Title | 2009 sibol ang pamana - LET REVIEWER |
---|---|
Author | Fritz Mendoza |
Course | Bachelor of Secondary Education |
Institution | University of Mindanao |
Pages | 213 |
File Size | 2.6 MB |
File Type | |
Total Downloads | 195 |
Total Views | 304 |
SIBOLUniversity of MichiganUM Journal ofFilipino andPhilippineStudiesVolume 2 ● 2009SIBOLUM Journal of Filipino and Philippine StudiesVolume 2 ● 2009Punong Editor: Leticia C. PagkalinawanKatuwang na Editor: Antonette AdiovaScotty Mc LoughlinKonsultant: Adelwisa WellerPaz Buenaventura - NaylorEsperan...
SIBOL University of Michigan
UM Journal of Filipino and Philippine Studies Volume 2 ● 2009
SIBOL UM Journal of Filipino and Philippine Studies Volume 2
● 2009
Punong Editor:
Leticia C. Pagkalinawan
Katuwang na Editor:
Antonette Adiova Scotty Mc Loughlin
Konsultant:
Adelwisa Weller Paz Buenaventura - Naylor Esperanza Ramirez-Christensen Deirdre de la Cruz Benita Murrel
Disenyo :
Arnie Cantal Naomi Zaslow
i
SIBOL features works produced by the students, writers, and researchers in the United States and other countries. Its content comprises scholarly, nonfiction, and creative work written in Filipino. Sibol was created in order to showcase the burgeoning of Filipino as a global language, its utility as an academic and literary language, and its indispensability to Filipino and Filipino-American self-expression. Tampok sa SIBOL ang mga akdang sinulat ng mga estudyante, manunulat, at mananaliksik sa Estados Unidos at ibang pang bansa. Nilalaman nito ang mapanuri at malikhaing mga akda na nasusulat sa Filipino. Inilalathala ang Sibol upang itanghal ang Filipino bilang isang wikang pandaigdig, ang gamit nito bilang wikang pang-akademiko at pampanitikan, at ang kahalagahan nito sa pagpapahayag ng mga Filipino at ng mga Filipino-Amerikano ng kanilang sarili.
Copyright @ 2009 The Filipino Language Program of the Department of Asian Languages and Cultures, University of Michigan. Copying beyond fair use: Copies of articles in this journal may be made for teaching and research purposes free of charge and without securing permission, as permitted by Sections 107 and 108 of the United States Copyright Law. For all other purposes, permission must be obtained from the publisher. The Filipino Language Program of the University of Michigan in cooperation with the Philippine Study Group Student Association and Filipino American Student Association would like to gratefully acknowledge the support of the following sponsors, all affiliated with the University of Michigan: Department of Asian Languages and Cultures, Center for Southeast Asian Studies, and Rackham Graduate School. Ang Filipino Language Program ng Unibersidad ng Michigan sa pakikipagtulungan ng Philippine Studies Graduate Students Association at Filipino American Student Association ay malugod na nagpapasalamat sa mga sumusunod na tagapagtaguyod, na pawang bahagi ng Unibersidad ng Michigan: Department of Asian Languages and Cultures, Center for Southeast Asian Studies, at Rackham Graduate School.
ii
PAUNANG SALITA Sinasabing ang wika ay pinakamabisang behikulo ng pagkikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan. Sa pamamagitan ng wika, nakapagbabahaginan ang mga tao ng kani-kanilang damdamin, kaisipan at mga karanasan. Napalalawak nila ang kanilang kaalaman at karunungan at bagama’t magkakalayo at magkakaiba ng kulturang kinamulatan, napag-iisa at napagbibigkis pa rin sila bilang mga mamamayang may iisang lahi. Ang ganitong paniniwala ang nagbunsod upang buuin at isilang ang ikalawang edisyon ng Filipino Journal and Philippine Studies ng University of Michigan. Layunin ng journal na ito na mapagsama-sama ang iba’t ibang uri ng akda mula sa iba’t ibang manunulat ng iba’t ibang bansa gamit ang wikang Filipino. Sa ganitong paraan mapalalawak ang kaalaman at pag-unawa sa damdamin, kaugalian, at kulturang Filipino, gayon din ang kalagayan ng mga mamamayang Pilipino sa iba’t ibang lupain. Bukod dito, mapatataas din ang antas ng Filipino bilang wikang prestihiyoso, intelektwalisado, at globalisado. Ang paglalathala ng Filipino journal sa Unibersidad ng Michigan ay unang pinasimulan ni Joi Barrios at ng kanyang mga estudyante noong nakaraang taon. Pinangalanan nila itong SALING SARILI, at naglaman ito ng mga akdang nasulat sa mga kurso sa Filipino sa Estados Unidos at iba pang bansa. Sa taong ito, kasabay ng pamumulaklak ng mga halaman at pananim, at pag-usbong ng mga dahon sa mga puno ng Unibersidad ng Michigan, isang panibagong anyo ng Filipino journal ang ilulunsad - ang SIBOL. Matutunghayan dito ang bagong sibol na mga manunulat na estudyante ng kursong Filipino, ang bagong sibol na mga kaisipan na hinango sa sariling karanasan ng mga premyadong manunulat at ang bagong sibol na mga kaalaman at karunungan batay sa masusing pag-aaral ng mga iginagalang na mananaliksik. Ang lahat ng ito ang magbibigay ng ganda, kulay, at buhay sa bagong panganak na journal. Sa lahat ng taong tumulong at nagbigay ng inspirasyon sa pagbuo ng journal na ito, maraming-maraming salamat po!
