Pagsusuring Pelikula PDF

Title Pagsusuring Pelikula
Author Ma. Daniela Ilogon
Course Filipino
Institution Laguna State Polytechnic University
Pages 6
File Size 483.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 23
Total Views 136

Summary

Ang pelikulang pinamagatang “100 tula para kay Stella” ay sumasalamin sa mga pangyayari na nagaganap sa pagitan ng isang taong may gustong at nais niya itong abutin sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.MGA TAUHANNagampanan ng mga tauhan nang maayos ang kani-kanilang eksenang pinapalooban. Ipinapakita ...


Description

ILOGON, MA.DANIELA M. BSED FILIPINO – 2B

PAGSUSURI SA PELIKULANG 100 TULA PARA KAY STELLA Ang pelikulang pinamagatang “100 tula para kay Stella” ay sumasalamin sa mga pangyayari na nagaganap sa pagitan ng isang taong may gustong at nais niya itong abutin sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.

MGA TAUHAN Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang kani-kanilang eksenang pinapalooban. Ipinapakita nila ang kahusayan sa pag arte at tunay na nararamdaman, emosyon kredibilidad nila para mabigay nila ang nais ipahatid ng kwento at para maging makatotohanan ito. Sina Fidel at Stella ang mga pangunahing tauhan sa pelikula. Ang pelikula na pinamagatang 100 Tula Para kay Stella ay pinangunahan nina Bela Padilla gumanap Stella, isang astig, rakista at hilig ang na sa mga magulang kung kaya’t

b p t l

nakakatandang kapatid niya na kanya. Siya ay kumukuha ng

b

ngan

ng Sikolohiya at

n

ng magaling na

mang-aawit.

S

g kagustuhan, siya’y

walang hilig

s

pumasok sa mga

relasyong

magbibigay kasagutan sa kanyang pangarap na maging sikat na mang awit. Siya ang babaeng minahal at nagustuhan ni Fidel na siyang nilalaman ng tula na nilikha nito. Mahusay ang pagkakaganap ng aktres sa karakter bilang Stella Puno dahil sa mga emosyong naipakita sa bawat eksena.

JC Santos bilang Fidel Lansangan (matalino at mahiyain) isang kolehiyong estudyante na masipag mag-aral subalit mahiyain sapagkat ipinanganak siya na may problema sa pagsasalita o “speech defect” kung saan nauutal ito kapag mahaba ang sinasabi kaya’t nililimitahan niya ang kanya pagsasalita sa tatlong salita o“three word rule” magmula nang makilala niya si Stella noong Freshies Night, unti-unting nagliwanag ang buhay ng binata at ginawa niyang inspirasyon ang dalaga kung saan ginawan niya pa ito ng isang daang tula na naglalaman ng nararamdaman niya para kay Stella sa pag-asang mamahalin din siya. Napakahusay ng pagganap ni JC Santos sa kanyang karakter bilang Fidel dahil datapwa’t baguhan sa industriya ng pag aartista, hindi matatawaran ang galing sa pag-arte na talaga namang naipakita niya sa pelikula. Ito rin ang kauna-unahang pelikula ng aktor subalit naipamalas agad niya ang angking galing at nabigyang hustisya ang kanyang karakter.

BUOD NG PELIKULA Ito’y tungkol kina Fidel at Stella na pawang mga kolehiyong estudyante sa Pampanga Agricultural College na may parehong kursong kinukuha sa Sikolohiya at kung saan dito sila nagtagpo at nagkakilala. Naging inspirasyon niya si Stella sa buong taon nila sa kolehiyo. Naging mag kaibigan sila sa kabila ng pagkakaiba sa kanilang mga personalidad; Si Fidel ay isang matalino at masikap na estudyante may depekto sa pagsasalita at nagsusulat ng mga tula habang si Stella ay isang rocker na mapagmatigas ang saloobin at mas gustong makasama ang kanyang banda kaysa sa gawin ang kanyang pag-aaral. Si Fidel ay nagsimulang magsulat ng mga tula upang ipahayag ang kanyang pagmamahal kay Stella ngunit walang kumpiyansa na basahin ang mga ito sa kanya. Si Stella ay nagkaroon ng iba’t-ibang nobyo habang hinahabol niya ang kanyang pangarap na makakuha ng kontrata sa pagawit. Ang kuwento ng pelikula ay sumasaklaw sa apat na buong taon ng buhay sa kolehiyo ni Fidel at Stella at nang matapos ni Fidel ang pang-isang daang tula para kay Stella, agad siyang umuwi ng Pampanga upang ibigay ito sa dalaga. Subalit sa kayang pag-uwi nalaman niyang nagpakasal na ito sa iba at magkakapamilya na. Umamin rin si Stella na may lihim rin siyang pagtingin sa binata subalit dahil sa kasalukuyan nilang kalagayan, hindi na muli pang maitutuloy at

