FILN3 pagsusuri ng pelikula FILIPINO NASSA PDF

Title FILN3 pagsusuri ng pelikula FILIPINO NASSA
Author Mateo Ferrer
Course Bsed Filipino
Institution Pangasinan State University
Pages 20
File Size 235.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 344
Total Views 419

Summary

Republika ng Pilipinas President Ramon Magsaysay State UniversitySta. Cruz Campus Unang Semestre, 2021-FILNSinesosyedad/Pelikulang PanlipuanIsang Pagsusuring Pampelikula Pagsusuri sa Pelikulang “Unexpectedly Yours”Ipinasa ni__ Mateo B. Ferrer _ BSEd-Mathematics IVIpinasa kayANTHONY M. MONGuroPANUNUR...


Description

Republika ng Pilipinas President Ramon Magsaysay State University

Sta. Cruz Campus Unang Semestre, 2021-2022

FILN3 Sinesosyedad/Pelikulang Panlipuan

Isang Pagsusuring Pampelikula Pagsusuri sa Pelikulang “Unexpectedly Yours”

Ipinasa ni __Mateo B. Ferrer_ BSEd-Mathematics IV

Ipinasa kay

ANTHONY M. MON Guro

PANUNURING PAMPELIKULA I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula – Unexpectedly Yours (2017) B. Director - Cathy Garcia-Molina C. Mga Pangunahing Tauhan: • Sharon Cuneta as Patricia Rose "Patty" Ignacio-Gonzales • Robin Padilla as Francisco "Cocoy" Manlangito • Julia Barretto as Yanni Gonzaleso • Joshua Garcia as Jason Manlangit

D. Tema ng Pelikula Bilang isang romantikong pelikula, sinasabi ng pelikulang ito na walang pinipiling edad, hindi rin naging pamantayan ang estado ng pamumuhay ng tao, bagkus nakabatay ito kung sinong dalawang puso ang nagmamahalan. Sinasabi rin sa pelikula na hindi dapat magulang ang palaging nasusunod.

E. Maiksing Balangkas

II. Buod at Pangkalahatang Pagsusuri sa Pelikula Sa gabi ng pagdiriwang ni Patty (Sharon Cuneta) ng kanyang ika-50 kaarawan, masasaksihan niya nang di-sinasadya ang wedding proposal ng exhusband (John Estrada) niya sa bago nitong girlfriend. Maglalasing siya dahil dito at sa sobrang kalasingan, aksidenteng mapapadpad siya sa kuwarto ni Cocoy (Robin Padilla) isang seaman at OFW. Ang aksidenteng pagtatagpong iyon ay mauulit nang magkataon na si Cocoy ang bagong nakabili ng bahay sa tabi mismo ng bahay kung saan nakatira si Patty. At lalong magku-krus ang kanilang landas sapagkat sila pala ay high school batchmates at si Patty ang matagal nang crush ni Cocoy. Ginagawa ni Coco yang lahat para gumaan ang pakiramdam ni Patty sa kanya. Hanggang sa isang araw ay komportable na sila sa isa’t isa ngunit dumating si Yael (John Estrada) na bumabalik na siya kay Patty. Hindi alam ni Patty ang gagawin dahil kinukombinsi siya ni Yael na payagan ang anak na pumunta ng London doon sa kanyang kasintahan. Nagdadalawang-isip si Patty dahil natatakot siya sa sasabihin ng kanyang ina na kahit kalian ay hindi pa niya sinusuway. Dahil sa tulong ni Cocoy ay natutong magparaya si Patty. Nahulog ang loob ni Patty kay Cocoy. Hanggang sa isang araw ay naging sila na ni Cocoy.

Masayang masaya sila sa kanilang relasyon. Isang araw, pumunta ang ina ni Patty sa kanilang tahanan. Sinasabi niyang niloko si Yannie (Julia Baretto) ng kanyang kasintahan sa London kaya ito uuwi. Pinagalitan si Patty ng kanyang ina kesyo ano ang pinaggagawa nito at hindi na nababantayan ang kanyang anak. Dumagdag pa ito sa isipin ni Patty dahil babalik na sa buhay nila magina si Yael ngunit hindi niya na mahal si Yael. Sinasabihan din siya ng kanyang ina na si Yael ang dapat niyang mahalin. Dahil sa nagagawa ng pagibig, unang beses na sinuway niya ang sinabi ng kanyang ina dahil kay Cocoy. Sasakay na si Cocoy sa araw ng kanilang alumni. Dahil sa mahal pa rin nito si Patty ay pumunta siya at naging masaya sila sa piling ng isa’t isa.