Scott Mc Loughlin Antonette Adiova Letty C. Pagkalinawan
iii
PAGKILALA AT PAGBATI Nais kong ipaalam ang mga pangyayari na nagbunga sa pagtatag ng Tagalog Language Program sa Unibersidad ng Michigan. Ito ang kauna-unahang “Regular (for credit) Program” sa U.S. Mainland at nanatili itong kaisa-isa sa loob ng labing-isang taon. Noong panahong iyon, sa ibang unibersidad, tulad ng UCLA at Cornell, ay walang Tagalog Program at ang kurso ng Tagalog ay “available on request” lamang. Sa Unibersidad ng Michigan, ang mga Area Studies ay may Language Program, maliban sa Philippine Studies. Nagpasiya si Professor Alton L. Becker (Director ng Center for South and Southeast Asian Studies noong panahong iyon) na dapat magkaroon ang Philippine Studies Program ng Language Program. Upang maisagawa ito, nagpasiya siyang gamitin ang katatanggap pa lamang na Luce Foundation Grant. Ako ang napiling mag-organisa ng Tagalog Language Program at ninombrahan ako na Assistant Professor ng Departamento ng Linguistics. Noong Setyembre ng 1977, nagumpisa ang unang kurso ng Tagalog (Elementary Tagalog) sa Unibersidad ng Michigan. Unti-unti kong pinalaki ang Programa. Noong 1978, idinagdag ang Intermediate Tagalog; noong 1979, idinagdag ang Advanced Tagalog. Idinagdag naman noong 1980 ang Readings in Tagalog at “Independent Study” (Cebuano, Philippine Literature, “Musicology” at iba pa). Patuloy kong itinuro ang mga ito hanggang sa pagretiro ko noong 1994. Ikinagagalak kong makita na pagkaraan ng tatlumpu’t isang taon, masigla ang Programa ng Filipino sa Unibersidad ng Michigan. Nasisinag ito sa mga akda ng mga estudyante: tunay na kahanga-hanga – maging tula o insayo. Mahirap mag-akda ng tula ngunit nangahas pa rin sina Ryan Mark Fiebing, Maria Bernadita Vega, Rita Eunice Razalan, at Jason Luna Gavilan. Ang mga ensayo ay may mga iba’t ibang kasiya-siyang tema: may ukol sa ilang mga syudad na interesante, gayon din sa buhay at pag-iisip ng estudyante. . Sa dinami-dami ng mga akda na ilalathala sa Volume 2 (2009) ng Journal of Filipino and Philippine Studies, hindi ko maaring itukoy ang lahat ng ito sa loob ng isang pahina. Sa madaling salita, tunay na kahanga-hanga at kapuri-puri ang pagsusumikap ng lahat ng estudyante at ang pagkakaisa ng lahat ng manunulat sa layunin na paunlarin ang paglikha ng panitikan sa wikang Filipino. Sa ganitong paraan, iiral ang pag-unlad ng kaunawaan ng pag-iisip, paningin, at damdaming Filipino. Isang matunog na ENORABWENA sa inyong lahat! Paz Buenaventura – Naylor Retired Adjunct Associate Professor of Tagalog University of Michigan
iv
TALAAN NG NILALAMAN Paunang Salita
Lupon ng mga Editor
iii
Pagkilala at Pagbati
Paz B. Naylor
iv
Talaan ng Nilalaman
v
TULA Berde
Ryan Mark Fiebing
1
Kung Masasabi ko Lamang
Maria Bernadita Vega
2
Kalaro
Rita Eunice Razalan
4
Ikaw
Jason Luna Gavilan
5
Kumpulang Diona
Nonon V. Carandang
6
Hagupit sa Bilanggong Kaakuhan: Isang Paglasap sa Purgatoryo ng Bayan
Rakki Sison-Buban
7
Mall-Wide Sale sa Galleria
Moreal N. Camba
9
Awit ng Piskador
Enrico C. Torralba
10
Itong Kagandahan
