FILIPINO 101 MIDTERMS PDF

Title FILIPINO 101 MIDTERMS
Author Mary Grace Antiporda II
Course Theoretical Foundation in Nursing
Institution General Santos Doctors Medical School Foundation, Inc.
Pages 15
File Size 483.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 337
Total Views 511

Summary

Download FILIPINO 101 MIDTERMS PDF


Description

FIL 101 SINING NG KOMUNIKASYON KALIKASAN AT ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO “Kung ano ang bigkas, ay ganoon din ang pagkakakabaybay”

Sa pag-aaral ng wika, kinikilala ang sumusunod na kaangkinan nito: 1. Balarila (Grammar) - Ang balarila (mula sa bala + (ng) + dila) ay ang pagaaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. a. Palatunugan (phonology) Ang ponolohiya o palatunugan ay pagaaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening) b. Palabuuan (morphology) Tungkol ito sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita. c. Palaugnayan o Sintaks tumatalakay sa masistemang

BSN A FIL101

pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap. 2. Talasalitaan (Lexicon) - pagbibigay ng kahulugan sa mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. 3. Palatitikan (Orthography) 4. Panitikan (Literature) - nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

KAANGKINAN NG WIKA Tinatawag na Lingwistiks o Linggwistika ang agham sa pag-aaral ng wika. Sinasabing ang historical rekord ng pag-aaral ng wika ay pinagsimulan ni Pânini, isang gramaryan noong ikalimang siglo (5th century BC) sa Hilagang India. Lumikha siya ng 3, 959 alituntunin sa pagbuo ng sanskrito na tinawag niyang Astâdhyâyi. Ito ay isang maaayos, sistematiko, at teknikal na grammar na angkin ang konsepto ng ponema, morpema, at ugat (root) na kanyang nabuo matapos ang masusing pagaaral. Ang klasipikasyon ng alpabeto ang katinig at patinig, ang pangngalan, pandiwa, pang-abay ay malaking ambag rin niya sa Sanskrito ng panahong iyon. Samantalang ang ponema ay kinilala lamang ng mga linggwistikong kanluranin pagkaraan ng dalawang milenyo.



Kinakatawan ng mga titik at simbolo o kombinasyon ng mga ito.



May 21 na ponema sa Filipino: 16 katinig at 5 patinig.

BALARILA Mula sa salitang bala at dila. Ang balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pagkakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; at ng ponolohiya o wastong pagbigkas.

PONOLOHIYA •



Mula sa salitang phone na nangangahulugang boses/tinig at logos na ang ibig sabihin ay salita o speech, bahagi ng linggwistiks na pag-aaral ang sistema ng palatunugan ng isang espesipikong wika. Kung ang phonetics ay ang pisikal na produksyon at persepsyon ng pananalita, ang ponolohiya ay tumutukoy sa gamit ng wika o lenggwahe. Mahalagang parte ng ponolohiya ang pag-aaral ng tunog na malimit naihahambing sa iba pang tunog.



pag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng tunog.



Ponema- tawag sa mga makabuluhang tunog.

PONEMANG SEGMENTAL

BSN A FIL101

DIPTONGGO – kapag isinudlong ang alin man sa ponemang patinig sa unahan ng malapatinig na ponemang w at y na karaniwang nasa huling pantig ng salita. Halimbawa: bahay (a + y = ay) baliw (i + w = iw) kalabaw (a + w)

KLASTER • Tinatawag na kambal katinig. Binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Impluwensya ito ng mga dayuhang salita. Halimbawa: nars, tsinelas, klase, braso

DIGRAP •

Ito ang itinatawag sa tunog ng ng na binubuo ng dalawang katinig ngunit iisa ang tunog o bigkas na kinakatawan lamang ng isang simbolo. Halimbawa:

ngayon, ngiti, banga, manga, tanong, dunong PONEMANG SUPRASEGMENTAL

nagkakapalitan nang hindi nababago ang kahulugan ng salita. Halimbawa:

tumutukoy ito sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pasulat.

Lalake = Lalaki



Sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.



Nagkakaroon ng ibang kahulugan ang salita dahil sa tono o intonasyon, diin, antala/hinto nito.

Hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maaari rin naman maging pares-minimal ang mga ito.



