Panimula at Kaligiran - para sa FILKOM PDF

Title Panimula at Kaligiran - para sa FILKOM
Author Mac-Niel Lontoc
Course Elementary Eduction
Institution Central Luzon State University
Pages 10
File Size 116.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 723
Total Views 908

Summary

KABANATA IKALIGIRAN AT SULIRANIN NG PAG AARALA. PANIMULAVIRTUAL REALITY: PERSEPSYON NG MGA STEM STUDENT SAPAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA TULAD NG VIRTUAL REALITY SAPAGTUTURO NG AGHAMSinasabi na ang bansang pilipinas ay unti-unting umuunlad at nakakasabay sa iba pang bansa sa asya ayon sa mga kaugnay na pro...


Description

KABANATA I

KALIGIRAN AT SULIRANIN NG PAG AARAL

A. PANIMULA VIRTUAL REALITY: PERSEPSYON NG MGA STEM STUDENT SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA TULAD NG VIRTUAL REALITY SA PAGTUTURO NG AGHAM

Sinasabi na ang bansang pilipinas ay unti-unting umuunlad at nakakasabay sa iba pang bansa sa asya ayon sa mga kaugnay na programa ng ASEAN Integration 2015. Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay ang napkaraming pagbabago na mangyayari sa kapaligiran. Makikita ang mga pagbabagong ito sa pananamit, pag-uugali maging sa pamumuhay ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang nit ay ang paggamit ng “microwave oven” sa pagluluto sa loob ng tahanan. Isa sa nagdudulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya Malaki ang nagging epekto ng pag-usbong nito sa pamumuhay ng mga tao sa kadahilanang nakatutulong ito sa kanilang pang araw-araw na Gawain. Ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maraming aspeto sa lipunan at higit na Malaki ang epekto nito sa mga kabataan (Castrodes et. Al., 2012). Patunay lamang ito na malaki ang naiaambag ng teknolohiya upang mapaunlad ang kaalaman ng mga kabataan. Kaakibat ng mga ipinangakong pagbabago at pag-unlad ng ASEAN Integration 2015 sa bansa ay ang pagkakaroon din ng pagbabago sa larang ng

edukasyon.

Ang

edukasyon

ang

may

pinkamahalagang

tungkuling

ginagampanan tungo sa pag-unlad ng isang bansa ngunit ito ay naaapektuhan ng pabago-bagong panahon, kapaligiran at kaugalian ng mga tao (Braceco, et al., 2007). Ayon pa sa libro nina Sampath et. al. (2007). “Learning usually involves both a student and a teacher. But in some of the recent innovations of the educational system, the teacher needs not be physically present to teach.” Ayon kay Jonassen (2008), “Knowledge is embedded in the technology and technology presents that knowledge to student.” May kaugnayan ito sa ipinahayag nina Halal and Liebowitz (1994) na, “as the technologyical key to future education, multimedia is defined as a powerful combination of earlier technologies that constitutes an extraordinary advance in the capabilityof machines to assist the educational process. Sinasabi na Malaki ang maitutulong ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo ng mga guro upang magbigay daan sa motibasyon ng kanilang mga mag-aaral. Sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pilipinas, maraming mga paaralan at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral. Ang tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo, bagamat buhay pa rin ay unti-unti nang napapalitan ng modernong pamamaraan. Ayon nga kay Hidalgo (2000) sa modernong pagtuturo at teknolo"ikal na pagbabago sa ika-21 siglo, nakatuon sa kumpetisyon ang mga paaralan ngayon. Kaya naman maraming paaralan at institusyon ang gumagamit na ng mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso at pisara na gamit noon ng

mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng kompyuter at LCD projector sa pagtalakay ng kanilang paksa. MGA LAYUNIN NG PAG AARAL Alamin ang mga maaring maging ambag ng virtual reality sa pag-aaral ng siyensya.Mabatid ang maaring maging epekto ng virtual reality sa pag-aaral ng agham at tekniolohiya,Upang matukoy kung bakit kailangan ng makabagong teknolohiya tulad ng virtual reality sa pag-aaral ng siyensya.Mauunawaan kung paano mapapadali ng virtual reality ang pag-aaral ng agham at teknolohiya. B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pag aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na suliranin sa kabuuan ; 1. Ano ang maaring maging ambag ng virtual reality sa pag-aaral ng siyensya? 2. Ano-ano ang maaring maging epekto ng virtual reality sa pag-aaral ng agham at tekniolohiya? 3. Bakit kailangan ng makabagong teknolohiya tulad ng virtual reality sa pag-aaral ng siyensya? 4. Paano mapapadali ng virtual reality ang pag-aaral ng agham at teknolohiya? C. KAHALAGHAN NG PAG AARAL

