Epekto ng teknolohiya sa mag aaral PDF

Title Epekto ng teknolohiya sa mag aaral
Author Dionne Philip Amparo
Course Consumer behavior
Institution University of Pretoria
Pages 32
File Size 490.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 154
Total Views 793

Summary

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOKABANATA IIntroduksyonMaituturing na isa sa nangungunang unibersidad ang PambansangPamantasan ng Batangas pagdating sa kursong Inhenyeriya. 2015, ginanap ang “Mechanical Engineering Board ExaminatiNoong Setyembreon” at nakamit ngnasabing unibersidad ang ikalawang puwes...


Description

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon Maituturing na isa sa nangungunang unibersidad ang Pambansang Pamantasan ng Batangas pagdating sa kursong Inhenyeriya. Noong Setyembre 2015, ginanap ang “Mechanical Engineering Board Examination” at nakamit ng nasabing unibersidad ang ikalawang puwesto pagdating sa porsyento ng bilang ng

mga

nakapasa

sa

lahat

ng

kumuha

ng

pagsusulit

na

ito.

[(http://attracttour.com/2015/10/top-performing-top-performance-of-schools-forseptember-2015-mechanical-engineer-me-cpm-board-exam-results/)].

Hindi

maitatanggi at maipagkakaila ang husay ng unibersidad pagdating sa larangan ng inhenyeriya. Marami sa mga mag – aaral sa kasalukuyang panahon ay makabagong teknolohiya ang nagsisilbing instrument upang mapag – aralan at malaman ang mga dapat aralin sa bawat kurso at nabibilang ang mga mag – aaral ng BSU – Lipa dito. Gamit ang iba’t ibang gadyet at networking sites, mas madaling naibabahagi ng mga guro at mga kamag – aaral ang mga ideya na kanilang naiisip. Mas madaming impormasyon ang makukuha sa tulong ng mga networking sites at bulwagan ng Internet. Ginagamit ito ng mga guro upang mas maengganyo ang mga mag – aaral na makapag – aral ng ayos dahil kung

1

makalumang paraan pa rin ang gagamitin, hindi na magiging epektibo ng ganoon katulad ng dati. Sa tulong ng pag – aaral na ito, malalaman natin ang paraan na ginagamit ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students sa kanilang pag – aaral upang makatulong ito sa iba pang mag – aaral at magsilbing gabay ito upang mapataas ang kanilang marka sa mga pangunahing kurso na kanilang kinukuha.

Mga Layunin ng Pag – aaral Layunin ng pamanahong papel na ito na magbigay impormasyon at magsilbing gabay sa mga mag – aaral upang malaman ang mga epektibong pamamaraan para sa mas magandang resulta ng pag – aaral sa mga pangunahing kurso ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students. Bibigyang kasagutan nito ang mga sumusunod na tanong: 1.

Nakakaapekto ba ang paraan ng pagtuturo ng guro sa kanilang pag –

unawa ng mga mag – aaral sa mga paksang tinatalakay? 2.

Nakatutulong ba ang pag – aaral kasama ang mga kaibigan o mas

nanaisin na mag – aral mag – isa? 3.

Mayroon bang mahalagang relasyon ang profile ng tumutugon sa paraan

ng pag – aaral?

2

4.

Anong epektibong paraan ng mga mag – aaral upang mas mapalawig ang

pag – aaral kaakibat ang makabagong teknolohiya?

Kahalagahan ng Pag – aaral Mag – aaral. Magsisilbing gabay ito para sa mga mag – aaral kung ano ang maaring gamiting paraan ng pag – aaral ng mga kursong kanilang kinukuha. Sa pamamagitan din nito, mapapadali para sa kanila ang pag – aaral sa mga kurso kung saan sila nahihirapan. Instructor. Para mabigyang ideya sila sa kung ano ang pinakaepektibong paraan na maari nilang gamitin sa pagtuturo sa bawat mag – aaral. Mas mapapadali ang kanilang pagtuturo at makakaisipp sila ng paraan na makakatulong sa mga mag – aaral upang mapadali ang kanilang pag – unawa. University Guidance Counselor. Ang magiging resulta ng pag – aaral na ito ay makatutulong hindi lamang para maunawaan ang mga paraan na ginagamit ng bawat mag – aaral kundi pati na rin mas malalaman nila kung ano ang magsisilbing pokus ng kanilang mga seminar na maaaring pangasiwaan. Susunod na mananaliksik. Maaaring gamitin ito bilang patotoo sa mga pag – aaral na kaugnay nito. Tagasaliksik. Upang mabigyan ng ideya at teknik para mas mapataas ang marka at mapadali ang pag – aaral kalakip ang mga paraan na natuklasan sa tulong ng pag – aaral na ito. 3

Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral Nakapaloob sa pag – aaral na iyo ang mga paraan ng pag – aaral na ginagamit ng bawat mag – aaral ng Association of General Engineering Students ng Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa Kampus sa kanilang mga pangunahing kurso kaakibat ang makabagong teknolohiya. Tatalakayin sa pag – aaral na ito ang epekto ng paraan ng pagtuturo ng guro sa pag – unawa ng mga mag – aaral sa mga paksang tinatalakay, epektibong pag – aaral kasama ang mga kaibigan o mas nanaisin na mag – aral mag – isa, relasyon ng profile ng tumutugon sa paraan nito ng pag – aaral, at mga epektibong paraan upang mas mapalawig ang pag – aaral kaakibat ang makabagong teknolohiya. Magsisilbing tagatugon ang mga mag – aaral na kumukuha ng programang General Engineering na mula sa una at ikalawang antas.

4

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Literatura Ayon kay Mark Gilly (2000), ang mga matagumpay na estudyante ay nababalanse ang sosyal na aktibidad sa mabuting study habits. Ang pagdadaybert mula sa pag – aaral ay nakakabawas ng istres at nakakaiwas sa pagkakapagod. Sabi niya, dapat sa isang estudyante kailangang magkaroon ng break time ng isang oras pagkatapos ng pag-aaral para makisalamuha ang mga kaibigan: maglaro ng baraha, magwork – out sa gym o makipagkilala sa ibang tao. Sa ganitong paraan, ang estudyante ay nagkakaroon ng konsentrasyon sa pag-aaral pag may plano siyang sosyal na aktibidad pagkatapos. Dagdag pa ni Gilly, “Para madebelop ang isang magandang sosyal na pamumuhay, dapat madebelop ang isang magandang malagiang study habits. Pagkatapos ng hapunan, dalhin ninyo ang inyong aklat sa silid aralan, humanap ng komportable at payapang lugar at mag – aral ng dalawa hanggang tatlong oras na may break na sampung minuto kada apat na put limang minuto”. Ang pakikipagkaibigan sa mga taong may similar na study habits at pagsabay sa kanila sa silid aralan ay isa sa pinakamabuting paraan ng pagdedebelop ng study habits. Ayon kay Jesslyn Reinecke (2007), ang kasanayan sa Time Management ay isang magandang predictor ng mabuting akademikong perpormans, at ito ay sinusuportahan ng mga pag – aaral. Nagpapakita sa isang pananaliksik na ang 5

epektibong estratehiya sa time management ay nagpapataas ng akademikong perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dagdag pa rito, ayon sa isang pag-aaral na ginawa para malaman kung saan sa dalawa time management o paglilibang ang epektibo sa pagpapababa ng stress sa pag aaral, ang time management ay mas mabisa sa pagpapababa ng stress kumpara sa paglilibang. Dahil dito, ang mga estudyante ay hinhikayat na dumalo sa mga seminar tungkol sa time management. Ang maayos na paggamit nito ay nakakatulong sa ibang aspeto ng akademikong pag-aaral: sa pagpaplano, sa paggawa ng mga requirements at sa araw-araw buhay estudyante. Ayon sa Law of Proximity ng Gestalt Psychology, ang mga porma ay nagugrupo ayon sa paraan ng kanilang pakakaespasyo, kung saan ang naglalapit na bagay ay mas madali na igugrupo kaysa sa nalalayo (Tria, et. Al., 1998). Sa pagkatuto, ito ay sumasaklaw sa pagkakalapit ng mga bagay ayon sa espasyo

o oras.

