BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN PDF

Title BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN
Author Efren B Isorena
Pages 23
File Size 1 MB
File Type PDF
Total Downloads 296
Total Views 719

Summary

Malay XXIII(1(2010)):81-96 BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN1 Efren B. Isorena, PhD Introduksyon Laganap ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sistemang pulitikal ng maraming katutubong lipunang magdaragat sa Timog-Silangang Asya at, gayundin, sa mga isla sa Pasipiko (Manguin). Sa ilang pagkakataon, mah...


Description

Accelerat ing t he world's research.

BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN Efren B Isorena

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Malay XXIII(1(2010)):81-96

BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN1 Efren B. Isorena, PhD Introduksyon Laganap ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sistemang pulitikal ng maraming katutubong lipunang magdaragat sa Timog-Silangang Asya at, gayundin, sa mga isla sa Pasipiko (Manguin). Sa ilang pagkakataon, mahalagang ginamit din ang simbolismo ng bangka sa pagbibigay ng kahulugang espasyal (spatial meaning) sa lugar na inuukopa ng komunidad at/o estado (Salazar), sa kaayusang panlipunan (Van Wouden), sa mga mahahalagang konstruksyong istruktural, hal. bahay (Kana, Perez 7-8), at sa mahahalagang kapaniwalaan at ritwal ng bayan (Fox 342-367). Sa isang pag-aaral nabigyan ng balidasyon ang ganitong paggamit ng simbolismo ng bangka sa loob ng Pilipinas (Isorena, Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua) subali t sa harap ng hamon ng modernismo ay tila unti-unti na itong natatabunan, bukod pa sa hindi na rin hayagan ang pagkilala sa ganitong tradisyon sa hanay ng mga kabataan. Tuloy nanganganib na mawala ito maging sa alaala ng bayan. Sa Pilipinas marami ang mga indikasyon sa paggamit ng bangka bilang simbolo ng kapangyarihan, kaayusan sa lipunan, at sa pulitika. At, ang nakilalang simbolikong bangka ng sinaunang lipunang Pilipino ay ang barangay. Unang lumabas sa tala ni Antonio Pigafetta noong 1521 ang bangkang barangay nang sila ay mapadako sa isla ng Limasawa matapos na sila ay dumaan sa kipot ng Surigao mula sa isla ng Homonhon (Blaire at Robertson v.33, 115). Mas maaga pa dito, may mga indikasyon din na ang bangkang barangay ang ginamit sa mga napaulat na pananalakay sa baybayin ng Timog-Silangang Tsina noong mga panahong 1174-1190 M.K. (Isorena, The Visayan Raiders 82-84). Ang bangkang nahukay sa Butuan na nasa kategorya ng bangkang barangay ay may petsa na mula 320 hanggang 1250 Matapos si Kristo (MK) (Ronquillo). Nangangahulugan na ganap at mahaba ang kasaysayan ng bangkang ito. Si Juan de Plasencia, O.S.F. (1589) ang sa kauna-unahang pagkakataon tumukoy sa bangkang barangay bilang katawagan sa kalipunang bumubuo ng isang komunidad na pawang magkakamag-anak at pinamumunuan ng isang dato (Blaire and Robertson v. 7, 173-176). Bunga nito ang barangay ay kinilala bilang sinaunang uri ng pamahalaan ng katutubong lipunan (Zaide 2728; Agoncillo at Guerrero 45-46), bilang sinaunang sistemang sosyo-politikal (Pattanñe, The Barangay 755-756) at bilang lipunan na nasa iba t-ibang antas ng transisyon mula sa primitibong estadong komunal tungo sa Asiatikong anyo ng piyudalismo (R. Constantino 3132). 1 Halaw mula sa disertasyon ng may-akda na pinamagatang Bangka at Kolonisasyon: Mula Banua tungong Pueblo, 1565-1620 (Pagbabagong Lipunan sa Punto ng Hugpungan) na isinumite sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas taong 2010.

