Pilipino upang buhaying muli at maipreserba ang kultura at wika ng ating bansa. Bilang respeto sa mga kabayanihang nagawa ng ating mga bayani, nararapat lang na gamitin at linangin natin ng maayos ang ating wika. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti na rin tayong napapalayo, nakakalimot at isinasantabi ang wikang Filipino. Lahat ng ito ay sa kadahilanan ng pagusbong ng teknolohiya partikular na ang social media. Unti-unti tayong nilalamon ng social media. Aminin na nating araw-araw tayong gumagamit ng social media. Hindi ito nawawala sa ating isipan dahil ang nasa utak ng mga tao, hindi ka parte ng lipunan kung wala ka nito o di kaya’y hindi ka parte ng lipunan kung wala kang alam sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Batay sa datos na inilathala ng Rapppler (n.d.), may higit kumulang 47 milyong Pilipino ang mayroong aktibong account sa Facebook sa taong 2015. Ang Facebook ay isang social media na kung saan, maari kang mag-post ng iba’t-ibang larawan, bidyo, at iba pa. Hindi maitatangging parte na ng ating buhay ang social media. Saan man, kailan man, hahanap-hanapin ito ng bawat Pilipino. Kaugnay nito, malaki na rin ang epekto ng social media sa ating buhay lalong-lalo na sa ating wika. Magmula ng sumikat ang Facebook, tinatangkilik na ng mga Pilipino ang wikang Ingles upang magmukang sosyal ang kanilang mga post. Naging madali na rin ang pagpasok ng mga bagong salita gaya ng “Pak ganern!”, “Selfie”, “How to be you po?” at ang mga katagang, “Nagmahal, Nasaktan, Naging Blogger”. Nalilimutan na nating tangkilikin ang ating sariling wika. Marami na ang nagbago, marami na ring salita ang naglaho, at unti-unti ng natatakpan ang ating pagka-Pilipino. Kung kaya’t naisip namin na pagkaisahin ang wikang Filipino at ang social media, dahil mahirap ng burahin sa ating isipan ang paggamit ng social media. Ito ay sa pamamagitan ng pag-popost ng mga blog patungkol sa kultura ng Pinoy, mga magagandang lugar o tanawin na makikita sa Pilipinas at ang pagbabalik tanaw sa mga ginawa ng mga bayaning Pilipino sa makabagong paraan upang siguradong tatangkilikin ng lahat. Sa paraang ito, tayo’y nakakatulong upang maipreserba at mapagyaman ang ating kultura at wika. Simula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang social media sa ating buhay sa kabila ng mga epekto nito maganda man o hindi. Kaya’t imbes na tanggalin ang social media na siguradong ikakagalit ng marami, mas mabuting gamitin natin ang social media sa paraan na kung saan nakikitang buhay pa rin ang wika at kultura ng bansa. Sa paraan na napepreserba ang ating pagiging makabayan, ang ating pagiging Pilipino.

Malaki ang naiambag ng teknolohoya sa pagbabago ng wikang filipino. Dahil dito nagkaroon na tayo ng tinatawag na social media kung saan naipapahayag natin ang ating nadarama. Dahil din dito nabuo ang ibat-ibang uri ng paggamit ng wika. Lubos tayong naimpluwensyahan ng internet. Naghalo-halo ang ibat-ibang wika at nagresulta ito sa pagkabuo ng ibang uri ng klase ng wika na madalas ng ginagamit ngayin sa social media lalung-lalo na ang mga kabataan. Ginagamit nila ito sa pag-post sa facebook, pag change ng status, pag-comment at iba pa. Bilang isang pilipino ay tungkulin nating mahalin ang ating sariling wika. Hindi natin dapat ito ikahiya dahil ito ang sumisimbolo sa atin. Sanay hindi tayo magpadala sa ibat-ibang impluwensya na maaring sumira nito. Ipagmalaki natin ito! Ipagmalaki nating tayo ay PILIPINO! OWRYT!!!!!! Paano nga ba nagbabago ang wika?

Paano nga ba nagbabago ang wika at ang mga halimbawa nito. Ang wika ay sadyang malikhain. Ito ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng tao. Pero, sa paglipas ng panahaon, ang wika ay nagbabago dahil sa iba’t-ibang dahilan. Ilan lamang sa mga dahilan na ito ay ang pagbabago sa teknolohiya. Dahil dito, maraming makabagong salita ang nakikita kung saan nahuhumaling ang mga tao. Bukod dito, ang wika ay nagbabago dahil ang mga pangangailangan ng kanyang tagapagsalita ang nagbabago din. Ang mga bagong produkto na dulot ng bagong teknolohiya at bagong mga karanasan ay nangangailangan ng mas klarong salita para ito ay mabigyang kahulugan sa mas mahusay na paraan. Halimbawa: Ang salitang “texting” ay tinawag dati na “messaging” dahil nabibigyan nito ng paraan ang mga tao na mag padala sa isa’t-isa ng text. Nang sumikat na ang messaging, mas ginamit na ng mga tao ang pinaikling pangalan nito na “text”. Kaya naman, sinasabi na lamang ng mga tao na “text kita mamaya” at hindi na “message kita mamaya”. Kadalasan, ang wika ay nagbabago dahil sa mga kabataan at mga “young adult”. Habang nagkakaroon ng komunikasyon ang mga kabataan, ang wika ay napapalawak at ginagamit sa iba’t-ibang paraan sa nakasanayan ng mga matatanda. Isang halimbawa nito ay ang salitang “tigas”. Sa paglipas ng panahon, ang tigas ay binaliktad ng mga kabataan at naging “astig”. Dahil dito, nagkaroon ng bagong salita na may bagong kahulugan.

