Fildis-WEEK-16 - Lecture notes 14-15-16 PDF

Title Fildis-WEEK-16 - Lecture notes 14-15-16
Author Anonymous User
Course filipino sa iba't ibang disiplina
Institution Bestlink College of the Philippines
Pages 15
File Size 577.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 9
Total Views 347

Summary

MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNANPAKSA: MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNANI. PANIMULAAng kabanata na ito ay tumatalakay sa mga kaaalaman sa mga metodo ng pananaliksik, ang metodo ng pananaliksik ay ginagamit upang mapaigting ang ginagawang...


Description

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 1 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN PAKSA: MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN

I.

PANIMULA Ang kabanata na ito ay tumatalakay sa mga kaaalaman sa mga metodo ng pananaliksik, ang

metodo ng pananaliksik ay ginagamit upang mapaigting ang ginagawang pananaliksik sa metodo rin maklikita kung ano ang nais maipunto ng pag-aaral na ginagawa. Hindi na nahuhuli ang Pilipinas pag dating sa usapin ng pananaliksik sa iba’t ibang disiplina, gayun paman marami pang dapat pag-aralan upang mapaigting pa ang paggawa ng pananaliksik at ang metodo ang isa sa mahalagang bahagi ng pananaliksik upang mailathala ito ng maaayos. II.

LAYUNIN

Inaasahan na ang mga mag-aral ay: 1. Maunawaan ang halaga ng metodo pananaliksik 2. Matukoy ang mga iba pang pamamaraan sa pananaliksik 3. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga metodo sa pananaliksik

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 2 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN III.

PANIMULANG GAWAIN

Ang dokumentaryo na ito ay nagpapakita sa mga kababayan nating lumad na napilitang lisanin ang kanilang tinitirhan sa kabundukan upang tumungo sa lunsod upang mamuhay, sinasabi na pinaalis sila sa kanilang mga tirahan at sinira ang kanilang kabuhayan at paraan sa kabundukan ng mga militar.

Nag simula ang paglikas ng mga lumad sa marawi ng magdeklara ng martial law ang pangulong Duterte sa Mindanao. Sinasabing natapakan ang karapatang pantao ng mga Lumad sa pagpilit na pagpapaalis sa kanila sa kadahilanang gagawing minahan ng kanilang mga kabundukan. Ang masakit pa nito ay pinapaslang ang kanilang mga guro at mga lider na binag bibintangan na sila ay mga NPA Kung gusto panuorin ng buo ang Narito ang link https://www.youtube.com/watch?v=MJTP8PAqxfk Tanong: 1. Tama ba ang ginagawa sa mga kababayan nating Lumad? _______________________ 2. Sa iyong palagay nang yayare bat talaga ito? ____________________ 3. Bakit kaya nila ito nararanasan? _______________________

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 3 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN IV.

PAG-UNLAD PANGKAALAMAN

4.1 Maunawaan ang halaga ng metodo pananaliksik MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN Napakaraming mapagpipiliang pamamaraan o metodolohiya sa pananaliksik panlipunan na maaaring gamitin. Narito ang ilan lamang sa mga uri na maaaring ikonsidera sa paggawa ng pananaliksik. Case Study- Nauuna ang pananaliksik na ito dahil sa holistikong dulog. Ito ay nagdadala sa paggalugad at pag-unawa ng mga malawak na isyu Maaaring mauri ang Case Study sa mga sumusunod; •

