Pagsusuri- Impeng- Negro PDF

Title Pagsusuri- Impeng- Negro
Author nicole y
Course Filipinolohiya
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 13
File Size 135.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 136
Total Views 600

Summary

PAGSUSURI SA KWENTONG IMPENG NEGRONI ROGELIO R. “SIKAT” SICATSA BAHAGYANG KINAKAILANGANG PAGTUPAD PARA SAASIGNATURANG PAGSULAT SA FILIPINOSA PILING LARANGANG AKADEMIKMayo, 2021 Central Philippine University Senior High School Jaro, Iloilo CityTALAAN NG NILALAMANI. INTRODUKSYON..........................


Description

PAGSUSURI SA KWENTONG IMPENG NEGRO NI ROGELIO R. “SIKAT” SICAT

SA BAHAGYANG KINAKAILANGANG PAGTUPAD PARA SA ASIGNATURANG PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGANG AKADEMIK

1

Mayo, 2021 Central Philippine University Senior High School Jaro, Iloilo City

TALAAN NG NILALAMAN I.

INTRODUKSYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

1

II.

LAYUNIN NG PAGSUSURI. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

2

III.

BUOD NG AKDA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

2

IV.

MAY-AKDA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

2

V.

MGA TAUHAN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

3

VI.

PAGSUSURI. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

4

VII.

LAYUNIN NG MAY AKDA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

6

VIII.

TEMA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

6

IX.

TONO. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

6

X.

PAGLALAPAT NG IBA’T IBANG DULOG O APPROACHES

XI.

SA PAGSUSURI SA AKDA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

7

ANALISIS AT KONKLUSYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

8

REFERENCES. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

9

2

3

IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat

I.Introduksyon Ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang “pang-titik-an“ na nakabatay sa salitang “titik” na ibig sabihin ay “literatura” o literature sa wikang ingles. Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, at ideolohiya ng mga tao. Kasabay dito ang payak na paglalawarawan sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan, at patula. Ang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa mga sulatin o mga akda katulad ng mga tula, maikling kwento, pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba.

Ang pagsusuri ay kilala bilang isang tiyak at detalyadong panunuri ng isang bagay upang matukoy ang mga likas na katangian nito o ng isang akda, mga estado, at mga kadahilanan tungkol dito.

Ang pagsusuri ay isang kakayahan at talino na

magproseso at mag-analisa upang makahanap ng matibay na impormasyon at solusyon tungkol sa suliraning kinakaharapan. Kaya naman isa ito sa importanteng bagay na dapat matutunan sa pang araw-araw na pamumuhay dahil maraming opinyon, ideya at isyung haharap sa atin.

Ang panunuring pampanitikan ay isang masinsinan na pagsusuri sa mga akda ng manunulat upang matukoy ang mensahe na nais ipaabot nito sa mga mambabasa. Sa panunuri mabubuksan ang mga kritisismo hinggil sa isang akda, dito makikita ang maaaring maipuna sa kakulangan ng isang akda dahil ito ay may teknikal na kabuuan. Mahalaga na may panunuring pampanitikan sapagkat naiwawasto at napapalawak nito ang mga likha. Gayundin, mas nakakatulong ito sa pag-aaral at pagtukoy sa iba’t ibang simbolismo na nakapaloob sa kwento. At higit sa lahat, ito ang magiging tulay sa pagbibigay pansin sa mga akdang pampanitikan na hindi natin nabibigyan importansya at napapansin noon.

1

II.Layunin ng Pagsusuri Layunin ng pagsusuring ito sa maikling kwento na pinamagatang “Impeng Negro” ay matukoy ang nais iparating ng may akda sa bawat mambabasa. Nais ng pagsusuring ito na itatak sa isipan ng mga tao ang kahalagahan ng pagbibigay respeto at pagkakapantay-pantay ng kahit na sino sa lipunan ano man ang pinagmulan nito. Layunin din ng pagsusuring ito na imulat ang mga mata sa reyalidad na hindi manghuhusga ng kapwa base sa kanyang panlabas na anyo o kulay. Ang pagsusuring ay magtutukoy sa kalagayan ng mga tauhan sa kwentong “Impeng Negro”, maibahagi ng maayos ang mga mahahalagang aral, at maipakita ang ambag nito sa panitikan.

