Piling Larang Akademik 12 Q1 Mod4 Pagsulat Ng Memorandum Adyenda at Katitikan ng Pulong ver3 PDF

Title Piling Larang Akademik 12 Q1 Mod4 Pagsulat Ng Memorandum Adyenda at Katitikan ng Pulong ver3
Author Billy Caranay
Course Biology
Institution Asbury University
Pages 34
File Size 1.5 MB
File Type PDF
Total Downloads 95
Total Views 183

Summary

Notes...


Description

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kuwarter 1 - Modyul 4: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Memorandum, Adyenda at Katitikan ng Pulong

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Filipino – Baitang 12 Alternative Delivery Mode Kuwarter 1 -Modyul 4: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong Unang Edisyon 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral Manunulat: Teresa P. Mingo, PhD Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS Maria Dulce Cuerquiz, MT Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa Ms. Mary Sieras Mr. Allan Guibone Mrs. Alma Sheila Alorro Mga Tagapangasiwa Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Panrehiyong Direktor Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Pumapangalawang Panrehiyong Direktor Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V Tagapamanihala Alicia E. Anghay, PhD, CESE Pumapangalawang Tagapamanihala Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief Sol P. Aceron, PhD, EPS-Filipino Brenda P. Galarpe, SSP- 1 Marisa D. CAyetuna, P-1 Aniceta T. Batallones, MAFIL Leonor C. Reyes, MAEDFIL Joel D. Potane, LRMS Manager Lanie O. Signo, Librarian II Gemma Pajayon, PDO II Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone Nos.: (08822)855-0048 E-mail Address: [email protected]

Mga Miyembro:

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kuwarter 1 - Modyul 4: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Memorandum, Adyenda At Katitikan ng Pulong Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected] Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman Para Saan Ang Modyul na Ito ......................................................................................... ……i Ano Ang Inaasahan Mo ................................................................................................... ……i Paano Mo Matutunan .................................................................................................... …….i Mga Icon ng Modyul ....................................................................................................... …….ii Ano Ang Nalalaman Mo................................................................................................. …….iii

Aralin 1: Pagsulat ng Memorandum Alamin ………………………………………………………………………………….1 Subukin: Pagtukoy sa Pagkamakatotohanan sa Pahayag………………………..1 Balikan: Pag-unawa sa Binasa ………………………………………………………2 Tuklasin: Pagsulat ng Memorandum ......................................................... …….4 Suriin: Pagsagot sa Katanungan .............................................................. …….5 Pagyamanin: Pagsasaayos ng Memorandum ayon sa Pormat………………….5 Isaisip: Pagbubuod ……………………………………………………………………6 Isagawa: Pagsulat ng Memoramdum………………………................................. 6 Tayahin: Katangian ng Memorandum …………………………………………….. 7 Karagdagang Gawain: Paglilista ng Adyenda………………………………………8

Aralin 2: Pagsulat ng Agenda Alamin ……………………………………………………………………………......... 8 Subukin: Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda ……………………………………… 9 Balikan:Pagtanggap ng Memorandum ……………………………………………...9 Tuklasin: Pagsulat ng Adyenda ............................................................... …….9 Suriin:Pagsagot sa Katanungan ................................................................ ……10 Pagyamanin : Pagsusuri sa Adyenda ....................................................... ……11 Isaisip: Pagbibigay-Kahulugan ……………………………………………………..12 Isagawa:Pagsulat ng Adyenda .................................................................. ……13 Tayahin : Katangian ng Adyenda ……………………………………………………13 Karagdagang Gawain: Magsaliksik ng Halimbawa ng Adyenda………………….13

Aralin 3: Pagsulat Katitikan ng Pulong Alamin …………………………………………………………………………………..14 SubukIn: Pagsagot sa Tanong………………………………………………………..14 Balikan: Pagtatala ng Katangian ng Adyenda ……………………………………..15 Tuklasin: Pagsulat ng Katitikan ng Pulong ................................................ …….15 Suriin: Pagsagot sa mga Katanungan ....................................................... …….17 Pagyamanin: Katitikan ng Pulong ............................................................ …….18 Isaisip: Pagbubuod……………………………………………………………….........20 Isagawa: Panonood ng Isang Pagpupulong sa video ................................ ……..20 o Pagdalo sa Isang Pagpupulong…………………………………………20 Tayahin: Katangian ng Katitikan ng Pulong………………………………………….20

