Geyluv- Pagsusuri - Filipino, Math, English PDF

Title Geyluv- Pagsusuri - Filipino, Math, English
Author Angelie Gonzaga
Course Accountancy
Institution STI College
Pages 6
File Size 113.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 98
Total Views 148

Summary

Filipino, Math, English...


Description

GEYLUV Honorio Bartolome de Dios A. PAMAGAT: “Geyluv” Ang pamagat na “Geyluv” ay hango sa salitang gay love. Base sa pamagat ang storya ng maikling kwentong ito ay umiikot sa pagmamahal ng isang baklang nagkakagusto sa lalaki o lalaking may pusong babae.

B. URI NG GENRE NG AKDA: Tuluyan- Maikling Kwento- Kwento ng Tauhan C. MAY-AKDA: Si Honorio Bartolome De Dios ay tubong Marilao Bulacan. Sa kanyang murang edad ay namulat na siya agad sa makulay at madilim, masaya at malungkot, magulo at mapag-isang mundo ng mga bakla. Nag-aral siya ng sociology sa Maynila at ‘di kalaunan ay nakilahok na sa mga gawaing pangmasa. Sampung taon din siyang napabilang sa development work. Ngunit hindi lang sa mga ito siya naging abala. Sa mabangis na lungsod ng Maynila, sinuyod din niya ang mga suloksulok ng kabaklaan upang hanapin ang kanyang natatanging lugar sa lipunan. Sa kanyang paghahanap ng sarili’y ilang beses din siyang napaluhod, nadapa, at napasubsob. Ngunit sa tuwina, bumabangon siya na may panibagong lakas at determinasyon. Sa ngayon patuloy pa rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal. Sa kanyang kalipunan ng mga maiikling katha, seryoso si De Dios sa kanyang pagsisikap na ipahayag at ipaunawa sa lipunang heterosexual ang partikular na kalagayan ng mga Filipinong bakla. Sa bawat kuwento ay hindi lamang ang problema ng bakla sa sarili ang pinoproblema ng bawat tauhan: laging kaugnay ito ng lipunan na siyang kinalalagyan at kinakaharap ng problema. Ang Sa Labas ng Parlor ay kinatatampukan ng mga kuwentong tulad ng "Atseng," isang kuwento kung paanong naunawaan ng musmos na si Ato ang karahasan ng pinsang lalaki sa kanya at kay Atseng; "Lalaki," tungkol sa pag-aaklas laban sa patriyarkal na mundo sa isang karahasang maituturing na makatwirang paghihiganti; at "Geyluv," tungkol sa kung paano lakasloob na inarok ng isang straight na lalaki ang pinakapusod ng katauhan ng isang bakla. Walang pag-aalinlangan na ang simpatiya ng awtor ay nasa tatag at ganda ng tagdang kinawawagaywayan ng bandila ng kabaklaan.

D. PAG-UNAWA 1. Ang akda ni Benjamin Honorio Bartolome de Dios na “Geyluv” na hango sa salitang gay love ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang bakla o lalaking may pusong babae sa kanyang kapwa lalaki. Ang maikling kwento ay umiikot sa pagkakaibigan na nauwi sa pagiibigan ng dalawang lalaki ngunit ang isa ay may pusong babae na nagngangalang Benjie.

Nailahad sa akda ang magkaibang pananaw ni Benjie at ni Mike. Unang nagkakilala sina Mike at Benjie sa isang media party sa kompanya nito at pagkatapos ng kanilang pagkikita ay isang linggo silang nagkasama sa Zambales na naging dahilan upang maging sobrang malapit sila sa isa’t-isa. Takot si Benjie na masaktan muli, natatakot siyang gamitin ng ibang tao ang kanyang kabaklaan para sa sarili nilang kapakanan. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa panahong naging malapit si Mike kay Benjie ay kakatapos lang nilang maghiwalay ni Carmi sa kadahilanang hindi naiintindihan ni Carmi ang trabaho ni Mike at marami siyang hinihingi kay Mike na pawang Diyos na ang turing niya dito.Madalas magkasama sina Mike at Benjie, minsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya’y kumakain sa labas. Noong nasa bar sila ay nasabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito at halos hindi sila nag-usap buong gabi. At nakapagisip-isip si Mike na magtanong kay Benjie kung pwedeng makitira sa kanyang apartment upang malaman nito kung mahal niya rin ba si Benjie. Nagtapos ang akda na naiwan sa mga mambabasa ang wakas ng kwento dahil hindi sinabi kung ano ang nangyari kina Mike at Benjie simula noong magkasabay na sila sa isang tirahan.

