Komunikasyonatpananaliksik 11 q2 mod6.2 Kakayahang Diskorsal PDF

Title Komunikasyonatpananaliksik 11 q2 mod6.2 Kakayahang Diskorsal
Course The Filipino and ASEAN
Institution De La Salle University
Pages 31
File Size 1 MB
File Type PDF
Total Downloads 60
Total Views 139

Summary

fil by deped...


Description

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan –Modyul 6.2: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Komunikatibo (Ikalawang Bahagi)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalabing-isang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6.2: Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Komunikatibo (Ikalawang Bahagi) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS Awtor Ko-Awtor - Editor Ko-Awtor - Tagasuri Ko-Awtor - Tagaguhit Ko-Awtor - Tagalapat

: Grace B. Almario : Jennifer S. Dominguez : Jennifer S. Dominguez : Grace B. Almario : Grace B. Almario

Team Leaders: School Head : Marijoy B. Mendoza, EdD LRMDS Coordinator : Karl Angelo R. Tabernero MGA TAGAPAMAHALA: Schools Division Superintendent OIC- Asst. Schools Division Superintendent Chief Education Supervisor, CID Education Program Supervisor, LRMDS Education Program Supervisor, AP/ADM Education Program Supervisor, Filipino Project Development Officer II, LRMDS Division Librarian II, LRMDS

: Romeo M. Alip, PhD, CESO V : William Roderick R. Fallorin, CESE : Milagros M. Peñaflor, PhD : Edgar E. Garcia, MITE : Romeo M. Layug : Mila D. Calma : Joan T. Briz : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax: (047) 237-2102 E-mail Address: [email protected]

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika IkalawangMarkahan– Modyul 6.2: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino:Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo (Ikalawang Bahagi)

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo! Ang pangunahing layunin sa paglikha ng modyul na ito ay itawid ang edukasyon ng mga mag-aaral maging sa ganitong panahon ng pandemya. Pinagsumikapang buoin, suriin, at idisenyo ang modyul na ito upang maging epektibo at kahika-hikayat sa mga mag-aaral na basahin at pag-aralan tungo sa patuloy na pagdaloy ng pagkatuto ng mga kasanayan at kompetensi na batay sa itinakdang pamatayan ng K to 12 na kurikulum. Ang modyul ding ito ay nilikha upang makaagapay ang mga mag-aaral sa kanilang angking kakayahan, bilis, oras, at kalagayan sa buhay habang nagsusumikap na makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo na tutugon sa pagharap sa bagong kagawian ng buhay. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro Para sa guro, ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin na sugon sa itinakdang konpetensi sa MELC- 2020. Matutunghayan sa modyul na ito ang mga paunang kasanayan sa pag-unawa sa wika at kulturang Pilipino na layuning ihanda ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang sariling pananaliksik sa nabanggit na kasanayan. Ito ay may anim na bahagi mula sa bahagi ng Alamin kung saan matutunghayan ang mga layunin ng modyul na ito hanggang sa tayain na susukat sa kanilang mga natutuhan. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa paglinang ng mga gawain para sa mga mag-aaral ang manunulat upang mapanatili ang kapanabikan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul

ii

Para sa mag-aaral: Masayang pagtangap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo! “Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Isang kawikaang gabay ng lahat sa pagkamit ng inaasam na katagumpayan mula sa pag-aaral, paghahanap-buhay, at sa anomang hangaring ating pinapangarap. Ang sipag at tiyaga ng bawat mag-aaral ang pangunahing sandata upang matutong magbasa, umunawa, mag-analisa, at magtaya ng mga kaisipang natutuhan. Ang mga katangiang ito ang humuhubog sa iyong isipan na lalo pang magsikhay na matutuhan ang mga kompetensi at kasanayang akademiko na magpapayaman ng iyong kaalaman at buong pagkatao. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang ikaw ay wala sa loob ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa iyong pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

iii

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Pinagyamang Pluma …. Sanggunian

Sining at Komunikasyon…… Komunikasyong Global

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

iv

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan ang lahat ng mga pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro numerong ibinigay niya sa iyo. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid, o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO Aralin NG MGA PILIPINO: KAKAYAHANG DISKORSAL AT ANIM NA PAMAMARAAN SA PAGTATAYA NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

1

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan ang mga aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino kaya’t matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga paunang kasanayan tulad ng malalim na pag-unawa sa iyong wika at kultura bilang kabataang Pilipino bilang paghahanda tungo sa pagbuo mo ng iyong ninanais na Pananaliksik sa Wika at Kultura. Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang: 1. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas (F11EP– IIf– 34)

1

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng wastong sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa isang malinis na sagutang papel. A. Interpersonal

B. Panggrupo

C.Pang-organisasyon

D.Pangmasa

E.Interkultural

1. Usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa. 2. Ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat. 3. Ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan. 4. Kinabibilangan ng malalaking grupo. 5. Ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat.

A. Paglalarawan

B.Pagsasalaysay

C.Paglalahad

D. Pangangatwiran

6. Nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang pagigingmalikhain. 7. Nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao. 8. Isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao. 9. Sa diskursong ito magagawa ng tao na makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang imbentor, pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at marami pang iba. 10. Isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento. 10.

