Research Paper on Filipino PDF

Title Research Paper on Filipino
Author Angelika Ruffeenaluz Antiporta
Course Marketing Management
Institution University of San Agustin
Pages 13
File Size 119.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 743
Total Views 994

Summary

Ang Online Class at hamong ekonomikal nito samga piling mag-aaral ng NDDU na nasaikalawang taon sa kursong BSBA (Edad 19-21):Taong-Aralan 2020Alabado,Earl Jeffrey L.Antiporta, Angelika Ruffeenaluz C.Cabañog, Kristine Chelsea G.Facal, Jay Mark L.Imarga, Rozel L.Makakena, Saidali Jan S.Rebite, Shiela ...


Description

Ang Online Class at hamong ekonomikal nito sa mga piling mag-aaral ng NDDU na nasa ikalawang taon sa kursong BSBA (Edad 19-21): Taong-Aralan 2020

Alabado,Earl Jeffrey L. Antiporta, Angelika Ruffeenaluz C. Cabañog, Kristine Chelsea G. Facal, Jay Mark L. Imarga, Rozel L. Makakena, Saidali Jan S. Rebite, Shiela Mae D.

PANIMULA

Matinding pagsubok ang kinakaharap ng mga mag-aaral ngayong taon. Karamihan sa atin ay nahihirapang makipagsabayan sa tinatawag na “new normal.” Noon, gumigising ang mga estudyante ng maaga upang makapaghanda sa eskwela, taliwas sa mga nangyayari ngayon. Maaga nang gumigising ang mga estudyante ngayon para pumunta sa lugar na kung saan malakas ang signal upang makasali sa online class. Sa patuloy na paglago ng kaso ng CoVid, kasabay nito ang patuloy na paghahanap ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ng solusyon upang matugunan ang pangangailang ng bawat isa sa atin. Ngunit, hindi pa rin maiiwasan na sa kabila ng solusyon na nais nilang ipatupad, ang mga kababayan natin ay nahihirapan pa rin dahil sa hirap ng buhay. Mula nang ipatupad ang no face-to-face classes, maraming eskwelahan ang sumunod sa alituntuning ito. Nagkaroon ng online classes na kung saan ang mga estudyante at guro ay magkakaroon ng klase gamit lamang ang internet, laptop o selpon. Kung tutuusin, mukhang madali lamang sa pandinig, ngunit kalakip ng online class na ito ay hirap sa parte ng mga magulang na bumili ng gadyet para sa kanilang mga anak. Karamihan sa mamamayan ay walang kakayahan na bumili ng mga gadyet. Ngunit nang dahil sa nangyari, ang iba ay napilitang bumili ng bago o di kaya secondhand upang kahit papano ay mayroong magamit at maipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Maliban sa gadyet ay ang kawalan ng maayos na Internet connection din

ang isa sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng mga mag-aaral. Hindi lahat ng estudyante ay nakatira sa syudad o sa lugar na may malakas na koneksyon. Mayroon namang iba na walang kakayahan na magpalagay ng internet connection kaya’t umaasa na lang sa data na maituturing pang dagdag gastusin. Ito ang napiling bigyang pansin ng grupo dahil sa tingin namin ay napapanahon ito sa pangyayaring nangyayari sa atin ngayon. Ang mga mananaliksik ay nakakaranas din ng hirap na dala ng naturang pandemya. Nais ng mga mananaliksik na malaman kung anu-anong ekonomikal na hamon ang dala ng online class sa mga mag- aaral ng Notre Dame of Dadiangas University na nasa ikalawang kurso ng BSBA na may edad 19- 20 taong gulang partikular na sa technological resources at pinansiyal. Layunin din ng pananaliksik na ito na matukoy pa ang ibang suliranin na kinakaharap

ng

mga

naturang

mag-

aaral

at

makapabigay

na

kaukulang

rekomendasyon sa napapanahong sitwasyon.

Paglalahad ng suliranin Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang pananaw at saloobin ng mga piling mag-aaral na nasa ikalawang taon ng kursong BSBA-FM ng Notre Dame of Dadiangas University hinggil sa implementasyon ng online class at hamong ekonomikal nito. Ang mga sumusunod ay ang mga tiyak na suliraning nais bigyang kasagutan: 1. Ano ang pananaw ng mga respondante hinggil sa implementasyon ng online class ngayong taon ng pag-aaral?

2. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral lalo na sa kursong BSBA-FM? 3. May epekto ba sa mga respondante at sa kurikulum na kasalukuyang ipinapatupad ang kakulangan ng mga: 3.1.

Gadyet at

3.2.

Wi-fi/Data/Internet?

Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay ukol sa paglalahad ng epekto ng online class at mga hamong ekonomikal nito at sumasaklaw rin sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa mga suliranin na kanilang nararanasan. Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng sampung (10) mga katanungan sa pamamagitan ng sarbey para sa mga dalawampung (20) piling mag-aaral ng Notre Dame of Dadiangas University na may edad 19 hanggang 21 sa kursong Bachelor of Science in Business Administration ng Taong Aralan 2020-2021.

Katuturan ng Termino Upang maging madali at ganap ang pagkakaunawa ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na mga terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pananaliksik na ito. E-Learning. Isang malawak na termino na ginagamit sa iba pang mga tuntunin tulad ng online na paraan ng edukasyon, at distansya sa pag-aaral ( distance learning) (Moore et al., 2001).

Ang terminong ito ay ginamit ng mga mananaliksik bilang pantukoy sa paggamit ng internet upang maaccess ang pag-aaral ng nilalaman at mga mapagkukunan ng impormasyon, pakikipag-ugnayan sa guro at iba pang mga mag-aaral upang makakuha ng kaalaman. Moodle o Modular object-oriented dynamic learning environment. Ito ay isang brand name o isang application system na ginagamit upang makalikha o makapagbahagi ng kagamitang pagtuturo sa online class (dictionary.cambridge.org, 2020). Ang terminong ito ay ginamit ng mga mananaliksik bilang pantukoy sa kadalasang ginagamit ng mga unibersidad at iba pang paaralan sa pagsasagawa ng makabagong paraan ng pag-aaral o online class learning. Online Class Learning. Ito ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay papasok sa isang web pages ng naayon sa iskedyul sa binigay sa kanila. Dito nagsasagawa at nagsusumiti ang mga mag-aaral ng kanilang mga gawain (careerwise.minnstate.edu, 2015). Ang terminong ito ay ginamit ng mga mananaliksik bilang pantukoy sa isang makabagong pamamaraan ng pag-aaral na siyang dinadaluhan ng mga guro at mga mag-aaral at ito ay epektibo na sa kasalukuyan. Cellphone. Ito ay isang uri ng gadget na gumagamit ng mga cell site para sa pakikipagtalastasan (Glosbe.com).

Ang terminong ito ay ginamit ng mga mananaliksik bilang pantukoy sa karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral bilang midyum sa pagpasok sa kanilang online class. Computer. Isang uri ng gadget na naglalaman at nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet (Academia.edu.com, 2020). Ang terminong ito ay ginamit ng mga mananaliksik bilang pantukoy sa isang midyum na ginagamit ng mga guro at mag aaral sa pagsagawa ng mga mahahalagang gawain sa makabagong paraan ng pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang adhikain ng pananaliksik na ito ay makatulong sa mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at maging ang mga susunod na mga mananaliksik. Sa mga mag-aaral. Magbibigay ito ng dagdag na kaalaman patungkol sa makabagong paraan ng pag-aaral o online class learning at magbibigay ideya at kasagutan sa mga hamon o problemang kinakaharap nila. Sa mga guro. Makakatulong ito para mas maunawaan ang epekto ng makabagong paraan ng pag-aaral. Mas maiintindihan nila ang mga dahilan kung bakit may mga kabataan o mga mag-aaral na napahinto o nahuhuli sa klase. Sa mga magulang. Magiging basehan ito ng mga magulang upang mas lubos na maunawaan kung ano ang makabagong paraan ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito,

makakahanap sila ng ibang alternatibo upang matustosan ang iilang pangangailangan ng kanilang mga anak na kasalukuyang naapektuhan nito. Sa mga susunod na mga mananaliksik. Magiging gabay ito para matugunan ang ilang mga katanungan patungkol sa online class learning at maging sa mga hamong kinakaharap ng mga mag aaral na apektado nito.

KABANATA II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na mahalaga at may kaugnayan sa ginagawang pag-aaral at paksang isinasakatuparan. Layunin nitong makapagbigay ng dagdag kaalaman sa mga mambabasa sa tulong ng mga itinalang literatura at pag-aaral.

Kaugnay na Literatura Ang online class ay isang plataporma ng pag aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang mga guro at kamag-aral (Centeno-De Jesus, 2020). Ayon naman kay Rapisura (2018), gumagamit ng internet at hindi sa tradisyunal na klasrum sa pagtuturo ang online learning. Ito ay isang kategorya ng distance learning na tinatawag din na e-learning o electronic learning. Dahil dito, halos lahat ng

