FILIPINO 2 PRELIMS WHOLE REVIEWER 2020 PDF

Title FILIPINO 2 PRELIMS WHOLE REVIEWER 2020
Course Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Institution Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines
Pages 7
File Size 242.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 43
Total Views 223

Summary

PANGKASAYSAYAN NG PAGSASALINKAHULUGAN NG PAGSASALIN- Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggapna wika ng pinakamalapit at likás nakatumbas ng mensahe ng simulaang wika,una ay sa kahulugan at ikalawa, ay saestilo (Eugene A. Nida, 1964).- Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sapamamagitan ng pagtutumbas...


Description

PANGKASAYSAYAN NG PAGSASALIN KAHULUGAN NG PAGSASALIN - Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo (Eugene A. Nida, 1964). - Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita (Theodore H. Savory, 1968). - Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika (Mildred L. Larson, 1984). - Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika (Peter Newmark, 1988). Paano Ano ang Ano-ano ang ang priyoridad sa dalawang daloy ng pagsasalin? elementong dapat pagsasal mayroon sa in? pagsasalin? 1. SL (source language o SL  TL 1. Kahulugan simulaang 2. Estruktura lengguwahe) 3. Estilo 2. TL (target language o 4. Pinaglalaanang tao tunguhang lengguwahe) Nagmula sa salitang Latin na “translatio” na nangangahulugang “pagsalin”. - Hindi na kailangang tawaging “pagsasaling-wika” dahil ito ay redundant. Sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), ang kahulugan ng “salin” ay transladar (paglalapat ng salita para sa salitang nasa ibang wika). - Isang matandang kawikaang Italiano ang “traduttore, traditore” na nangangahulugang “tagasalin, taksil.” - Pag-usapan natin: Bakit kaya nasabing pagtataksil ang pagsasalin? Sang-ayon ba kayo rito? Bakit o bakit hindi? LAYUNIN O KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN 1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika 2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa 3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin MAIKLING KASAYSAYAN -Sinasabing kasintanda na ng panitikang nakasulat ang pagsasalin. -Ilan sa mga bahagi ng epiko ni Gilgamesh ng Sumeria ay kinatagpuan ng salin sa iba’t ibang wikang Asiatiko. -

-Sinasabing kasintanda na ng panitikang nakasulat ang pagsasalin. -Isa sa mga unang tekstong naisalin ay ang Bibliya. Iginiit ni San Agustin na sadyang wasto ang Septuagint, ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo dahil ayon sa alamat, 70 Griyegong Hudyo ang nagsalin nito ngunit nagkaisa sila sa salin bagama’t magkakahiwalay silang nagsalin. Sa kaniyang Letter to Pammachius (395 AD), pinaboran ni San Geronimo ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya dahil “ang mismong paghahanay ng salita ay isang misteryo.” Pinagtalunan din kung ang pagsasalin ay isang sining o agham. - Ang pagsasalin daw ay agham dahil sa pinagdaraanan nitong proseso. - Ang pagsasalin naman daw ay sining dahil sa ginagawa ditong muling paglikha. - Kasintanda din ng nakalimbag na panitikan ang pagsasalin sa Pilipinas. - Ang unang aklat na nailimbag, ang Doctrina Cristiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika. - Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong moral o relihiyoso noong Panahon ng mga Español mula wikang Español tungong mga katutubong wika (hal., Tagalog, Cebuano, Kapampangan, etc.) sa layuning indoktrinahan ang mga Pilipino  Internationalization means the process of designing and developing a product, website, game or application, so they can be easily localized for targeted markets that may vary in terms of culture, language, or region. Internationalization is actually a preliminary process before focusing on localization.  Localization refers to the adaption of a product or a service to a specific language or culture, in order to meet all the requirements needed to a desired local “look and feel”. It is an essential and a must-have business strategy, where translation is a central activity, but it’s only a part of this complex process  Dahil sa mabilis na takbo ng pandaigdigang ekonomiya, asahan ang mas marami pang lokalisasyon ng mga produkto at serbisyo upang lalong umayon sa kalikasán ng mga target nitong mamamayan. Isa ito sa magtutulak sa lalo pang pagsasalin.  Ang pagsasalin ay isang gawaing walangkupas at lalong nagiging mahalaga sa daigdig. MGA URI NG SALIN 1. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal - Kabílang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham at teknolohiya. - Mas abstrakto at mas mahirap isalin ang mga tekstong siyentipiko (purong agham) ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin. - Ang mga tekstong teknikal (aplayd na agham at teknolohiya) ay mas kongkreto,