2

11. Isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao.

12. Ang tagahatid at tagatanggap ay dalawang magkaibang nilalang na may iba’t ibang takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap. 13. Ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap ng kinakausap. 14. Bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot, dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba pa. 15. Ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambabae o panlalake.

3

Pagganyak Ibigay ang denotasyon at konotasyong pagpapakahulugan sa mga sumusunod na salita. Isulat ang iyong sagot sa patlang 1. Litrato ng puso Denotasyon: ______________________________________________________________ Konotasyon: _______________________________________________________________ 2. Takip-silim Denotasyon: ______________________________________________________________ Konotasyon: _______________________________________________________________ 3. Magkasiklop na kamay Denotasyon: ______________________________________________________________ Konotasyon: _______________________________________________________________ 4. Anghel Denotasyon: ______________________________________________________________ Konotasyon: _______________________________________________________________ 5. Di-makabasag pinggan Denotasyon: ______________________________________________________________ Konotasyon: _______________________________________________________________

4

Tuklasin

Mga Tala para sa mag-aaral Sa bahaging ito ng modyul iyong mababatid ang pag-unlad ng wikang pambansa. Basahin at unawaing mabuti.

Sa pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa isa sa dapat nating isaalang –alang ay ang pagkakaroon ng kakayahang diskorsal. Ang salitang diskurs ay mula sa wikang Latin na diskursus na nangangahulugang “running to and from” na naiuugnay sa mga pasalita at pasulat na komunikasyon. Mapapansin hindi ito palaging maihihiwalay sa kahulugan ng komunikasyon sapagkat kapwa ito tumutukoy sa proseso ng pag-uugnayan ng tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe. Maaaring ang diskurso ay tumutukoy sa mga suliraning panlipunan na nahihinggil sa lipunan at kultura. Ito rin ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng teksto at lipunan.

5

Suriin Diskurso • Tumutukoy sa pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. • Ayon kay Webster (1974) isang salitang diskurso ay may iba’t ibang depinisyon. Ayon sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat tulad halimbawa ng disertasyon. • Samakatuwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso ay sinonimus sa komunikasyon.

Dalawang Anyo ng Diskurso PASALITA Karaniwang magkaharap ang participant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon. Mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang makamit ang layunin.

Halimbawa: Paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahe

Pasulat Mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pagkaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat at mayroong ebidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

6

Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kaniyang sinulat. Nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa konteksto ng diskurso Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang taongkasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat na pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito.

Dalawang Karaniwang Uri ng Kakayahang Diskorsal Kakayahang Tekstuwal Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon, at iba pang pasulat na komunikasyon.

Kakayahang Retorikal Tumutukoy sa kahusayan sa isang indibidwal na makibahagi sa kumbersyon. Ito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng pananaw at opinyon.

Mga Konteksto na Lubos na Nakatutulong sa Pagdidiskurso Kontekstong Sikolohikal May kinalaman ito sa damdamin, katauhan, ugali at pananaw ng kausap. Ano ang damdamin ng kausap? Paano siya nakikitungo sa kaniyang mga kausap? ANo ang pananaw niya sa buhay? Kontekstong Historikal Upang maintindihan ang punto ng kanilang pinag-uusapan.May nakaraang ugnayan ba ang nag-uusap? Ano ang nangyari bago ang usapan? May nauna ba silang pinaguusapan bago ang kasalukuyang pag-uusap? Kontekstong Sosyal Ito ay may kaugnayan sa gulang, katayuan at hangarin ng kausap. Kung bata ang kausap, paano ang paggamit ng wika? Kung mas nakatataas ang posisyon n kausap, ano ang uri ng mga salitang dapat gamitin? Ano ang hangarin o sa pakikipag-usap?

7

Kontekstong Kultural May kaugnayan sa tradisyon, gawi, paniniwala at prinsipyo ng kausap. Sa anong kultura napapabilang ang mga kalahok sa diskurso?

Dalawang Bagay na Dapat Isaalang-alang sa Kakayahang Diskorsal Kohisyon Ang kohisyon, ayon kina Halliday at Hassan (1976) ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na may kohisyon ng mga pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag. Halimbawa: Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah.Naging madalas na ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad.Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain. Masasabing may kohisyon ang mga ito sapagkat may mga elementong nag-uugnay sa bawat pahayag. Tinatawag itong cohesive links. Sa halimbawang ito, ito ay ang mga panghalip na ginagamit upang iugnay sa pangangalang Sarah (Sarah-kanyang (ng)niya). Sa kabilang banda, maaari rin namang semantiko ang pag-uugnay. Halimbawa: Magara ang sasakyan. Politiko ang may-ari. Kahit walang leksikal na kohisyon tulad nang sa una, may koneksyon pa rin ang dalawang pahayag dahil sa relasyong semantiko ng mga ito. Ang pagiging politiko ng may-ari ng sasakyan ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang makabili ng ganoong klaseng sasakyan (magarang sasakayan). Tinatawag naman itong semantikong kohisyon.

Kohirens Tumutukoy naman sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya. Dapat malaman ng isang naggdidiskurso na may mga pahayag na may leksikal at semantikong kohisyon ngunit walang kaisahan. Tunghayan ang isang halimbawa: Maraming pagbabago sa ...


Similar Free PDFs