tao ay maaaring magkaroon ng access sa edukasyon, kahit nasaan pa sila, basta’t sila ay may internet. Nang dahil sa pandemyang kinakaharap ng lahat ngayon, ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo ay gumagamit ng mga teknolohiya at internet upang makapagpatuloy ng pag-aaral. Maraming benepisyong makukuha ang mga estudyante sa online class tulad ng mas mapapadali ang kanilang pag-aaral at mas madami pa silang makukuhang impormasyon tungkol sa kanilang klase. Isa ring benepisyo nito ay mas may kakayahang umangkop sa iskedyul dahil pwede nilang gawin ang kanilang mga takdang-aralin kahit anumang oras. Ayon kay Thompson (2010), the format of online learning seemed geared more toward the individual student. Isa sa mga kalamangan ng online learning ay ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng kalayaan upang planuhin ang sariling oras sa pagaaral. Hindi na nila kailangang problemahin kung anong oras makakauwi at makakatipid din sila ng pera at oras sapagkat hindi na nila kailangan mag- commute. Ito ay mas makapagbibigay ng libreng oras sa pag-aaral na dahilan upang mas makapagpokus sila sa mga aralin kumpara sa tradisyunal na klase. Sa kabila ng mga benepisyong makukuha sa online class, may mga hamon ding nararanasan ang mga mag-aaral. Samu’t saring suliranin ang kinakaharap ng mga guro at mag-aaral sa pagsasagawa ng online class – mula sa pagkakaroon ng iba’t ibang estilo ng pag-aaral hanggang sa kakulangan ng laptop o WiFi.

Ayon kina Song, et, al. (2004), technical problems, perceived lack of sense of community, time constraints, and the difficulty in understanding the objectives of the online courses are the major barriers for online learning. Napakaraming pagpipilian na teknolohiya at mga gadgets ang nariyan para sa pagsasagawa ng online class ngunit madalas ay kalakip nito ang iba’t ibang problema. Isa na dito ang suliraning teknolohikal lalong-lalo na sa mga hindi sanay gumamit nito. Ang iilan ay nahihirapan sa pag-install at download pati na rin sa pag-login. May ibang mag-aaral din na gusto ang two-way interaction na siya namang minsan ay mahirap maisagawa. Hindi rin sapat na dahilan ang pagkakaroon ng flexible na oras ng mga estudyante sapagkat marami sa kanila ay hindi ito nagagamit ng tama. Madalas itong rason kung bakit nagkakaroon ng kakulangan sa oras upang tapusin ang mga itinakdang gawain. Bukod pa sa mga problemang ito ay nahihirapan din ang mga magaaral na unawain ang mga layunin ng kani-kanilag napiling kurso. Ito ay sinang-ayunan din nina Koh & Hill (2009) na nagsaad na ang mga hamong kinakaharap

sa

online

class

ay

bunga

ng

“difficulties

in

communicating,

misunderstanding of course goals, and a perceived lack of sense of community.” Marami sa mga mag-aaral ang may problema sa pakikipag-usap sa kanilang mga kaklase sanhi ng hindi pagkakaroon ng hindi parehong oras ng pag-oonline at isyu sa internet connection. Ito rin ay isa sa mga pangunahing hadllang sa pagsasagawa ng mga pangkatang gawain. Dahil din dito kung kaya’t hindi na nagkakaroon ng sapat na pagkakataon ang mga estudyante upang makipagsalamuha sa kanilang mga kaklase. Maliban sa kahirapan sa pagamit ng mga teknolohiya, isa sa mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral ngayon ay kakulangan sa mga kinakailangang

kagamitan para sa online class dulot na rin ng kakapusan sa aspetong pinansyal. Ayon pa nga kay Hillstock (2005), distance learning as a way to save money is a misconception. Nabanggit sa iilang mga sulatin na mas makakatipid ang mga mag-aaral sa online class kumpara sa tradisyunal na pag-aaral ngunit hindi ito masasabing totoo sa lahat. Dapat isaalang-alang sa aspetong ito ang halaga ng kinakailangang kagamitan maging ang bayad sa maintenance ng mga ito. Kailangan ding ikonsidera ng mga unibersidad ang bayad sa mga technician na laging nariyan upang masiguro na maayos ang daloy ng online class. Hindi rin maipagkakaila na dahil sa kakulangan sa badyet ay hindi rin kayang gumastos para sa pampersonal na Wi-Fi. Two out of three Filipinos use Internet social networks - the highest penetration in the world and a feat considering that only 29 percent of Filipinos have Internet access in their homes (Broadband Commission, 2012). Kung isasaalang-alang natin ang kasulukuyang sitwasyon na hindi maaaring pumunta sa mga computer shops ay tiyak na mas dadami ang bilang ng mga walang Internet access. Marami sa mga mag-aaral ngayon na sa data na lamang sa selpon umaasa na hindi naman sigurado ang signal. Ayon sa World Bank (2002), Filipino consumers experience slower download speeds and pay more than consumers in most Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries. At 16.76 Mbps, the country’s mobile broadband speed is much lower than the global average of 32.01 Mbp.

Sa kasamaangpalad, hindi lamang mahina ang internet connection sa bansa. Ito rin ay napakamahal kung kaya’t hindi pa rin talaga tunay na nakakatipid ang mga estudyante na gumagamit lamang ng data connection . Ito ang iniinda hindi lamang ng mga mag-aaral ngunit pati na rin ng mga ordinaryong mamamayan na sumusubok bumangon sa mga hamon na dulot ng pandemya.