III. Buod ng Akda Mayroong isang binatang lalaki na nagngangalang Impen ang nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid. Siya ay madalas na kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pagtuunan ng pansin ang mga nangaasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan niyang pabayaan na lamang na siya ay kutyain at hindi lumaban, lalo na kay Ogor na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Ngunit nang siya ay patuloy na inaasar at inuunahan sa pagsalin ng tubig, hindi nya napigilan ni Impen ang kanyang sarili at nilabanan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat lamang. Nagpalitan sila ng suntok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinangimian nila si Impen.

IV.May-akda Si Rogelio R. “Sikat” Sicat ay ipinanganak o isinilang noong 1940, siya ay nagtrabaho sa University of Santo Tomas at iniwan ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950’s. Siya ay naging isang campus writer at literary editor ng The Varsitarian, tinuloy niya hanggang siya ay maging isa sa mga sikat na pioneers ng Philippine Literature sa pamamagitan ng pagpili sa lenggwaheng Filipino sa kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga “Western writers”.

2

Sa pamamagitan ng mga gawa ni Sicat ito ang nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na liwayway. Siya ay nagkaroon ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at lumabas bilang antolohiya noong 1965, Mga Agos sa Disyerto, sumunod sa mga magagaling na manunulat. Si Sicat ay sumulat ng ilang dekada, at nakilala bilang fictionist, professor at playwright, at pagiging dean sa University of the Philippines Diliman.

Ang “Impeng Negro” at “Tata Selo” ay ilan lamang sa mga ginawa ni Rogelio Sicat na isinadula sa isang pelikula. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa BukangLiwayway, Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay, at ang dula “Moses, Moses”. Si Rogelio Sicat ay namatay noong 1997, pero sa huling pagkakataon siya ay nakatanggap ng parangal sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na may pamagat: “Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas”.

V.Mga Tauhan 

Impen Siya ay ang pangunahing tauhan sa kwento. Si Impen ay ipinanganak na may nakakaibang kulay ng balat at kulot na buhok sa kanilang pamilya. Si Impen ay maglalabing anim na taong gulang at siya ay isang agwador o taga-igib sa kanilang lugar. Ang kanyang ina ang nag alaga at nagpalaki sa kanya at sa tatlo pa niyang kapatid. Si Impen ay palagi nalang kinukutya at pinagkukumpara sa kanyang kapatid na Kano dahil sa kanyang anyo.



Ogor Isang matipunong lalaki na mapang-api at may masamang ugali na tauhan sa kwento na siyang nangunguna sa pagmamalit at pagkukutya kay Impen.



Kano 3

Ang pitong taong gulang na kapatid ni Impen na maputi at kinukumpara sa kanya dahil sa pagkakaiba ng kanilang kulay.



Boyet at Diding Ang mga nakababatang kapatid ni Impen



Ina ni Impen Siya ay isang inang may mga anak na iba’t ibang lahi ang pinagmulan o sa madaling salita ay may iba’t ibang asawa. Ang ina ni impen ang nangangaral at nagpapaalala sakanya na huwag makipag-away.



Mga tao sa paligid Sila ang mga tao sa paligid na nakasaksi sa panyayari at mas pinipili na manahimik na lamang at hayaan na maliitin ni Ogor si Impen.

VI. Pagsusuri

A. Bisang Pampanitikan

1. Bisa sa Isip Ang kwentong ito ay naging daan upang magising tayo sa mga maling nangyayari sa ating lipunan. Iminulat nito ang ating mga mata at isipan na hindi mawawala ang diskriminasyon, hindi pagkakapantay-pantay, at hindi pag bigay ng respeto sa mga taong may kakaibang katangina kompara sa iba. Napagtanto ko na karamihan sa atin ay nakararanas ng diskriminasyon marahil sa estado ng kanilang buhay o kakaibang katangian. Ang pagiging mapangkutya ng isang tao ay hindi ikakatas ng mga nangugutya.

