Pagsusuri ng Akda - This is the Evaluation of Noli Me Tangere, you can use this as a guide if your PDF

Title Pagsusuri ng Akda - This is the Evaluation of Noli Me Tangere, you can use this as a guide if your
Course Panitikan ng Pilipinas
Institution Lyceum of the Philippines University
Pages 14
File Size 166.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 43
Total Views 159

Summary

This is the Evaluation of Noli Me Tangere, you can use this as a guide if your professor is asking for summarization of the Book....


Description

PAGSUSURI NG AKDA I.

PANIMULA

Uri ng Panitikan: Akdang Pampanitikan sa Panahon ng Propaganda Pamagat: Noli Me Tangere Genre: Nobela o Kathambuhay, kathang-isip, uyam o Sattire at kasaysayan ng Pilipinas Pagkilala sa May-Akda: Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda 19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896 ay isang Pilipinong bayani at isa sa mga tanyag na nagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon Kastila. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa mga anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila at nagkamit ng diploma sa Batsilyer ng Sining at muling nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya , at nakakuha ng Lisensya sa Medisina , at ito ang nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. At sa huli ay nagaral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg sa Europa. Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpipinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Layunin ng Akda:

Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga layunin niya ay ang mga sumusunod: Matugon ang paninirang-puring ipinaratang mga kastila sa mga Pilipino at sa bansa. Maipakita ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan sa paggawa ng masama ng mga Kastila noong unang panahon. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay at sa mapagpanggap na relihiyon. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa pagpapanggap

ng

pamahalaan.

Mailarawan

ang

mga

kamaliaan

kalapastanganan, masamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay na dinanas ng mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila. II.

PAGSUSURING PANGNILALAMAN

Tema o Paksa ng Akda: Ang temang tinalakay ay ang mga hindi katanggap-tanggap na gawain ng mga kinauukulan katulad na lamang ng mga prayle sa simbahan o maging sa pamahalaan at noong panahon ng mga kastila sa Pilipinas. Dahil sa pagmumulat ng nobela hinggil sa mga kanser na ito ng lipunan, nagagawang palakasin ang inspirasyong ng mga kabataan na baguhin ang sistema sa lipunang ginagalawan at umaklas sa mga mapang aping mananakop gaya na lamang ng mga Kastila.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda: 

Crisostomo Ibarra



Maria Clara



Padre Damaso



Kapitan Tiago



Elias



Sisa, Crispin, at Basilio



Pilosopo Tasio



Donya Victorina



Padre Salvi o Bernardo Salvi



Alperes



Donya Consolacion



Don Tiburcio de Espadaña



Don Filipo



Señor Nyor Juan



Lucas



Tarsilo at Bruno



Donya Pia Alba



Inday, Sinang, Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego



Kapitan-Heneral



Don Rafael Ibarra



Don Saturnino



Balat



Don Pedro Eibarramendia



Mang Pablo



Kapitan Basilio



Tenyente Guevarra



Kapitana Maria



Padre Sibyla



Albino

Tagpuan/Panahon Mga Tagpuan/Panahon sa Noli Me Tangere 

Ito ay naganap noong panahon ng paninirahan ng mga Kastila sa Pilipinas.



Sa bayan ng San Diego, pinaka-sentro ng tagpuan ng nobela, kung saan nanggaling ang panunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra.



Sa kubyerta



Sa tahanan ni Kapitan Tiyago, kung saan naganap ang piging at pagkakagulo.

 

Sa bahay at huling ni Sisa Unibersidad ng San Juan de Letran, Ateneo at Santo Tomas at kung saan nag-aaral sina Basilio, Placido Penitente, at Isagani.



Sa sabungan



Sa kagubatan kung saan nagpiknik ang grupo nina Ibarra

Balangkas ng mga Pangyayari Si Crisostomo Ibarra, isang binatang nag-aral ng mahigit pitong taon sa bansang Europa, ay nagmula sa isang may kayang paamilya sa bayan ng San Diego. Nang umuwi sa Pilipinas, naghandog ng isang piging ang sikat