mapipilit ang

pagmamahalan na matagal nilang

kinimkim sa bawat nagdadalang tao na kinakasama

isa dahil si Stella ay nitong si Von. V.

BANGHAY NG MGA PANGYAYARI A. Tagpuan Taong 2004 sa Pampanga Agricultural College nagkakilala sina Fidel at Stella sa isang event ng kanilang paaralan na kung tawagin ay “Freshies Night” Bokalista ng mga panahong iyon si Stella samantalang si Fidel ay naroon rin sa nasabing pagtitipon. Sa isang di inaasahang pangyayari, nadumihan ang salawal ni Fidel na siyang kinulungkot ng binata kung kaya’t nagmumukmok na lamang siya sa isang tabi. Habang nasa isang tabi ay napakanta ang binata at daglian naman itong napansin at narinig ni Stella at agad siyang pinuntahan sa kinauupuan nito. Doo’y nagkakilala ang dalawa, nakapagpalagayang loob at naging magkaibigan. B. Protagonista Bela Padilla bilang Stella Puno - Babaeng mas gugustuhin na kumanta kasama ang kanyang banda kaysa sa pag-aaral. JC Santos bilang Fidel Lansangan - Si Fidel ay isang nerdy. Mag-aaral na grade-conscious na may kapansanan sa pagsasalita at may pagmamahal sa tula. C. Antagonista  Bully students – Binubully nila si Fidel dahil sa kanyang pautal utal na pagsasalita. D. Suliranin Isang araw nang magplanong mag-aaral ang dalawa dahil sa nalalapit nilang pagsusulit, kung saan isasagawa nila ito sa bahay ni Fidel, agad itong pinaghandaan ni Fidel. Nilinis nito ang kanilang bahay ng sa ganoon ay maging komportable si Stella dito. Subalit ng araw na dapat ay mag-aaral sila sa bahay ni Fidel ay nakalimutan ito ni Stella at hindi na nakapunta. Maghapong naghintay si Fidel ng text o kahit tawag man lang ngunit wala itong natanggap. Noong araw palang iyon ay pumunta si Stella sa kanyang dating kasintahan upang dumalo dahil inimbitahan siya nito. Naakit si Stella sa narating ng dati niyang kasintahan at nais din niyang makilala ang talent manager dahil nagbabakasakali ito na madiskubre din

siya dalaga kaya’t binata at hindi na

bilang isang mang-aawit. Hindi na naalala ng ang napagkasunduan nila ni Fidel kung kinaumagahan nagtampo ang pinansin si Stella dahil sa hindi

niya pagpunta.

PAKSA O TEMA Ang napapanahong tema ng pelikula ay ang pagsulat ng tula para sa minamahal na tinatawag sa kasalukuyan na “Spoken Poetry”. Ito ang makabagong paraan na pagpapahayag ng nararamdaman sa isang minamahal o sinisinta ng pabigkas. Kung tutuusin, ang pagsusulat ng tula para sa taong minamahal ay panahon pa nina Francisco Balagtas at Jose Rizal subalit binigyan ng bagong bihis ng director ang kuwento nina Fidel at Stella. Pag-ibig na sa buong takbo ng pelikula at pagtanggap sa huling bahagi ng pelikula, ilan lamang sa mga temang aking naobserba.