Si William Henry Scott (4-5) sa kanyang Barangay: Philippine Society and Culture in the Sixteeth Century ay mahalagang naitakda ang dalawang natatanging karakter ng sinaunang lipinang baranganiko: una, ang malawak at lubos na paggamit ng bangka sa samu t-saring aspeto ng pang-araw-araw na kabuhayan, at, ikalawa, ang lokal na katangian ng pamamahala. Bukod dito, binigyan niya ng diin ang sadyang maritimong karakter ng pamumuhay ng sinaunang lipunan na masasalamin sa konsentrasyon ng panirahanan sa mga baybay-dagat, tabing ilog, at mga tubigang maaaring pamangkaan. Nangangahulugan lamang ito na ang bangka ang sentro ng kulturang maritimo. Pinatutunayan ito ng mga nagawa ng pag-aaral sa kasaysayang maritimo (maritime history) sa maraming panig ng mundo. Halos lahat ay naglaman ng mga pag-aaral ukol sa bangka bilang pangunahing lapit (approach) sa pag-unawa sa kasaysayan ng mundong maritimo, partikular ang may kinalaman sa pagtatao (peopling), pagkalat ng kultura (cultural movement), at sa pagunawa ng kabuuang proseso ng pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang lipunang magdaragat mula sa primitibong anyo tungo sa pagiging kompleks (Haddon at Hornell, Noteboom, Hornell, Johnstone, Doran). Bagama t detalyadong nailarawan ni Scott (1994) ang mga katangian ng lipunang baranganiko ng mga Pilipino, nananatili pa ring palaisipan kung bakit ang bangkang barangay ang naging simbolikong bangka ng mga Pilipino at paano ang naging korelasyon ng bangkang barangay sa pagtatakda ng kaayusang sosyopulitikal ng sinaunang lipunan. Layunin ng papel na ito na, una, tuklasin ang mga salik na nagtangi sa bangkang barangay bilang karakteristikong bangkang-Pilipino; ikalawa, alamin ang mga kamalayangbayan na nabuo kaugnay at bumalot sa bangkang barangay na nagtangi dito bilang simbolikong bangkang Pilipino, at, ikatlo, ipakita at suriin ang naging paggamit ng simbolismo ng bangka sa paglalatag ng kaayusan sa katutubong lipunang Pilipino bago ang kolonisasyong Kastila. Ang Bangkang Barangay sa Pilipinas Sa mga bangkang Pilipino, ang bangkang barangay ang pinakalaganap at kilala sa sangkapuluang Pilipinas (Isorena, Ang Sakayan sa Pagbubuo ng Banua 1-6). Naiintindihan ang barangay bilang bangka mula Luzon hanggang Ka-Mindanawan. Sa Ilokos Barangay ang karaniwang katagang pantukoy sa bangka, (Carro 48, Laconsay 278) maging sa mga bangka na yari sa tabla at walang katig (E. Constantino 93). Ayon kay E. Constantino (302) ang mga bangkang Cagayanon ay pangkaraniwang nakabatay sa bangkang barangay. Barangay rin ang katagang Isneg na pantukoy sa bangka. Binubuo ito ng limang bahagi: dalawang tabla sa magkabilang gilid, isang tabla sa ilalim, tig-isa sa proa (prow/stem) at popa (poop/stem) (Vanoverbergh 164). Sa Katagalugan pangunahing bangka ang bar(l)angay at kilala ito bilang bangkang pandigma at bangkang pangalakal. Ayon kay Alcina (168) pangunahing bangka rin ng mga Bisaya ang barangay. Ito ay yari