2. Ang akdang “Geyluv” ni Honorio Bartolome de Dios ay mahalaga dahil ito ay kapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Makikita sa kwento na si Benjie ay isang bakla na kabilang sa lgbtq community na kasalukuyang mainit na isyu sa ating lipunan dahil hindi pa sila tanggap sa ating mundong ginagalawan. Inilahad sa kwento ang mga nangyayari sa ating lipunan partikular na sa politiko, naibahagi ng may-akda ang pangyayari sa pagbibigay ng relief goods sa mga biktima ng pagputok ng Pinatubo. Kapag nasa mataas na posisyon talaga masusunod ang kanyang luho kahit pa ito’y hindi para sa ikabubuti ng marami. Sa akda mas pinili ng asawa ng isang government official na siya ang magbibigay ng relief goods sa gitna ng entablado at iaabot niya ito sa mga biktima sa halip na sila’y papipilahin ng maayos. Nagpapatunay lamang ito na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais talagang tumulong ang iba ay para sa sariling Mahalaga ito dahil ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng kaibigan. Kahit mayroon tayong barkada kailangan pa rin natin ng kaibigan na handang makinig sa ating mga sama ng loob tulad ni Mike na handang makining kay Benjie. Nailahad ng may-akda na ang ating kaibigan ay nasa ating tabi palagi kung mayroon tayong problema at sila ang makaktulong sa atin. Sa tinagal-tagal ng pagsasama nina Mike at Benji ay ni minsan hindi nila iniwan ang isat-isa at hindi nila naisip na talikuran ang isa dahil sa pagtitiwala at pagmamahal na ibinuhos nila sa bawat isa. Kahit minsan ay hindi sila nagkatampuhan o nagkaalitan dahil sa pagmamahal nila sa isa’t-isa na ayaw nilang masira ang kanilang pagkakaibigan. Matatag ang kanilang pagkakaibigan dahil tapat sila sa isa’t-isa. Nailahad din sa kwento ang pantay na pagtingin sa lahat ng tao kahit ano pa man ang kasarian, tulad ni Mike na hindi alintana sa kanya ang pagiging bakla ni Benjie. Buong puso niya pa ring tinanggap si Benjie at ipinagpatuloy pa rin ang pagkakaibigan nila.

E. PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

a. Ang akda ay napapanahon dahil ito ay napapatungkol sa isang kasapi ng lgbtq community na mainit na isyu sa ating lipunan ngayon. Si Benjie ay isang lalaki na may pusong babae na may lihim na pagtingin kay Mike. Sa kasalukuyang panahon mainit ang isyu tungkol sa mga lgbtq dahil sa diskriminasyon nilang kinakaharap sa lipunan. Nailahad din sa akda ang isyung pampolitika sa bahaging namimigay ng relief goods sa mga biktima ng pagputok ng Pinatubo. Namimigay lamang ng tulong sa sambayanan ang mga politika para magkaroon sila ng magandang larawan sa mga botante at mahirang sa kanilang pwesto. Nailahad din sa akdang ang pagiging takot ni Benjie na makipag relasyon ulit dahil kagaya ngayon may mga tao na ginagamit lang ang mga bakla para sa kanilang sariling kapakanan. At sa kasalukuyan din maraming mga babae ang hindi naiintindihan ang mga lalaki na akala mo’y Diyos ang kanilang kasintahan kung makahingi ng mga bagay bagay. b. Makikita sa akda ang pagtanggap ni Mike kay Benjie bilang kaibigan kahit siya’y isang bakla. Hindi hadlang sa kanilang pagkakaibigan ang kasarian ng isa sa kanila sa halip mas lalong naging matatag ang kanilang pagkakaibigan dahil kay Mike lamang nakakaramdam ng ginhawa sa pagsasabi ng problema si Benjie. Nailahad sa maikling kwento ang interview ni Mike sa namamahala sa evacuation center na ang asawa ng isang government official ay ayaw sumunod sa regulasyon ng center sa pamamahagi ng relief goods. Kagaya ng sa kasalukuyan nasusunod ang gusto ng mga taong nasa mataas na posisyon, sa kwento nasunod ang gusto ng asawa ng government official na siya ang magbabahagi ng relief goods sa ibabaw ng entablado at iaabot niya lang kung sino ang kanyang maabotan na maaring maging dahilan ng kaguluhan. Nais lamang nito na makuhanan siya ng litrato na namimigay ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng Pinatubo. c. Hindi masyadong malinaw at maayos ang pagkakalahad ng mga mahalagang impormasyon sapagkat mayroong mga parteng hindi naipaliwanag ng maayos katulad na lamang sa huling bahagi, hindi nailahad kung ano ang nangyari kina Mike at Benjie naiwang sa isipan ng mambabasa ang wakas ng kwento. d. Madaling maunawaang ang nilalaman ng akda dahil maganda ang estilo ng pagkakasulat ng may-akda. Ang maikling kwento ay may dalawang perspektibo, ang pananaw ni Mike at ang pananaw ni Benjie dahil dito higit na maunawaan ng mga mambabasa ang kanilang ugali o karakter sa akda. Nakakatulong ito sa mga mamababasa upang madaling maintindihan ang daloy ng kwento dahil malalaman nila kung ano ang nilalaman ng isip ng dalawang pangunahing tauhan. Ngunit sa bahaging naglalahad ng perspektibo si Benjie gumagamit siya ng gay linggo o bekimono mga salitang ginagamit ng mga badingsa lipunan na ginagamit na rin sa karaniwang pakikipagtalastasan tulad ng salitang “syota” o kasintahan sa pormal na pananalita. Ang balangkas naman ng maikling kwento ay nasundan nito mula sa simula hanggang wakas. Maayos din at malinaw ang pagkakalahad ng mga mahahalagang impormasyon sa akda. Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ay organisado at ang mga tauhan ay nailarawan ng maayos ng may-akda. Madali ring matukoy ang mga ugali ng mga tauhan sa kwento dahil maayos na naipakilala ng mayakda ang bawat isa lalo pa at nasa estilo na may dalawang perspektibo. e. Ang akda ay hindi agkop sa lahat ng mga nais bumasa nito dahil mayroong mga malalaswang bahagi na hindi angkop sa mga kabataan. Hindi rin angkop sa lahat ang tema at paksa

nito lalo na at ito’y tumatalakay sa mainit na isyu sa ating lipunan tungkol sa mga lgbtq community na hindi pa tanggap sa ating lipunan.

f. Ang akda ay madaling basahin base sa daloy ng mga ideya o impormasyon dahil ito ay organisado. Madali rin itong basahin dahil ang may-akda ay gumamit ng mga simpleng salita lamang na agad na maiintindihan ng mga mambabasa ngunit sa perspektibo ni Benjie dahil siya’y isang bakla may mga bahaging gimamit siya ng gay linggo na kabilang sa balbal na antas ng wika. g. Ang maikling kwento ay naglalayong magpamulat sa mga mambabasa at maipakita ang realidad sa buhay o mga katotohanang nangyayari sa ating lipunan. Katulad na lamang sa politiko na tumutulong lamang sila kapag nasa harap ng kamera o ng medya upang makalikom ng boto sa darating na eleksiyon. Ito rin ay nagbibigay ng aral sa mga mambabasa na pahalagahan ang mga kaibigan o ang pagkakaibigan dahil sila ang takbuhan natin kapag tayo ay may problema at sa kanila natin mabubuhos ang lahat ng sama ng loob upang gumaan ang ating pakiramdam.

