Aborsyon - an article abot abortion in filipino PDF

Title Aborsyon - an article abot abortion in filipino
Author Johanna Gantalao
Course Medical Technology
Institution Silliman University
Pages 3
File Size 156.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 20
Total Views 160

Summary

an article abot abortion in filipino...


Description

I. II.

III.

IV. V.

Aborsyon A. Ang ating mundo ay isang perpektong simbolo ng buhay. Buhay na kung saan lahat ay kumpleto, lahat may karapatang maging malaya at lahat ay may karapatang mamuhay ng payapa. Ang buhay na inihandog sa atin ay maituturing na isang regalo na karapat-dapat nating itanaw na utang na loob at ipagpasalamat sa Maykapal. Dapat din natin ingatan sapagkat ang Ama na siyang lumikha lamang ang may karapatan na bawiin ito. Ngunit nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang bagay at regalo na ipinagkaloob at ipinagkatiwalaaan sa atin ng Maykapal ay walang awang nilalapastangan at binababoy ng iilan sa atin. Bangungot kung ituring na tila kinatatakutan ng mga bagong sibol na binhi na nagtatangkang sirain o wakasan ang kanilang karapatan at mga pangarap sa buhay. Ang nasabing halimaw o bangungot na kitatakutan na mga bagong sibol na binhi ay ang Abortion o Aborsyon. Ano nga ba ito? Ano ang mga kadahilanan o pinag-uugat nito? B. Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang Aborsyon sa ating lipunan. Marami ng mga kababaihan ang mas pinipiling sumailalim sa ganitong paraan kaysa ang buhayin at lingapin ang nasa sinapupunan nila. Marahil sa napakaraming kadahilanan at madalas dito ang kahirapan at kahandaan ng isang babae at lalaki na magsama. Kung ating susuriin, iisipin nating hindi makatarungan ang kanilang ginagawa at nakabababng moral bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga sa ibang tao at paninira sa kanilang pagkatao Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang labindalawang milyon na ang bilang ng mgaPilipino sa Pilipinas at araw-araw ay nadadagdagan pa ito. Dahil sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad, patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa paglobo ng populasyon na karaniwang nagiging dahilan hindi lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa ng aborsyon. May dalawang uri ng aborsyon. Una ay ang kusa o miscarriage. Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ang ikalawa ay ang sapilitan o induced. Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol. Mga Argumento sa Isyu A. Buod B. Mga Impormasyong C. Ebidensiya Posisyon A. Ating tandaan, ang abortion o aborsyon ay hindi makatarungan at makataong paraan upang masolusyunan ang problema na isang tao may dinadala sa sinapupunan. Ang tanging paraan ay tanggapin ito ng maluwag sa puso, maging ito man ay bunga ng intensyon o hindi inaasahan. Dapat nga ay ipagpasalamat mo ito sa Maykapal sapag pinagkatiwalaan at ipinagkalooban ka niya ng isang regalo. Sabi nga nila "Babies are always a blessing", sapagkat sila ay mga Anghel na nagdadala ng mga ngiti at lunas sa kalungkutan sa loob ng isang tahanan. B. Bilang mga mag-aaral ay dapat nating malaman at

VI.

buksan ang diwa ukol sa napapanahong isyu na ito. Ano nga ba ang magagawa natin ditto? Palagganapin natin ang 5R’s ng DOH laban aborsyon: 1. Ready facilities o ang patuloy na pag-a-upgrade ng mga pasilidad para sa pagpapaanak upang matiyak na lahat ng health centers ay may kapasidad na makapagsagawa ng normal na panganganak. 2. Ready skilled health workers, na isa sa pinakaimportanteng factors sa maternal mortality. Ang mga doktor, midwives at nurses ay apat na may training sa pagpapaanak. 3. Ready funds- Ayon sa DOH, ang pagkakaroon ng anak ay isang mahalagang responsibilidad ng mga magulang kaya’t dapat na magtabi ang mga ito ng sapat na pera para sa panganganak. Ang mga mahihirap na pasyente na miyembro ng PhilHealth ay maaari naman anilang mag-avail ng libre na ibinibigay ng gobyerno sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan. 4. Right knowledge, o sapat na kaalaman ng isang babae, bago magdesisyon kung magbubuntis 5. Responsible parenthood. pagiging responsableng magulang at kalusugang pangreproductive. Sanggunian http://www.remate.ph/2014/03/5rs-laban-sa-aborsyon-inilabas-ng-doh/

http://kalusugan.ph/%E2%80%9Cpampalaglag-ng-bata%E2%80%9D-aborsyon-sa-pilipinas-atbakit-ito%E2%80%99y-nakasasama/ http://www.answers.com/Q/Pano_malulunasan_o_maiiwasan_ang_aborsyon...


Similar Free PDFs