mula sa mga tabla na ginamitan ng pakong kahoy (treenails), may dalawang palo para sa layag at ginagauran ng bugsay (oars). Kaiba sa barangay ng Ilocos, ito ay malaki, magaan at mabilis maglayag. Dahil sa mga katangiang nabanggit naging pangunahing bangkang pandigma din ang barangay sa Kabisayaan. Sa Kabikolan, ang bangkang barangay ay isa sa mga bangkang pinapanday sa Isla ng Catanduanes na kasamang inilalako ng iba pang mga bangka sa mga kalapit na isla hanggang sa Mindoro (Galang 107). May bangkang barangay din ang mga Maranao sa Mindanao (McKaughan at Macaraya), at sa mga Taosug ang lepa/lepa-lepa ang kanilang bersyon ng barangay. Mapapansin na malawak ang distribusyon ng katagang barangay bilang pantukoy sa bangka. Ang mga bangkang nagtataglay ng katawagang ito ay makikita rin sa iba t-ibang antas ng kompleksidad sa anyo, gamit at konstruksyon mula sa pinaka-simple, gaya ng bangkang inukab (dugout canoe) ng Ilocos hanggang sa mga bangkang pandigma o pangayaw ng mga Tagalog at Bisaya, at ang mga bangkang pangalakal at tirahang-bangka ng mga Maranao at Taosug sa Ka-Mindanaoan. Nangangahulugan ito na walang iisang tiyak na kaanyuan ang bangkang barangay. Ang kaanyuan nito ay maaaring naayon sa kompleksidad ng lipunang nagtataglay nito. Ang tanging tiyak lamang dito ay ang katawagang barangay sa isang partikular na bangka ng isang partikular na komunidad na nagbibigay distinksyon dito sa iba pang bangka ng komunidad. Ang malawak na distribusyong heograpikal at ang pagsaklaw ng bangkang barangay sa iba t-ibang antas at dimensyon ng kabuhayan ng bayan ay nagpapahiwatig ng kahalagahan nito bilang pangunahing bangka sa kapuluan. Mula sa maraming indikasyon ang bangkang barangay ay maaaring produkto mahabang proseso ng pag-unlad ng bangka at ng kultura ng pagdaragat sa loob kapuluan. Ang paglitaw nito bilang simbolikong bangkang-bayan ay mapagpahiwatig maritimong karakter ng sinaunang lipunang Pilipino at ng antas ng kompleksidad lipunang dinatnan ng mga Kastila sa ika-16 na dantaon.

ng ng ng ng

Deskripsyon ng Bangkang Bar(l)angay Sa Boxer Codex (1591) tinukoy ang bangkang barangay na malaki at malapad na bangka; limampung katao ang maaaring sumakay at isang daan sa mas malaki (Quirino at Garcia 408-409) Pagsapit ng 1609, inilarawan ni Antonio de Morga (Blaire at Robertson v.16, 271-273) ang barangay ng ganito: “…bangka na gawa mula sa isang malaking troso… (ang) barangay, sakayan na mabilis at magaan, mababa ang kagililan, nilapat sa pamamagitan ng kahoy na pako, mahagway ang proa at popa… mayroon itong maraming mananagwan sa magkabilang gilid… sa gilid ng bangka, mayroong bailio na yari sa kawayan na lugar para sa mga mandirigma, at may gayon ding sahig sa gitna ng bangka na nasisilongan ng kung tawagin ay cayan. May katig ang bangka sa magkabilang gilid na yari sa buho ng kawayan at ang haba nito ay nakaayon sa buong kahabaan ng

bangka at nagsisilbing panimbang… madali nilang binibitbit ang bangkang ito patungo sa baybay pagsapit ng gabi upang idaong…[salin ng may akda].

Idinagdag pa ni Morga na sa panahong iyon nagsisimula na ring gumamit ng pakong bakal kapalit ng pakong kahoy (pegs/treenails) ang mga Pilipino sa paggawa ng bangka at ang proa (prow) nito ay nag-aanyo na ring kagaya ng sa mga barkong Kastila. Nakilala rin ang bangkang barangay na isa sa pinakamatanda at natatanging bangkang Pilipino na may katangiang matulis at mahaba, patulis ang magkabilang dulo, at binuo sa pamamagitan ng mga pakong kahoy (Blaire at Robertson v.1,184). Noong 1668 detalyadong tinalakay ni Padre Francisco Alcina, SJ (201-203) ang katangian at konstruksyon ng mga bangkang Pilipino. Sa kanyang paglalarawan, ang bangkang barangay ng Ybabao ay: …ang pangalawa sa mga malalaking bangka ng mga Pilipino matapos ang balasian. Ang bangkang ito ang pinakamagaan na ginagamit noon, at patuloy na ginagamit sa panahong iyon, ng mga katutubo roon. Ang bangka ay binuo mula sa kwadradong kilya na nilapatan ng mga tabla sa magkabilang gilid. Sa kanyang pagkabuo, mababa ang kagililan na angkop para sa pagsagwan; karaniwang ginagamitan ng sagwan o maikling gaud upang paandarin itong barangay…[salin ng may akda].