PARES-MINIMAL Pares Minimal – mga pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang ipinagkakaiba ng kahulugan. Halimbawa: mesa = table

tula = poem

kulay = color

misa = mass

gulay = vegetable

dula = play

bala = bullet

kulong = enclose

pala = spade

gulong = wheel

Pulitika = Politika Bibi = Bibe

MORPOLOHIYA (Estruktura ng Wika) Morpolohiya Ang pag-aaral sa pagbubuo ng mga salita ay tinatawag na morpolohiya. Mula ito sa salitang Ingles na morpheme na kinuha mula sa morphe na ang ibig sabihin ay yunit o anyo sa Griyego at hulaping eme. Dahil sa ating panghihiram o pag-aasimila, tinawag itong morpema. Morpema ang tawag sa makabuluhang yunit ng mga salita. Kinikilala sa morpolohiya ang pagbuo at ugnayan ng mga salita, ang panloob na istruktura, klasipikasyon, at ugnayan ng mga morpema.

Ponolohiya Mga Ponemang Nagpapalitan – may mga pagkakataong ang ponemang e at i, gayundin ang o at u, ay

BSN A FIL101

Mga Anyo ng Morpema 1. Morpemang salitang-ugat – ito ay payak na anyo ng mga salita na walang halong panlapi. Maituturing na pinaka-

ina ng mga salita dahil ito ay nagtataglay ng kahulugang leksikal na karaniwang binubuo ng dadalawahing pantig. Halimbawa: bayan

luha

mata

tao

hayop 2. Morpemang a at o – makabuluhang tunog ang morpemang a at o sapagkat nagpapakilala ito ng pagkakaiba ng sex o kasarian ng pangngalan. Halimbawa: abogado

abogada

doctor

doctora

maestro

maestra

tindero

tinder

3. Morpemang panlapi – ikinakabit ito sa salitang ugat. Ang mga panlaping ito ay ang mga sumusunod: unlapi = nasa unahan ng salitang ugat gitlapi = nasa gitna ng salitang ugat hulapi = hulihan ng salitang ugat kabilaan = sa unahan at hulihan ng salitang ugat laguhan = sa unahan, gitna, at hulihan ng salitang ugat

BSN A FIL101

4. Morpemang kataga – ang kataga ay isang morpemang iisahaning pantig lamang at ang mga ito’y walang kahulugan kung nag-iisa maliban na lamang kung isasangkap sa pangungusap. Halimbawa: ba, daw, naman, din, nga, pala HOMOFONUS – tawag sa salitang-ugat na nag-iiba-iba ng kahulugan ayon sa bigkas ngunit pareho ng ispelling. Halimbawa: baga, paso, supot, balat, pito, SINTAKS Ang sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay, at mga pangungusap. Parirala – tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa.

Pamantayang Pang-Gramatika – tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap. Halimbawa: Kinain ko ang masarap na kalsada Kumain ko ang masarap na tinapay Kinain ko ang masarap na tinapay Pangungusap – ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Mga bahagi ng pangungusap: 



Simuno o paksa – ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang simuno o paksa ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa. Panaguri – ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng bagay hinggil sa simuno.

Uri ng Pangungusap ayon sa gamit 1. Pasalaysay – tinatawag din na paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa tuldok. 2. Patanong – ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?) BSN A FIL101

3. Pautos – kung ang pangungusap ay nag-uutos 4. Pakiusap – pangungusap na parating may salitang “paki” o “kung maaari”. 5. Padamdam – ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!) Mga Kayarian ng Pangungusap  Payak – ito ay nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapagiisa. Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap 

Payak na simuno at payak na panaguri



Tambalang simuno at payak na panaguri



Payak na simuno at tambalang panaguri



Tambalang simuno at tambalang panaguri



Tambalan – ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap



Hugnayan – ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.



Langkapan – ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na

makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.

