Ang Kabataan Noon at Ngayon DOCX

Title Ang Kabataan Noon at Ngayon
Author Ann Monares
Pages 3
File Size 18.3 KB
File Type DOCX
Total Views 171

Summary

Ang Kabataan Noon at Ngayon Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa ...


Description

Ang Kabataan Noon at Ngayon Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtm sa puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natn. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba't mayroon tayong "Sampung Lider na mga Kabataan" na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa atng pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon. KABATAAN NOON AT NGAYON PUBLISHED ON May 27, 2017 Ni Jan Faustine L. Soriano Sabi ni Jose Rizal "Kabataan ang pag-asa ng bayan", ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Sila parin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na lang ang siyang nagbibigay problema sa ating bayan? Oo, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, totoo ito dahil sila ang tutulong magangat sa mga suliranin ng bayan at haharap sa panibagong bukas ng masagana dahil matatalas ang mga pagiisip nila at nakikita na nila ang mga mali at pagkukulang ng mga mas matatanda...


Similar Free PDFs