mas kolokyal at mas madaling unawain. Layunin ng pagsasaling teknikal na mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo. - Sa pagsasaling teknikal, hindi mahalaga ang estilo basta basta ang nilalamang impormasyon ay maisalin nang hindi nababago mula SL tungong TL (Landers, 2001). 2. Pagsasaling Pampanitikan - Sinasalamin nito ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng mayakda; natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito. Mga katangian ng tekstong pampanitikan ayon kay Belhaag (1997): • Nagpapahayag ng damdamin (ekspresibo) • Bukás sa iba’t ibang interpretasyon (konotatibo, subhetibo) - Nakatuon sa anyo at nilalaman - Hindi kumukupas at para sa kahit sinong mambabása - May tendensiyang tumaliwas sa mga tuntuning pangwika -

Aralin 2: MGA KATANGIAN AT TUNGKULIN NG ISANG TAGASALIN SINO BA ANG TAGASALIN? “Isang manunulat na lumilikha ng kaniyang idea para sa mambabása. Ang tanging kaibahan lámang niya sa orihinal na may-akda ay ang ideang kaniyang ipinahahayag ay mula sa huli” (Enani, 1997). “Ang pagsasalin ay lampas sa lingguwistikong gawain. Ang tagasalin ay isang tunay na mananaliksik, manunuri at malikhaing manunulat” (Coroza, 2012). “Sa pagsasalin ng mga rehiyonal na wika tungong Filipino, may tatlong pangunahing tungkulin ang tagasalin: (1) tagasalin, (2) tagabuo ng kasaysayang pampanitikan, (3) tagapag-ambag sa pagbubuo ng kanon ng panitikang Filipino (Lucero, 1996). MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA SALIN  Ayon sa Summer of Institute of Linguistics, may tatlong katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na salin: C – clear (malinaw) A – accurate (wasto) N – natural (natural ang daloy) MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG TAGASALIN 1. Kasanayan sa Pagbása at Panunuri Paulit-ulit na pagbása sa akda hanggang lubos na maunawaan ang nilalaman nito Pagpapasya kung paano tutumbasan ang bawat salita lalo na iyong mga salitang siyentipiko, teknikal, kultural at may higit sa isang kahulugan Pag-unawa sa antas ng wikang ginamit, estilo ng may-akda, kulturang nakapaloob sa teksto, at iba pang katangiang lampas sa estruktura 2. Kasanayan sa Pananaliksik Kasama rito ang: Paghahanap sa kahulugan ng di-pamilyar na mga salita sa mga sanggunian (diksiyonaryo, ensiklopidya, at iba pa) Pananaliksik tungkol sa bakgrawnd ng mayakda, kulturang nakapaloob sa akda, atbp. Pagkilala sa target na mga mambabása 3. Kasanayan sa Pagsulat - Ito ang masalimuot ng proseso ng paglikha ng salin at patuloy na rebisyon nito upang ganap na maging natural sa TL at sa mambabása. - Pagsunod sa mga tuntuning panggramatika (hal., Ortograpiyang Pambansa) - Kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin at sa estruktura ng mga ito - Pag-aayon ng kaayusan ng salita at pangungusap sa estruktura ng TL PAHAYAG HINGGIL SA MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA TAGASALIN Artikulo 1. Ang tagasalin ang pangunahing tagapagugnay ng orihinal na akda at ng mga mambabása nito sa ibang wika. Artikulo 2. Ang pagkilala sa pagsasalin bílang isang gawaing pampanitikan ay kailangang maging saligan sa anumang kasunduan ng tagasalin at ng tagapaglathala. Artikulo 3. Dapat ituring na awtor ang isang tagasalin, at dapat tumanggap ng karampatang mga karapatang pangkontrata, kasama na ang karapatang ari, bílang isang awtor. Artikulo 4. Kailangang nakalimbag sa angkop na laki ang mga pangalan ng tagasalin sa mga dyaket, pabalat, at pahinang pampamagat ng mga aklat, gayundin sa materyales pampublisidad at mga