Athroretical



Interpretative



Hypothetic-generating



Theory-confirming



Theory-informing



Deviant Case Study

Ang pinagkaiba ng bawat isa ya batay sa layunin at ninanais na hanapin, hagilapin at bigyang pag-aaral ng mananaliksik (Yin, 1994) Etnograpiya- Ito ay nagmula sa terminong Etnikong Pag-aaral. Ang uring ito ng kwalitatibong pananaliksik ay nakapokus sa sistematikong pagrerekord ng kultura ng tao, orginasasyon, operasyong internal at paraan ng pamumuhay. Sa pagtitiyak, kasama rito ang aspekto ng kultura gaya ng mga seremonya, ritwal mga nakagawian at pang-araw-araw na mga pangyayari.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 4 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN Penomelohiya- Ito at tumutukoy sa pag-aaral ng pag-unlad ng [agkakabatid ng pagkatao at pagkakakilala sa sarili. Ang uring ito ng pananaliksik ay nakapokus kung paanong ang tao ay nakahahanap ng makabuluhang karanasan. Analisis ng Nilalaman at Diskurso - Ang Pananaliksik na ito ay nagtatangkang analisahin at pag-aralan kung paanong ang wika ay nagamit sa teksto at mga pananaliksik. Kasama rito ang analisis ng mga dokumento gaya ng mga naisulat na mga talumpati dokumento ng mga polisiya, pahayagan at iba pa. Karagdagan pa rito, ang mananaliksik na gumagamit ng kontent analisi ay nagbibilang ng mga paggamit ng mga salitan,parirala o tema. Sila ay gagawa ng ispesyalisadong panuntunan sa paglalagay ng kowd. (karaniwan na maaaring magamit sa kompyuter) 4.2 Matukoy ang mga iba pang pamamaraan sa pananaliksik Impak Asesment - Kilala rin ito bilang pagtataya ng impak. Ito ang ginagamit na pag-aaral upang masukat ang kahusayan ng mga gawaing pang-organisasyon at pagtukoy sa makabuluhang pagbabagong naiambag ng mga isinagawang prouekto. Karaniwang nakaugat sa Misyon ng organisasyon ang m=impak asesment na kumakalat patungo sa mga gawaing isinasakatuparan ng buong organisasyon. Narito ang ilan sa mga maaaring paraan upang higit na mapakinabangan ang pagkakaroon ng impak asesment: Panloob/Internal •

Tasahin ang kahalagahan ng mga istratehiya, kung ang mga kasalukuyang ginagamit na istratehiya ay totoong nakapag-ambag sa pangkalahatang layunin ng organisasyon



Tayain ang kahusayan ng Sistema ng pamamahala at ng Istruktura ng organisasyon –kung ang mga kinapapalooban ng mga istrukturang ito ay nakapagtatamo ng pangkalahatang layunin ng organisasyon.



Tayain ang mga komunikasyon- ang mga mensahe ba ay mahusay na napaparating sa kabuoan ng organisasyon.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 5 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN Panlabas/Eksternal •

Ipakita sa mga donor ng impak ng kanilang kontribusyon- gumawa ng link ng ugnayan sa pagitan ng kanilang donasyon sa pagbabago ng buhay ng kanilang mga benepisyaryo.



Ipakita sa publiko ang kahusayan, kahalagahan at kaayusan ng oprasyon- ang impak ay nakakukuha nang mas malaking pang-suporta.



Ipakita sa mga potensiyal na nagnanais na sumoporta ang pokus ng organisasyon- na ang matamo ang pagbabago kaysa sa pagpokus sa proseso.



Pataasin pa ang adbokasiya- maging apektibong tinig na makatutulong sa paghahatid ng kanilang mga saloobin.



Ipakita ang trasparensi- upang maipakita ang kahusayan at pagiging maasyo na takbo ng organisasyon, kinakailangang nagagastos nang wasto ang mga suporta sang-ayon sa pagkakaunawa sa pangkalahatang layunin ng organisasyon.



Maging bukas sa Pagsisiyasat- kailangang hindi natatakot na siyasatin ang organisasyon para sa pagbeberipika ng katotohanan ng mga pagpapatakbo nito.