Ang mga salitang sa b, p ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-) ASIMILASYONG GANAP Halimbawa: -

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO: ASIMILASYON, PAGPAPALIT NG PONEMA, METATESIS, AT PAGKAKALTAS NG PONEMA ASIMILASYON -

tumutukoy ito sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito

-

panlaping nagtatapos sa -ng katulad ng sing- na maaring maging sin o sim

-

pang- na maaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensya ng kasunod na katinig

Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-) ASIMILASYONG PARSYAL / DIGANAP Halimbawa: -

pang + pilosipiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya

ASIMILASYON -

sa bahaging ito, mababanggit na rin ang pagkakaroon ng pag-uulit sa loob ng salita

Halimbawa #1: pang + bato >>> pambato >>> pamato >>> pa(ma)2to = pamamato Ang mga salitang nagsisimula sa patinig /a,e,i,o,u/ at katinig na /k,g,h,n,w,y/ ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-) Dito ay walang pagbabagong nagaganap sa mga saita Halimbawa: -

sing + ganda = singganda

-

pang + kaisipan = pangkaisipan

Pag uulit sa mga salita na halimbawa #2: -

mang + sayaw >>>

mansayaw >>> manayaw >>> ma(na)2yaw = mananayaw

sing + tindi = sin + tindi = sintindi PAGPAPALIT

-

pang + laban = pan + laban = -

panlaban

BSN A FIL101

tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita

-

pagpapalitan ng posisyon ang mga ponema sa loob ng isang salitang nilalapian. May mga salita ring maliban sa nagpapalitan ng ponema ay nagaganap din ang pagkaltas ng ponema

Halimbawa:

Halimbawa: -

dito >>> rito

-

ma+dapat >>> marapat

-

ma+dami >>> marami

PAGLILIPAT -

tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita

-

tinatawag ding metatesis na nangangahulugan ng paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kapag nagsimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping -in- nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/

y+-in-+akap = yinakap = niyakap l+-in-+ayo =linayo = nilayo /o/ at /u/ ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng pang-ugnay (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat Halimbawa: -

linggo-linggo

-

ano-ano

/e/ at /i/ Ganoon din sa paguulit ng salitang- ugat na nagtatapos sa e, hindi ito pinapalitan ng letrang i. Kinakabitaan ng pang-ugnay (-ng) at ginagamitan din ito ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. Halimbawa: -

babae - babaeng-babae

-

salbahe - salbaheng-salbahe

PAGPAPALIT -

/d/ at /r/ Napapalitan ng /r/ and /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/

BSN A FIL101

Halimbawa: -

y+-in+akag >>> yinakag >>> niyakag (niyayakag, hindi yinayakag)

-

l+-in+ayon >>> linayon >>> nilayon (nilalayon, hindi linalayon)

PAGKAKALTAS -

Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Maari itong maganap sa unahan o gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang ponema o morpema sa gitna, at napapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema

Halimbawa:

-

Dala + hin >>> dalahin >>> dalhin

-

Bukas + an >>> bukasan >>> buksan

-

sakit + an >>> sakitan >>> saktan

-

bili + hin >>> bilihin >>> bilhin

Pagbabagong Morpoponemiko B: Paglilipat diin, Pagsusudlong, Pagaangkop, Reduplikasyon Pagbabagong Morpoponemiko Morpoponemiko ito ay karamihan sa mga pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita ay dulot ng pagdaragdag ng panlapi o pagsasama ng dalawa o higit pang morpema upang bumuo ng salita. Ang mga naganap na pagbabago ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.

Bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlungan o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /an/, -/han/, /-in/, /-hin/, /-an/,o/± anan/ Halimbawa:  antabay + an = antabayan = antabayanan  alala + -an > alalahan + -in > alalahanin  pa + bu + an > pabulahan > pabula (h) an + an > pabulaanan  ka + totoo + han > katotoohan > katoto (o) han + an > katotohanan

Paglilipat Diin - Kapag ang salitangugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito ay nilalapi-an.

Pag-aangkop - Pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita. Hindi maiiwasang magkaroon din ito ng pagkakaltas upang mapaikli ang nabuong bagong salita.

Halimbawa:

Halimbawa:

laro + an = Laruan Basa + hin = Basahin

hintay + ka = teka

Dugo + an = Duguan han = Kasamahan

Ka + sama +

Pagsusudlong Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat.

BSN A FIL101

tingnan + mo= tamo

hayaan + mo= hamo tana

tayo+na=

kita + mo = kitam Reduplikasyon - Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring ng paghiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.

