Kolonyalismo WORD PDF

Title Kolonyalismo WORD
Author Anonymous User
Course Accountancy
Institution Far Eastern University
Pages 6
File Size 72.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 81
Total Views 137

Summary

Kolonyalismo...


Description

1. KOLONYALISMO Direktang pananakop ng makapangyarihang bansa sa mga mahihinang bansa para mapagsamantalahan ang mga yaman nito. Tinatawag na kolonyalismo ang pananakop ng isang bansa sa iba pang bansa upang palawakin ang teritoryo o nasyong sakop nito na kung saan pinagsasamantalahan ng nanakop na bansa ang mga yamang taglay ng nasakop na bansa. Sa pananakop na ito hindi lamang yaman ang inaangkin kundi maging iba pang pangangailangan ng nanakop na bansa. Madalas mang maihalintulad ang kolonyalismo sa imperyalismo, gayunpaman ay mayroon parin itong pagkakaiba. Kung ikukumpara sa imperyalismo, maaaring magsilbing base para sa kalakalan at militar ang kolonya. Layunin ng kolonyalismo ang makinabang sa kung anong mayroon ang nasakop na bansa upang magamit sa pag-unlad ng mananakop na nasyon.

EPEKTO NG KOLONYALISMO Ang kolonyalismo ay nag-iiwan ng bakas sa isang bansa. Dahil sa pananatili ng mga dayuhang mananakop ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating mga nakaugalian at mga kultura. Napapalitan din nito ang ilan sa sistema ng pamumuhay ng mga taong lokal. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. (Nakapaloob sa artikulong ito ang naging epekto ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas. EPEKTO NG KOLONYALISMO SA PILIPINAS Kultura Malaki ang naging epekto ng kolonyalismo sa kultura ng Pilipinas. Dahil sa pananatili ng mga mananakop sa Pilipinas, ang mga tao sa ating bansa ay natutunan ang mga gawi ng mga dayuhan. Napagbabago nito ang pananaw ng isang indibidwal at napapamahal siya sa kultura ng bansang nanakop. Kaugnay nito, ang kultura ng sarili nating bansa ay nalilimutan. Relihiyon Malaki ang kontribusyon ng pananakop sa ating relihiyon. Alam mo ba na ang pagiging Kristiyano ng malaking populasyon sa Pilipinas ay bunga ng kolonyalismo? Noong tayo ay sinakop ng mga Espanyol, ipinakilala nila ang relihiyong katoliko. Mula sa pagsamba ng ating mga ninuno sa mga anito, ipinakilala ng mga Espanyol ang dapat kilalanin at sambahing diyos. Edukasyon Sa pagdating din ng mga taga Espanya, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon. Nagkaroon ng mga paaralan at unibersidad kung saan mas malilinang pa ang kakayahan ng isang indibidwal. Pamahalaan

Bago pa man naganap ang kolonisasyon, ang Pilipinas ay mayroon ng sistema ng pamahalaan. Ang mga namumuno noon ay tinatawag na Datu. Nang dumating ang mga taga Espanya, ito ay nabago rin. Ang pamahalaan ay naging sentrilasado at nagkaroon ng mga posisyon tulad ng gobernador heneral. Arkitekto Sa pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa, naipakilala din ang paggamit ng bato sa mga imprastraktura. Napatibay nito ang mga bahay ng mga mamamayan. Matururing itong mabuting naidulot ng kolonisasyon sapagkat nagkaroon ng mga gusali at mga daan ang Pilipinas.

2. MGA NANGYARI SA PILIPINAS (TRISHA) Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ngHomonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo. Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ngDigmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos na

nagdeklara ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsiyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawai’i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya’y mamatay) at ang nagbalik ngdemokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina angekonomiya ng bansa.

3. ANO ANG NEO KOLONYALISMO?

Ang neokolonyalismo o makabagong anyo ng pangongolonya ay ang konsepto kung saan ang mga kolonyalista ay hindi na tuwirang nananakop ng mga teritoryo bagkus ay kanilang kokontrolin ang mga mahahalagang imprastraktura, ekonomiya, o ang pulitika upang umayon sa kanilang mga plano o kagustuhan.