SWOT analisis- Binigyang pagtalakay ni Nicole Falion (2018) Ang SWOT analisi bilang Strenght, Weaknesses, Opportunities at Threast na pagsusuri. Pangunahing kayunin ng SWOT analisis na matulungan ang mga organisasyon na magkaroon ng kabuang pagkakabatid sa lahat ng salik na bahagi ng pagdedesisyon. Ang metodong ito ay nilikha ni Edmund PI learned, C Roland Christensen, Kenneth Andrew at Wiliam D. sa kanilang libro na Business Policy, Text and Cases (R.D Irwin,1996) Binubuo ng mga elementong S (Strength) Kalakasan W (Weaknesses) Kahinayaan O (Opportunities) Pagkakataon o oportunidad at T (Threats) mga Panganib. Karaniwang may apat na kolum sa pagsasagawa ng ganitong analisis Mga internal na salik: Ang S/W o kalakasan at kahinaan ay mga internal panloob na salik ng pagsusuri. Ito ay maaring ang mga kagamitan at karanasan sa loob ng kompanya o oraganisasyon tulad ng sumusunod: Pinansiyal na

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 6 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN pangangailangan ( ito ay maaaring pagpopondo, pinangangailangan ng tubo, pagkakataon para sa investment)

Pisikal

na Pangangailangan (lokasyon, pasilidad, mga ekwimpment) pantaong

pangangailangan (mga empleyado, boluntir, mga target na kliyente) akses sa natural na proseso ( programang pangmanggagawa, hirarkiya ng kagawaran at sisitemang software> Mga Eksternal na salik- Nakakaapekto nang malaki ang mga panlabas o eksternal na mga puwersa sa bawat kompanya, organisasyon o maging sa mga indibidwal. Maging direkta man o hindi, ang mga ito ay maaaring maging pagkakataon o panganib (O/T) Kaya nga’t napakahalagang tandaan at odokumento ang mga ito. 4.3 Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga metodo sa pananaliksik Historikal na Analisis- Ang uring ito ng pananaliksik ay nagagawang ang bawat indibidwal ay magkaroon ng kabatiran sa nakaraan. Ang paikot na pananaw ng kasaysayan ay nangangahulugan na ang pananaw ng mananaliksik sa mga nakaraang pangyayari bilang linyar- na ang isang pangyayari ay susundan ng isa pa. Kasaysayang Pasalita- Ito ay higit sa pamamaraang pangognolekta ng datos kaysa sa disenyo ng pananaliksik, gayonpaman, sa kwalitatibong pananaliksik, ito ay isa sa mga dulog sa pag-aaral ng persepsiyon, karanasan at mga tagpo sa kasaysayan, o pangangalap ng mga kaalamang historilak sa pananaw ng indibidwal. Grounded Theory - Ang uring ito ng pananaliksik ay nagaganap kapag nakadiskubre ng bagong teorya na nagagamit sa iyong pag-aaral sa panahon ng pangongolekta at analisis ng mga datos. Inisa-isa ni Charmaz (1995-2002) ang ilan sa mga katangian ng grounded theory. 1. Walang tigil na koleksiyon at pagsusuri ng mga data. 2. Paglikha ng mga analitik kowd at mga kategorya na nalinang mula sa mga datos. 3. Pagkakatuklas sa mga datos ng mga batayang prosesong panlipunan. 4. Induktibong pagkakabuo ng mga kategorya abstrak. 5. Teyoretikal na pagsasampol upang pakinisin ang mga kategorya.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 7 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN 6. Pagsulat ng mga analitikal na memo sa mga antas sa pagitan ng pagkokowd at pagsulat 7. Ang pagsasanig ng mga kategorya sa balangkas teyoretikal. Pagmamapang  Kultural-Isang kwalitatibong pananaliksik na madalas na isinasagawa para sa preserbasyong na mga kulturang pamana Gamit ng Pagmamapang Kultural •