MGA ASPEKTONG TEKNIKAL A. Direktor Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana masasabi kong mahusay sapagkat maayos ang kinalabasan ng buong pelikula ang daloy, ang mga kinalabasang pag arte ng mga gumagaap sa pelikula ay maayos. B. Sinematograpiya Masasabi kong maganda ang sinematograpiya ito ay ang paggalaw at pagkakaroon ng magandang anggulo sa pagkuha ng mga pangyayari. Hindi ito nanginginig kaya maganda ang transition mula sa isang senaryo patungo sa ibang pang senaryo. Mahusay talaga ang editor ng pelikulang ito at lalo na ang assign sa sinematograpiya. Ang ilaw tuwing umaga at gabi ay maganda dahil nakikita natin ng maayos ang mga aktres at actor. Kahit gabi ay kitang kita ko pa rin ang mga bawat pagganap sa isang senaryo, parang gabi na pero may ilaw pa rin. Mahalaga ang ilaw dahil ito ang nagiging rason upang makita ng maayos ang mga aktres at actor tuwing nagaacting C. Screenplay o dulang pampelikula Malinaw at maganda ang naging daloy ng screenplay sa pelikulang ito sapagkat pawing makatotohanan ang naging palitang ng mga dayalogo ng mga gumaganap.

D. Editing o pag-eedit Maayos ang kinalabasang pag e edit ni Mai Calapardo sapagkat sa bawat tagpo ng pelikula maganda ang naging dating nito sa maraming tao. Maganda ang kinalabasang dahil sa ayos ng pagkakasunod sunod ng mga bahagi ng pelikula. E. Disenyong pamproduksyon Ang mga lokasyon ng mga props na ginamit sa eksena ay makatotohanan ang mga tagpuan o lokasyong ginamit ay akmang-akma sa sitwasyong hinihingi sa kwento at nagpadama sa mga manunuod ng totoong kalagayan ng ng ating lipunan. Wala props na peke sa pelikula mula sa papel, cellphone na luma kung saan ito talaga ang cellphone noon. Lahat ng iyon ay makatotohanan. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay na naipamalas sa mga bahagi ng pelikula upang maipadama ang totoong kalagayan ng pangyayari ng mga tauhan sa pelikula. F. Paglalapat ng musika o tunog Si Paulo Protacio ang naglapat ng tunog sa pelikulang ito. Mahusay ang pagkakalapat niya ng tunog at musika sa pelikula dahil naaayon ang mga ito sa bawat eksena at emosyon ng pelikula. Bukod sa mga emosyon at palitan ng diyalogo ng mga pangunahing tauhan, tumatak rin ang mga kantang naisama sa pelikula. Maganda rin ang muling pagbuhay sa “Official Pinoy Music” (OPM) na kanta ng Rivermaya. Sa mga bahaging gumamit sila ng background music, dito mo talaga mas lalong mararamdaman ang emosyon ng pelikula mas malalim pa ang naidulot ng senaryo na iyon dahil dumagdag pa ang kanta na may koneksyon sa mga pangyayari. Parang sumasalamin ang kanta sa mga pangyayari kung saan ito ay nagpapakita ng kahusayan.

KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA Isa sa mga mensahe nais iparating ng pelikula ay huwag maging makasarili at huwag maging bulag sa mga gusto mo sa buhay dahil umaabot tayo sa punto na hindi na natin alam ang ating pinanggagawa dahil sa sobrang kagustohan na maabot ang mga pangarap. Ang panggagamit ng tao ay hindi magandang gawain. Gaya nga ng laganap ngayon ang pagpapakasal ng mga pinay sa mga dayuhan upang makaahon sa kahirapan.

Isa pang aral na makukuha nito ay dapat pagisipan ng mabuti ang mga desisyon natin sa buhay dahil sa desisyon natin kinakailangan rin natin isaalang-alang ang mga taong maaapektohan. Ang desisyon natin sa buhay ay hindi na mababawi pa. Huwag ipilit ang hindi para sa iyo, may ibang plano ang Panginoon na mas maganda at mas magpapasaya sayo. Kailangan lang habaan ang pasensya at tiwala lang sa mga plano ng Panginoon. Importansya ng edukasyon. Sa pelikula ay pinamutawi nila ang kahalagahan ng edukasyon. sabi nga ni Fidel, ito ay magiging sandalan natin kung sakali mang mawala ang mga bagay na madamdamin tayo. Tulad ngayon, edukasyon lamang ang bagay na hindi mananakaw sa atin. Ito ang magiging daan natin sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan....


Similar Free PDFs