Fildis 2- Unang Bahagi 3 PDF

Title Fildis 2- Unang Bahagi 3
Course Filipino sa Iba't ibang disiplina
Institution University of San Agustin
Pages 8
File Size 114.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 160
Total Views 479

Summary

Ang Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS)DESKRIPSYON NG KURSOAng FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at  nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat,  at ...


Description

Ang Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS) DESKRIPSYON NG KURSO

Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Konstektwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).

Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. Ang lahat ng mga bagong imbensiyon na nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t ibang parte ng mundo. Marami sa mga ito ay isinasaaklat, iniialagay sa mga dyornal at report (maging siyentipiko o teknikal) upang mabasa at maging bahagi ng tinatawag na technology transfer. Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad. Maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, agham, sining, at humanidades, kinakailangan ng isang wikang ginagamit at nauunawaan ng sambayanan. Ano ang sitwasyon ng wika sa mahahalagang larangan tulad ng agham, politika, humanidades, batas, at iba pa

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO  Nakababatid sa kahalagahan ng wikang Filipino mula sa iba't ibang larangan o disiplina.  Nakapagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa iba't ibang larangan o disiplina.  Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa mga sitwasyong pangwika sa bansa.  Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa. 

WIKANG FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN (Batas at Politika) Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan ng namamahala (ang pamahalaan) at ng pinamamahalaan (ang mga mamamayan). Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa komunikasyon ng bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito, ang daloy o proseso ng komunikasyon ay dalawa: paghahatid ng mensahe o atas (ayon sa nasa batas) at ang tugon o sagot ng bayan. Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa batas at politika. Dapat ding maging lengguwahe ng hukuman ang wikang ito. Tandaan nating habang mangmang ang bayan sa batas, hindi mangingimi ang mga tao sa paggawa ng kabuktutan at katiwalian—mga bagay na hadlang sa ninanais nating kaunlaran.

Samakatwid, susi ang wikang Filipino sa politika ng batas, sa pagpapalaganap ng katarungan, at pagsugpo sa krimen na lumalaganap sa administrasyon ng batas at politika. Ang layuning magkaisa ang ating lahi sa ilalim ng katarungan at karangalang mahango ang mga nabubuhay sa karalitaan, kawalang-muwang, at kawalan ng pagkakataon upang sila man ay maging sangkap ng isang pamayanang pampolitika ay magaganap lamang kung ang ating mga batas ay maisasalin sa wikang Filipino at ang wikang ito ay gagamiting wika sa mga hukuman at sa mga batasan kung saan ginagawa ang batas.

TANONG Sa iyong palagay, bakit dapat gamiting midyum ng pagtuturo sa batas at politika ang wikang Filipino?

WIKANG FILIPINO SA HUMANIDADES Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay. Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalakirrg papel na ginagampanan sa larangang ito—ang Humanidades. Sa ngayon, higit nang malawak ang saklaw nito sapagkat maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba pang makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito. Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang ito, pati na ang ating sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha ito at gawi ng ibang tao. Anu-ano ang mga agham-panlipunan? What are the social sciences?

antropolohiya anthropology pakikipagtalastasan / komunikasyon communication ekonomika / ekonomiks economics etnomusikolohiya ethnomusicology heograpiya geography lingguwistika linguistics agham pampulitika political science sikolohiya psychology semiotika semiotics sosyolohiya sociology Anu-ano ang mga likas na agham? What are the natural sciences? astronomiya, biyolohiya, kimika, pisika, agham pang-planeta astronomy, biology, chemistry, physics, planetary science

TANONG

Bakit kaya maituturing na ang wika ang may malawak na sakIaw sa larangan ng Humanidades?