Pagtatayang historikal



Paggalugad sa pangkuturang identidad



Pagpaplanong Kultural



Pagpaplano para sa natutustusang pag-unlad

Holistikong Pananaliksik - Ang holistikong dulog sa pananaliksik ay higit na tinitingnan bilang pilosopiya kaysa disenyo. Ang disenyo ay nakabatay mula sa pilosopiya, Upang maunawaan ang sitwasyon o penomenon, kinakailangan tingnan ito sa kanyang kabuoan- na holistikong sinisipat mula sa iba’t ibang perspektiba. Feministang Pananaliksik - Ito ay kinakatawanan ng pilosopikal na teoryang feminista, pawang mga katanungan at kaukulang pangjababaihan ang siyang gabay na balangkas. Ang Feministang Pananaliksik ay naiiba sa mga tradisyonal na pananaliksik sa sumusunod na paraan: Una- Ang pangunahing focus nito ay karanasan at pananaw ng kababaihanat ito ay gumagamit ng metodong pananaliksik na ang layunin ay makuha ang mga pananaw at karanasan. Ikalawa- aktibo nitong tinatanggal o binabawasan ang hindi balanseng kapangyarihan sa pagitan ng mananaliksik at tagatugon. Ikatlo- Ang layunin ng feministang pananaliksik ay baguhin ang hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin ng lipunan sa mga kalalakihan at kababaihan.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 8 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN Pagbuo ng Teoryang (theory of Building)- Ito ay sistematikong pagbuo at eksposisyon ng bagong teorya, mula sa pagsusuri sa mga umiiral na teorya, konsepto mga modelo obserbasyon iskolaring komunikasyon, mga datos na mula modelo. Diplomatik- Ang metodong ito ay kabuoan ng mga teknik, teorya at prinsipyo sa pag-aanalisa sa mga anyo, gamit at pinagmulan ng mga dokumento na may partikular na tingin sa pagtatayo ng awtentisiti. (karaniwang nakaugat sa mga legal na gham, pilosopiya at historyagrapiya) Pagdebelop ng Griunded Theory Ang metodong ito ay nakatuon sa pagdiskubre ng mga konsepto, hipotesis at nagdebelop ng teorya na direktang nakuha mula sa mga nakolektang mga datos. Arkival (Archival) na Pananaliksik- Kasama sa malawak na pamamaraan ng arkival na pananaliksik ang mga gamiting gawain sa pagsusuri ng mga dokumento at mga nakasulat na materyales ng mga organisasyon. Ginagamit din ng mga iskolar ang arkival na pananaliksik sa mga tekstong nalikha at gagamitin ng mga kasalukuyang organisasyon upang masusugan ang ilang estratehiya sa pananaliksik. Narito ang ilan sa mga nagiging bahagi ng arkival na pananaliksik sa iba pang metodolohiya. Pagtatago ng Rekord at pagsusuri ng Sistemang Arkival- Ito naman ay pagsusuri at ebalwasyon ng mga gawain. Proseso at tungkulin sa kompleks na sistemang pantao, Institusyonal at teknolohikal. Pagbuo at paglikha ng modelo- Ito ay gamit ng pormal na mga aktibidad, relasyon ng mga entiti, konsepto, gampanin at mga paulit-ulit na teknik ng modelong datos. Pagdidisenyo ng Sistema at Paglikha ng Prototayp Ito ay kinilala bilang pagdebelop at karaniwang nasa pananaliksik na pang-inhenyeriya. Karaniwang kasama ng pagdedebelop ang paggalugad, makabagong aplikasyon at mga teyoryang operasyonal Etnograpikong Dulog Kasama rito ang etnograpikong pagtatago ng mga rekord, arkival na etnograpiya o etnograpiyang arkival Nagagamit ang arkival na pananaliksik sa uring ito sa pamamagitan ng malalimang pag-aaral ng pagtatago ng rekord, gawain arkival, pangnakaraan at pangkasalukuyang gawaing pambansa, kultural, pamamahala, institusyonal at personal na konteksto.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 9 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN

V.