Alwynn C. Javier
12
Dalawampu’t Taong Pagkakawalay Dalawang Buwang Pag-aalay Dalawang Linggong Pagninilay
Maria Ainyle Ephraimmee M. Orara
14
Paglalakbay sa Las Vegas
Mel Anton Santader
17
New York
J. Edward Regalado
20
San Diego, California
Christine Freires
22
Ang Pag-aaral ko ng Filipino
Alyssa Noele Ahmad
23
Proyektong Scrapbook: Pansariling Repleksyon
Charles Paneda
26
Buhay sa Labas ng Kolehiyo
Jeremy James Nolan
28
SANAYSAY
v
Panaginip
Amanda Jo Franke
29
Mamang
Maria Rose Cusick
30
Kapistahan
Maria Antonette Adiova
31
Ang Pag-aaral ng Wikang Filipino: Sa Pananaw ng Isang Lumaking Nagsasalita ng Filipino at Lumipat sa Bansang Hindi Nagsasalita Nito
Christine Balmes
34
Pinoy Pa Rin Ako
Cornelius Gian Carlo V. Cantal
36
Mga Tinipong Talaarawan
Ed Lim
38
Ang Plano ni Presidente Obama
NWT
41
Paano Maging Guro sa Estados Unidos
Myril Abigail Bacud
42
Saya at Lungkot sa Hilagang Bahagi ng Tate: Isang Patotoo
Bufford A. Ang
44
Katherine Belles, Justine Ubay, Michael Lineses
47
Ang Granada
Aurora E. Batnag
51
Ang Hagdanang Bahaghari
Genaro R. Gojo-Cruz
54
Higante Kong Tatay
Elyrah Loyola Salanga
59
Barangay na Pinagpala
Joselito P. Delos Reyes
63
Ang Pag-ibig ni Magno Rubio: Isang Oratoryo
Ruth Elynia S. Mabanglo
71
Gapos sa Upos
Lakangiting C. Garcia
85
Scott Mc Loughlin
97
Ang Sasakyang Padyak ng Pinoy MAIKLING KWENTO
DULA
SALIKSIK PAPEL Roy Franklin Barton: Antropologo ng Pilipinas
vi
Wikang Filipino –Batis-Ipunan at Salukan ng mga Pilipinong May Iba-ibang Wika at Kultura: Iba’t ibang Konsepto ng Pagtanggap
Letty Cantal – Pagkalinawan
101
Ang Krisis ng Pag-iwan at Naiiwan: Isang Deskriptibong Pag-aaral sa mga OFW at sa Kanilang Pamilya
Dolores R. Taylan
115
Development at Evalwasyon ng Isang Prototipong Programa sa Pagtuturo ng Filipino Bilang Wikang Banyaga
Emmanuel S. Gonzales
125
Salamyaan: Isang Pagpopook ng Bayan ng Marikina sa Kamalayang Bayan
Jayson D. Petras
134
Bata, Mama, at Bata Bahi, Abadeja, Perigrina, Mariang Alimango, at Elang Uling: Ang Pagtalunton sa Kalikasan ng mga Pilipinong Cinderella
Eugene Y. Evasco
141
Telenovela: Isang Pag-aaral
Eriberto R. Astorga, Jr.
162
Moreal N. Camba
168
Josephine Mangahis
182
Ang Pagtanggal sa Sapi: Isang Feministang Pagbasa sa Wika at Panitikang Tagalog Ang Kahirapan sa Pilipinas: Sa Sosyo-Kultural na Pananaw Talaan ng mga Kontribyutor
198
vii
TULA
viii
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
BERDE Ryan Mark Fiebing University of Michigan
Berde ang paborito kong kulay. Meron akong damit at sapatos na berde. Gusto ko ring kumain ng pagkaing maberde. Nang ang katawan ko’y laging may lakas at tibay. Sa lahat ng panahon dito sa Michigan Taglagas at taglamig ang kinaayawan ko. Nawawalan ng kulay ang mga halaman. Mabeberdeng puno laging naglalaho. Ngunit sa pagdating ng panahon ng tagsibol Mga dating patay at mga halamang nalanta muling namumulaklak at nagiging luntian para magbigay ganda sa buong kaligiran. Kaya nga berde ang pinili kong kulay Dahil nagbibigay ito ng saya sa buhay Pinagaganda rin ang lahat ng bagay At pinasisigla mga damdaming namatay.
