Gawain-4 - Lecture notes 2 PDF

Title Gawain-4 - Lecture notes 2
Author Evan Louie Alestair Esteban
Course Contemporary World
Institution Western Philippines University
Pages 8
File Size 338 KB
File Type PDF
Total Downloads 85
Total Views 123

Summary

Hhb...


Description

Gawain 4: FILIPINO

9

Aralin

1

Paano ang Pagsulat ng Payak na Tanka at Haiku?

Layunin: Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay: 1. Makasusulat ng payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU- IIa-b-47). 2. Makapagbibigay paliwanag kung paano isusulat ang tanka at haiku na may tamang anyo at suka. 3. Mailalarawan ang mga halimbawang tanka at haiku kung ang mga ito ba ay nasa tamang anyo at sukat. 4. Matutukoy ang tamang sukat at anyo ng mga tanka at haiku.

Balikan

Ang Tanka at Haiku Balikan muna natin ang mga paksa at kasanayan na naging sentro ng mga sinundang modyul. Binigyang diin ang mga mahahalagang konsepto, kaalaman at detalye tungkol sa tanka at haiku. Land of the Rising Sun ang bansang Hapon na nasa Silangang Asya na tinaguriang isa sa pinakamaunlad na bansa pagdating sa ekonomiya at teknolohiya. Ipinapakilala ng mga Hapones ang mga salitang samurai, animè, manga at marami pang iba. Tunay ngang malikhain ang mga Hapones hindi lamang sa teknolohiya kundi pati na rin sa panitikan tulad na lamang ng kanilang tanka at haiku. Ang tono o intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapuwa. Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Ang talinghaga ay nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa isusulat na tanka at haiku. Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula, halimbawa nito ay nag-agaw buhay at nagbabanat ng buto. Ang lahat ng inyong natutunan sa nagdaang mga aralin ay dito na sa modyul na ito magagamit o magkaroon ng aplikasyon dahil ikaw na mismo ang gagawa ng iyong sariling tanka at haiku. Kaya maging handa ka na sa bagong kaalaman at hamong dala ng modyul na ito.

Tuklasin Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling ito. Ang bawat akdang ating nabasa lalo na ang mga tula ay may kanya-kanyang anyo at sukat kung paano ito bubuuin. Kaya, matutulungan kang madagdagang kaalaman mo sa araling ito.

Gawain 1 Panuto: Magbigay ng sariling paglalarawan kung paano masasabi na ang tanka at ang haiku ay nasa tamang anyo at sukat ang pagkakasulat nito. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Tanka

Haiku

1. Bakit mahalagang magkaroon ng sukat sa pagsusulat ng tanka at haiku? 2. Paano masasabi na ang sinusulat na tanka at haiku ay nasa tamang anyo?

Suriin Anyo at Sukat ng Tanka at Haiku Tanka: Maikling awitin ang anyo. Ito ay 31 pantig na may 5 taludtod karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5- at 5-7-5-7-7 o maaring magkakapalit din na ang kabuuan ng pantig ay 31 pa rin. Ang paksa nito ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa . Nagpapahayag ito ng masidhing damdamin na naging daan upang magpahayag ng damdamin ang isa’t isang nagmamahalang babae at lalaki. Haiku: Mas pinaikling tanka. Ang anyo nito ay karaniwang binubuo ng 17 ang bilang ng pantig na may tatlong taludtod. Maaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5 o maaring magkakapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay 17 pa rin. Ang paksa nito ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Nagpapahayag pa rin ng masidhing damdamin. Ang dalawang anyo ng tulang ito ay pinahahalagahan ng panitikang Hapon na kung saan lumabas sa ikawalong siglo ang tanka at ang haiku naman ay noong ika-15 siglo na may layong pagsasama-samahin ang mga ideya sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Ang mga salita na ginagamit ay maaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa: -kawazu- “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol -shigure- “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig” •

Mga Halimbawa ng Tanka at Haiku Tanka ni Ki no Tomonori Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Hapon

Hi – sa – ka – ta no Hi – ka – ri no – do – ke – ki Ha – ru no hi ri Shi – zu ko – ko – ro na – ku Ha – na no chi – ru – ra – mu

Ingles This perfectly still Spring day bathed in soft light From the spread-out sky Why do the cherry blossoms So restlessly scatter down?

Filipino Payapa at tahimik Ang araw ng tagsibol Maaliwalas Bakit ang cherry blossoms Naging mabuway?

Haiku ni Basho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Hapon

Ha – tsu shi – gu – re Sa – ru mo ko – mi – no wo Ho – shi – ge na – ri

Ingles

Filipino

An old silent pond… A frog jumps into the pond, Splash! Silence again

Matandang sapa Ang palaka’y tumalon Lumalagaslas

Sipi mula sa Slideshare ni Ghie Maritana Samaniego mula din kay M O Jocson Iba pang halimbawa: Tanka

Haiku

Natakot at nangamba Panahong kinaharap Maraming sawi Sana ay hindi nalang Ako nandito

Mahal kong bayan Pandemya’y naranasan Kayang lampasan

Pagyamanin

Gawain 2 Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang sukat at anyo ng tanka at haikung ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga Halimbawa Tula ng mga Hapon 1.Tanka Natakot at nangamba Panahong kinaharap Maraming sawi Sana ay hindi nalang Ako nandito 2.Haiku Mahal kong bayan Pandemya’y naranasan Kayang lampasan

Isaisip

Sukat -------------------------------------------------

Anyo

Gawain 3 Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Anong damdamin ang nangingimabaw sa ilang halimbawa ng tanka at haiku na tinalakay? Ganito din ba ang iyong naramdaman? Bakit? 2. Ano ang karaniwang paksa ng nabanggit na mga tanka at haiku? Ano ang nais ipahiwatig nito? 3. Paano nakakatutulong ang tanka at haiku sa pagpapakilala ng kultura ng bansang pinagmulan nito? 4. Kung ikaw ay susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang nais mong talakayin? Ipaliwanag.

