Title | Semi-detailed LESSON PLAN FILIPINO 8 |
---|---|
Author | Ed Jamel Caballero |
Course | Readings in Philippines History |
Institution | Dr. Carlos S. Lanting College |
Pages | 5 |
File Size | 221.1 KB |
File Type | |
Total Downloads | 375 |
Total Views | 846 |
Ed Jamel T. CaballeroBSED Major in FilipinoPlano sa PagkatutoFilipino 8Setyembre 6, 2021I. LayuninA. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag) F8WG-Ia-c-B. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: - Pagh...
Ed Jamel T. Caballero BSED Major in Filipino Plano sa Pagkatuto Filipino 8 Setyembre 6, 2021
I.
Layunin A. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag) F8WG-Ia-c-17 B. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: - Paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda. - Dating kaalaman kaugnay sa binasa. F8PB-Ig-h-24
II.
Paksang Aralin A. Sanggunian: Siam Video Collection http://www.udyong.gov.ph/ https://www.youtube.com/watch?v=LWei9DHryrg B. Iba Pang Kagamitan Laptop, at iba pang pantulong biswal.
III.
Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1.
Panalangin
2.
Pagbati
B. Pagganyak Tanong: 1. Ano-ano sa palagay ninyo ang maaaring i-ugnay sa salitang “Bayanihan”?
1
C. Paglinang ng talasalitaan Panuto: Sagutin natin. Quizizz
D. Pagtatalakay Ano ba ang paghahambing? PAGHAHAMBING Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad, ito ay nakakatulong magbigay linaw sa isang paksa, sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba. Dalawang uri ng paghahambing: 1. Magkatulad na pahambing o Paghahambing na magkatulad - ginagamitan ng magka-,sing-,sim-, magsing-, magsim-, magsin-, pareho, kapwa. Ginagamit kung ang dalawang inihahambing ay antas na katangian ng isang tao, o bagay, etc. Hal. a.
Magkasing-tangkad lang si Peter at si Ella kaya sila ay ginawang pares sa sayaw.
b.
Si Bernie at Katherine ay kapwa nakapasa sa board exam.
c.
Si Kenny at si Eddie ay pareho ng nagpantay ang paa dahil sa sakit na cancer.
2. Di-magkatulad na paghahambing o Paghahambing na di magkatulad - Ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman. A) PALAMANG - ang ginagamit ay higit, lalo, mas, di-hamak. B) PASAHOL - ang ginagamit ay di-gaano, di-gasino, di-masyado. Hal. a.
Di-hamak na mas pinagpala ang buhay ko kaysa kay Ramon.
b.
Hindi gaanong malusog ang pangangatawan ni Vince kumpara kay Damulag.
Owdyu-bidyong pagtatanghal Panoorin at intindihin ang pabulang “Si Alitaptap at si Paruparo.” (Ipababasa rin upang lubos na maunawaan.)
2
Mga katanungan: 1. Sino ang pinaglaruan ng bata at iniwan na nakatihaya? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Sino-sino ang mga tumulong kay Paruparo? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Ano ang nahihinuha mo batay sa pabulang iyong napanood? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 4. Sa kasalukuyang panahon, nangyayari pa ba ang pagbabayanihan o pagtutulungan? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 5. Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang pabulang iyong napanood? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________
G. Iba pang gawain Panuto: Gumawa ng sariling pangungusap na may paghahambing gamit ang mga salitang sumusunod at tukuyin kung anong uri ng paghahambing ang ginamit. Hal. Pasensya: Magkasing-haba ang pasensya namin ni Audrey. (Ang salitang naka-salungguhit na “Magkasing-” ay Magkatulad na Pahambing.)
1. Bulaklak: Pangungusap: __________________________________________________________________ Anong uri ng paghahambing?:______________________________________________________
2. Bituin: Pangungusap: _________________________________________________________________ Anong uri ng paghahambing?: _____________________________________________________
3. Hiyas: Pangungusap: ____________________________________________________________________ Anong uri ng paghahambing?:_______________________________________________________
4. Iniibig: Pangungusap: ____________________________________________________________________ Anong uri ng paghahambing?:_______________________________________________________...