listahang pang-aklatan. Artikulo 5. Kailangang igalang ang patúloy na karapatan sa royalty ng tagasalin at ibigay ang kaukulang bayad, may kontrata man o wala. Artikulo 6. Ang salin ng mga trabahong may karapatang-ari ay hindi dapat ilathala nang walang pahintulot mula sa mga orihinal na awtor o mga kinatawan nila, maliban kung hindi sila mahingan ng pahintulot dahil sa mga pangyayaring labas sa kapangyarihan ng mga tagapaglathala. Artikulo 7. Kailangang igalang ng mga tagasalin ang orihinal at iwasan ang mga pagputol o pagbabago maliban kung ang mga naturang pagpapalit ay may pahintulot ng mga sumulat o ng kanilang awtorisadong mga kinatawan. Dapat igalang ng tagasalin ang mga teksto. Maliban sa maipaliliwanag ng mga pagkakataon, kailangang may pahintulot o pagsangayon ng tagasalin ang anumang pagbabagong editoryal. (AMERICAN TRANSLATORS ASSOCATION CODE OF ETHICS & PROFESSIONAL PRACTICE) - We the members of the American Translators Association accept as our ethical and professional duty to convey meaning between people and cultures faithfully, accurately, and impartially; - to hold in confidence any privileged and/or confidential information entrusted to us in the course of our work; - to represent our qualifications, capabilities, and responsibilities honestly and to work always within them; - to enhance those capabilities at every opportunity through continuing education in language, subject field, and professional practice; - to act collegially by sharing knowledge and experience; - to define in advance by mutual agreement, and to abide by, the terms of all business transactions among ourselves and with others; - to ask for and offer due recognition of our work, and compensation commensurate with our abilities; and - to endeavor in good faith to resolve among ourselves any dispute that arises from our professional interactions. - PhP 252, 189.26, panimulang suweldo pa lámang - Ang buwanang cost of living sa Paris, France kasama na ang renta sa bahay ay Eur 2093.36 o PhP 117, 316.20 - May ipon pang humigit-kumulang PhP 135, 000 Itinuturing ba ang pagsasalin na isang regular na trabaho sa Pilipinas? Paano? Hindi pa. Biláng na biláng ang mga institusyong may permanenteng trabaho para sa tagasalin gaya ng KWF ngunit ang iba pa ay freelance na trabaho lámang. Kada proyekto ang bayaran. Hindi regular ang suweldo, walang benepisyo, maaaring putulin (i-terminate) anumang sandali Ano-ano ang mga kalipikasyon ng isang propesyonal na tagasalin? Halos ang itinuturing lang na kalipikasyon ay ang kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin. Ngunit wala pang komprehensibong kalipikasyon gaya ng pagkompleto sa mga pagsasanay, sertipikasyon bílang tagasalin o pagpasá sa isang estandardisadong pagsusulit sa gobyerno. Magkano ang karaniwang suweldo ng isang tagasalin sa ating bansa? Wala pang estandardisadong kompensasyon. Ito ay nakadepende sa iaalok ng kompanya o ipepresyo ng tagasalin. Dahil dito, bukás ito sa eksploytasyon o pag-

abuso. Maaaring baratin ng kompanya ang tagasalin o presyuhan nang labis ng tagasalin ang kompanya. Paano pinalalakas ng mga tagasalin sa Pilipinas ang kanilang hanay? Itinayo ng UST ang kauna-unahang Sentro sa Salin sa bansa. Nagtuturo din ito ng Panimulang Pagsasalin (FIL 2). Umiiral ang mga propesyonal na organisasyon ng mga tagasalin gaya ng FIT, PATAS, at iba pa. Bukod sa pormal na digri (PhD Filipino – Pagsasalin sa UPD) at mga kurso sa pagsasalin, tulóy-tulóy rin ang mga pagsasanay sa pagsasalin.

LESSON 3: MGA PILÍNG TEORYA SA PAGSASALIN ANG TEORYA SA PAGSASALIN Matalik na magkaugnay ang teorya at praktika sa pagsasalin. Kung ang huli ay ang aktuwal na pagtutumbas ng SL at TL, ang una ay ang kaalamang pinagbatayan sa ginawang pagtutumbas. Ang teorya ang nagbibigay ng framework na makapagpapaliwanag sa mga desisyong ginawa sa pagsasalin. Dahil dito, lalong tumitibay ang kredibilidad ng ginawang salin at mas naipagtatanggol ito sa mga maaaring kumuwestiyon dito. A. TEORYA BLG. 1: FORMAL VS. DYNAMIC EQUIVALENCE (Eugene A. Nida, 1914 – 2011) 1. Formal Equivalence Pinananatili ang anyo at nilalaman (form and content) ng SL. Hindi lang mensahe ng orihinal ang pinananatili sa TL kundi maging ang mga pisikal na sangkap nito gaya ng bokabularyo, gramatika, sintaks, at estruktura. Hindi ito literal na pagsasalin kundi matapat na salin. Hal: First, Edward was a vampire. o Una, si Edward ay isang bampira. Mas natural kung sasabihin na lang na “Una, bampira si Edward.” Ngunit kailangang panatilihin ang ayos ng pangungusap ng SL kaya nauna ang simuno bago ang panaguri (…si Edward ay isang bampira). Hindi rin kailangan sa Filipino na tumbasan ng “isang” ang “a” ngunit dahil mayroon nga nito sa SL, kailangan pa rin itong ilagay. 2. Dynamic Equivalence - Tinatawag ding functional equivalence. - Nakatuon sa paghahatid ng kahulugan, hindi ng estruktura ng orihinal. - “quality of a translation in which the message of the original text has been so transported into the receptor language that the response of the receptor is essentially like that of the original receptors.” - Hindi ito malayang salin (free translation) na puwedeng tumiwalag ang tagasalin sa SL. - Sa halip, hinahamon nito ang tagasalin na balansehin ang pagiging tapat sa kahulugan at diwa ng orihinal habang ginagawa ding natural at katanggaptanggap (hindi tunog-salin) ang salin para sa target audience. Original