Kaugnay na pag-aaral Sa pananaliksik nina Reyes-Chua, et, al. (2020) na pinamagatang “The Status of the Implementation of the E-learning Classroom in Selected Higher Education Institutions in Region IV-A Amidst The Covid-19 Crisis,” ay sinuri ng mga mananaliksik ang estado ng pagsasagawa ng E-learning Classroom sa mga piling HEI’s sa Rehiyon IV-A. Ang naturang pananaliksik ay ginamitan ng kuwalitatibong disenyo ng pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng survey questionnaires na ipinasagutan sa mga napiling respondente. Ang mga nalikom na survey data ay sinuri gamit ang isang deskriptibong analisis. Ang resultang nakuha dito ay nagpapahiwatig ng positibong reaksyon sa pagpapatupad ng E-learning Classroom bilang tugon sa kasulukuyang sitwasyon ng bansa. Kahit na libre ang mga E-learning platforms na ginagamit ng mga respondent, hindi pa rin maiiwasan ang mga problema sa Wi-Fi connection at kakulangan sa pagsasanay ng mga estudyante at guro. Bilang konklusyon ng isinagawang pag-aaral ay nagbigay ng mga mungkahi ang mga mananaliksik upang mas mapabuti ang implementasyon ng E-learning Classroom.

Binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaron ng professional development workshops para sa mga mag-aaral at guro maging ang maagang paghahanda ng mga aralin, presentasyon, at mga lagumang pagsusulit upang hindi magkulang ang inilaang oras na itinakda ng Commission on Higher Education (CHED). "Pagganap at pananaw ng mga nag-aaral ng distansya sa cyberspace" Navarro and Shoemaker (2000). Ang mga kinalabasan ng pag-aaral ng mag-aaral para sa mga nag-aaral sa online ay kasingganda ng o mas mahusay kaysa sa tradisyunal na mga mag-aaral. Anuman ang mga katangian ng background ng mga mag-aaral ay nasiyahan sa pag-aaral sa online. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang pagganap at pangunawa ng mga nag-aaral sa cyberspace at gumamit ng mahusay na pag-aaral para sa pagsasagawa ng data sa mga piling mag-aaral. Ang nakolektang data ng survey ay sinuri gamit ang deskriptibong pagsusuri. Ang resulta ng pag-aaral ng ilang daang mag-aaral na kumukuha ng isang panimulang kurso sa ekonomiya sa Unibersidad ng California ay nagpapahiwatig na ang mga nagaaral sa cyber ay natututo rin, o mas mahusay kaysa sa, mga tradisyonal na nag-aaral. Batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga mag-aaral ay gumagamit ng elektronikong pagsubok, may sinusunod na electronic bulletin board, at mga silid ng talakayan sa online na siya namang mukhang mabisang teknolohiyang panturo. Sa konklusyon, ang mga resulta ng pag-aaral ng mga paghahambing na pagsusulit ay nagpapakita ng walang makabuluhang pagkakaiba sa mga paraan ng pagiging epektibo ng mga marka ng parehong seksyon subalit ang pagiging epektibo ng mga pamamaraan sa pag-aaral ay mananatiling hindi malinaw sa pagitan ng distance

learning at ng tradisyunal na edukasyon na face-to-face. Kung kaya’t tinanggap ang teorya dahil ang distance learning ay kasing epektibo ng tradisyunal na edukasyon.

Batayang teoritikal Ayon kay Garcia-Peñalvo (2011), ang E-learning ay mapanganib sa maraming paraan, sapagkat hindi naisaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Tinuloy rin na ito ay hindi nagamit nang wasto sa kanilang kabuoang potensyal (e.g. Chen2011). Mula sa mga naturang kakulangan, mahalagang makahanap ng higit na mainam na pagkakaunawa sa kung paano higit na mapagbubuti ang learning management system. Ayon sa www.capterra.com 21% ang gumagamit ng LMS sa sektor ng edukasyon. Winika ni Rod Camil, isang FCPS Instructional Technology Resource Specialist, “Ang mga mag-aaral ay nag-iisip at natututo sa kakaibang paraan.” Niyayakap natin ang teknolohiya para sa mga pagkakataong naibibigay nito sa mga tinaguriang “digital native” na estudyante upang makipag-ugnayan sa pangnilalamang aralin, at sagutin ang mga pangangailangan (kailangan) ng mga guro, at ng mga kabataang kanyang sinasakupan. Bilang tagapagturo, kailangan nating gamitin ang ika21 siglong kasangkapan upang ang mga mag-aaral ay maging produktibo sa isang digital na mundo.”...


Similar Free PDFs