F. PAGPAPAHALAGA a. Ang kabuuang paksa ng akda na tungkol sa pag-ibig ng isang bakla o lalaking may pusong babae ay napapanahon dahil sa kasalukuyan marami sa ating paligid ang kabilang sa lgbtq community at talamak ang isyu tungkol sa pagmamaliit at maling pagtrato sa kanila. Mahalaga ito dahil ito’y tumatalakay sa napapanahong isyu sa ating lipunan at ito’y kapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Ang maikling kwento ay nagpapakita ng pagtanggap ni Mike kay Benjie na isang bakla, natutunan niyang tanggapin ang kasarian dahil napakagaan ng loob niya kay Benjie. Hindi hadlang sa kanilang pagkakaibigan ang kasarian ni Benjie nagkaroon pa nga sila ng matatag na pagkakaibigan. Kagaya ng mga tauhan sa kwento ang kanilang storya ay nagsisilbing gabay sa mga mambabasa na upang mas maging matibay ang pagkakaibigan dapat tayong magig tapat, magmahalan, at pakinggan ang mga nararamdaman ng bawat isa dahil sa kaibigan lamang natin nabubuhos ang lahat ng sama ng loob. b.

Mabuting aspekto Isa sa mabuting aspekto na makikita sa akda ay ang pagiging mabuti at mapagmahal na kaibigan nina Benjie at Mike sa isa’t-isa. Sa tuwing may problema ang isa sa kanila ay agad na pinapalakas ng isa ang loob nito. Mabuting aspekto rin sa kwento ang pagbibigay ng tulong o relief goods sa mga biktima ng pagsabog ng Pinatubo. Kahit anong sakuna ang ating napagdaanan hindi talaga nawawala ang pagtutulungan ng bawat isa upang makaahon sa anuman ang pinsalang dulot nito. Nailahad din sa kwento ang pagmamahal ni Benjie sa kanyang ina na namatay. Siya ay nanghina sa pagkamatay ng kanyang nanay at napag-isipan niya kung paano siya mabubuhay na wala ang kanyang ina sa kanyang tabi. Mahinang aspekto Ang mahihinang aspekto nito ay ang nailahad sa kwento tungkol sa asawa ng isang government official na ayaw sumunod sa regulasyonng center sa pamamahagi ng

relief goods sa halip na kailangang magkaroon ng maayos na pila upang mabigyan ng relief goods, nasunod ang kanyang kagustuhang tatayo siya sa stage at mag-aabot ng relief goods sa kaninuman niya maabot ito. Nais lamang ng babae na makunan siya ng litrato at video habang kunwari ay pinagkakaguluhan ng biktima. Nagpapahiwatig lamang ito na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais talagang tumulong ang iba ay pakitang tao lamang katulad ng mga politiko para makakuha ng boto sa darating na eleksiyon. Isa rin sa mahinang aspekto ng akda ay ang pag-iinom kapag maraming problema. Hindi solusyon ang pag-iinom kapag may problema panandalian mo lamang na makalimutang ang iyong problema ngunit kapag ito ay ibahagi mo sa tapat mong kaibigan ay mabibigyan ka nila ng payo at maging magaan ang iyong kalooban. Mahinang aspekto rin ang pagmamahalan nina Carmi at Mike na nauwi sa hiwalayan dahil hindi naiintindihan ni Carmi kung ano talaga ang trabaho ni Mike at marami siyang hinihingi kay Mike na hindi naman dapat. Pinili nalang ni Mike na makipaghiwalay dahil nga pinapapili siya ni Carmi kung siya ba o ang trabaho ni Mike ngunit para kay Mike naman parehas itong importante sa kanya. c. Ito ay tumatalakay sa kalagayang sosyal ng isang lipunan na pagkakaroon ng ibang kasarian maliban sa babae at lalaki. Sa kasalukuyang panahon talamak na ang mga miyembro ng lgbtq community at sa ating lipunan sila ay nakakatanggap ng diskriminasyon at panghuhusga. Sa akda si Benjie ay isang lalaking may pusong babae ngunit buong puso siya tinanggap ni Mike at hindi ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan. Mayroon ding nailahad sa akda tungkol sa politika na nagpapatunay lamang na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais tumulong. Karamihan sa mga politiko at mg asawa nila ay namamahagi lamang ng tulong kung pag kamera o medya. Ang hanapbuhay ng mga pangunahing tauhan sa akda ay opisina na kung saan karamihan sa ating mga Pilipino ay nagtatrabaho rin sa opisina at si Mike naman ay nagsusulat ng artikulo. Ang kulturang Pilipino na nakapaloob dito ay ang paghahanda sa bahay kung may darating na bisita. Sa akda nagluluto si Benjie ng espesyal na ulam o kaya’y naghahanda ng salad at pinapainom niya ng beer si Mike kapag bumisita ito sa kanyang apartment. MGA SIMBOLISMO: Mga Kulot- sila ay sumisimbolo sa mga taong nakatira sa bundok Mga Unat- sila ay sumisimbolo sa mga taong nakatira sa kapatagan Asawa ng isang Government Official- siya ay sumisimbolo sa mga politikong tumutulong lamang sa harap ng kamera at mga tumutulong lamang sa kapag eleksiyon at biglang nawawala kapag nahirang na sa puwesto Benjie- siya ay sumisimbolo sa mga bakla na ginagamit ng iba ang kabaklaan para sa kanilang pansariling kapakanan; sumisimbolo rin siya sa mga kaibigan nating handang makinig sa ating mga sama ng loob Mike- siya ang sumisimbolo sa mga taong pantay-pantay ang paningin at mga taong hindi namimili ng kaibigan batay sa kasarian, tanggap niya ang kanyang kaibigan kahit pa itoy bakla