Kinilala ang bangkang barangay na pinakamainam na bangkang katutubo at pangunahing gamit sa paglalakbay sa dagat ng mga Pilipino. Dahil sa manipis nitong baol, magaan at mabilis itong maglayag (Combes 786). Ang husay at kainaman ng bangkang ito ay nag-udyok sa mga Español na gamiting pangkaraniwang sakayan ang bangkang barangay simula sa panahon ng conquista hanggang sa mga ekspedisyon sa Mindanao at Molucas. Subali t sa harap ng mga naglalakihang bangkang Español, nagmistulang maliit na bangka ito. Magkagayunman, hanggang sa ika-19 na dantaon naroon pa rin ang pagkilala sa barangay bilang bangkang pandigma (Blumentritt 45). Sa bahaging dulo ng ika-19 na dantaon, ang bangkang barangay ay itinuring na mabilis, nguni t hindi gaanong malakas tulad ng ibang sakayang ginagamit sa digma (qtd. sa Abrera 57). Hindi maikakaila na ang mga deskripsyong ito ay mga panlabas lamang na kaanyuan ng bangkang barangay. Bagama t malinaw sa mga Español na ito ang pangunahing bangka ng mga Pilipino, hindi naman naipaliwanag sa mga ulat kung bakit. Ano nga ba ang bangkang barangay? Ano ba ang kaibahan nito sa iba pang mga bangkang Pilipino? Etimolohiya ng Katagang Barangay Sa mga diksyunaryo simula sa panahon ng Kastila, ang kahulugan ng katagang barangay ay kapwa bangka (Mentrida 44; San Antonio 15, Noceda Y San Lucar 28, Lisboa 57) at sosyo-politikal na yunit (Mentrida 41, Carro 49). Nauna nang ipinaliwanag ni Juan

de Plasencia ang pagtukoy sa barangay bilang yunit sosyo-politikal. Ayon dito, ito ay bilang pag-alaala ng mga katutubo sa nakaraang paglalayag ng kanilang mga ninuno sakay ng bangkang barangay nang sila y unang nagtungo sa isla sa ilalim ng pamumuno ng mga datu. Sa pagtatag nila ng bagong pamayanan, kanilang ipinagpatuloy ang kaayusan at relasyong nabuo sa loob ng bangka bilang batayan ng kaayusan at relasyon sa lipunan at pulitika (Plasencia 174). Magkagayunman, hindi naman malinaw kung ano ang kahulugan o pinanggalingang konsepto ng nasabing kataga bilang bangka. Sa mga katagang maaring kahaliling kataga (cognate) at salitang ugat ng barangay isa ang barag ng Pampango na maaring ituring na pinagmulang kataga/konsepto ng barangay bilang bangka. Ang barag sa Pampango ay pantukoy sa buwaya; at ang bara(n)gay ay tilabuwaya dahil sa pagtataglay nito ng proa na ulo ng buwaya. Isa pa ang katagang barang. Ang Malay ay mayroong katagang barang na ang ibig sabihin ay mga kasangkapan, gamit o mga bagay na mula sa ibayo; karaniwang inilalako (Wolkinson 86). Barang din sa Indonesia ang mga gamit/kasangkapan na mula sa ibayong dagat (imported) (Echols at Shadily 52). Mangkukulam o pangungulam naman ang barang sa Pilipinas (Yap at Bunye 24). Pinakamalapit na kahaliling kataga ng barangay ang balangaw ng Bisaya (Motus 24). Ang balangaw ay ang pantukoy na kataga sa bahaghari habang V(b)arangao naman ito sa Tagalog (Loarca 133). Ang varangao ng Tagalog ay kinikilala rin na Bathalang Mandirigma. Ang barangaran ng matandang salitang Javanese ay malapit ring kahaliling kataga ng barangay. Ito ay nangangahulugang kapangalan o kamag-anakan. Maaaring ang nasabing kataga ay mula rin sa sinauna o Matandang Tagalog (Pattanñe, The Philippines 89, 91-92). Samantala, sa Bikol at Bisaya ang baga-ngar(l)an ay katulad o kasing-pangalan na nagpapahiwatig ng pagiging magkamag-anak. Ang bangkang barangay bilang barag ay maaaring may batayan lalu na t kung isasaalang-alang ang pisikal na kaanyuan ng bangkang barangay na may mahubog na anyo at patulis ang kapwa dulo. Ang mga pinag-abay na tabla nito at ang mga tambukos (cleats) na nakausli, sa biglang tingin, ay may pagkakahawig sa katangian ng disenyo sa balat ng buwaya lalu na t kung ito y nakalutang sa tubig. May mga uri ng bangkang barangay na nagtataglay ng mga proa (prow) na ulo ng buwaya mula sa inukit na kahoy, kundi man ay ulo ng dragon o ahas (Abrera), na kung titingnan ito ay tila malaking buwaya na nakalutang sa tubig. Sa Iloko mayroon silang kataga na binobuaya na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng anyong ulo ng buaya sa proa (prow) o unahan ng bangka (Carro 57). Maaaring sa karanasan ng mga sinaunang pamayanang ilogan, ang pagiging dominanteng bangka ng barangay sa mga ilog ay kagaya ng pagiging hari ng buwaya ng mga ilog at tubigan. Ganap ang kahalagahan ng buwaya sa sinaunang sagradong paniniwala ng mga Pilipino (Plasencia 189, Colin 70) kagaya ng mga sagradong paniniwala sa iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya (Harrison at Harrison 67). Katunayan nito ay ang pagtataglay ng mga kabaong na yari sa kahoy ng anyo ng ulo ng buwaya sa isang dulo nito (Beyer) na