Filipino at Modernisasyon o Globalisasyon Ang Wikang Filipino, kaugnay ng Globalisasyon!

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto. Itinuturing na malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa ngayon ng wika. Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas mapaglagom pa lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa global na komunikasyon. Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong kaparaanan, ay maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami ring salita ang umuso at nakakuha pansin sa mga tao. Ang henerasyon ngayon ang may malaking ginagampanan sa pagyaman at pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito. At sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang kaluluwa ng ating Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi naging hadlang ang wikang banyaga sa panahon ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo upang maipakita ang pag-unlad nito. Ayon sa 2001 Rebisyong ng Wikang Filipino at Patnubay sa Ispeling, dala ng mga bagong dagdag na titik/letra C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ang mga ito ay nakatulong nang malaki sa pagsasalin upang magkaroon ng sariling berso ang ating wika. Higit na mas napadali ang paggamit ng wika sa pagbibigay interpretasyon ng iba’t ibang salita mula sa banyaga. Halos lahat ng wika sa mga karatig bansa ay may katumbas na ring berso sa Filipino. Hindi naging hadlang ang pagkakaiba-iba ng wika sa ating pakikiangkop sa agos ng globalisasyon dahil ang rebisyong ito ang naging tulay sa ating pakikipagtalastasan sa iba. Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at industriya ay higit na napaunlad rin dulot ng wika. Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang mga tao dala ng komunikasyon gamit ang lingua franca na siyang nagbigay daan sa pagkakaisa. Mas naihatid nang madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa transaksyon kahit nasa magkaibang lugar. Mas napaganda rin ang paggamit ng wika sa panahong ito. Hindi naging mahirap sa mga tao na makipagsabayan sa mga karatig bansa dahil na rin sa pagtaas ng ekonomiya sa tulong nang matalinong paggamit ng wika. Samakatuwid maraming salik ang naging ugnayan ng globalisasyon at ng ating wika. Ang dalawang ito ay magkaagapay sa pag-unlad. Hindi naging masama ang panahong ito sa pagpapalagom ng ating wika bagkus ay lalo pang naisakatuparan ang mithiin para sa wika. Patuloy pa rin ang pagbabago at pag-unlad ng wika. Hindi ito mapipigilan o masisira man ng panahon. Iba- iba man ng yugto, ay patuloy pa rin ang pagyabong nito. Ang modernong panahong ito tungo sa bagong yugto ng globalisasyon ay malaki ang maitutulong sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika hanggang sa mas lalo pa itong mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag, mababago at maiaambag sa ating wika ng mga susunod pang henerasyon GLOBALISASYON AT INTERNASYUNALISASYON NG WIKA

Ang Globalisasyon o GLOBAL EDUCATION, ito ay mas nakatuon sa economic, may kinalaman din ito Marketing of International Programs, Commercialization and Corporatization, at Business Advantage ng mga bansa. Ang Internasyonalisasyon o Internationalization of Higher Education ito naman ay tungkol sa uniberisdad kung saan inaalam ang estado ng unibersidad sa bansa. Nakapaloob din dito ang Knowledge and Language Acquisition at Curriculum Enhancement. Ang isang unibersidad ay maituturing na internasyonalisado kung marami na itong mga International Students, Foreign Visiting Professors, at International Programs. Gayundin sa Globalisasyon, kinakailangang labas-pasok ang mga mag-aaral sa bansa o tinatawag na Student and Faculty Mobility. Makikita nating ang dalawang magkaibang konsepto, ngunit sa usapang edukasyon ang Internasyonalisasyon at Globalisasyon ay magkaagapay. Ang wikang Internasyonalisasyon

Filipino ay nagiging global dahil sa ng batay sa kasunduan tulad ng Memorandum of Agreement,

Memorandum of Understanding, atPartnership sa pagitan ng isang unibersidad at isa pang unibersidad. Maliban sa pag-aaral ng wikang Ingles hindi nakakaligtaan ang pagkatuto ng wikang Filipino, kasaysayanat kultura ng Pilipinas. kaya hindi kinakailangan ang mga dayuhang mag-aaral ay Ingles lamang ang kanilang matututunan mula sa atin sapagakat mahalaga ding malaman dinnila ang ating wika, kultura at kasaysayan. Kung kaya’t napakarami na din dayuhang mag-aaral ang dumarayo sa ating bansa para mag aral ng wikang Filipino. Meron din ilang unibersidad sa ibang bansa tulad ng Moscow State University sa Rusya na tinuturo ang wikang Filipino.

Kultura at Lipunan Mga Kultura ng Pilipino Mula sa mga tradisyon na nagmula sa mga kulturang Tagalog, kultura ng Kapampangan, o kultura ng mga Bisaya, talagang napakayaman ng Pilipinas. Narito ang listahan ng mga Kultura ng Pilipino na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Kultura ng Pamamanata sa Poon (Devotion to the Patron Saint) Kultura ng pagdidiwata (Harmony with the Spirit World) Kultura ng Pag-uuma at Pag-uukir (Devotion to Islam and the Arabesque in Art) Kultura ng Pananahan (Devotion to the Home and Family) Kultura ng Pag-aaliw (Culture of Entertainment) Kultura ng Pagtutol (Protest Against Social Ills) Kultura ng Pagkabansa (Culture of Nationhood)

Source: National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Wika Ang wika ay malaking bahagi ng iba’t ibang kultura. Mayroong mahigit 130 ethnolinguistic groups sa Pilipinas at may kani-kaniyang sariling diyalekto. Kabilang na rito ang mga wikang Tagalog na bahagi ng kultura ng mga Tagalog, Ilokano, Kapampangan na bahagi ng kulturang Kapampangan, Bisaya, at Chavacano.

Hindi lang basta sinasalita an...


Similar Free PDFs