MGA Napapanahong Isyung Lokal AT Nasyonal ( Ikalawang Bahagi) PDF

Title MGA Napapanahong Isyung Lokal AT Nasyonal ( Ikalawang Bahagi)
Author Monique Unico
Course professional education
Institution Batangas State University
Pages 66
File Size 1.3 MB
File Type PDF
Total Downloads 46
Total Views 140

Summary

Ipakikita sa yunit na ito ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang kontekstwalisadong wika ng komunikasyon na magagamit sa konteksto ng mga napapanahong isyu o usapin sa bansa sa antas na lokal at nasyonal....


Description

YUNIT V MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL (IKALAWANG BAHAGI) Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Panimula Ipakikita sa yunit na ito ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang kontekstwalisadong wika ng komunikasyon na magagamit sa konteksto ng mga napapanahong isyu o usapin sa bansa sa antas na lokal at nasyonal. Sa yunit na ito, hinati ang pagtalakay sa mga reyalidad ng lipunang Pilipino sa dalawang bahagi: ang globalisasyon bilang bahagi ng buhay ng tao at ang mga sanhi at bunga ng korapsyon sa kontekstong Pilipino. Idinisenyo ang pagtalakay sa paraang madaling mauunawaan ng mga magaaral ang bawat konteksto ng mga usapin sa pamamagitan ng pagbibigay-depinisyon, pagpapaliwanag, at pagbibigay ng halimbawa. Pagtitibayin din sa yunit na ito ang ginagampanang tungkuling ng Filipinisasyon ng komunikasyon sa paglalapit ng ugat at mungkahing solusyon sa mga Pilipino sa paglutas ng mga kontemporaryong suliranin sa lipunan.

Layunin Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa; 2. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto; at 3. makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

Lunsaran Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais mong marating? Bakit gusto mo doon? Suriin ang larawan sa kaliwa. Anong konsepto ang binibigyang-larawan nito? Paano nakaapekto ang globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas? Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng globalisasyon?

Nilalaman Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo untiayunti

nang nagiging isang malaking nayon. Mas nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat ang agwat nila ay magkalayo. Marahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas napadadali na ang ating komunikasyon, transportasyon, at ang pagkakaroon ng interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang prosesong ito ay ang tinatawag nating “globalisasyon”. Ang globalisasyon ay ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at interaksyon ng mga tao at organisyason ng iba’t ibang bansa. Sa madaling salita, ang globalisasyon ay ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo. Sa tulong ng teknolohiya, ang globalisyason ay nagpapabilis ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan. Habang ang paraan o prosesong ito ay umiiral, ang mga tao nagkakaroon ng pandaigdigang palitan ng mga produkto, impormasyon at mga kaugalian. Masasabing umusbong ang globalisasyon sa pamamagitan ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa integrasyon ng ekonomiks, kultura, politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa buong mundo. Ang globalisasyon ay nakadepende sa sa mga ginagampanan ng mga tao tulad ng migrasyon, kalakalang panlabas, paglaki o pagliit ng kapital, at integrasyon ng financial market. Sa tulong naman ng globalisasyon, ang pamantayang interes ng pandaigdigang pamilihan ay tumutugma sa mga lokal na presyo, produkto at sahod ng isang bansa. Ang globalisasyon ay kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling salita, ginagawang magkakasama sa buong daigdig. Tungkol ito sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nagiisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao. Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapananatili at lalo pang maitataguod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon, tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang kultura. Ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan ay bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay na kinabibilangan ng mga bagay kung saan nakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamlayan, ang mga pamamaraan (mga

kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa. Sa kabila ng kaginhawaang naidudulot sa ating buhay ng globalisasyon, may mga pangamba sa mga posibleng di-magagandang kahihinatnan nito. Ang ating kultura ay maituturing na pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung kaya gumagawa tayo ng mga paraan upang mapanatili ang integridad nito. Subalit sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng globalisasyon sa ating kultura, pinangangambahang baka maglaho ang integridad ng ating kultura at sa kalaunan, ang ating pambansang identidad. Pinangangambahang baka maging bahagi na lamang ang ating kultura ng isang pandaigdigang kultura na maaaring umusbong sa proseso ng globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon. Pinangangambahan din na baka ang globalisasyon ay isa lamang instrumento nga pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa mga di-makapangyarihang bansa, sa pamamaraang di-lantad o kaya ay nakalilinlang. Samantala, ilan sa mga halimbawa ng globalisasyon ay ang mga sumusunod: pagkalat ng mga multinasyonal at transnasyonal na korporasyon sa iba't ibang bansa (halimbawa: Matatagpuan na ang Mcdo, Burger King, Toyota, Lenovo at iba pa sa iba't ibang parte ng mundo.), paglawak ng paggamit ng internet (halimbawa: Dahil sa Facebook, matatawagan na ng taong nasa Europe ay taong nasa Asya), paglaganap ng mga imported na produkto (halimbawa: Matatagpuan na ang Hersheys, Cadbury, Pringles, at iba pa sa iba't ibang mga bansa), at ang pagkakaroon ng mas malayang interaksyon ng mga bansa (halimbawa: ASEAN Integration sa pagitan ng mga bansa na kabilang sa Association of Southeast Asian Nations). May tatlong uri ng globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod: Politikal na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na usapin at kooperasyon; Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng mga tao mula sa iba't ibang mga bansa; at ang Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na usapin at kooperasyon. Kasaysayan ng Globalisasyon Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may mga manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang panahon ng malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino). Anila, sa pamamagitan ng napakalawak na saklaw ng mga nasabing imperyo ay naging pangkaraniwan na ang pagpapalitan ng produkto mula sa iba’t ibang imperyo (Makikita sa mapa ng Silk Road ang mga ruta ng mga mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong Kanluran at vice-versa.). Gayunpaman, naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan ng lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na mas kilala ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014. Sa pamamagitan ng GATT, ang restriksyon at limitasyon sa malayang kalakalan ay sinimulan ng maraming bansa. Isang halimbawa nito ay mula noong dekada ‘90, unti-unti nang inalis ang mga taripa o buwis sa maraming angkat na produkto. Naging dahilan ito ng mabilis na pagpapalitan ng mga produkto, bagay na nagpalago sa ekonomiya ng maraming bansa. Bagama’t tila lugi naman ang mga bansang hindi industriyalisado o mga bansang agrikultural, sapagkat ang halaga ng kanilang karaniwang eksport (hilaw na materyales at semi-manupaktura) ay mas mababa kaysa halaga ng kanilang karaniwang import (makinarya) sa mga bansang indistriyalisado sa ganitong kalakaran.

Mahalaga rin ang papel ng mga internasyonal na institusyong pinansyal gaya ng World Bank at International Monetary Fund sa globalisasyong ekonomiko. Ang mga institusyong ito ang nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN) para sa proyektong pangkaunlaran (patubig o irigasyon, imprastraktura, at iba pa) na may kondisyon tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para matiyak ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan. Ang mga gayong kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang. Isang halimbawa ang Pilipinas. Sa mga nakalipas na dekada, napakalaking bahagdan ng pambansang badyet ay inilalaan sa pagbabayad ng utang na patuloy pa ring luamalaki habang tumatagal. Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos ng mapaminsalang digmaang kumitil ng milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon-bilyong dolyar na halaga ng ari-arian. Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan, kagutuman, at epidemya. Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may limitadong kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig. Kumikilos ang UN sa pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng isang kinatawan mula sa bawat bansang kasapi ng UN, at ng Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang inihahalal at nagsasalitan. Ang UN General Assembly (UNGA) ay taunang nagpupulong tuwing Setyembre upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming mamamayan ng daigdig. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o gobyerno. Samantala, ang UN Security Council (UNSC) naman ay may kapangyarihang patawan ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN. May kapangyarihan din itong atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng digmaan. Marami pang mahahalagang ahensyang pandaigdig ang nasa ilalim ng UN tulad ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO), International Labor Organization (ILO), Food and Agricultural Organization (FAO), at ang World Health Organization (WHO).Sa pamamagitan ng mga ahensyang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansa na magtulungan para sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon, pamumuhay, at kalusugan ng mga mamamayan. Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at Silangan. Mapait at marahas mang panahon sa kasaysayan ang panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, nagbigay naman ito ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at Silangan. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga bansang sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari. Makikita sa pagkain, pananamit, wika, at iba pang larangan ang resulta ng pagpapalitan ng