III. Pagsusuri A. Uring Pampanitikan B. Istilo ng Paglalahad C. Mga Tayutay o Simbolismo A. Mga Halimbawa B. Mga pagpapaliwanag o interpretasyon

D. Sariling Reaksyon 1. Mga pansin at puna a. Mga Tauhan/ Pagganap ng mga Artista b. Ang Tagpuan c. Iskrip /Istilo ng manunulat/ Istilo ng direktor/ Balangkas o galaw

a. Mga Tauhan/ Pagganap ng mga Artista

Ang mga tauhan ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng proseso ng paggawa ng pelikula. Isa sa mga pangunahing bahagi ng isang pelikula ay ang pag-arte at pagganap. Maaaring lubos na mapahusay o pahinain ng mga aktor ang isang pelikula batay sa kanilang pagganap at pagiging angkop para sa isang partikular na papel. Ang paraan ng pagpapakita ng mga aktor ng mga karakter sa isang pelikula ay maaaring mag-alis ng mga manonood o magpapanatili sa kanila.

Wala naman masyadong bago sa pelikulang ito. Hindi maitatanggi na nariyan pa rin ang kilig sa tambalan ng dalawa. Sayang nga lang at hindi naman ito pinalawig pa nang husto at masyadong nag-abala pa ang pelikula sa maraming suliranin gaya ng generation gap at problema sa trabaho na wala naman kinalaman sa kuwentong pag-ibig ng dalawang bida. Sayang at tila nagkulang sa lalim ng karakterisasyon.

b. Ang tagpuan

c. Iskrip /Istilo ng manunulat/ Istilo ng direktor/ Balangkas o galaw ng mga pangyayari

Maganda ang mag didirehe ni Cathy Garcia-Molina sa pelikulang ito. Napapansin rin sa iba niyang palabras ay pare-parehas ang kanyang pagdidirehe. Dahil nga puro RomCom ang kanyang mga pelikula ay parang sanay na sanay na siya at parang natural ang naging kalabasan ng kwento na mapapaiyak at mapapatawa ka.

2. Mga Aspektong Teknikal o Sinematograpiya at Kabuuang Produksyon a. Musika/ Kagamitan o Props/ Pag-iilaw o Lightings/ Pag-eedit/

Naging epektibo naman ang mga tunog o sound effects ng pelikula. Naging swak ang kanyang sound effects tuwing may nakakatawa sa pelikula. Nadala ako sa sound effects. Mas napapatawa ako dahil dito. Ang paglapat ng musika ay naging epektibo. Tuwing may nakakaiyak na eksena ay mas nadadala ang aking damdamin dahil sa musika. Tuwing masaya naman ay gumagaan ang aking pakiramdan dahil sa mga tipo ng musika na ginamit sa pelikula. Ang kanilang props, kasuotan, backround, at lahat ng pamproduksyon ay swak na swak sa pelikulang ito. Hindi masyadong magarbo at hindi rin masyadong pang-mahirap. Ito ang pelikulang sakto lang.

b. Kabuuang Komento sa Pelikula Maganda ang pelikula dahil maraming magagandang asal ang makukuha mula sa pelikula. Halimbawa na lang ng kung paano mo mapapaganda ang relasyon mo sa inyong anak. Hindi naman sa lahat ng oras ay naka depende ka lang kung anong gusto nang iyong magulang. Paano ka matututo sa sarili

mong desisyon kong hahayaan mo sila ang magpasya kung ano ang gusto mo. Ang ibig sabihin ng pamagat ay hindi ko inaasahang magiging iyo ako.

E. Kahalagahang Pantao o Pagtalakay sa Akda Gamit ang mga Teoryang Pampanitikan 1. Mga Teorya o Pananaw 2. Mga Aral at Mensahe

Mga Teorya o Pananaw Realismo - Ang ilan sa realidad na pinakita sa pelikula ay ang pagtanda, pagtaba, ang pag-iwan ng asawa, ang pag-kontrol ng magulang sa anak sa takot na mapariwara sila. Pero kahit tumanda, tumaba o kahit ano pa man kung mahal ka ng isang tao mahal ka. Ito ang mga ipinakita sa pelikula kaya may realismo.