Ito rin

ay

nagpapaliwanag kung

bakit masmadaling

natatandaan ang mga sariwang kaganapan at mas madaling sumali sa interes ng kasalukuyan. Sa aplikasyon ng proseso ng pagkatuto, ang regular na study periods at paggawa ng mga requirements ay madalas na magresulta sa mas mahusay

na

pagganap kaysa sa

naantala

at

mali-maling

study

periods. Ang Law of Exercise ni Thorndike ay sumusuporta sa prinsipyong ito. Ang mas madalas na paggamit ng isang modipikadong koneksyon sa pagitan ng isang sitwasyon at tugon ay nakakalakas ng koneksyon. Ngunit pag ang modipikadong koneksyon ay hindi gaanong ginagamit sa loob ng mahabang

6

panahon, ang lakas ng koneksyon ay humihina. Kung kayat, ang regular na pagsanay at pag-ulit ng isang kaugalian ay humahantong sa habit formation.

7

KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsasaalang – alang sa pinakaangkop na disenyo ng pananaliksik, ang deskriptib – analitik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mananaliksik sa pag – aaral na ito ang paraan na isinasagawa ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students sa kanilang pag – aaral sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Mga Respondente Tatlumpung (30) mag – aaral na kumukuha ng programang General Engineering sa Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa Kampus ang napiling tagatugon sa pananaliksik na ito. Nabibilang sa iba’t ibang pangkat at seksyon ang mga napiling respondent na nasa parehong programang kinukuha ng tagapagsaliksik upang mas mapadali ang pagsasagawan ng sarbey. Ginawa ito upang magkaroon ng representasyon ang mga pangkat at maiwasan ang pagkiling. Talahanayan 1 Distribusyon ng mga Respondente Respondente GE – 121 GE – 122 GE – 124 GE – 221 GE – 222

Bilang 5 5 5 5 5 8

GE – 224 Kabuuan

5 30

Instrumento ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Naghanda ang mananaliksik ng sarbey – kwestyoner upang mabigyang kasagutan ang mga piling katanungan at upang malaman ang pananaw ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students at ang mga kaalaman na kaakibat ng paksa.

Tritment ng mga Datos Sa kadahilanang ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag – aaral, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas na istatistika. Pagtatally lamang at pagkuha ng porsyento ang kinailangang isagawa ng mananaliksik.

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Tinatalakay sa kabanatang ito ang deskripsyon sa mga resultang ginawa upang malaman ang sagot sa mga katanungan tungkol sa Paraan ng pag – aaral 9

ng mga mag – aaral ng Association of General Engineering Students ng Pambansang Pamantasan ng Batangas – Lipa Kampus sa kanilang mga pangunahing kurso kaakibat ang makabagong teknolohiya . Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang interpretasyon sa mga impormasyong nakalap. 1. Kaalaman tungkol sa “Paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng pangunahing kurso” 1.1

Makikita sa Grap 1 ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag –

aaral ng mga pangunahing kurso. Ipinapakita ang interpretasyon sa tindi ng pagsang-ayon sa bawat pangungusap na nakalagay sa talatanungan batay sa persepsyon ng bawat respondente. Makikita dito ang bilang ng mga respondenteng sumagot kung gaano sila lubos na sumasang-ayon at sumasangayon lang. Labing apat (14) na respondente ang nagsasabi na sila ay lubos na sumasang ayon na ang makabagong teknolohiya ay magagamit sa pag – aaral ng pangunahing kurso at Labing anim (16) na respondente ang nagsasabi na sila ay sumasang-ayon lang sa nasabing sanhi. Kung makikita sa nakalap na datos patunay lang na totoong magagamit ang makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng bawat isang mag – aaral sapagkat tatlumpu (30) na respondente ang sumasang ayon sa nabanggit na kadahilanan. Grap 1 Paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng pangunahing kurso