PAGSUSURI/ANALISIS, APLIKASYON AT EKSPLORASYON

Pangalan:_______________________________

Petsya:_____________

Kurso at Seksyon:___________________________

Puntos:______________

Gawain 1 Panuto: Basahin ang buo ng artikulo na isinulat ni Luis Camara Dery at gumawa ng isang sanaysay kung anong uri ng metodo sa pananaliksik ang ginamit sa artikulo. ANG KAHAPON, KASALUKUYAN, AT KINABUKASAN AY lISA Luis Camara Dery MARAM1NG kasaysayan ang bumubuo sa kasaysayan ng Pilipinas Isa narito ang kasaysayan ng Himagsikan ng 1896. Masasabing may dalawang yugto ito. Ang una, mula 1896 hanggang 1898, ay ang matagumpay na himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamahalaang Kastila na naglundo sa paglaya ng mga Pilipino at sa pagkatatag ng Republika ng Pilipinas, ang unang malayang pamahalaan ng mga katutubo sa buong Asya noong ikalabinsiyam na siglo. Ang ikalawang yugto, mula 1899 hanggang 1902 (1913 ayon sa ilang Pilipinong Historyador), ay ang Digmaang Pilipino-Amerikano nang buonggiting na ipinagtanggol ng mga Pilipino ang kanilang bagong-tamong kalayaan at pamahalaan laban sa imperyalismong Amerikano.Maraming kasaysayan ang bumubuo sa kasaysayan ng Digmaang Pilipino-Amerikano Napakaraming aspekto nito ang nananatiling lingid sa kaalaman ng mga Pilipino at Amerikano. Mabuti na lamang at dumarami na ang mga nagkaka-interes na tuklasin at ilantad ang kung anu-ano patungkol sa digmaan. At malaki ang maitutulong ng mga pag-aaral na ito tungo sa paglilinang ng mga masalimuot pang mga bahagi ng nasabing digmaang ito, laIung-laIo na sa mga kasaIukuyang henerasyon ng mga Pilipino at Amerikano. Bago pa man malimbag ang Vestiges of 1iV:1r nina Angel Velasco Shaw at Luis H. Francia, marami nang mga akIat ang nalimbag na tungkol sa Digmaang Pilipino Amerikano, lalo na dito sa Pilipinas. Ang mga aklat na ito ay bunga ng pagdiriwang at paggunita na ginanap sa Pilipinas tungkol sa ikasandaang taon ng Himagsikan ng 1896. Masasabing binigyang-diin ang

