Lesson Plan in Filipino DOCX

Title Lesson Plan in Filipino
Author Karen Mia Corpuz
Pages 256
File Size 4.2 MB
File Type DOCX
Total Downloads 5
Total Views 55

Summary

Date: June 20, 2016 Monday 5. Pagganyak na Tanong Filipino VI – Uranus 6:40 – 7:30 Ano ang bilin ng mga kamag-aral kaugnay sa Mars 11:10 – 12:00 kanilang bibilhin? I. Layunin B. Habang Nakikinig 1. Pagtatala Naitatala ang mga detalye ng mga panuto at direksyong napakinggan sa loob at labas ng silid-...


Description

Date: June 20, 2016 Monday Filipino VI – Uranus 6:40 – 7:30 Mars 11:10 – 12:00 I. Layunin Naitatala ang mga detalye ng mga panuto at direksyong napakinggan sa loob at labas ng silid-aralan. II. Paksang Aralin A. Paksa: Pagtatala ng mga Detalye ng Panuto o Direksyon B. Sanggunian: BEC- PELC Pakikinig 1 C. Kagamitan: Pito (Whistle), Manila paper at Pentel pen, "Usapan nina Pina at Niña D. Pagpapahalaga: Wastong Pagsunod sa Panuto III. Pamamaraan A. Gawain Bago Makinig 1. Pagsasanay Gawin ang isinasaad ng panuto. Isang palakpak-Tumayo nang tuwid Dalawang palakpak- Maupo nang maayos Tatlong palakpak- Ilagay ang mga kamay sa ibabaw ng desk/armchair Apat na palakpak- Tumahimik Limang palakpak- Mata/tingin sa harapan 2. Balik-Aral Pamantayan sa Pangkatang Gawain 3. Pagpapayaman ng Talasalitaan Gumamit ng larawan, ibigay ang katumbas na salita sa Filipino Field trip- Lakbay –aral 4. Pagganyak Naranasan nyo na bang mautusan sa palengke at bumili ng pinapabili ni nanay? Nakasunod ba kayo sa bilin o panuto ng inyong nanay sa pagbili? 5. Pagganyak na Tanong Ano ang bilin ng mga kamag-aral kaugnay sa kanilang bibilhin? B. Habang Nakikinig 1. Pagtatala 2. Makinig na mabuti sa aking babasahin na usapan. Humanda sa ilang katanungang kaugnay nito. Nasa palengke ang magkaibigan. Namimili sila ng ihahandang pagkain para sa kanilang field trip. Niña: Tingnan mo nga ang mga bilin ng ating mga kamag-aral na bibilhin natin. Pina: Narito ang mga nakasulat na bilin: 2 piling na saging 1 papaya, malaki 2 pakwan 2 kilong manok na puro hita 2 kilong tilapia Pagkasyahin ang halagang 500 para sa pagkain Niña: O, mayroon pa palang nakasulat na bilin sa huli. Dapat daw pagkasyahin ang dala nating Pera sa lahat ng bibilhin. Pina: Paano kay kung hindi kasya? Mahal na ang mga bilihin ngayon. Niña: Basta sundin natin ang bilin nila. C. Pagkatapos Makinig 1. Pagsagot sa Pagganyak na tanong at iba pang tanong a. Bakit nasa palengke sina Pina at Niña? b. Ano ang bilin ng kanilang mga kamag-aral kaugnay sa kanilang bibilhin? c. Sa magkanong halaga lamang nila pagkakasyahin ang kanilang mga bibilhin? d. Malinaw ba ang bilin ng kanilang mga kamag-aral? e. Anu-ano ba ang dapat tandaan sa pagsunod sa panuto? 2. Pangkatang Gawain Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Bigyan ng kani-kaniyang lugar sa silid-aralan kung saan magtatrabaho ang bawat pangkat sa oras ng gawain. Gumamit ng Pito sa pagbibigay ng panuto sa kanila. Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat hudyat na ibibigay; unang pito - tumayo nang tahimik ikatlo - umupo at umayos ng pabilog; ikalawa - pumunta sa mga pangkat; ikaapat - simulan na ang gawain. Matapos ang 5 minuto ang mga ginawa ay ididikit sa pisara. a. Gumuhit ng isang parisukat b. Sa loob ng parisukat, magdrowing ng bilog. c. Sa loob ng bilog, magdrowing ng parisukat. d. Kulayan ng iba-iba ang bawat espasyo. Talakayin ang ginawa ng bawat pangkat at ipasuri sa mga bata kung sino ang nakasunod sa panuto. 3. Pag-uulat ng bawat pangkat 4. Pagbibigay-puna 5. Paglalahat/Pagbuo ng Sintesis 1. Unawaing mabuti ang isinasaad ng panuto. Pakinggang mabuti ang nagbibigay ng panuto. 2. Kung mahaba ang panuto, itala ang mahahalagang detalye sa isang papel. 3. Kung mayroong hindi naiintindihan, magalang na ipaulit ang bahagi ng panutong hindi naintindihan. IV. Pagtataya....


Similar Free PDFs