na si Kapitan Tiyago. Inimbitahan sa salu-salo ang mga prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso. Matapos ang salu-salo, binisita naman niya ang kanyang iniibig na si Maria Clara, na anak-anakan ni Kapitan Tiyago. Muli nilang sinariwa ang kanilang pag-iibigan at matamis pagmamahalan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham na ipinadala nila sa isa’t-isa noong naninirahan pa si Ibarra sa kabilang panig ng mundo sa Europa Nakipagkwentuhan si Ibarra sa matalik na kaibigan ng kanilang pamilya na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi ng Tinyente ang malagim na sinapit ng kanyang ama sa kamay ng prayleng si Padre Damaso. Nang lumaon, naging hindi maganada ang mga sunod na pangyayari sa buhay ni Ibarra matapos siyang itakwil ng simbahan at pagbintangan na nag-oorganisa ng isang rebelyon laban sa kanila. Tinugis at pinaghahanap siya ng gwardya sibil, ngunit tinulungan siya ni Elias, isang rebelde na tumutuligsa sa mga Kastila. Tinangka nilang tumakas palabas ng lawa ng Bay, ngunit sila ay naabutan at nahuli ng mga kalaban. Upang iligaw ang mga tumutugis, sumakay si Elias sa bangka para mailigtas si Ibarra at piniling isakripisyo ang sariling buhay alang alang sa kaligtasan ni Ibarra. Ngunit siya ay naabutan at pinagbabaril hanggang siya siya ay mawalan ng buhay.

Nagtapos ang akdang ito kung saan humimlay si Elias at gamit ang kaniyang huling hininga ay sinabing hindi na niya masisilayan pa ang bukang liwayway.

Kulturang Masasalamin sa akda at Paghahambing nito sa Core Values ng LPU Nasyonalismo, hustisya, at integridad ay masasalamin sa akdang Noli Me

Tangere.

Ang

akdang

ito

ay

naglalayong

maipakita

ang

kalapastanganang ginagawa ng mga Kastila sa mga Pilipino. Dito rin ay pinapakita na ang mga Pilipino ay may integridad na tao at nararapat lamang na ituring na kapantay ng mga Kastila pagdating sa mga karapatang pantao. Ito rin ay nagsisilbing gabay upang makamit ng mga Pilipino ang hustisya patungo sa pag aklas sa mga mapang api at mapanakop na mga Kastila.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN Bisa sa Isip at Damdamin Sa aklat na ito ay walang pag-aatubiling inilantad ni Rizal ang kasamaang naghahari sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong taong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na nito may kahulugang “huwag mo akong salingin (o hawakan )”.

Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na uri ng kwento. Ang nobelang ito ay sumasalaysay sa problemang “Man vs. Society” o “tao laban sa lipunan”. Isinalaysay ni Rizal ang kahirapan sinapit ng mga Pilipino sa gobyerno ng kastila . Samantala ang ikalawang akda naman na batay sa Noli Me Tangere na isinulat rin ni Rizal, ang El Filibusterismo ay kwento naman tungkol sa paghihiganti . Ang paghihiganti ni Crisostomo Ibarra sa gobyerno ng kastila kaya iniba niya ang kanyang pangalan at katauhan, siya na si Simuon, ang mag – aalahas. Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo sa tatlong Pari ang GOMBURZA. Teoryang nakapaloob sa Akda Ang akdang Noli Me Tangere ay mayroong teoryang pampanitikang tinalakay sa kabuuan ng nobelang ito. Ang mga nasabing teoryang pampanitikan ay ang mga sumusunod. Marxismo: ito ay nagtataglay ng tatlong batayang ideya; pilosopiya ng pagtingin ng tao, teorya ng kasaysayan, at pampulitika’t pang ekonomiyag programa. Eksistensyalismo: ipinapakita rin ang teoryang ito dahilan sa pagsubaybay ng may akda sa mga kilos at galaw ng tauhan sa nobela. At ito rin ay masasalamin sa kung paano magdesisyon ang mga tauhan sa kanilang mga mahahalagang puno ng buhay at kung paano ito makaaapekto sa kanilang hangarin at pagkilos. Sosyolohikal: sapagkat ang nobelang ito ay tumalakay sa mga karanasan at pang aaping naranasan ng mga Pilipino laban sa mga mapanakop na

Kastila, ang Noli Me Tangere ay mayroong paksang sumasalamin sa teoryang sosyolohikal.

IV.Buod ng Akda

Ang Pagtitipon

Sa Asotea (Ibarra at Maria Clara)

Si Elias at Ibarra

1. Panimula Ang buod na ito ay nagmula sa isang website na nagngangalang Panitikan.com.ph Si Crisostomo Ibarra, isang binatang Pilipino na matagal na nagpakadalubhasa sa Europa ay nagpasyang umuwi sa kanyang bayang sinilangan. Nang siya ay nakauwi sa Pilipinas, nalaman niya na ang kanyang ama ay namatay sa kulungan dahil sa kagagawan ng isang Pransiskanong prayle na nag-ngangalang Padre Damaso.