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 10 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN Maka - Pilipinong pananaw, salungat sa mga pag-aaral na nalimbag sa Estados Unidos na hanggang ngayon ang nasabing digmaan ay pilit na itinatago sa taguring "rebelyon ng mga Pilipino laban sa pamahalaan ng Amerika." Kapansin-pansin na ang mga aklat na nalimbag dito sa Pilipinas ay dumalirot iba't ibang aspekto ng nasabing digmaan-ang digmaan sa iba't ibang probinsya; ang papel na ginampanan ng mga mamamayan (Muslim, Bikol, Tagalog, Ilokano, Kordilyera, Bisaya); ang relasyon ng digmaan sa ibang mga bansa; ang digmaan at himagsikan ayon sa paningin ng mga taga-Kanluran at Silangan; ang sining, musika, at panitikan ng himagsikan; ang pamahalaan at parnunuang Pilipino, at mararni pang iba. Ang mga ito ay tinalakay sa dalawang tomo na inedit ni Elmer Ordonez. [The Phllippine Revolution and Beyond·Papers from the International Conference on the Centennial of the 1896 PhIlippine Revolution, 2 vols. (Manila, 1998) J. lsa pang kumperensya ang ginawa sa Jakarta na ang pinaksa ay ang Unang Republika ng Pilipinas, at si Rizal at ang ginampanan ng Himagsikang Pilipino sa pagsulong ng nasyonalismo sa Asya. [Toward the First Asian Republic: Papers from the Jakarta International Conference on the Centenary of the PhIlippine Revolution and the First ASIan Republic (Manila: Philippine Centennial Commission, 1998) Ang iba't ibang pamantasan at pag limbagan sa bansa ay masiglang sumali sa pagdiriwang ng sentenyal ng Himagsikan. Marami ang nalimbag na aklat. Ang Pamantasan ng Pilipinas ay naglimbag ng mga aklat tungkol sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Unang-una na rito ay ang personal na taIaarawan ni Carlos Ronquillo at Valdez, ang sekretaryo ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Bilang saksi sa maraming pangyayari kaugnay ng Himagsikan, maraming detalye ang inilahad ni Ronquillo na hindi makikita sa mga aklat na nalimbag lalo na sa Amerika. [lsagani R. Medina, patnugot, Kasunod nito ang aklat ni Samuel Tan na tumalakay sa digmaan sa Kamindanawan. 1nteresante ang aklat na ito dahil para sa may-akda, tumagal ang nasabing digmaan hanggang 19I3, hindi noong 1902 [The FilipinoAmerican ~r 1899-1913 (QC: U of the Philippines P, 2002) Sagana rin ang ani ng mga aklat na nilimbag ng Pamantasan ng Ateneo tungkol sa nasabing digmaan. 1nilantad ni Resil Mojares ang isang madilim na mukha ng digmaang ito-ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng ilang Pilipino sa Amerika sa pagsakop sa bansa, lalo na sa lalawigan ng Cebu [ The Against the Americans: Resistance and Collaboration in Cebu, 1899-1906 (QC: Ateneo de Manila U P, 1999)J. Binigyan-diin ni Floro Quibuyen ang tesis na dahil sa pagsakop ng Amerika sa Pilipinas ay naagas ang unang republika sa Asya na itinatag mismo

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 11 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN 19 mga katutubo nita [A Nation Aborted: Rizal American Hegemony andPhilippine Nationalism (QC: Ateneo de Manila U P, 1999)J. Malaking kontribusyon para sa mga mag-aaral ng relasyong Pihpino- Amerikano ang paglimbag ng mga talaarawan at talambuhay ng mga angunahing tauhan ng nasabing kasaysayan. Dito isulat ang sagot na hindi bababa sa 100 salita.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Page 12 of 15 MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK PANLIPUNAN

VI.

PAGLALAGUM

Isang Dokumentaryo ang ginawa ni Ms. Kara David patungkol sa Tasaday na sinasabing nabuhay sa mga kabundukan ng Pilipinas pinaniniwalang ang lahi ng mga tasaday ay mula pa sa panahon ng mga stone age noong 1971 si Manda Elizalde ang isa sa mga nakatuklas sa mga tasaday sa kabundukan ng mindanao. Dalawang put anim (26) lamang ang mga tasaday noon ng ibinida sila sa iba’t ibang mamahayag antropolohiya at personalidad, nalathala sa buong mundo ang mga mukha ng mga tasaday ngunit noong 1986 may isang mamahayag na bumalik sa mga tasaday at nakitang mga nakadamit na ang mga ito. Sa pangyayaring iyon tinawag na peke ang mga tasaday. Mga magsasaka daw sila na pinagbihis ng bahag at pinag mukhang mga taong gubat upang makuha ang simpatya ng mundo. Matapos nito ay kinutya, pinagtawanan at tinawag na sinungaling ang mga tasaday.

Makalaipas ang ilang taon muling binalikan ni Ms. Kara David ang mga tasaday mayroon pasiyang mga naabutang mga tasaday ngunit sila ay hindi na kamukha ng dati. Ayon sa mga tasaday nagagalit sila dahil hindi naman nila alam na ganoon ang mangyayari sa kanila san...


Similar Free PDFs