Agni’s mother works a lot.

Formal Equivalence

Ang nanay ni Agni ay gumagawa ng maraming trabaho.

Dynamic Equivalence

Kayod nang kayod ang nanay ni Agni.

- Magkapareho ng kahulugan ang salin ngunit hindi nakatali ang pangalawang salin sa mga salitang ginamit sa orihinal sa halip, naghanap ng panumbas na maaaring mas madamá ng target audience. - Ginagamit ito kapag: - Ang ST ay hindi malinaw o hindi maintindihan kapag ginamitan ng formal equivalence (may suliranin sa comprehensibility) - hal. o a. dressed to kill – “nakapamburol”, sa halip na “dinamitan para pumatay” o b. hand to mouth existence – “isang kahig, isang tuka”, hindi “kamay sa bibig na pamumuhay”

Mga Paraan • Pag-uulit (redundancy) • Pagpapaliwanag • Pagpapaikli (gisting) • Pagdaragdag • Alterasyon • Paglalagay ng footnote • Modipikasyon ng wika para umangkop sa karanasan ng target audience • Pagbabago ng ayos ng pangungusap Formal o Dynamic? Nangangahulugan ba itong mas maganda ang dynamic kaysa formal? Ang huli ba ang dapat laging pairalin kaysa una? Depende sa kahingian ng teksto, ng nagpapasalin, at/o ng target audience. Batas o ordinansa Salita ng Diyos Subtitle ng pelikula o serye Tagline ng isang brand (hal., “I’m lovin’ it ng McDo”) Recipe Talumpati ng isang mahalagang tao Bisyon-misyon ng isang institusyon Haiku B. TEORYA BLG. 2: SEMANTIC VS. COMMUNICATIVE TRANSLATION (Peter Newmark, 1916 – 2011) Nahahawig ang konsepto kay Nida. Katumbas ng semantic translation ang formal equivalence at ng communicative translation ang dynamic equivalence. 1. Semantic Translation “attempts to render, as closely as the semantic and syntactic structures of the second language allow, the exact contextual meaning of the original” (1981, p. 39) may pagkiling sa SL literal tapat sa may-akda ng simulaang teksto nananatili sa orihinal na kultura

-

2. Communicative Translation “attempts to produce on its readers an effect as close as possible to that obtained on the readers of the original” (1981, p. 39) may pagkiling sa TL malaya at idyomatiko nakatuon sa magiging puwersa kaysa sa nilalaman ng mensahe iniaangkop sa kultura ng mambabása Semantikong Salin Komunikatibong Salin  pokus sa kahulugan  pokus sa epekto  tuon ay pinaglalaanan  hanggat maari ay ng salin pinanatili ang ST/ SL  kumplikado,  pinasimple ,mas detalyado pinalinaw  madaling basahin  may pagkakataon may pagkakataon na na labis ang may mga pagkakasalin impormasyon mula sa