Ayon kay Tinyente Gueverra, pinaratangan diumano ni Padre Damaso si Don Rafael na isang Erehe at Pilibustero. Dahil dito ay siya ay itiniwalag ng simbahan at ibinilanggo. Nagkasakit ang matanda at namatay. Dahil hindi pa nakuntento sa pagmamalabis si Padre Damaso, inutusan niyang hukayin ang mga labi ni Don Rafael upang ipalipat sa libingan ng mga Intsik. Sa kasamaang palad dahil sa bigat ng bangkay at s amalakas na ulan, hindi na nila ito tuluyan pang nadala sa sementeryo. Bagkus, napagpasyahan nilang itapon na lamang ito sa lawa. Bagamat kasuklam-suklam ang mga nalaman ni Crisostomo mula kay Tinyente, mas pinili nitong manahimik at ipagpatuloy ang kanyang adhikain na makapagpatayo ng isang paaralan. Nagbago ang lahat nang nagkita silang muli ni Padre Damaso sa isang salu-salo. Nagpasaring ang Pransiskanong pari sa binata ng makailang ulit. Bagamat sinubukan niyang magkibit-balikat na lamang sa nangyari sa kanyang ama, hindi rin niya naitago ang kanyang tunay na damdamin. Hindi siya nakapagpigil, kaya tinangka niyang saksakin ang pari. Mabuti na lamang at sinuway siya ni Maria Clara. Dahil sa pangyayari, itiniwalag ng simbahan si Ibarra. Sinamantala naman ito ng kontrabidang si Padre Damaso upang udyukan si Kapitan Tiago na ipawalang bisa ang nakatakda sanang pag-iisang dibdib ni Maria Clara at ni Ibarra.

Ginawa ito ni Padre Damaso dahil nais niyang makasal si Maria Clara kay Linares, isang kastilang binatilyo na kararating lamang noon sa bansa. Kahit na tinanggap ni Maria Clara ang hatol ng pari at ng kanyang ama, hindi siya naging masaya sa kinahinatnan ng kanyang tadhana. Dahil rito, siya ay nagkasakit. Pasikreto siyang ipinadalhan ng gamot ni Ibarra upang siya ay gumaling agad. Mapapawalang bisa na sana ang pagkakatiwalag kay Ibarra ngunit sinalakay ang kwartel ng mga Gwardya Sibil. Napagbintangan si Ibarra na kasama sa pag-atake kaya siya ay dinakip at muling inilagak sa kulungan. Sinubukang patunayan ni Ibarra na wala siyang kinalaman sa pag atake sa kwartel ngunit siya ay napahamak dahil sa liham na ibinigay ni Maria Clara sa kanya. Dahil dito ay tuluyan na siyang ibinilango. 2. Saglit na kasiglahan Ang pagtakas ni Elias at Ibarra Isang gabi, nakatakas si Ibarra sa kulungan, habang sila Kapitan Tiago naman ay may selebrasyon sa kanilang tahanan. Noong gabing iyon ang ipinahayag ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ni Linares at Maria Clara. Bago tuluyang lumisan si Ibarra ay nagawa nitong makipagkita ng palihim kay Maria Clara. Sinabi sa kanya ni Ibarra pinapalaya na niya

siya. Ipinaliwanag ni Maria Clara na si Padre Damaso ay ang kanyang tunay na ama ayon sa mga nabasa niyang liham na nasa mga kamay ni Padre Salvi. Sinabi niya na kailangan niyang protektahan ang karangalan ng kanyang yumaong ina kaya ito ay magpapakasal sa Kastilang si Linares. Isinumpa rin ni Maria Clara na magpakailanman ay hindi magbabago ang kanyang pag-ibig sa binata, kahit ano pa man ang mangyari sa kanila. Sa tulong ni Elias, tuluyang tumakas si Ibarra. Sumakay sila ng bangka at tinunton nila ng palihim ang ilog Pasig hanggang sa makalabas sa may Lawa ng Bay. 3. Suliraning inihahanap ng lunas Ang Pang-aabuso sa katungkulan ng mga naka pwesto sa pamahalaan Sobra ang pang-aabusong ginagawa ng mga may katungkulan noon sinasamantala nila na sila ay may kapangyarihan, gusto nilang lahat ng pinag-uutos nila ay masusunod kahit ito ay mali, kahit naman mapa sa hanggang ngayon ay ginagawa parin ito ng ilang naka pwesto sa pamahalaan,