Lagom …………………………………………………………………………………………….21 Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) …………………………………………………………. 22 Susi sa Pagwawasto ............................................................................................ ……… 24 Mga Sanggunian………………………………………………………………………….. …… 25

Para Saan ang Modyul Na Ito Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin sa pagsulat ng memorandum, adyenda, at katitikan ng pulong na inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan. Tatalakayin sa modyul na ito ang mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos, organisado at epektibo ang isang pulong sa pamamagitan ng mabisang pagsulat ng memorandum , agenda, at katitikan ng pulong. Hahasain ka dito sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad. Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili , at nakalilinang ng kritikal na mapanuring pag-iisip . Ang modyul na ito ay may tatlong aralin: Aralin 1: Pagsulat ng Memorandum Aralin 2: Pagsulat ng Adyenda Aralin 3: Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ano ang Inaasahan Mo Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay: 1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulati, ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90 2. Nakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin . CS_FA11/12PU-0d-f-92 3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-93 4. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napagusapan/napanood. CS_FA11/12PN-0j-l-92

Paano Mo Matutunan Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:     

Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa, sa pag-unawa at pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin. Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap. Manaliksik sa iba pang sanggunian upang maragdagan ang kaalaman Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma at tumpak na sagot. Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay, pagtataya at pagsusulit.

i

Mga Icon ng Modyul ALAMIN

Inihanay ang mga layunin sa aralin. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN

Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.

BALIKAN

Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

TUKLASIN

Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng kwento, pagsasanay, tula, awitin, sitwasyon at iba pang paraan. Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN

Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN

Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP

Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA

Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN

Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG GAWAIN

Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .

SUSI SA PAGWAWASTO

Mga kasagutan sa anumang pagtataya, pagsasanay at mga Gawain

ii

Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong (Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong ) _______1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong. _______2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong. _______3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan. _______4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalayin sa pulong. _______ 5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong. _______ 6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong. _______ 7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang sa simpleng usapin. _______ 8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong. _______ 9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin. _______10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong. _______11. Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahalagang paksa _______12. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. _______13. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat isakatuparan gaya halimbawa sa pagdalo sa isang pulong. _______14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. _______15. Buoin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay. B. Panuto: PAGSULAT: Ilahad ang mahalagang impormasyon upang makabuo ng isang memorandum at adyenda. Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang memorandum para sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya. Isulat ito sa bondpaper. Pamantayan Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang

Puntos sa pagsulat ng

10

na nabuo at

10

Nakakasulat ng memorandum at adyenda nang maingat, wasto at angkop

10

memorandum at adyenda . Kompleto ang bahagi ng memorandum at adyenda nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol dito.

ang paggamit ng wika. Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum at

10

adyenda . Kabuoang puntos

40

iii

Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Memorandum

Aralin

1

Baitang : 12 Panahong Igugugol : Ikasiyam na Linggo

Markahan : Una

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating memorandum ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90 2. Nakasusulat nang maayos na memorandum. CS_FA11/12PU-0d-f-92 3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng memorandum. CS_FA11/12PU-0d-f-93

Subukin

Panuto: PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan. __________1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon,gawain, tungkulin, o utos. __________2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. __________3. Ayon kay Bargo (2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa layunin. __________4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon,o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at maging ang bilang ng numero ng telepono. __________5. Ang detalyadong memo ay kailangang nagtataglay ng sumusunod ; sitwasyon, problema at solusyon lamang.

1

Balikan

Panuto: PAG-UNAWA SA BINASA: Narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel L.Quezon. Basahin itong mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mensahe sa Aking Kababayan ni: Manuel L. Quezon Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan. Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ngayon ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon. Mula sa Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik)2017

Mga katanungan: 1. Ano ang paksa ng talumpati ni Manuel L. Quezon? ___________________________________ 2. Ano ang uri ng talumpating ito ayon sa layunin at ayon sa hulwaran? Bakit?________________ ______________________________________________________________________________

Tuklasin Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o organisasyon. Kung walang maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang kaayusan. Gayundin naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing namang pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng samahan ang mga lithiin at nais tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang maayos, organisado , at sistematikong pagpupulong ito

man ay isang business meeting ,one-on-one meeting , o company or school meeting.

2 Memorandum o Memo Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto. Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya. Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:  Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon  Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department  Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito. a. Memorandum para sa kahilingan b. Memorandum para sa kabatiran c. Memorandum para sa pagtugon Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014). 1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono. 2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinaguukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa. 3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa. 4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.

5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

3 6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod: a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo b. Pr...


Similar Free PDFs