G. PAGPAGPALAWAK 1. Natuklasan

Sa pagbabasa ng buong akda, natuklasan ko na napakahalaga ng pagkakaibigan dahil sila ang nagsisilbi nating labasan ng sama ng loob upang makaginhawa tayo ng maayos. Isang yakap mula sa ating mga kaibigan ay nakakapagpagaan na ng ating loob maramdaman lang natin na mayroong taong handang makinig sa ating mga kwento kahit na paulit-ulit at nagpapalakas ng loob natin. Natuklasan ko na ang pag-ibig ay hindi namimili ng kasarian kahit magkapareho kayo ng kasarian ay maari ka pa ring mahulog sa kanya lalo na kapag nakaramdam ka ng pagmamahal at alaga sa kanya. Lahat tayo ay may karapatang magmahal at mahalin. Natuklasan ko rin na hindi solusyon ang pag-iinom kapag may problema panandalian mo lamang na makalimutang ang iyong problema ngunit kapag ito ay ibahagi mo sa tapat mong kaibigan ay mabibigyan ka nila ng payo at maging magaan ang iyong kalooban. 2. Reaksyon Natuwa ako sa pagkakaibigan nina Mike at Benjie na kahit si Benjie ay isang bakla hindi naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan ang kanyang kasarian. Nakakatuwa din dahil ni minsan ay hindi sila nagtampo sa isa’t-isa at tapat sila sa bawat isa kaya nagtatagal ang isang pagkakaibigan dahil dito. Nakakakilig din ang pagmamahalan nina Benjie at Mike, mula sa pagkakaibigan na papunta sa pagkaka-ibigan. Nakakakilig din ang kanilang pag-iibigan sa kwento, ang kanilang pagkakaibigan ay mag natatago na palang pagmamahalan na hindi lang dahil sa kaibigan kundi pagmamahal na para sa isang kasintahan. Ako’y nalungkot para kay Benjie dahil sa pagkamatay ng kanyang nanay, naisip niya tuloy kung paano siya mabubuhay na wala ang kanyang ina sa tabi. Kagaya natin, maiisip natin kung paano mabuhay ng walang ina dahil sila ang nag-aalaga sa atin at sila ang laging nandiyan kapag may problema tayo. 3. Rekomendasyon Nais kong imungkahi sa dalawang pangunahing tauhan na sina Benjie at Mike na kapag mayroong kayong nararamdamang pagmamahal sa isa’t-isa ay kailangan itong sabihin sapagkat walang magagawa ang pananahimik. At sa mga magkakaibigan tularan natin ang pagkakaibigan nina Benjie at Mike na hindi hadlang ang kasarian ng isa upang ipadama na tunay kang kaibigan at pagiging tapat nila sa isa’t isa. Dapat na pahalagahan ang pagkakaibigan tulad nina Mike at Benjie na kahit gaano pasila katagal na magkasama ay ni minsan hindi nila iniwan ang isa’t-isa at hindi nila naisip na talikuran ang isa dahil sa sobrang tiwala at pagmamahal na ibinuhos nila sa bawat isa. Ang ating mga kaibigan ay laging nandiyan sa ating tabi upang tayo’y pakinggan at sa kanila natin mabubuhos o mailalabas ang ating nararamdaman upang maging magaan ang ating kalooban....


Similar Free PDFs