nagpapahiwatig ng mahalagang papel ng buwaya sa mga kapaniwalaan sa kamatayan at sa misteryo ng kabilang-buhay . Ang pag-uugnay ng bangkang barangay sa buwaya ay maaaring indikasyon ng lebel ng pagpapahalaga ng lipunan sa naturang bangka. Ang barang na katagang Indones at Malay na ang kahulugan ay mga bagaybagay/kagamitan/paninda, at/o mga gamit o paninda na imported ay maaaring may kaugnayan din sa pagkabuo ng katagang barangay na pantukoy sa bangka. Hindi maikakaila na ang bangkang barangay ay isa sa pangunahing gamit sa mga malayuang paglalayag: maaring para sa pamumulo, pangongolonya ng mga bagong isla, o sa pangangalakal. Sa mga ganitong pagkakataon nagtataglay ito ng mga gamit, kasangkapan at mga probisyon na kakailanganin para sa mga naturang pakay. Sa epikong Lam-ang, natukoy na ang ginintuang balangay ng bayaning si Lam-ang, ay nagdadala ng mga porselana mula sa Tsina. Binanggit din na ginamit niya ang balangay sa panunuyo ng dalaga sa kabilang ibayo at doon ay isinasakay niya ang lahat ng mga kakailanganing kasangkapan para sa nasabing gawain kasama ang buong bayan (Yabes 102-103). Ang naiulat na pakikipagkalakalan ng Butuan sa Tsina kasing-aga ng ika-11 dantaon at ang pagkakatuklas ng mga bangkang barangay sa bayang ito ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng pangangalakal at ng barangay (Peralta 41-48, Ronquillo 81-70). Malinaw ang mga indikasyon na ang bangkang barangay ay isa sa pangunahing bangka sa pangangalakal, kapwa sa loob ng Pilipinas at sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa. Ang barang sa Pilipinas bilang mangkukulam o pangungulam ay tila malayong basehan o pagmulan ng konsepto/katagang barangay . Ang gawain ng pangungulam o mangkukulam ay karaniwang iniuugnay sa babae, mga babaeng nabubukod at may angking kapangyarihan o anting . Masinsing tinalakay ni Abrera (296) ang ugnayan sa pagitan ng mga tinagguriang binokot/linamin/ba I -- mga babaeng pinagpipitaganan ng komunidad at lipunan dahil sa angking galing, kapangyarihan o anting -- at ang bangkang barangay. Ayon dito: Sa kasaysayang awit, and ba’I na nakatira sa lamin ang may hawak ng mga agimat, at sila ang mga tagapagtanggol ng bayan, kung wala nang mga datu o bagani. Higit pa dito, and ba’I lamang ang makakahiram ng pinakamabisang anting-anting mula sa langit, na nasa pag-iingat ng isa ring babae…2 mababanaag ang halaga ng binukot o ba’I, siya ang tunatayong makapangyarihang simbolo ng bayan na nakakapagbigay proteksyon dito habang nagsasanay pa sa loob ng lamin…Ang pagbubuklod niya ng bayan sa diwa at paniniwala ay magiging hayag sa panahon na inilalabas sa lamin at isinasakay sa bangka (barangay) upang makita siya at makita niya ang bayan. …[ang diin ay sa may-akda] (qt. sa Abrera 296)