Ngunit sa kabila nito may mga taong hinahayaan lang na mangyari ito sa kanila, may iba ring hindi takot lumalaban maprotektahan lang ang kanilang sarili. Isa na doon si Impen, sa matagal na panahon na siya ay kinukutya ni Ogor at ng ibang tao sa kaniyang paligid hindi na siya nakapagtimpi at kaniyang nilabanan si Ogor dahil hindi na makatarungan ang ginagawa nito kay Impen. 4

2. Bisa sa Damdamin Lubhang nakakaawa si Impeng dahil sa diskriminasyon at hirap na kanyang dinaranas gayundin ng kanyang pamilya. Nadurog ang aking puso dahil alam kong ito ay makatotohanan at madalas na nangyayari sa mga taong may ibang katangian o kulay. Sapagkat, ako’y masaya dahil sa huli nakayang ipagtanggol ni Impeng ang kaniyang sarili laban kay Ogor na siyang umapi at nanglait sa kaniya.

3. Bisa sa Asal Sa kwentong ito ay ipinakita kung paano pinagsabihan at pinangaralan si Impeng ng kaniyang Ina matapos makipag-away sa mga nangungutya sa kaniya. Ipinakita rin dito kung pano ipinagtanggol ni Impeng ang kaniyang sarili laban sa mapang-insulto at basagulero na si Ogor. Sa huli, sumuko at nagpakumbaba si Ogor dahil hindi niya inaakalang matatalo siya ni Impeng. Napagtanto ko na minsan sa buhay kailangan mo ring lumaban dahil hindi sa lahat ng pagkakataon manantili kang tahimik at kaawa-awa.

4. Bisang Panlipunan Hanggang sa kasalukuyang panahon ang diskriminasyon ay isa sa mga pangunahing problema na makikita sa ating lipunan. Hindi man ito masyadong pinaguusapan pero alam natin na isa ito sa mga problemang hindi mawala-wala sa ating komunidad.

Ang akdang ito ay naging daan para tayo ay mamulat sa katotohanan at para gisingin tayo na ang diskriminasyon ay hindi makatarungan at normal. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang ibang tao ay may mababang pagpapahalaga sa sarili at iba pa. Naniniwala ako na ang akdang ito ay nagpapahiwatig saatin na dapat aksyunan ang ganitong problema. Tulungan natin ang mga taong nararanasan ang diskriminasyon, huwag natin itong hayaan dahil ito ay may negatibong epekto sa ating lahat. Maaaring kayang ipaglaban ng ibang tao ang kanilang sarili ngunit wag natin itong hayaan at gawing normal na pangyayari.

B. Layunin ng May-akda

5

Layunin ng kwentong ito ang makapagbigay ng aral sa lahat ng tao. Ang kwentong ito ay tumatalakay patungkol sa diskriminasyon, respeto sa kapwa, at pagkakapantay-pantay. Naniniwala ako na layunin nitong tulungan tayong lahat na maimulat ang ating mga mata sa diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay na nangyayari sa ating paligid ngayon. Ipinakita dito sa kwentong Impeng Negro ang isyu ng diskriminasyon sa ating lipunan na nagiging dahilan ng away o gulo at mababang pagpapahalaga sa sarili.