Mga Aral Hindi pinipilit ang pag-ibig at hindi rin ito ikinakahiya. Hindi sa lahat ng panahon at pagkakataon, ang magulang lagi ang nasusunod. Darating ang panahon na dapat ding pakawalan ng mga magulang ang anak at hayaan silang matuto anuman ang kahinatnan ng sarili nilang desisyon

Ang implikasyon nito sa aking sarili ay mas mapapalalim ko ang pagmamahal ko sa aking sarili at kailangan kong tanggapin kung ano ang kulang at kung ano ang mayroon lamang ako.

Mensahe Ang layunin ng direktok ay para ipakita sa atin na walang problema ang kayang lutasin ng pag-ibig, na dapat may kalayaan din ang ating mga anak upang hindi sila mag-rebelde at syempre kailangan rin natin mahalin ang ating sarili.

Republika ng Pilipinas President Ramon Magsaysay State University

Sta. Cruz Campus Unang Semestre, 2021-2022

FILN3 Sinesosyedad/Pelikulang Panlipuan

Isang Pagsusuring Pampelikula Pagsusuri sa Pelikulang “Filipinas”

Ipinasa ni __Mateo B. Ferrer_ BSEd-Mathematics IV

Ipinasa kay

ANTHONY M. MON Guro

PANUNURING PAMPELIKULA

IV. Tungkol sa Pelikula

F. Pamagat ng Pelikula – Filipinas (Official Entry- Metro Manila Film Festival 2003) G. Director - Joel C. Lamangan, dgpi H. Mga Pangunahing Tauhan:

Florencia Filipinas – Armida Siguion-Reyna Ang karakter na Florencia Filipinas ay ginampanan ni Armida SiguionReyna. Isa siyang biyudang relihiyosang ina na dumanas ng samu’t saring suliranin sa sariling pamilya subalit pilit na nagpakatatag upang mapagbuklod ang mga anak sa kabila ng indibidwal nitong mga kahinaan.

Yolanda Filipinas – Maricel Soriano Ginampanan ni Maricel Soriano ang karakter ni Yolanda Filipinas. Siya ang panganay sa anim na magkakapatid, hindi nakapag-asawa’t napabayaan ang personal na buhay dulot ng maraming responsibilidad niya sa pamilya. Sa katunayan, isinakripisyo niya ang kanyang pag-ibig para pagtakpan ang mga karumal-dumal na pangyayaring kinasangkutan ng kanyang kapatid. Ito ang nag-udyok sa kanyang kimkimin ang lahat ng galit na naging dahilan kung bakit hindi siya naging maligaya sa buhay. Nakapagtapos siya ng kursong Home Economics at naging tagapamahala sa isang maliit na negosyong pagmamay-ari ng pamilya Filipinas. Siya ang tagapasalaysay sa pelikula.

Samuel Filipinas – Richard Gomez Si Samuel Filipinas naman ang anak na imigrante sa USA. Ang kanyang karakter ay isinabuhay ni Richard Gomez. Bilang panganay na lalaki, palagi niyang iniisip na lahat ng kanyang sinasabi ay tama at kailangang sundin at igalang ng lahat ng miyembro ng pamilya. Gusto niyang siya ang laging nasusunod. Mayroon siyang tatlong anak, dalawa rito ang babae. Naniniwala siyang ang lahat ng problemang nararanasan sa Pilipinas ay masasagot ng Estados Unidos. Kampante siyang Amerika ang lunas ng lahat ng pasakit. Pero nang siya ay lumuwas, marami siyang napatunayan at isa na roon ang pagkabuwag ng kanyang pamilya.

Vicky Filipinas – Aiko Melendez Si Aiko Melendez ang gumanap sa karakter ni Vicky Filipinas. Si Vicky Filipinas, bilang bunso sa mga babaeng anak, ay isa sa mga paborito ni Florensia. Isa siyang tipikal na Filipina na nakatagpo ng kaligayahan at pagibig sa isang foreigner, ang Bombay na si Ramesh. Siya ang nagpatakbo sa negosyong sibuyas ng pamilya Filipinas.

