Queer Theory Isang Pagsusuri DOCX

Title Queer Theory Isang Pagsusuri
Author Gracely Flor Ayongao
Pages 8
File Size 35.8 KB
File Type DOCX
Total Downloads 543
Total Views 670

Summary

Am I weird? ( Isang Pananaliksik sa Teoryang Queer) I. Panimula Kung isang araw sabihan ka ng kaibigan mo na “Alam mo, ang weirdo mo!” Ano ang magiging reaksyon mo? Dedma ka lang ba,matutuwa ka ba o maiinis? Ano nga ba ang basihan sa pagiging weirdo? Siguro matatawag ka na weirdo kung may makakapal ...


Description

Am I weird? ( Isang Pananaliksik sa Teoryang Queer) I. Panimula Kung isang araw sabihan ka ng kaibigan mo na "Alam mo, ang weirdo mo!" Ano ang magiging reaksyon mo? Dedma ka lang ba,matutuwa ka ba o maiinis? Ano nga ba ang basihan sa pagiging weirdo? Siguro matatawag ka na weirdo kung may makakapal na eyeglasses, tahimik parati, tumatawang mag-isa na parang sariling mundo o kaya naman kaiba sa mga ginagawa ng mga normal na tao ang iyong trip. Kaya siguro kung tatawagin kita ngayong weirdo ay magagalit ka at magtatanim ng sama ng loob. Pamilyar ka ba sa terminong "Queer"? Kung hahanapin natin sa diskyonaryong ang salitang wierd , ang lalabas ay "Queer". Ang Queer ayon sa Encarta Dictionary ay not usual or weird and slightly unwell and an offensive term. Sa madaling salita weirdo. Nagsimula ang teoryang Queer noong kalagitnaan ng dekada '90 pinag-ugatan nito ang pag- aaral ng femenistang pananaw. Mula sa pag-aaral sa social costruction, sekswalidad at identidad ng tao . Sa kalaunan, naging pag-aaral na ito na sinusuri ang mga bagay na itinuturing na nasa kategoryang normative at deviant na sinusuri ang pagiging kaiba o hindi karaniwang gawi at pagkakakilanlan.Sa madaling salita pag-aaral ito tungkol sa mga bakla/lesbiana. Upang higit na maunawaan ang kaisipang taglay ng teoyang ito, mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng kasarian (seks), jender, at sekswalidad. Tumutukoy ang kasarian sa pagiging babae at lalake ng indibidwal. Ang jender ay ang gawaing nagpapakita ng gawi o kilos ng pagpapakababae (femininity) at pagpapakalalkr (masculinity) na itinuturing na itinakda ng lipunan. Ang sekswalidad naman ay ang pagiging homosekswal o heterosekswal ng indibidwal. Homosekswal ang tawag sa katangian ng indibidwal na may sekswal na pakikipag-ugnayan sa kaparehong kasarian; at ang heterosekswal naman ay ang katangian ng indibidwal na may sekswal na pakikipag-ugnayan sa indibidwal na iba ang kasarain. Dahil taliwas ito sa pamantayang itinakda ng lipunan, lumilikha ito ng kaguluhan at panghuhusga maging pang-aabuso kung kayat umuusbong na rin ang mga akdang kakikitaan ng mga pagpapalawig at pagpapatatag ng mga karapatan ng mga bakla/lesbian lalo na sa panahon ng digital age na maraming mga pamamaraan upang maipakita ng mga ito ang kanilang saloobin--- ang social media. Ang Social media ay naging susi hindi lamang sa kabuuhang kaunlaran ng Queer Theory kundi pati na rin ang pagpapalakas ng kompyansa ng kanilang sarili at tulungan silang magkaroon ng puwang sa lipunan. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ang mga bakla/lesbiana ng paraan upang mag open-up ng kanilang istorya at karanasan at karapatan ng pagiging pantay-pantay hindi lamang karapatang mag siwalat ng sariling opinion at karanasan kundi pati narin sa karapatang magbahagi ng personal na karanasan na magsisilbing inspirasyon ng mga katulad nilang may ibang gender preference. Sa larangan naman ng Panitikan, maraming Queer theorist na gumawa na rin ng mga katha o obra na naging basehan rin upang lumawak ang pagkakaintende, pananaw at respeto ng mga tao sa may ganitong kalagayan. Ang ilan sa mga akdang kakikitaan ng ganitong teorya ay susuriin sa papel na ito. Ito ay ang maikling kwento na "Giyera" ni Honorio Bartolome de Dios at ang tulang "Sa Iyong kaarawan Itay" ni Christopher E. Cahilig....


Similar Free PDFs