C. Tema Sa kwentong ito, tinalakay kung paano minamaliit at inaalipusta ang mga taong may ibang katangian at kalagayan sa buhay. Ibinahagi dito kung paano ipinaaglaban and kanyang dangal at dignidad na di dapat kutyain, pagsabihan ng mga hindi kanais-nais na salita, at husgahan dahil sa estado o bagay na kinakatayuan nila. Isinalaysay at inilarawan din sa kwentong ito ang mga taong mapang alipusta, mapangutya, na walang mga alam sa mga bagay o taong kanilang inaalipusta at hinuhusgahan.Bukod dito, inilarawan sa kwento kung paano nakaaapekto ang diskriminasyon sa ating kapwa o sa ating lipunan. Masasabing napapanahon ang tema ng akdang ito dahil sa ngayong panahon umusbong na naman ang isyu ng diskriminasyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Maraming inosenteng tao parin ang nabibiktima ng diskriminasyon.

D. Tono Ang tonong ipinapahayag ng Impeng Negro ay seryoso, sensitibo, nakakaawa, nakakagambala, at nakakainis sa kadahilanang ito ay tungkol sa diskriminasyon. Seryoso ito at sensitibo dahil ito ay hindi pangkaraniwang usapin. May ibang tao na maaaring masaktan lalong lalo na ang mga taong nauugnayan dito. Nakakaawa dahil hindi katanggap-tanggap ang dinanas ni Impeng. Siya ay inapi at kinutya dahil sa kulay ng kaniyang balat at dahil naiiba ang kaniyang kulay kumpara sa ibang tao sa kanilang komunidad. Ito ay nakakagambala dahil may mga salita at aksyon ng mga character na hindi kanais nais. Nakakainis dahil sa pangungutya at hindi patas na pagtrato kay Impen ng mga tao sa kaniyang paligid. Hindi porket maitim ang iyong

6

kulay dapat ka nang husgahan, kutyain, tratuhin na parang hindi tao, ang sabihan ng masasakit at nakaka-insulto na mga salita. Iba-iba man ang ating katangian o anyo, lahat tayo ay karapat-dapat na respetuhin at tratuhin ng maayos.

VII.Paglalapat ng Iba’t ibang Dulog o Approaches sa Pagsusuri ng Akda

1. DULOG SOSYOLOHIKAL

Ang Impeng Negro ay isang dulog sosyolohikal dahil dito makikita natin ang kalagayan at suliraning panlipunan na kinakaharap ni Impen. Ang akdang ito ay tumatalakay o nagbibigay diin sa mga usaping panlipunan. Ipinakita rito ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa lahi kung saan ang mga inaapi ay ang mga taong may maiitim na kulay ang balat. Hindi na bago saatin na may mga taong mabababa ang pagpapahalaga sa sarili dahil sa diskriminasyon katulad na sa nangyari kay Impen. Dahil sa diskriminasyong dinaranas niya sa kanilang komunidad wala siya ni isang kaibigan dahil lahat sila ay pinagtatawanan si Impen dahil sa kaniyang kulay o balat. Siya ay pinagtatawanan ng lahat dahil sa sobrang itim ng kaniyang balat.

2. DULOG REALISMO Ang akdang pinamagatang Impeng Negro ay pinaniniwalaang gumamit ng teaoryang realismo sa kadahilang ito ay sumasalamin sa katayuan o tunay na kulay at kaganapang nangyayari sa ating lipunan. Tulad na lamang ng paghihirap, pangungutya, panghuhusga at pagmamataas ng ibang uri. Mapapansin nating ang teoryang ito sa buong nilalaman ng akda. Una, sa pagkakaroon ng ibat-ibang asawa ng kanyang ina. Pangalawa, ang kanilang bahay na tinitirahan at ang pananamit ng mga tauhan. Pangatlo, ang panghuhusga o pangungutya ng mga tao alinsunod sa kaniyang pisikal na personalidad ang pagiging maitim. Pang-apat, ang palaging pangunngutya ni Ogor at ang pag-aabuso sa pagiging tahimik ni Impen sa kaniyang mga pangungutya. Panghuli, ang pagbabagong naganap kay Impen matapos subukin ang kaniyang kakayahan at ang sitwasyon ng kaniyang ina na lubos niyang ikinagagalit. 3. DULOG MORALISTIKO