1
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
KUNG MASASABI KO LAMANG Bernadita Vega University of Michigan
Pinagmamasdan ko ang iyong mga mata habang tangan ko ang mga palad mo. Tinititigan ko ang iyong mga mata, Sinisikap pakalmahin itong di mapakaling puso ko. Nahihirapang kumalma ang puso ko. Habang nakatitig sa iyong napakagandang mukha. Ito ang sandali, ang oras, ang damdami’t paligid na kaaya-aya. Dibdib ko’y kumakaba dahil alam kong ikaw ay itinatangi ko. Sinikap kong magtago sa aking mga buhok at hilahin itong mga damit ko; Sinubukan kong maging mahinahon, bagama’t batid kong di lingid ito sa ‘yo. Nagsimula nang mamula itong aking mga pisngi; kinikilig ako kapag nakikita ka. Napapatungo ako, mukha ko’y labis namumula. Di ako mapalagay sa aking kinauupuan. Walang akong mahagilap ng anumang salita. Binuksan ko ang aking bibig subalit walang tinig na lumalabas. Kung masasabi ko lamang ang nilalaman ng puso ko. Sasabihin kong lagi ka sa aking isipan. Palagi kang laman ng isip ko. Palagi kang nasa puso ko. Sasabihin kong gusto kitang makapiling gabi- gabi. Yayakapin kita nang buong higpit, At hahagkan nang buong tamis. Kung masasabi ko lang sa iyo kung ano ang gusto kong makita, Na gusto kong naririto lagi sa piling ko. Kasama kita sa bawat sandal. Subalit ang panahon ay dagling lumilipas nang hindi ko nasasabi Nais kong malaman mo ang nasasapuso ko Subalit iyon ay di ko magawa.
2
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
Gusto kong tingnan ang iyong mga mata at sabihin sa iyo Ikaw ang hinahanap ko ng puso ko Ikaw lang ang para sa akin. Subalit nahihiya akong sabihin sa iyo ang nadarama ko Ngunit hindi ko maipahayag. Bakit ganito? Hindi ko masabi ang gustong kong sabihin Nauumid na yata ang dila ko, di alam paano sabihin, Kung masasabi ko lamang ang gusto kong sabihin. Na ngalan mo’y laging bukambibig ko. Ito ang bagay na di ko malilimutan Kinakabahan ako kapag naririyan ka Hindi ako kayang mangusap. Kung sasabihin ko ang gusto kong marinig. Gusto kong ipangako mo sa akin na lagi kang nasa tabi ko, Na di kailanma’y iiwan ako. Bakit hindi ko masabi na mahalaga ka sa akin Natatakot ba ako? O nahihiya lamang? Kung masasabi ko lamang sa iyo , Na labis akong humahanga sa iyo…. Na umiibig na nga ako sa iyo…. Subalit ang lahat ng ito ay hindi ko masasabi dahil… Nalaman kong ikaw ngayo’y lilisan na. Sayang, mawawala ka na sa akin.
3
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
KALARO Rita Eunice Razalan University of Michigan
Bakit hindi ko na nakikita? Bakit biglang naglaho Ang dating mga ngiti. Bakit hindi ko na mahanap Ang mga laruan namin? Wala na ang kanilang tinig Ang maiingay na tawanan Nasaan na ang mga kalaro ko?
Kumusta na kaya si Camille? Ang matampuhin kong kaibigan. At nasaan na si Paw Paw? Nalimutan na ba niya ako? Naroon pa kaya sila, Sa dating kalsada Na masaya naming nilalaruan? Ah, matagal na pala iyon....
4
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
IKAW Jason Luna Gavilan University of Michigan
Masilayan ko lamang Ang iyong mga mata. Sa aking panaginip Ika’y sana’y makita. Pag-ibig mo sa akin Dalangin ko tuwina. Kahit hatinggabi na’y Nangangarap pa rin Itong puso ko. Sa buong linggo Laman ka ng isip ko. Kung nasaan ka Laging hanap kita. ‘Pag di kita makita Walang saya at ganda Paano ko nga ba Matatanggal ka Dito sa isip ko. Minsan isang araw Ikaw ay nakita Sa isang coffee shop Sa isang masikip kalye Nasilayan kita. Dito sa isipan ko Itinangi’t iningatan ka Hanggang sa ikaw Ay maging aking-akin. Hanggang sa ikaw Ay maging aking-akin….