4. IBA’T IBANG PARAAN NG NEO KOLONYALISMO

Ekonomiko - napalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring tulong sa pagpapaunlad kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong. Kultural- sa anyong ito ay nabago ang ating pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng bansa. Dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan. Nagkaroon ng pagbabago ang ating buhay. Highit na pinahahalagahan ang musika, palabas, babasahin ng mga dayuhan. Nagbigay ng masamang epekto sa mga PIlipino ang pagpapairal ng wikang Inglis bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.

URI NG NEO KOLONYALISMO Dayuhang Tulong o Foreign Aid Ilang instrumento ng mga neo-kolonyalista ang napakaloob sa tinatawag na dayuhang tulong (foreign aid) – pang-ekonomiya, pangkultura, at pangmilitar. Sa Unang malas ay mga tulong na walang kondisyon, tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata at pamamahagi ng libreng aklat ay may kapalit. Kung titingnan maigi, ang mga tulong na ibinigay ng Estados Unidos ay napunta rin sa mga negosyanteng Amerikano.

Maging ang tulong militar ng Estados Unidos ay hindi rin libre. Ang ipinamimigay na mga kagamitang militar ay mga surplus na lamang.

Dayuhang Pautang o Foreign Debt Anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) o ng Estados Unidos ay laging may mga kondisyon. Isa na rito ang mga kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ang pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi sundin ang mga kondisyon, hindi makautang ang umuutang. Dahil dito, hindi rin makaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt trap ang itinawag dito.

Lihim na Pagkilos (Covert Operation) Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.

5. IMPLUWENSYA NG MGA AMERIKANO

Libangan, musika at sayaw •

tugtuging jazz at swing, gayundin ang mga boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba ang nakagiliwan ng mga pilipino galing sa mga amerikano



Natutunan din natin ang paglalaro ng basketball, baseball, football, boxing tennis at poker.

Wikang English – natutunan natin ang wikang ito dahil ito ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng paaralan.

Panitikan- Naisilang ang bagong anyo ng panitikan sa wikang english kahit pa naglalahad ng saloobin at adhikaing Pilipino.

Teatro- unti unting namatay ang zarzuela nang mauso ang Hollywood at nahilig manood ang mga tao ng pelikulang English

Pagkain- nahilig ang mga tao kumain ng sandwich, burger, mga pagkain may ketsup, hot dog, oatmeal at iba pa.

Sining – umunlad ang sining ng arkitektura, iskultura at pagpipinta.

IMPLUWENSIYA NG MGA ESPANYOL Impluwensya ng spain Paglanap ng Kristiyanismo - Ang mga Kastila ang nagpakilala sa mga Pilipino tungkol kay Hesus. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, dumami rin ang mga naitayong mga simbahan sa bansa. Pag ganda ng sistema ng edukasyon - Naging pormal ang sistema ng pag-aaral noong panahon ng mga Espanyol. Nagtayo rin ng mga paaralan ang iba't ibang mga misyonero na nagsilbing mga guro noong panahong iyon. Pag-usbong ng agham - Naituro ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang kaalaman tungkol sa mga hayop, halaman at kalendaryong Gregorian. Paglaganap ng musika, sayaw at sining - Naturuan ng mga Espanyol ang mga Pilipino kung paano gumamit ng mga musikal na instrumento. Bukod dito, umusbong din ang pagsayaw at paglikha ng mga akdang sining. Pag-usbong ng panitikan - Dahil sa mga pangyayari noong panahon ng Kastila, naging daan ito upang sumulat ng mga akda ang mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

6. ANO ANG PAGKAKAPAREHAS AT PAGKAKAIBA NG COLONIALISM AT NEO COLONIALISM PAGKAKAIBA KOLONYALISMO - Ginagamitan ng dahas sa paraang direktang pananakop sa pamamagitan ng militar. - Pagsasamantala ng mga yaman sa nasasakupan.

NEO-KOLONYALISMO - Hindi direkta ang pagokupasyon dahil hindi ito ginagamitan ng pisikal na pananakop.

- Politikal, ekonomikal, at kultural ang paraan ng paggamit nila sa pananakop.

PAGKAKAPAREHAS * Parehas na nananakop ng bansang malakas sa likas na yaman. * Parehas nagiiwan ng impluwensiya sa nasasakupang bansa. * Parehas kinokontrol ang pamamalakad/sistema ng nasasakupang bansa....


Similar Free PDFs