Gloria Filipinas – Dawn Zulueta Gloria Filipinas, ang pangalawa sa mga babaeng anak ng pamilya Filipinas. Siya ang pinakaborito ni Florensia, ang OFW Caregiver na anak. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa Pilipinas para kumita ng pera sa Israel. Kahit nakapagtapos ng kursong Nursing, pinili pa rin niyang mangibang bansa dahil sa mas malaki ang sahod doon. Tiniis niya ang hirap na mawalay sa pamilya para matustusan lamang ang pang-arawaraw na pangangailangan dulot ng kawalan ng trabaho ng kanyang mister. Ang karakter ay binigyanbuhay ni Dawn Zulueta.

Eman Filipinas – Victor Neri karakter ni Eman Filipinas ay ginampanan ni Victor Neri. Si Eman ang pangalawa sa mga lalaki sa pamilya Filipinas. Bilang isang aktibista at pinuno ng mga manggagawa, isinusulong niya ang iba’t ibang reporma at pantaypantay na karapatang pantao. Inilalaban niya ang kung ano ang tama ayon sa kanyang pananaw. Siya ang taong may pananalig sa demokrasya at patuloy na nakikibaka para sa isang makatarungang lipunan. Bukambibig din niya ang mga isyung panlipunan at kung paano tinutugunan ng gobyerno ang mga suliraning ito. Higit sa lahat, inaayawan niya ang pangingialam at pakikisangkot ng Amerika sa mga problema ng Pilipinas. Dahil sa ideyalismo niyang ito, palagi silang nagkakabanggaan ni Samuel.

Narciso Filipinas – Wendell Ramos Ang bunso sa pamilya ay si Narciso Filipinas. Ang kanyang karakter ay isinabuhay ni Wendell Ramos. Si Narciso ay palihim na nagpakasal kay Dindi. Siya ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng dalawa niyang nakatatandang kapatid na si Eman at Samuel. Kahit opisyal siya ng militar, isiniwalat pa rin niya ang mga nalalamang kurapsyon, ilegal at suhutang nagaganap sa loob. Bunga nito, idinistino siya sa Basilan at sa kasawiam-palad ay nabaril at namatay habang nasa operasyon laban sa mga terorista.

Ramesh – Raymond Bagatsing Ramesh ang Bombay na napangasawa ni Vicky. Ikinasal sila alinsunod sa tradisyong Hindu. Bilang isang dayuhang negosyante sa Pilipinas, naniniwala siyang may pagkakataon pang makabawi ang paluging ekonomiya ng bansa. Ang kanyang karakter ay ginampanan ni Raymond Bagatsing.

Greg – Richard Quan Si Richard Quan ang gumanap sa papel ni Greg. Si Greg ang walang trabahong asawa ni Gloria na parati na lamang umaasa sa kanyang ipinapadalang dolyar. Dulot ng kanyang neo-kolonyalismong pag-iisip, nang dumating si Samuel sa Pilipinas buhat sa Amerika, humingi siya ng pabor dito na kung maaari ay tulungan siyang makakuha ng VISA para makapagtrabaho sa abroad. Pumunta ito nang Libya matapos tumanggi si Gloria na magtrabahong muli sa ibang bansa, sa Canada, bilang alila.

Dindo – Daniel Fernando Ang karakter ni Dindo na ginampanan ni Daniel Fernando ay may kaugnayan sa nakaraan ng pamilyang Filipinas. Siya ang lalaking dating kasintahan ni Yolanda na tinutulan ng kanyang mga magulang. Dala ng kahirapan, nakulong si Dindo dahil sa binaluktot na katotohanan na pinasimunuan ni Samuel. Nakabaril at nakapatay si Dindo nang hindi sinasadya, depensa lamang sa sarili. Ang kanyang napatay ay ang kaibigan ni Samuel na isang anak ng kilalang pulitiko. Ang baril na ginamit sa insidente, ay ang hindi lisensyadong baril ni Samuel dahil sa hiniram ito ng kanyang kaibigan.

Jacqueline – Andrea Del Rosario Si Andrea Del Rosario ang gumanap sa papel ni Jacqueline. Siya ang karakter na may malaking kaugnayan sa nakaraan ni Samuel. Si Jacqueline ang dating kasintahan ni Samuel. Nang ikasal si Jacqueline, dumating si Samuel bilang isa sa mga paunahin. Kinausap niya si Jacqueline tungkol sa kanilang nakaraan pero umayaw na ang babae sa kanya.