ginagamit

nila

ang

kanilang

mapangurakot at makapanglamang sa kapuwa. Ang pang-aabuso sa mga kababaihan

katungkulan

para

Sobra ang pang-aabuso noon sa mga kababaihan winawalan sila ng karapatan madalang sa kanila ang nakapag-aaral sapagkat para sa kanila noon ang kababaihan ay dapat na sumunod lamang at magsilbi sa kanilang mga asawa, pang aabusong sekswal ay nararanasan din noon ng mga kababaihan at di man lang nila nakakamtan ang hustisya lalo na at ang gumawa noon sa kanila ay kilala sa lipunan. Ang mga paglabag sa mga karapatan Nilalabag nila ang karapatan ng mga tao noon, walang laying magpahayag ng kanilang mga nasasaloob, sapagkat kung ikaw ay nagpahayag ng iyong nais ipapalagay nila na ikaw ay kumakalaban sa kanilang pamahalaan at ikaway parurusahan, an Pilipino ay pinag tatrabaho na walang kabayaran. Ang bulok na Sistema ng edukasyon Ayaw matuto ng mga kastila ang mga Pilipino noon gusto nilang ang mga Pilipino ay manatiling mangmang.sapagkat takot sila na matuto ang mga ito dahil baka maging sanhi ng pag-aalsa at maging katapusan ng kanilang paghahari-harian. 4. Kasukdulan Ang malagim at malungkot na pagtatapos Sa kasamaang palad, nakita sila ng mga awtoridad na humahabol sa kanila. Upang mailigtas si Ibarra, iniligaw ni Elias ang mga tumutugis sa kanila. Lumundag siya sa tubig at lumangoy papalayo.

Pinaputukan siya ng mga gwardya sibil hanggang sa napuno ng dugo ang tubig. Narinig ni Maria Clara ang balita na si Ibarra ay pinaslang ng mga Sibil. Dahil rito, hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa kumbento. Walang nagawa ang pari kundi umoo dahil pinagbantaan ni Maria Clara ang sarili niyang buhay. 5. Kakalasan Nagwakas ang kwento sa eksena kung saan nakarating si Elias sa kagubatang ng mga Ibarra. Siya ay lubhang sugatan noon nang kanyang matagpuan si Basilio, na siya nama’y kasama ang kanyang inang pumanaw na. Bago tuluyang namatay si Elias, sinabi niyang hindi man lang niya napagmasdan ang pamimitak ng araw sa kanyang mahal na bayan. Hiniling niya na sana ay hindi malimutan ang mga taong namatay upang maipagtanggol ang bayang sinilangan. Simbolismo: 

Bahay ni Kapitan Tiyago (Simbolo ng maling pamamahala)



Bayan ng San Diego (Simbolo ng walang kaunlaran)



Sisa (Simbolo ng Pamilyang Pilipino)

Mga Aral na Natutunan na Maibabahagi sa sarili, sa ibang tao o sa lipunan

Bilang ang akdang ito ay kaakibat na ng ating kasaysayan. Masasabi kong lumakas ang bugso ng aking damdamin na ipaglaban ang sariling atin, ang lupang tinubuan laban sa mga mapanakop na mga dayuhan. Dagdag pa rito, mas namulat ako sa kung ano ang mga naranasan ng aking mga ninuno sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Pati na rin sa mga mapang abusong tao na pili tatapakan ang sinuman hanggat sila ay mayroong impluwensya at kapangyarihan. At sa huli, may lungkot at poot na bumalot sa aking damdamin sapagkat tinanong ko ang aking sarili, bakit pa nga ba kailangan itong marananasan ng mga Pilipino? Napakasakit isipin na kailangan humantong sa ganitong pangyayari ang pananakop ng mga dayuhan sa ating mga ninuno. Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/noli-me-tangere-buod-1000-words-mahabangmahaba\ https://roedzernpicanddoc.wordpress.com/2015/01/24/mga-pangunahingtauhan-sa-noli-me-tangere/ https://www.britannica.com/biography/Jose-Rizal https://www.panitikan.com.ph/noli-me-tangere-buod-1000-words-mahabangmahaba...


Similar Free PDFs