7

Ang akdang ito ay nabibilang sa dulog moralistiko dahill tumatalakay ito sa iba’t-ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao. May mga parte ng akdang ito ang nagpapakita ng moralidad. Una, sa bahagi na kung saan pinagsasabihan si Impen ng kaniyang ina na huwag makipag-away sa ibang tao kung siya man ay kukutyain ulit ni Ogor. Para saaking ito ay tama dahil bilang isang ina responsinilidad mong pagsabihan o pangaralan ang iyong anak. Naniniwala akong tama ang ginawa ng kanyang ina. Pangalawa, sa bahaging hindi pinansin ni Impen ang mga nangugutya sa kaniya. Sa tingin ko tama ang ginawa ni Impen dahil sa pagiwas nito sa mga nangungutya sa kaniya umiwas rin siya sa posibleng gulo. Pangatlo, dinaganan ni Ogor si Impen para madapa siya at gayundin nung inumpisahan niya ang away. Malinaw na mali ang ginawa ni Ogor. Panghuli, noong iniligtas at sinubukang lumaban ni Impen ang kaniyang sarili mula sa basagulero na si Ogor. Sa madugo at pisikal na away man ito nadaan, sa tingin ko tama parin ang ginawa ni Impen na ipagtanggol ang kaniyang sarili at ipakita sa iba na kaya niyang lumaban.

VIII.Analisis at Konklusyon Base sa pagsusuring ginawa namin patungkol sa kwentong “Impeng Negro”, masasabi namin na isinulat ito upang maimulat ang ating mata at mabuksan ang ating mga isipan sa mga totoong nangyayari sa ating lipunan ngayon. Ang akdang ito ay sumasalamin sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa ibat-iabng bansa katulad nalang sa isyung diskriminasyon at rasismo patungkol sa mga may maiitim ang balat as sa kasalukuyang pag didiskrimina sa mga Asyano sa ibang bansa. Tunay na ang mundo natin ngayon ay talagang magulo na, ngunit ako’y naniniwala na ang kwentong ito ay nagpapahiwatig na kailangan nating umaksyon dahil sa mga pangyayaring ito. Ibinahagi sa kwentong ito ang mga makatotohanang nangyayari sa ating paligid. Naniniwala ako na ang akdang ito ay daan upang tayo ay umaksyon at gumawa ng tama. Bukod dito, dahil sa akdang ito, ngayon marami ng na ang nakakaintindi at napalawak ang isipan patungkol sa isyung ito, Nakatutulong din ito upang mabahagi pa sa ibang tao kung ano talaga ang nais ipahayag ng kwnetong ito sa atin. Ang akdang ito ay maaaring makatulong upang malutas natin ang ganitong mga problema na hindi dapat binabalewala dahil marami ang negatibong naapektuhan. Natutuunan 8

din ng pansin ang mga aral na ipinapahayag ng akda sa atin dahil siguradong marami ang nakakaugnay dito hindi lamang ang mga taong may ibang katangian. Panghuli, dapat natin pagtuunan ng pansin ang ganitong mga bagay dahil hindi lang ang pisikal na kalusugan natin ang naapektuhan kundi pati rin ang mental na kalusugan natin. Karapatan nating lahat ang tratuhin ng mabuti, pantay-pantay, at respetuhin ano man ang estado, anyo, at katangian natin, magkakapareho man o magkakaiba.

References: 9

Introduksyon: https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-an-lisis https://philnews.ph/2020/02/07/kahulugan-ng-panitikan-ano-nga-ba-ang-panitikan/ https://philnews.ph/2020/10/03/akdang-pampanitikan-kahulugan-at-halimbawa-nito/ https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-panunuring-pampanitikan

Buod ng akda: https://manunulatngmaiklingkwento.fandom.com/tl/wiki/Rogelio_R._Sikat#Sa_Lupa _ng_Sariling_Bayan

Tungkol sa may-akda: https://www.scribd.com/doc/67834769/Talambuhay-Ni-Rogelio-Sikat

10...


Similar Free PDFs