Diana – Sunshine Dizon Si Diana ang babeng anak ng mag-asawang nakikitira sa bahay ng pamilya Filipinas. Isa siyang dalaga na nakahiligan ang pagsasayaw. Ang kagustuhan niyang ito ay mahigpit na inayawan ng kanyang ama ngunit sinusuportahan naman ng kanyang ina at ng pamilya Filipinas lalo na nina Florensia at Yolanda. Ito ang nagbigay-dahilan kung bakit nagkaalitan ang

dalawang panig. Ang papel na ito ni Diana ay binigyan-buhay ni Sunshine Dizon.

Dindi – Tanya Garcia Si Tanya Garcia ang gumanap sa karakter ni Dindi. Si Dindi ang kasintahan ni Narciso na pinakasalan niya nang palihim. Buntis si Dindi sa panganay na anak nina Narciso, ngunit dulot ng matinding pagluluksa sa pagpanaw ng katipan, siya ay nakunan sa kanyang dinadalantao.

Lyra – Anne Curtis Si Lyra ang babaeng anak ni Samuel na lumaki at nakapag-aral sa Amerika. Pagkatapos ng isang buwang pananatili sa Pilipinas, siya ang nagpursige sa pagkumbinsi sa ama na sila ay bumalik na ng Amerika. Dulot na rin ng mga problemang natamo ni Samuel sa USA, napagdesisyonan nitong iwanan na lamang sa Pilipinas ang dalawang anak. Walang nagawa si Lyra kundi ang manatili sa bansa kasama ang mga kapatid. Ang kanyang karakter ay ginampanan ni Anne Curtis.

Kathlyn – Sarah Geronimo Si Kathlyn ay isa rin sa mga anak ni Samuel. Siya ang tanging anak na naiwan at lumaki sa Pilipinas. Hindi siya isinama sa Amerika dahil noong sila ay lumuwas, bata pa lamang ito at sakitin pa. Natatakot si Samuel na dalhin ito bunsod ng mga karamdaman nito. Inalagaan at pinalaki si Kathlyn ni Yolanda na naging katuwang din nito sa pagaalaga sa matandang si Florensia. Bagama’t busog sa pagmamahal si Kathlyn, hindi pa rin nito naiiwasan ang paghahanap ng pagmamahal buhat sa sariling mga magulang at kapatid. Ang kanyang karakter ay isinabuhay ni Sarah Gernonimo.

Rex – Neil Ryan Sese Ang karakter ni Rex ay ginampanan ni Neil Ryan Sese. Siya nag nagiisang lalaking anak ni Samuel. Lumaki siya sa Amerika at nagbakasyon sa Pilipinas kasama ang ama at ang kapatid na si Lyra. Minsan na siyang sumuway kay Samuel nang sumama kay Eman sa isang pagtitipon ng mga aktibista at nakiisa sa mga nagwewelga sa kalsada. Isa ito sa mga dahilan kung bakit lumala ang alitan sa pagitan ng magkatapid. Ngunit sa kabilang dako, igiit pa rin ni Rex na mabuting tao ang kanyang tiyuhin at ang ginagawa nitong pakikibaka ay pawang kabutihan at para sa kapakanan ng lahat.

Jose Ma. Avellana/Resty – Joe Mari Avellana Ang karakter ni Uncle Resty ay ginampanan ni Joe Marie Avellana. Siya ang tiyuhin ng magkakapatid na isang pulitiko. Siya ang natatanging takbuhan ng pamilya kung mayroon silang matinding pinagdaraan at pangangailangan. Hanggang sa umabot sa puntong nakapadesisyon ang ina ng pamilya na huwag nang sumangguni sa kanilang tiyuhin dahil puro sariling interes lang naman nito ang iniisip. Wala itong ibang inaatupag kundi ang pulitika, eleksyon at paghahakot ng mga flying voters.

