Title | Kabanata-III-final - Research |
---|---|
Author | Hazelle Dayne Manipud |
Course | Financial Accounting 2 |
Institution | Kingfisher School of Business and Finance |
Pages | 4 |
File Size | 47.7 KB |
File Type | |
Total Downloads | 661 |
Total Views | 716 |
Kabanata III PAMAMARAAN O METODOLOHIIYA Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik, respondente ang pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal na tritment sa pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunay...
Kabanata III PAMAMARAAN O METODOLOHIIYA Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik, respondente ang pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal na tritment sa pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.
DISENYO NG PANANALIKSIK Ang isinasagawang
pananaliksik ay
ginamitan ng
deskriptibong
metodolohiya. Pinili ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang disenyong ginamit ay angkop para sa paksa sapagkat
mas mapapadali ang pangangalap ng datos na
isinasagawa. Nauunawaan ng
mga mananaliksik na
ang
Descriptive Survey
Research Design ay nababagay sa pag-aaral na isinasagawa kahit na limitado lamang ang kanilang respondente. Ito ay sa kadahilanang hindi lamang sila nakadepende sa mga sagot sa kanilang talatanungan kundi ay maaari rin silang magsagawa ng panayam at obserbasyon upang idagdag sa mga nakalap nilang datos at impormasyon.
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na magiging mabisa ang paggamit ng disenyong paglalarawan o deskriptibo sa pagkalap ng datos at impormasyon para sa kanilang isinasagawang pananaliksik.
MGA RESPONDENTE Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa bayan ng San Carlos, kung saan ipapatayo ang boutique, at ang mga kalapit na bayan gaya ng Malasiqui, Basista at Calasiao. Ang mga ito ay nangalap ng tig-25 respondente sa bawat bayan na may kabuuan ng isang daang (100) respondente. Ang mga taong sumagot sa sarbey ay nasa edad na labingwalong (18) hanggang sa limampung (50) taong gulang na kung saan ang mga ito ay mga estudyante, propesyonal gaya ng mga guro, negosyante, doktor at mga fashionista na gusto ng mura pero komportable at naaayon na damit na sumasabay sa uso para sa kanilang edad. INSTRUMENTO NG PAG-AARAL Ang ginamit na instrument ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay sarbey, panayam at obserbasyonal na pananaliksik. Sa pamamagitan ng sarbey
at
pagbigay
ng
mga
talatanungan
ito
naging
pangunahing
instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito. Ang talatanungan ay inihanda ng mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon tungkol sa negosyo at sa persepsyon ng mga tao na makatutulong sa mga mananaliksik.
TRITMENT NG MGA DATOS
Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik galing sa iba’t ibang bayan, gumamit ang mga mananaliksik ng mga sumusunod na tools ng istastika. 1. Porsyento ay ginagamit para sa demograpikong propayl ng mga respondente ayon sa kanilang edad at kasarian. FORMULA: P = f/n x 100 P = Porsyento f = prikwensiya n = kabuuang bilang ng mga respondente 100 = constant value 2. Average weighted mean ay ginamit para sa pagtatasa ng mga respondente paukol sa kanilang mga sagot sa survey questionnaires. FORMULA: X = fx/n X = weighted mean f = prikwensiya n = kabuuang bilang ng mga kaso 3. Analysis of Variance (ANOVA) ay makatutulong upang magkaroon ng paghahambing sa iba’t ibang nakuhang weighted mean at magkaroon ng magkakaibang resulta na pagkukuhanan ng prediksyon o interpretasyon. Mga hakbang sa pagkuha ng Analysis of Variance (ANOVA) 1. Ang una ay kunin ang kabuuan ng mga square ng weighted means.
2. Ikalawa, hanapin ang squares sa pagitan ng mga haligi. 3. Ikatlo, kunin ang kabuuan ng mga square sa pagitan ng mga haligi. 4. Upang makumpleto ang talahanayan ng ANOVA, kunin ang mean ng mga kabuuan ng nakuhang squares....