Mapapansin na ang bangkang barangay, sa dinami-dami ng uri ng bangka sa Pilipinas, ang tanging ginagamit sa mahahalagang ritwal ng bayan. Sa mga ritwal laban sa

pagkakasakit o pagkalunod, ang mga kamag-anak ng namatay o may sakit ay isinasakay sa barangay kasama ang baylana o punong pari na babae. Sa lugar na tinukoy ng baylana, kanilang itatapon ang ilang mga gamit bilang alay kasabay ng pag-usal ng mga panalangin upang mailigtas ang may sakit at gawaran ito ng proteksyon at pagpapala ng mga nuno (Loarca 129). Sa ritwal na kibang, kung saan ang mga nabubuhay ay sinusubukang makipag-ugnayan sa kanilang mga namatay na ninuno, sumasakay sa bangkang barangay ang mga kaanak at sa pamamagitan ng baylan tatawagin ang mga nuno; sa sandaling gumalaw ang bangka o nag-kibang, nangangahulugang tumutugon ang anito/nuno. Sa ritwal ng pag-aanito ng mga Tagalog, isinasagawa ito sa bahay ng dato na sadyang iniayos ang mga bahagi ng tahanan katulad sa mga bahagi ng bangkang barangay (Plasencia 186). Ginagawa naman ng mga Pintados ang ganitong pag-aalay bago ang paglulunsad ng pangungubat o pangayao (Loarca 133). Bukod sa pag-aanito, ginagamit din ang bangkang barangay sa ritwal ng pagdaga at sa baklag. Sa ginawang salin ni Lietz (74) sa akda ni Alcina (193) natukoy ang ritwal ng pagdaga na pag-aalay sa diyos na si Humalgar, na isang ahas, at ang layunin ay maisalin sa mga mandirigmang makikilahok sa digma/pangayao ang tapang at bangis nito. Ang baklag naman ay pag-aalay ng dugo sa kilya ng bangkang barangay bago ito ilunsad sa tubig. Ang ritwal ay kinapapalooban ng paghahanay ng isa o higit pang aliping bihag sa digma kasama ng mga bilog na trosong dadaanan ng bangka papunta sa tubig. Sa pamamagitan nito napipitpit ang katawan ng alipin at pumapahid ang dugo sa kilya ng bangka. Layunin nito na gawing matatag ang bangkang barangay at katakutan ito ng kaaway. Ginagawa din ang baklag upang pagalingin at manumbalik ang lakas ng may sakit na datu na nagmamay-ari ng bangkang barangay na ginagamit sa ritwal. Pagsapit ng panahon sa ilalim ng kolonyalismong Kastila, ang mga baylan, kasama na ang mga kababaihang may natatanging kapangyarihan sa bayan, ay nabansagang mga bruheria o mambabarang (sa ingles ay witches o mga kababaihang nagsasagawa ng witchcraft ) na may kakayanang magpadala ng pasakit sa mga taong kanilang kinamumuhian sa pamamagitan ng mga ritwal sa ilalim diumano ng impluwensiya ng mga demonyo . Dapat tandaan na bahagi ng kampanya ng pananakop ang demonisasyon ng mga katutubong paniniwala, lalu na aspetong panrelihiyon, kasabay ng degradasyon ng estado ng mga kababaihan sa lipunan. At, ang barang o pambabarang ay maaaring biktima ng gayong kampanya na nauwi sa pagkakaroon nito ng negatibong konotasyon. Ang ugnayan sa pagitan ng barang at kababaihang namumukod tangi, at ang ugnayan ng mga binokot/linamin/ba I sa bangkang barangay kasabay ng sagradong papel ng barangay sa mga ritwal, ay nagpapahiwatig na maaari din na may koneksyon ang katagang barangay na pantukoy...


Similar Free PDFs