Tomabini Abigail SSE200-lesson-plan-1 PDF

Title Tomabini Abigail SSE200-lesson-plan-1
Author Dan Lhery Gregorious
Course Ecology
Institution Metro Manila College
Pages 5
File Size 418.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 94
Total Views 721

Summary

METRO MANILA COLLEGEBASIC EDUCATION DEPARTMENTLEARNING PLAN(SUBJECT)Pangalan ng Guro Abigail H. Tomabini Baitang at Pangkat 7 Asignatura Araling Panlipunan Markahan 1st Paksa Mga Likas na Yaman sa AsyaPamantayang UnitPAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa...


Description

METRO MANILA COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT

LEARNING PLAN (SUBJECT) Pangalan ng Guro Asignatura Paksa

Abigail H. Tomabini Araling Panlipunan Mga Likas na Yaman sa Asya

Baitang at Pangkat Markahan

7 1st

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN  Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano. Pamantayang Unit PAMANTAYAN SA PAGGANAP  Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano. Pagpapahalaga Bilang ng Modyul

Makapagisip ng mga pamamaraan kung paano mapapanatili ang mga likas na yamang ito upangpakinabangan sa mahabang panahon ng mga susunod pang henerasyon 1 Linggo 1

Pamantayan sa Pagkatuto

Sa pagtatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahan… Acquisition 1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang Asya, Timog- Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya. Acquisition 2. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano. Acquisition 3. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na Meaning Making kalagayang ekolohiko ng rehiyon. Transfer Naipamamalas ang malalim na pang-unawa sa mga rehiyon sa Asya.

Tiyak na Layunin

1. Naipapaliwanag ang bawat gampanin ng likas na Yaman sa bawat mamamayan sa Asya. 2. Napapahalagahan ang implikasyon ng likas na Yaman sa kapaligiran. 3. Nakakagawa ng collage ng iba’t ibang Likas na Yaman na matatagpuan sa Asya.

Internet Sanggunian at Kagamitan

 

Juezan,Jared Ram (2014, July 6) Ang mga Likas na Yaman ng Asya. https://www.slideshare.net/jaredram55/ang-mga-likas-na-yaman-ng-asya Palero, Juan Miguel (2016, June 01) Likas na yaman sa Asya. https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-7-lesson-no-2-likas-na-yaman-ng-asya METHODOLOGY

Elemento ng Banghay Aralin

Paggalugad

Jan.15.2022 PAGGANYAK (Naalala mo pa ba?) Panuto: Pagmasdan ang larawan at tukuyin kung anong uri ito ng likas na yaman. (YAMANG MINERAL, YAMANG GUBAT, YAMANG TAO, YAMANG LUPA, YAMANG TUBIG)

1.

4.

2.

3.

5.

Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa likas na yaman?

Pagpapalalim

Jan.15,2022

Aralin 1: Talakayan Likas na yaman – ito ay tawag sa mga bagay na natutuklasan ng mga tao sa likas na kapaligiran tulad ng tubig, lupa, kagubatan, mineral, yamang-dagat, hayop at mga enerhiyang natural na maipantutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan at makapagbibigay-kasiyahan sa mga tao. 1. Yamang Lupa Ito ay tulad ng mga bundok, gubat, burol, talampas, malawak na kapatagan at lambak. Karamihan ng mga lupa sa pilipinas ay ginagamit sa agrikultura. Karaniwang itinatanim dito ay palay, mais, prutas, gulay, kape, at kakaw. Malaking bahagi ng ani sa mga lupain ang tinatawag na aning pangkomersyal tulad ng niyog, tubo, abaka, tabako, goma, kapok at iba pa. 2. Yamang gubat Sa mga pinagkukunang yaman ng bansa…ang mga kagubatan ang may pinakamalaking sukat. Maraming nakukuhang tabla at langis, aromatiko mula sa mga punong diptercarp. Mga pula at puting lawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang supply ng tabla sa bansa. Makukuha rin sa mga troso, tabla,

plywood, tropal o veneer at dagta at resin. 3. Yamang tubig ito ay ang malalawak na baybayin na mapagkukunan ng iba’t-ibang isda, mga kabibe’t korales at mga halamang tubig 4. Yamang Mineral ito ay ang mga mayayamang deposito ng metal atdi-metal na mineral. 5. Yamang Tao Ang dami ng tao sa isang bansa ay nagpapakita ng lawak ng potensyal na yamang tao.Ito ang mga taong nagtatrabaho sa isang bansa at may kakayahang magpaunlad sa layuning mapaunlad ang isang bansa. Tinatawag din silang likas dahil sila ang nangangasiwa ng mga ibang likas na yaman at utak sa interaksyon sa pamilihan.