kultura mula pa noong panahon ng kolonyalismo. Ang ganitong pagpapalitan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang globalisasyong sosyo-kultural sa kasalukuyan ay lalong pinasigla ng mabilis na takbo ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Sa pagkaimbento ng Internet noong dekada ‘90, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging popular sa buong mundo at maituturing na bahagi ng global na kultura. Naging mabilis din ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong daigdig. Hindi na kailangang pumunta sa U.S. ang mga estudyanteng Tsino para mag-aral ng wikang Ingles dahil maaari nang mag-enrol sa mga online English language courses na inaalok ng mga gurong Pilipino sa Pilipinas. Tumitibay ang pagsasamahan at mabuting ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng globalisasyong sosyo-kultural. Pinag-aaralan at pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kultura ng ibang bansa. Isang tiyak na halimbawa nito ang epekto ng ASEAN integration na nagpabilis ng mobilisasyon na may malaking naiambag sa turismo sa Timog-Silangang Asya. Sa kabila ng maraming mabubuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural, partikular sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang mga negatibong epekto nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Sa tala ng The Endangered Language Project, 40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng pagkawala bunsod ng patuloy na pagigting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang isinusulong ay Ingles. Sinundan ito ng mga patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog ng mga mag-aaral na matuto ng Ingles gaya ng nagyayari sa pagpaplanong pangwika ng Departamento ng Edukasyon, na nananatiling naksandig sa bilingual education mantra nito, lalo na sa antas sekundarya. Maging ang relihiyon ay nalalagay sa peigro bunsod ng homogenisasyon ng mga paniniwala. Sa pag-aaral ni Jaime Bulatao S.J., isiniwalat niya ang katayuan ng pananampalataya sa Pilipinas at tinawag itong splitlevel Christianity dahil sa pagkakahalo ng ilang Tsino at indigenized na paniniwala at sa mga gawi at ritwal ng mga Kristiyano, gaya ng sayaw sa Obando at paniniwala sa feng shui sa kabila ng pagiging kabilang sa Simbahang Katolika. Patuloy rin ang paglabnaw ng sistema ng pagpapahalaga (values system) ng mga Pilipino dahil sa palagiang exposure sa kulturang Kanluranin. Kapansin-pansin ngayon ang pagiging indibidwalista ng mga kabataan hinggil sa maraming isyung panlipunan, gaya ng mantrang “Pera ko ito, gagastusin ko ito sa paraang gusto ko,” na maituturing na imoral kung isasaalang-alang ang sitwasyon ng nakararaming Pilipino, at taliwas sa dating masinop na paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang epekto ng labis na pagtalima sa kulturang Kanluranin na nagbubunsod ng malalim na kagustuhan ng mga Pilipino na pumuti, upang makasunod sa pamantayan ng kagandahan sa konteksto ng mga Kanluraning bansa ay nakababahala rin. Maging ang patuloy na militarisasyon sa mga pambansang minorya gaya ng mga Lumad at iba pa na pilit na pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain ng mga kumpanya ng pagmimina sa mga bansa ay nakaaalarma rin. Ang nakalulungkot dito, mas pinoproteksyonan pa ng gobyerno ang mga nasabing kumpanya kaysa mga grupong ito. Sa madaling salita, kung nakabubuti man ang globalisasyon sa iba’t ibang aspekto, higit na malaki naman ang negatibong epekto nito. Naririto ang iba pang epekto ng globalisasyon. Epekto ng Globalisasyon May mga positibong epekto ang globalisasyon. Sa pamahalaan, nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa. Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa. Sa ekonomiya, nagkakaroon ng malayang kalakalan, mas napabibilis ang kalakalan o ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa, pakikipagsundo ng

mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan, paglaki ng oportunidad para makapagtrabaho, malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao, maiiwasan din ang monopolyo, at tataas ng pamumuhunan (investment). Sa kultura, mas naiintindihan natin ang mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba. May mga negatibong epekto rin ang globalisasyon.Sa pamahalaan, maaaring panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan at lumaganap ng terorismo. Sa ekonomiya, magkakaroon ng environmental issues tulad ng Climate Change, Global Warming at iba pa, magdudulot din ito ng kahirapan bunsod ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap, at lalala ang problema sa ekonomiya ng mga bansang nakakaranas nito.Sa kultura naman, mas natatangkilik ang kultura ng ibang bansa, nakalilimot sa mga nakasanayang tradisyon, at nawawala ang ugaling nasyonalismo. Noon ang SABI NG GOBYERNO.... ang Pilipinas ay kikilalanin bilang bagong tigre sa ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Mula sa dati ay mahirap at naghihingalo ay tatanghalin tayo bilang bansang may pinakamabilis na ratio ng pag-unlad at kakain sa atin ng alikabok ang mga kalapit- bansa sa nakakabulag na bilis ng ating pananagana. Magkakandarapa kasi ang mga dayuhang korporasyon sa pag-uunahang makapag-negosyo sa ating bayan. Paano ba naman eh dito sa atin matatagpuan ang pinakamasarap na putahe sa pagni-negosyo : murang lakaspaggawa, mababait at hindi reklamador na mga trabahador (it’s more fun in the Philippines baby!). Wag mag-aalala ang mga kapitalista; protektodo kayo ng gobyerno laban sa mga magrireklamo...may mga batas kaya na magtitiyak na hindi mabibitin si foreign investor sa kanyang panggagahasa sa yaman ng bansa. Nariyan ang privatization, deregulation, liberalization at kung ano-ano pang syon para wala talagang istorbo sa malayang kalakalan at negosyo. Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap. Bagaman ang kayamanan sa daigdig ay walang-alinlangang dumami, natipon naman ito sa iilang tao lamang at sa iilang bansa. Ang neto na halaga ng mga ari-arian ng 200 pinakamayayamang tao sa lupa ngayon ay nakahihigit nang 40 porsiyento kaysa sa pinagsama-samang kita ng mga taong nabubuhay sa planeta— humigitkumulang 2.4 bilyon katao. At habang patuloy na tumataas ang mga kita sa mayayamang bansa, nasaksihan mismo ng 80 naghihikahos na mga bansa ang pagbaba ng katamtamang kita sa nakalipas na sampung taon. Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus Purnomo, pinuno ng World Wide Fund for Nature sa Indonesia, ang hinggil sa problema: “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa pagsulong. . . . Nag-aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit wala nang matitira pa para pangalagaan.” Ikinababalisa rin ng mga tao ang tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapuwa ang mga trabaho at kinikita ay lalong nagiging ditiyak, yamang ginigipit ng pagsasama-sama ng mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang mga kompanya na gawing mas simple ang kanilang mga palakad. Ang pag-upa at pagsisante ng mga manggagawa ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa pamilihan ay waring makatuwiran para sa isang kompanya na nababahala sa paglaki ng kita nito, subalit nagdudulot ito ng labis na kaligaligan sa buhay ng mga tao. Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan. Maaaring magpautang sa papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit sa dakong huli ay biglang kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang situwasyon sa ekonomiya. Ang gayong malakihang paglalabas ng salapi ay makapagpapabulusok sa maraming bansa sa krisis sa ekonomiya. Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asia noong 1998 ang

nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 milyong tao. Sa Indonesia, nabatid mismo ng mga manggagawang hindi natanggal sa trabaho na nabawasan nang kalahati ang halaga ng kanilang kinikita. Kung gayon, mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng ...


Similar Free PDFs