WIKANG FILIPINO SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA Sa pagbabago ng panahon at lipunan, natural lamang na sumabay ang wika sa mga pagbabago’t modernisasyon ng lipunang gumagamit nito. lto ang hamon ng pagpasok ng bagong siglo sa mga edukador at tagapagpalaganap ng wikang Filipino. Kailangang magamit ang Filipino sa pagtuturo at pagsusulat sa larangan ng Agham, Matematika, at Teknolohiya. Ayon sa kanila, ang paggamit ng ay nagdudulot ng mahusay, mabilis, at mabisang pag-unawa sa mga asignaturang siyentipiko at teknikal. Kamakailan lamang, napatunayan sa Third International Math and Science Study o TIMSS na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham at Matematika sa wikang katutubo sa isang bansa. Sa katunayan, sa limang nangungunang bansa sa Agham (Singapore, Czech Republic, Japan, South Korea, at Bulgaria) at Matematika, (Singapore, South Korea, Japan, Hong Kong, at Belgium) ang mga mag-aaral na sumailalim sa pagsusulit ay sa wikang katutubo kinuha ang TIMSS. Samakatwid, dumating na nga ang panahon upang mapayabong ang wikang Filipino bilang wikang intelektuwalisado at maaari nang umabot sa pamantayan upang maging isa ring pandaigdig na wika.

TANONG Paano pinatunayan na ang sariling wika ay mabisang instrumento sa pagtatamo ng akademikong kagalingan? Ipaliwanag.

WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA Tayo ay pumapasok na sa bagong siglo. Ito ang daigdig ng cyberworld. Nasa paligid natin at kaniig ang mga web site, Internet, e-mail, fax machine, at iba pang kagamitan tungo sa mabilis na daluyan ng komunikasyon. Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at industriya. Ito rin ang lengguwahe sa cyberspace. Ingles din ang wikang ginagamit ng mga mangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga banyaga at malalaking negosyante. Ngunit sa sinasabing daigdig ng cyberspace at sa darating na panahon, magkakaroon ng global language at isang wika ang gagamitin sa buong mundo. Ayon kay John Naisbitt sa aklat na Global Paradox, totoong magkakaroon ng isang wika tungo sa sinasabing global village. Sa kabilang dako, sinasabi niya na habang umuunlad ang iisang global language ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa ang kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng kahalagahan ang national identity. Idinagdag pa niya na hindi magkakaroon ng isang global monetary currency dahil ang salaping ililimbag o gagawin ng

bawat bansa ay maglalaman ng kanilang sariling wika, sariling bayani, sariling kasaysayan, at kultura. Sa ganitong konsepto, totoo ang sinabi ni Bro. Andrew Gonzales na mahalaga talaga ang wikang Filipino sa negosvo at industriya. Kahit na sa daigdig ng cyberspace, ng mga babasahin tungkol sa larangang pangkabuhayan, at mga iba pang may kinalaman sa negosyo at kalakal, Filipino pa rin ang iiral at mangungunang wika ngayon at sa darating pang panahon, aniya pa. Sa pagdagsa ng mga itinatayong industriya sa ating bansa, kukuha’t kukuha ng mga manggagawang Pilipino. Karamihan dito ay iyong mga hindi nakaabot ng mataas na antas ng pag-aaral, ngunit nakauunawa naman ng kaunting Ingles. Ngunit upang higit na mapakinabangan sila sa mga itatayong industriya, kailangang turuan sila ng mga bagong kakayahan sa paglikha ng mga produkto. Dito papasok ang mga ekspertong Pilipino na mamumuno at magtuturo ng mga kaalaman sa mga manggagawa. At dahil nga pinagtutuonan ng pansin sa kasalukuyan ng mga itinatayong industriya sa bansa ang pandaigdigang pamantayan ng anumang produktong lilikhain, hindi Ingles kundi Filipino ang gagamitin upang turuan ang kanilang mga manggagawa ng kakayahan at katalinuhan sa gawaing produkto.

TANONG Sa iyong palagay, mainam bang gamitin sa lokal na industriya ang wikang Filipino?

SURIIN

1. Naniniwala ka ba sa sinabi ni John Naisbitt na habang umuunlad ang isang global na wika ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa ang kanilang etnisidad? 2. Naniniwala ka ba na ang wikang Filipino ay biktima ng pagsasawalang-bahala katulad ng hindi natin pagtanggap sa mga likas na produktong gawa ng bansa? Ano ang iyong pakahulugan sa bagay na ito?

Filipino bilang intelektwalisadong wika Ngayon, ano naman ang hinaharap ng wikang Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng mga kalituhan sa maraming Pilipino, kahit mga dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino. Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6

Gayumpaman, may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa, ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba't ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba't ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika. Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino. 1.

Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan? 2. Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit? 3. Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad?...


Similar Free PDFs