HILAGANG ASYA

SILANGANG ASYA KANLURANG ASYA

ASYA

TIMOGSILANGANG ASYA TIMOG ASYA

HILAGANG ASYA • Pagpapastol/pagpaparami ng hayop • Torso mula sa mga kagubatan • Caviar na mula sa itlog ng mga sturgeon at malalaking isda ang panluwas ng rehiyon • Kyrgyzstan ang may pinakamalaking deposito ng GINTO sa mundo. TIMOG ASYA • Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay • Palay ang mahalagang produkto sa rehiyon • Pagtatanim ng OPYO sa Afghanistan kahit ipinagbabawal ngpamahalaan • Mahalagang yamang likas sa rehiyong ito ang “EBONY”- isa sa mga punong ipinagbabawal na putulin sa mga bansang meron nito.

TIMOG-SILANGANG ASYA • Ang rehiyon ay nakadepende sa mga Kagubatan nito. • Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei angnagsisilbing panirahan ng iba’t-ibang uri ng unggoy, ibon at reptile. • Sa kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaramingpunong teak sa buong mundo • Malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia atang mahigit sa 80% ng langis sa Timog Silangang Asya aynanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35% ngliquefied gas sa buong daigdig. • Liquefied gas din ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas. • Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mgabansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya naming pinagkukunan ng kuryente.

SILANGANG ASYA • Nasa China ang pinakamalaking reserba ng antimony,magnesium, at tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserbang karbon dito na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. • Salat sa yamang mineral ang Japan bagamat nangunguna angbansang ito sa industriyalisasyon. • Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangungunasa produksiyon nito sa buong mundo. KANLURANG ASYA • sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo. • Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdigang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksyon ng langis ng mgabansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman

Paglalapat

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang pangungusap. Lagyan ng letrang T kapag tama ito at lagyan naman ng M kung mali at ilagay sa patlang ang tamang sagot upang maging tama ang pangungusap. ___1. Nasa Indonesia ang pinakamalaking reserba ng antimony,magnesium, at tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserbang karbon dito na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. ___2. Sa Timog-Silangang Asya mahalaga ang 'Ebony" at isa sa mga pinagbabawal na putulin sa bansang ito. ___3. Ang Caviar ay itlog na mula sa isdang sturgeon na nagmula sa Hilagang asya. ___4. Liquified ang tawag sa pangunahing mineral sa Malaysia. ___5. Uzbekistan ang may pinakamalaking deposito ng GINTO sa mundo.

Pamantayan sa pagkatuto

ASSESSMENT

Natutukoy ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon.

DALOY NG PAGSUSURI Kaakibat na Pagsusuring Gawain Panuto: Maglista ng mga likas na yaman na matatagpuan sa mga rehiyon sa Asya. Maaaring kumuha ng sagot mula sa tinalakay at tukuyin kung anong uri ng yaman ito. Hilagan Kanlurang Timog Silangang Timogg Asya Asya Asya Asya Silangang Asya

ASSIGNMENT Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng mga produkto ng likas na yaman. Maaaring gumupit ng larawan sa magasin,diyaryo o magpa-printa ng larawan.

DAY

Prepared By: Subject teacher

Noted By: Subject Coordinator

Submitted to:

Mr. Dan Lhery S. Gregorious Principal (K-10)

Pamantayan sa paggawa ng collage: Pagkamalikhain Kaangkupan sa paksa Orihinal na paggawa Kalinisan at Kaayusan Kabuuan

40% 30% 20% 10% 100 %...


Similar Free PDFs