5
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
KUMPULANG DIONA Nonon V. Carandang De La Salle University - Manila, Philippines
(ukol sa pamilya)
(ukol sa magulang)
ang kukupkop sa anak magulang pa ring tiyak, kahit sa sama'y tigmak.
kung DH man si inay, at laborer si itay, paghanga’y aking alay.
mahalin ang magulang, nararapat igalang, buhay natin ay utang.
bayani n’ya si tatay, diwata n’ya si nanay tanod kay bunsong tunay.
tuwa't lumbay sa buhay, ito'y 'di maglulubay, sa 'sang pamilyang tunay.
si nanay ay caregiver, si tatay ay drayber, Kaya’t ako’y achiever.
biyaya ang pamilya, sikaping mapasaya, sa hirap man o dusa.
humihikbi si baby habang yakap ni mommy at may himig si daddy
DIONA: Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
6
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
HAGUPIT SA BILANGGONG KAAKUHAN: ISANG PAGLASAP SA PURGATORYO NG BAYAN Rakki Sison-Buban De La Salle University - Manila, Philippines
Hagupit… Hagupit sa bayang pilit na nagbubulag-bulagan. Sa kuta ng pighati’y umuusal ng kasinungalingan! Nagsesebo ang araw, nagmamantika ang karagatan, habang nagkakandasuka ang binusabos na kabundukan. Nabingi na nga sa palahaw ang binusalang katotohanan ng bayang itinakas ng salamangka ng kwentuhan. Saan nga ba patutungo ang sawing bayang ito? Hanggang kailan nga ba kakandili sa mga lilo’t manggagantso? Nilulumot na ang mga alaala ng dekada ng pandarambong. Lugmok na ang bayang walang sulingan kundi magsumbong. Hagupit... Hanggang kailan mo nga ba kikimkimin ang dusa, at sakit, ang dusa, sakit at hapis, Ang dusa-sakit-hapis at pawis na dugo ng gutom? At ang gutom at uhaw, takot at pagkabigo? Hanggang kailan? Hanggang sa buwan...? Hagupit ... Hanggang kailan iindahin ang latigo? Hanggang kailan dadaanin sa kape ang sakit ng ulo? Hanggang saang lupain maglalagalag na tila Hudyo? Matakasan lamang kabuktutan at kalbaryo. Hagupit. Hagupit na malupit... Hagupit sa iyo at sa akin hanggang mamilipit. Hagupit sa pangako ng bulag na pagtitiis Hagupit sa pananatili sa karsel ng dapat malitis. Hagupit sa pagpili ng lisyang pinuhanan
7
SIBOL: UM Journal of Filipino and Philippine Studies
Hagupit sa pagpapaubayang walang katapusan. Hagupit sa muhon ng madilim na kinabukasan. Hanggang kailan uusalin ang mantrang “okey lang ito?” Hanggang kailan maghihintay sa panalo sa lotto? Hagupit sa kanyang kuntentong marahuyo Sa gitna ng darang ng apoy ng purgatoryo. Bumubuntong-hininga na lamang ang mga sikmurang kumakalam Nagpapakamanhid pilit sa hagupit ng siphayo, Damhin mo ang hapdi, ang tindi ng sakit Paagusin ang luha’t, lasapin ang pait, Busugin ng mura ang kamalayang bilanggo Upang katotohana’y malasap nang buo! Garalgal na tinig ay iyong pakinggan umalingawngaw man ito sa laot o dalampasigan. Bilyong mga pangarap na ninanakaw araw-araw nitong mga bayakang dinadaluyong ang kaban. Kailan magbabalik upang maningil naman? Sumisinghap pa lamang ang nasa sinapupunan Habang nakatanghod naman ang buong kapitbahayan. Hagupit sa bayang pilit bumibili ng dasal Sa himig ng oyaying ni walang pangalan. Hagupit, Hagupit sa kaluluwang tanikala ng kamunduhan hampasin ng langit ang mga walang pakialam, paglatayin hanggang ubod ang singasing ng katotohanang ikaw at ako’y duhagi at duhapang. Hagupit, sa kaliwa at sa kanan tulad ng daluyong na mapag-angkin ng kayamanan sa harap ng imahen ng mga nagbuwis na ng buhay unang matitigis ang walang tagapagdasal. Hagupit Hagupit Hagupit Hagupit
sa bayan at kaluluwang namanhid ang kamalayan sa langit na saksi ng kalapastanganan sa palad ng mga nabigong nangibang-bayan sa kalapating sadsad na’t walang madapuan.