Poldo – Jim Pebanco Si Poldo ang ama ni Diana. Isa siyang lasenggero na walang trabahong ama. Sa kabila ng kanyang kawalan sa buhay, ayaw niyang umaasa sa mga taong nakapalibot sa kanya. Bilang haligi sa sariling pamilyang nakikitira lamang sa pamamahay ng Filipinas, mas ginugusto niyang tumira sa ilalim ng tulay kaysa makipagsiksikan sa ibang pamilya sa iisang bubong. Mahigpit siyang tumututol sa kinahiligan ng anak na pagsasayaw. Sa kahuli-hulihan, siya ay na-stroke dala ng pagkakabugbog sa kanya nang minsan siya ay malasing. Ang perang ginamit sa pagpapagamot sa kanya ay ang perang kita ni Diana sa pagsasayaw sa mga palabas nito sa telebisyon. Isinabuhay ni Jim Pebanca ang kanyang karakter.

Leonor – Denden Patricio Si Denden Patricio ang gumanap bilang Leonor, ang asawa ni Poldo at ina ni Diana. Bilang maybahay ng nakikitirang pamilya sa ilalim ng bubong ng pamilya Filipinas, kumakayod siya sa pagtulong kay Yolanda sa mga gawaing-bahay at mga pangangailangan nila. Nagboluntaryo siya bilang taga-plantsa sa mga damit ng pamilya Filipinas.

Father Manalo – Tony Mabesa Si Father Manalo ang kura sa Katolikong simbahang palaging pinupuntahan ni Florensia sa tuwing kailangan niya ang matinding gabay ng Panginoon. Mas kilala siya sa tawag na “Iniong”. Siya ang kadalasang nagbibigay-payo sa matanda tungkol sa mga problema nito sa pamilya. Ngunit, muntik nang hindi makayanan ni Florensia nang malaman ang dahilan kung bakit aalis si Father Manalo sa bokasyon ng pagpapari – ito ay dahil sa pag-aako nito sa matagal nang itinatagong anak. Ang karakter ni Father Manalo ay ginampanan ni Tony Mabesa.

General Malibiran – Nanding Josef Si Nanding Josef ang gumanap sa papel na General Malibiran sa pelikula. Siya ang heneral na kumausap kay Narciso upang maalegro ang mga kasong isinampa nito laban sa mga tiwaling opisyal ng military at sandatahang lakas.

Army Soldier – Jon Romano Ang Army Soldier na kasama ni Narciso sa trabaho ang nagpabatid kay Narciso sa mga tunay na nangyayari sa kanilang samahan. Siya ang nagmulat at nagtulak kay Narciso upang ipaglaban ang kung ano ang tama at batikusin ang mali sa kabila ng mga naglalakihang bato at pader na alam niyang mahirap niyang mabuwag. Ginampanan ni Jon Romano ang karakter na ito.

OWWA Officer – Dedes Whitaker Ang OWWA Officer ay ang babaeng in-charge sa pag-aasikaso ng mga dokumento sa OWWA. Siya ang opisyal na may masungit na pakikitungo sa mga kababayang OFW na dumudulog ng tulong sa kanilang tanggapan. Minsan na niyang napagsungitan si Gloria nang asikasuhin nito ang mga benepisyong matatanggap sana ng kanyang katrabahong namatay sa pagsabog sa bansang Israel. Ginampanan ni Dedes Whitaker ang karakter na ito.

Recruiter – Glecy Atienza Si Glecy Atienza bilang Recruiter ang naging dahilan kung bakit nakaluwas at nakapagtrabaho sa ibang bansa si Gloria.

Doctor Chu – Lily Chu Si Lily Chu bilang Doctor Chu ang doktor na nag-alaga sa matandang si Florensia nang ito ay maospital. Siya ang may alam ng tunay na kalagayan ng matanda matapos mabagok ang ulo nito at tuluyan nang nawalan-malay at naratay sa banig ng karamdaman.

I. Tema ng Pelikula Sa kabuuan, ang temang nangibabaw sa pelikulang Filipinas ay tungkol sa kahalagahan ng pamilya sa lipunan. Sinalamin din nito ang iba’t ibang ideyalismo at pananaw ng bawat mamamayang Pilipino lalo na sa pagtugon sa samu’t saring hamon ng buhay. Ipinakita rin ng pelikula ang kasalukuyang

mga isyung panlipunan at iilang reyalidad na nagaganap at mga kahinaang taglay ng bawat institusyong sinasandalan ng nakararami. Ngunit sa kabila ng mga hampas at hambalos ng panahon, pinatunayan pa rin ng pelikulang ito na mayroo...


Similar Free PDFs