Yunit 6 Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan PDF

Title Yunit 6 Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan
Course Bachelor of Secondary Education
Institution Samar State University
Pages 4
File Size 57.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 648
Total Views 848

Summary

Sa Bagong Paraiso ni Efren Reyes AbuegI. Sanligan a. Kahulugan ng Pamagat Ito ay pinamagatang Sa Bagong Paraiso dahil pilit nilang ipinaglaban ang kagustuhan nilang dalawa at dito natamo ang kanilang bagong paraiso. Masarap gawin ang bawal kung kaya’t pilit silang kumawala sa hawla ng banta at bawal...


Description

Sa Bagong Paraiso ni Efren Reyes Abueg I.

Sanligan a. Kahulugan ng Pamagat Ito ay pinamagatang Sa Bagong Paraiso dahil pilit nilang ipinaglaban ang kagustuhan nilang dalawa at dito natamo ang kanilang bagong paraiso. Masarap gawin ang bawal kung kaya’t pilit silang kumawala sa hawla ng banta at bawal mula sa kanilang mga magulang. b. Panahon ng Pagkasulat March 4, 2011 c. Detalye ng may Akda Si Efren Abueg ay isinilang sa Tanza, Cavite noong Marso 3, 1937 at isa sa mga iginagalang na kuwentista, nobelista, mananalaysay, at krititiko sa kanyang kapanahonan. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kaunaunahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973). d. Detalye sa mga Tauhan Cleofe – isang batang babae na napamahal din sa kababata niyang si Ariel. Ariel – isang batang lalaki na napamahal rin sa kababata niyang si Cleofe. e. Buod ng Akda Magkababata sina Ariel at Cleofe. Musmos pa lamang sila ay kilala na nila ang isa’t isa. Itinuring nilang isang paraiso ang kanilang lugar, kasabay ng kanilang gawain at paglalaro na labis nilang kinaaliwan noon. Walong taong gulang sila nang magkakilala at mahilig maglaro sa tabingdagat at sa malawak na bukirin sa kanilang lugar. Ang magandang samahan nina Ariel at Cleofe ay nagtagal hanggang sa dumating ang panahon na sila ay dalaga at binata na. Sa panahong ito, wala na ang kamusmusan at nag-iba na rin ang takbo ng kanilang isip, maging ang kanilang damdamin. Batid ng mga magulang nila na higit na sa pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa. Ang dating magkalaro ay alam

nilang mahalaga na ang tingin sa isa’t isa. Kaya naman gumawa ng aksyon ang kanilang mga magulang. Pinag-aral si Cleofe sa siyudad upang mailayo kay Ariel. Paghahanda raw ito sa magandang kinabukasan niya. Ngunit ang paglayo ay hindi pa rin naging hadlang sa dalawa. Pinilit pa rin nilang magkita sa kabila ng pagbabawal. Sa kanilang muling pagtatagpo ay isang bagong paraiso ang kanilang natagpuan. Ang init ng kanilang pagmamahalan ay tila ang init na naranasan nila sa paglalaro sa malawak na taniman. Ang bawat yakap at halik ay tila bagong paraiso para sa dalawa. At ang paraiso ay nagbunga na para sa iba ay parusa habang biyaya naman sa kanilang dalawa.

II.

Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman a. Kalagayang Sosyal Makikita natin sa akdang ito ang pagiging tao lamang nila Ariel at Cleofe. Hindi nila nagawang tanggihan ang tawag ng laman. Bumigay sila sa tukso at ito kanilang naging kapahamakan. Pinapakita dito na karaniwang mapusok talaga ang mga kabataan kapag dinapuan ng kamandag ng pag-ibig. b. Kulturang Pilipino Konserbatibong mga magulang, pagiging mahiyain, at pagiging masunurin ng anak sa nais ng magulang. c. Pilosopiyang Pilipino Makikita sa akda ang karaniwang gawain ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ito'y kanilang pinagbabawalan o hinihigpitan para hindi sila mapasama. Nag-aalala sila sapagkat kapag nakatungtong na sa pagdadalaga o pagbibinata ang kanilang mga anak ito'y lapitin na rin ng tukso. Pinapakita rin dito na karaniwang nagiging mapusok ang mga kabataan kapag sila'y tinamaan ng kamandag ng pag-ibig. Pinakita rin dito ang malaking pagpapahalaga ng mga magulang sa edukasyon. Nais nilang makapagtapos ang kanilang mga anak kaya't nagawa nilang higpitan ang mga ito. d. Mga Simbolismong Pilipino Sangang-daan – may pagkakataon sa buhay nina Ariel at Cleofe na hindi nila alam ang daan na tatahakin nilang dalawa. Sila ay nasa gitna ng sangang-daan. Sa kaliwa ay naroon ang daan na hindi sila maaring magkita o magkasama.

Sa kabila naman ay ang daang magkakasama silang dalawa ngunit katumbas naman noon ay ang pagsuway nila sa kanilang magulang. Sa huli, mas pinili nilang pumunta sa daang mas magiging masaya silang dalawa. Pader – may matibay na pader sa kanilang pagitan at iyon ay ang pagbabawal ng kanilang mga magulang na sila ay magkita upang sa gayon ay makapagtapos sila ng kanilang pag-aaral. Nang dahil sa pagtaas ng pader na iyon sa kanilang pagitan, mas umigting ang kanilang pagnanais na sila ay magsama. III.

Mga Teoryang Pampanitikan Ang akdang ito ay may Teoryang Romantisismo na kung saan ang mga tauhan ay tumatakas sa katotohanan. Ang akdang ito ay nagpapatungkol sa magkababata na sina Ariel at Cleofe.Noong bata pa sila ay malaya silang gawin ang lahat ng gusto nila samantala ng sila'y lumaki ay hindi na sila malaya gawin ang gusto nila at madalas na silang pinagbabawalan. sa bandang huli ng akda ay nagtago ang dalawa dahil hindi sila pinapayagang magkita. At isa rin ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa akdang ito ay ang teoryang Realismo sapagkat tunay na nangyayari sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa akdang ito.

IV.

Bisang Pampanitikan a. Bisa sa Isip Dapat ay isipin muna ang kahihinatnan, kung ito ba ay makakabuti o makakasama, bago ito pasukin. Ipinakita dito ang isang pangyayaring karaniwang nangyayari sa mga kabataan sa ngayon. Nagiging prayoridad nila ang pag-ibig kaysa sa pag-aaral. Mas nanaig ang kanilang puso/damdamin kaysa sa kanilang isipan. b. Bisa sa Damdamin Hindi dapat manaig ang damdamin kaysa sa isipan. Bagkus, mas makakabuti sa kanila kung gagamitin na lamang nila muna ang kanilang isipan. c. Bisa sa Kaasalan

Sila ay sumuway sa mga payo ng kanilang mga magulang upang sila ay magkasama at maging masaya sa kanilang tinuturing paraiso. d. Bisa sa Lipunan  Diskriminasyon  Masama ang tingin sa babae.  Ito'y isang tukso....


Similar Free PDFs