orihinal na teksto na hindi nababanggit C. TEORYA BLG. 3: DOMESTICATION VS. FOREIGNIZATION (Lawrence Venuti, 1953present) Kinikilala ang matalik na ugnayan ng wika at kultura sa pagsasalin. Itinatanong nito sa tagasalin: ipararanas ba ang kultura ng simulaang teksto o iaayon ang teksto sa kultura ng mambabása? 1. Domestication - Inilalápit at inilalapat ang teksto sa konteksto ng mga mambabása sa paggamit ng mga salitang lokal o higit na pamilyar sa kanila kaysa sa mga terminong banyaga. - “Wangseja/Seja” ang sadyang tawag sa wikang Koreano sa “crown prince”. “Sejajeoha” (Your Royal Highness) ang magalang na pantawag na espesipiko sa kaniya. - Sa Filipino, isinasalin lang ito na “Mahal na Prinsipe” at “Kamahalan”. Hindi ginagamit ang espesipikong mga terminong Koreano. 2. Foreignization - Pinananatili ang mga terminong kultural ng SL gaya ng mga pangalan ng tao (hal., “Fernando de Magallanes” sa halip na “Ferdinand Magellan”); konsepto (hal., “yin at yang”, “hara-kiri”, “karma”); mga katawagan sa pagkain, pananamit, at iba pang sining (hal., “kimchi” sa halip na “buro”, “hanbok” sa halip na “tradisyonal na kasuotang Koreano”); pangalan ng mga kalye, lugar, institusyon, atbp. (hal., “Harvard University” sa halip na “Unibersidad ng Harvard”, “East Coast/West Coast” sa halip na “Silangan/Kanlurang Baybayin”); at iba pa. - SL: …Ma put on her special sari (p. 16) - TL: …napasuot si Nanay ng espesyal niyang sari (p.16) D. TEORYA BLG. 4: TEORYANG SKOPOS (Hans Vermeer, 1930 – 2010) Skopos – salitang Griyego na nangangahulugang “purpose”. Naiimpluwensiyahan ang salin ng layunin kung bakit ba ito ginagawa; paano pinakaepektibong makakamit ang intensiyon sa pagsasalin? Sa simula pa lang ng pagsasalin, kailangang tanungin ng tagasalin: o Bakit isinasalin ang ST/ Simulaang teksto o Ano ang magiging gamit ng TT?/tunguhing teksto Dalawang batayang tuntunin ng skopos: o Tuntunin 1: matukoy ang layunin o Tuntunin 2: maaring magbago naaayon sa kung para kanino ang pagsasalin ( pinaglalaanan) Dapat piliin ang paraan ng pagsasalin sa pinakaangkop na makatutugon sa layunin. Implikasyon ng Teoryang Skopos • Kinikilala ang iba’t ibang posibilidad ng pagsasalin ng teksto. • Nagiging target-oriented ang pagsasalin. • Ang pagsasalin ay paglikha ng bago at orihinal sa halip na magbigay lámang ng parehong impormasyon gamit ang ibang wika. Ayon sa konsultant ng Philippine Bible Society (PBS) na si Dr. Anicia del Corro na nanguna sa pagsasalin ng Pinoy New Testament, Teoryang Skopos daw ang ginamit nila. Ang layunin nila ay “mailapít ang Salita ng Diyos sa bagong henerasyon” kaya ang wika rin ng

nasabing henerasyon ang ginamit nila. Kung pagbabatayan ang sales, masasabing naabót nila ang kanilang Skopos dahil ubós ang kopya ng Bibliya nang ibenta ito. E. TEORYA BLG. 5: MGA URI NG TEKSTO (Katharina Reiss, 1923 – 2018) Suriin ang pagkakaiba-iba ng salin. Source Text Posibleng Salin It’s tasty! Try it.

Ito ay malasa. Tikman mo. Sumasabog sa lasa. Hayaang dila’y magpista! Malasa ito! Tikman mo na.

Bakit dapat suriin ang ST?  “Translation is a very broad, complex and multifaceted phenomenon, encompassing much more factors than it seems at first glance. It is not just copying the words from the original work while changing the language, but it consists of a careful selection of appropriate phrases and expressions, combining them together in a skillful way while taking into consideration numerous aspects, one of them being the text type.”Ang pagsasalin ay malawak ,komplikadong gawain na aakalain natin sa una na ito ay simpleng pagkopya lamang ng nilalaman mula sa orihinal na akda na tinutumbasan ng ibang salita subalit ang pagsasalin ay nangangailangan nang maingat at angkop na pagpili ng mga salita at parirala at ganoon din ang uri ng teksto. - Karolina PUCHALA, Text Typology and Its Significance in Translation Mga Uri ng Teksto  Ang tipolohiya o pag-uuri ng tekstong pinakamalaganap na ginagamit sa teorya ng pagsasalin ay ang ipinanukala ni Reiss (1976:10) na nakabatay sa konsepto ni Karl Bühler ng mga gámit ng wika. 1. Tekstong Impormatibo • Nakatuon sa nilalaman ng mensahe. • Hal., tekstong nagbibigay-kaalaman gaya ng saliksik, teksbuk, ensiklopidya, atbp. • Ang pangunahing layunin ng tagasalin a...


Similar Free PDFs