Isagawa Gawain 4 Panuto: Sumulat ng sariling tanka at haiku batay sa sumusunod na mga imahe. Iugnay sa iyong sariling karanasan at bigyan ito ng angkop na pamagat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Tanka 1.

Pamagat: _________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ Tanka 2.

Pamagat: _________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________

Haiku 1.

Pamagat: _________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ Haiku 2.

Pamagat: _________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________

Buod Ayon sa kaalamang sinabi ni M.O. Jocson na binanggit ni Ghie Maritana Samaniego na ang tanka at haiku ay mga tulang pinangangalagaan ng Panitikang Hapon na lumabas noong ika-7 siglo at ika-15 siglo. Ang tradisyunal na tanka ay binubuo ng 31 pantig 5 taludtod na pumapaksa ng pagbabago, pag-ibig at pag-iisa at nagpapahayag ng masidhing damdamin. Samantalang ang haiku ay binubuo ng 17 pantig 3 taludtod na tinatawag ding mas pinaikling tanka. Ito naman at pumapaksa tungkol sa kalikasan at pag-ibig na kung saan nagpapahayag din ng masidhing damdamin. Mahalagang masunod ang panuntunan sa pagsulat ng mga ito upang mapanatili ang orihinalidad nito ayon sa bansang pinanggagalingan. Ito ay isa rin sa paraan ng pagtuklas ng kultura at kasaysayan ng bansang pinagmulan ng mga mga tanka at haiku na naisulat sa iba’t ibang bansa. Maaari rin na ang ganitong uri ng sining ang maging daan sa pagpapahayag ng sariling damdamin at saloobin.

Tayahin

A.Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay maikling awitin na puno ng damdamin. a. Soneto b. Tanka c. Haiku d. Nobela 2. Ang haiku ay tinatawag ding ________. a. Mas pinagandang tanka b. Mas pinahabang tanka c. Mas pinaikling tanka d. Wala sa nabanggit 3. Ang dalawang madalas na mga paksa ng haiku ay ang ________. a. kalikasan at pag-ibig b. kamatayan at pag-ibig c. kaibigan at pag-iibigan d. kaligayahan at pag-ibig 4. Anong damdamin ang namamayani sa tanka ni Ki No Tomonori? a. pagmamahal b. galit c. pagtitimpi d. wala sa nabanggit 5. Ang layunin ng mamakata sa pagsulat ng kanyang mga tula ay ________. a. maliwanagan ang mambabasa b. matutong sumulat c. maaliw ang mambabasa d. lahat ng nabanggit B.Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Paano isusulat ang tanka na may tamang anyo at sukat? (5 puntos) 2. Paano isusulat ang haiku na may tamang anyo at sukat? (5 puntos) Karagdagang Gawain Gawain 5 Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang kahalagahang maidudulot sa pagsusulat ng tanka at haiku sa iyo? 2. Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang tulad mo na nahihirapan sa pagsusulat ng ganitong uri ng mga akdang pampanitikan? 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsusulat ng tanka at haiku?

Susi sa Pagwawasto

Subukin A. 1. b 2. c 3. a 4. a 5. d B. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot Tuklasin Gawain 1. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot Pagyamanin Gawain 2. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot Isaisip Gawain 3. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot Isagawa Gawain 4. Ibabatay sa rubrik ang pagbibigay ng iskor Bahagyang Kraytirya Ganap na Naisagawa Naisagawa (4) (5) 1.Organisasyon sa pagkakasulat ng tanka at haiku 2.Kaangkupan ng mga salitang ginamit 3.Naging malinaw ang batayan ng pagkasulat 4.Magkakaugnay ang pamagat at ang nilalaman ng tula 5.Tamang bilang ng sukat batay sa uri ng tula Tayahin A. 1. b 2. c 3. a 4. a 5. d B. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot Karagdagang Gawain Gawain 5. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot

Sanggunian

Hindi Naisagawa (3)

Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag – aaral sa Filipino 9. Department of Education- nstructional Materials Council Secretariat, Pasig City: Vibal Group Inc., 2013.

Internet: https://www.google.com/search?q=covid&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved 6/14/2020 https://www.google.com/search?q=tourist+spots+iligan+city&tbm=isch&ved 6/14/2020 https://www.needpix.com/photo/download/623768/mothers-day-mother-heart-board-gratitude-lovethank-you-connectedness-emotion 6/14/2020 https://www.slideshare.net/andreatiangco9/malikhaing-pagsulat-tula 6/28/2020 https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-87431826/28/2020 https://www.wallpaperflare.com/reality-work-4k-dream-popular-quotes-inspirational-achieve-wallpaperqgpgv 6/14/2020 Slideshare.net/mobile/ghiemaritana/tanka-at-haiku-523881122 6/28/2020 Slideshare.net/mobile/ghiemaritana/tanka-at-haiku-523881122 6/28/2020

For inquiries and feedback, please write or call: DepEd Division of Iligan City Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City Telefax: (063)221-6069 E-mail Address: [email protected]...


Similar Free PDFs