Halimbawa: Aalis, matataas, magtataho, pupunta, masasaya, naglalakad INTELEKTWALISASYON AT ISTANDARDISASYON NG WIKANG FILIPINO Ayon kay Santiago (1990), ito ay tumutukoy sa nagaganap o isinasagawa ring proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayon ay mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Mabisa ang wikang intelektwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya at ng iba pang teknikal at mataas na antas ng karunungan. Isa itong pag- unlad na vertical ng wika. Tulad ng paggamit ng hiram na salita. INTELEKTWALISASYON AY PAGUNLAD NA VERTICAL NG WIKA Ang mabisang paggamit ng wika sa mga sopistikadong lawak ng katunungan tulad ng agham, teknolohiya, at iba pang taknikal at mataas na antas ng karunungan. Hindi ito basta-basta na lamang mapapawi

BSN A FIL101

o mawawalang wika bagkus ay siyang sinusunod at ginagamit ng spoistikadong balana batay sa mataas niyang antas ng karunungan alinsunod sa mga tuntunin ng pagiging intelektwalisado nito.

KAHALAGAHAN Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga estudyante ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng ating mga mithi at nararamdaman. Halimbawa Sa bawat aspekto ng ating pag-iral ay gumagamit tayo ng wika kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng ating malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. NGUNIT, hindi pa rin ito sapat upang masabing intelektwalisado ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang ingles. Mga hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon: Rolando S. Tinio (1975)

Una, ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang intelektwal. Ikalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaunlarang pagiisip kung tumiwalag tayo sa wikang Ingles. Ilang mga hakbang na naisagawa o dapat maisagawa sa pagintelektwalisa ng Wikang Filipino Pagsulat ng mga desisyon sa korte gamit ang Wikang Filipino. Pagsulat ng mga panukalang o ipinasang batas sa Wikang Filipino sa kongreso, sa senado, o sa official gazette Pagsulat ng mga panukalang o ipinasang batas sa Wikang Filipino sa kongreso. Pagtuturo ng riserts at pagsulat sa larangan ng edukasyon. Pagtuturo o pagsusulat ng mga publikasyon o mga definitive text sa batas at medisina. Pagtuturo o pagsusulat ng mga publikasyon. Paglalakip ng mga seksyong Filipino sa pahayagan. ISTANDARDISASYON NG WIKA Isang pamamaraan o proseso kung paano maaaring tanggapin at gamitin ng nakararaming taong gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak na disiplina ng karunungan. Ayon kay Havranek, ito ay adaptasyon ng wika para magkaroon ito BSN A FIL101

ng kakayahang bumuo ng wasto, tiyak at kung kakailanganin, ng mga pahayag na abstrak na matatagpuan sa mga sulating pansiyensya at pampilosopiya. Dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, pakikipagkalakalan, pakikipagkomunikasyon at iba pang pakikipagugnayan, maging sa loob o labas ng bansa ay maraming salita o katawagan ang pumapasok sa Filipino. Ang normalisayon ng mga salita ay kusang nagaganap sa Filipino. Ang normalisayon ng mga salita ay kusang nagaganap sa Filipino. Ito ay isang mabuting katangian ng isang buhay na wika, madaling tumanggap at mag-asimila ng mga salita na nagmumula sa ibang wika. KAHALAGAHAN 1) Maiiwasan ang kaguluhan sa paggamit ng mga salita o katawagan sa alin pa mang disiplina ng karunungan. 2) Ang Filipino ay higit na uunlad at maitataas ang antas nito bilang wika Ang “Mga Tuntunin at Patnubay sa paggamit ng walong bagong Letra ng Alpabetikong Filipino” na napapaloob sa Binagong Revisyon ng Alpabetiko at Patnubay sa pagbaybay ng Wikang Filipino ay kinikilalang mahalagang panukala para sa pagrereporma sa pagbaybay o pag ispelling para paunlarin ang sistema ng pagsulat upang matamo ang malawakang layunin ng istandisasyon

at intelektwalisasyon ng Filipino. Lumabas ang repormang ito dahil may makapangyarihang impluwensiya ang paglilippat ng pagbaybay na wika patungo sa anyong nakasulat sa pagkakaroon ng unipormidad ng wika. Halimbawa na lamang ang paggamit ng walong banyagang titik – C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z. Dalawang Aspekto ng Istandardisasyon Istandardisasyon sa Ortograpiya ng Filipino Istandardisasyon sa talasalitaan ng Filipino ORTOGRAPIYA NG FILIPINO Ortograpiya ang paraan ng pagbibigaysimbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika. Bawat wika ay may sariling sistema ng paglalapat ng simbolo/letra/titik/karakter sa mga makahulugang tunog o ponema



Ito ay ang representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.



Ito ay sin...


Similar Free PDFs