Naglalayon ang pananaliksik na ito hindi lamang para madagdagan ang kaalaman ng bawat isa ngunit upang lubos na maunawan ang mha bagay na maaring mangyari sa iniisip o pinplano ng bawat tao sa hinaharap. Ang pag aaral na ito ay naglalayong alamin ang persepsyon ng mga mag aaral sa paggamit ng teknolohiya kagaya ng Virtual Reality sa pagtuturo ng agaham at kung saan areality sa pag aaral ,bakit kaylangan ang makabagong teknolohiyaat paano mapapadali ng virtual reality ang pag aaral ng agham . Sa mga mag aaral Naglalayong mabigyang pansin ng pag-aaral na ito ang mga pangangailangan ng mga mag aaral lalo na sa pag aaral ng agham .Maaring ang mga pangangalilangan na ito ay masolusyunan ng makabagong teknolohiya tulad ng Virtual Reality na pinapayo ng pananaliksik na ito. Sa mga guro Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito maaring mas mapadali ang pagtuturo ng mga guro lalo na sa agham kung sakaling papansinin ng gobyerno ang persepsyon ng mga mag aaral sa paggamit ng teknolohiya tulad ng virtual reality sa pagtuturo ng agham. Sa gobyerno at sa mga naamamalakad ng sektor ng edukasyon Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ,makita ng gobyerno ang mga persepsyon ng mga mag aaral ukol sa paggamit ng virtual reality sa pagtuturo ng agham kung gayon maari nila itong ikonsidera sa pagpapatupad ng mga programang nakaugnay sa pag aral na ito. Ang pagkonsidera sa makukuhang

datos ay maaring makatulong upang mas mapagbuti ang anatas ng edukasyon higit sa pagtuturo ng agham.

Sa mga susunod na mananaliksik Magagamit ng mga susunod na mamanaliksik na nakaugnay sa pananaliksik na ito ang mga datos at resulta na makakalap .Makakatulong ang mga datos na makukuha upang mas makapagbigay ng kapakipakinabang na pag –aaral. D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Nakapokus ang pananaliksik na ito sa persepsyon ng mga mag aaral sa paggamit ng teknolohya tulad ng virtual reality sa pagtuturo ng agham .Ang mga kalahok ng pag aaral na ito ay binubuo ng mga mag aaral ng senior high school na nabibilang sa strand ng STEM ng Central Luzon State University .Ang pag aaral na ito ay isasagawa mula Oktubre____________________ hanggang ________________2019 gamit ang deskriptibong paraan ng pananaliksik sa pamamagitan ng questionnaire at pakikipanayam . E. DALOY AT ESTRUKTURA Ang konseptwal na balangkas ay nagpapakita ng mga persepsyon ng mga mag aaral sa paggamit ng teknolohiya ulad ng virtual reality sa pagtuturo ng agham bilang panunahinh baryante ng pag aaral na ito . Binubuo ng pag aaral na ito : mga maaring ambag ng virtual reality,maaring epekto ng virtual reality sa

pag aaral ,bakit kaylangan ang makabagong teknolohiyaat paano mapapadali ng virtual reality ang pag aaral ng agham .

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

mga maaring ambag ng virtual reality

epekto ng virtual reality sa pag aaral ,

PERSEPSYON N MGA STEM STUDENT SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA TULAD NG VIRTUAL REALITY SA PAGTUTURO NG AGHAM

bakit kaylangan ang makabagong teknolohiya

F. DEPINISYON NG MGA TERMINO

paano mapapadali ng virtual reality ang pag aaral ng agham .

Asean Integration- ang plano ng paggawa ay idisenyo upang matulungan ang mga bansa ng CLMV na matugunan ang mga target at mga pangako ng buong ASEAN na matanto ang mga layunin ng komunindad ng ASEAN. Binubuo ito ng estratehikong lugar, lalo na ang pagkain at agrikultura, pagpapadali sa kalakalan, MSME, edukasyon at kalusugan at kagalingan. microwave oven- kitchen appliance na nagluluto ng pagkain sa pamamagitan ng pagpasa ng isang electromagnetic wave sa pamamagitan nito. Teknolohiya- ito ay mga makinarya o kagamitang ginagamit upang mapadali ang produksyon, komunikasyon at iba pang gawain ng mga katauhan. Ito ay naglalayong mapadali ang buhay ng mga tao. Edukasyon- proseso ng pagbabahagi, pagkuha at pag-iipon ng kaalaman. Multimedia- ang pagsama-samang mga porma ng paglalahad ng pakikipagugnayan sa isang tao sa pamamagitan ng mga digital na pamamaraan. Mag-aaral- taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino. Institusyon- isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay mga organisasyon o lipunan na pinatatatag ng isang misyon. Kompyuter- ito ay isang electronikang gamit na patuloy na pinauunlad upang matugunan ang yumayabong na nasa bahagi ng selpona, kalkulator, laptop, ATM at iba pang kagamitan na nakukunan ng iibang-ibang impormasyon. LCD projector- ito ay isang compact, high resolution, fill color projector na may kakayahang mag project ng teksto, imahe, video at audio na nilalaman. Virtual Reality- isang hanay ng mga imahe at tunog na ginawa ng isang computer na tila kumakatawan sa isang tunay na lugar o sitwasyon. Siyensya- isang sistematikong pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng haka-haka. Persepsyon- ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

STEM- ito ay nagbibigay kahulugan para sa science, engineering, technology, at math. Ito ay isang strand sa pang-akademikong track na naghahanda para sa istudyante ng SENIOR HIGH SCHOOL na nagnanais na kumuha ng kurso sa kolehiyo na nagpopokus makapagtapos ng bachelor ng science. Baryante- anumang bagay na may kalidad at dami na may kahalagahan....


Similar Free PDFs