10

16 14 12 10 8 6 4 2 0

s bo u L

na

g an as m Su

n yo a -

g an as m Su

n yo a -

n yo a -

i nd Hi

i nd Hi

g an as m Su

g an as m Su

n yo a -

na s o b Lu bilang ng mga mag-aaral

2. Pagpapadali ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral 2.1

Sa Grap 2 nakatala kung ano ang naging persepsyon ng mga mag – aaral

hinggil sa tulong ng makabagong teknolohiya upang mas mapadali ang pag – aaral. Batay sa sagot ng mga respondente, Labing pito (17) ang lubos na sumasang – ayon na napapadali ng makabagong teknolohiya ang pag – aaral. Sampu (10) naman ang nagsasabi na sila ay sumasang – ayon sa nasabing tulong nito. Habang sa kabilang dako, may tatlo (3) ang nagsasabi na hindi sila sumasang – ayon sa pahayag na nakakatulong ito sa pag – aaral ng bawat mag – aaral.

Grap 2 Pagpapadali ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral

11

18 16 14 12 10 8 6 4 2 0

s bo u L

na

g an as m Su

n yo a -

g an as m Su

n yo -a

iS nd i H

g an as um

s bo u L

n yo -a

na

i nd HI

g an as m Su

n yo a -

bilang ng mga mag-aaral

3. Persepsyon ng mga mag – aaral patungkol sa tulong ng mga sanggunian na nakukuha sa internet upang mabigyang kasagutan ang mga katanungan 3.1

Sa kasunod nag grap, ipinapakita ang tulong na naibibigay ng teknolohiya

sa pag – aaral ng mga pangunahing kurso. Nakatala sa Grap 3 na may anim (6) ang nagsasabi na sila ay lubos na sumasang – ayon sa pahayag na ito samantalang dalawamput dalawa (22) naman ang sumasang – ayon dito. Sa kabilang dako, isa (1) ang hindi sumang –ayon sa pahayag na ito at isa (1) rin ang lubos na hindi sumang – ayon sa pahayag na ito.

Grap 3 Tulong ng makabagong teknolohiya sa pagsagot ng katanungan

12

25 20 15 10 5 0

s bo u L

na

g an as m Su

n yo a -

g an as m Su

n yo a -

n yo a -

i nd Hi

i nd Hi

g an as m Su s bo Lu

na

g an s a m Su

n yo a -

bilang ng mga mag-aaral

4. Kahirapan sa pagpopokus sa pag – aaral tuwing gumagamit ng makabagong teknolohiya. 4.1

Makikita sa grap na ito ang pahayag ng mga mag – aaral hinggil sa

negatibong epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang pag – aaral. Sa nakalap na datos ng mananaliksik, labing dalawang (12) mag – aaral ang sumang – ayon na kadalasan ay hindi nagiging epektibo ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng mga pangunahing kurso. Labing anim (16) naman ang sumasang – ayon sa pahayag na ito ngunit may dalawang (2) mag – aaral ang hindi sumang – ayon patungkol dito.

Grap 4 Pokus sa pag – aaral tuwing gumagamit ng makabagong teknolohiya 13

16 14 12 108 6 4 2 0

s bo Lu

na

g an as m Su

n yo -a

g an s a m Su

n yo a -

i nd Hi

g an s a m Su

n yo a -

i nd Hi

g an s a m Su

n yo -a

na s o ub bilang ngL mga mag-aaral

5. Pagkaubos ng oras na maaaring ilaan sa pag – aaral 5.1

Makikita sa grap 5 ang maaaring sanhi ng paggamit ng makabagong

teknolohiya sa pagkonsumo ng mga mag – aaral sa oras na maaring magamit nila sa kanilang pag – aaral. Labing tatlong (13) respondente ang nagsasabing sila’y lubos na sumasang – ayon sa pahayag na nakakaubos ng oras ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng malaking oras na maaring ilaan ng mga mag – aaral sa kanilang pag – aaral ng mga paksang kanilang tinatalakay. Labing apat (14) ang sumang – ayon dito at tatlo naman sa tatlumpung (30) respondente ang nagsabing hindi sila sumasang – ayon patungkol dito. Ipinapakita lang ng mga nakalap na datos na ito na ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag – aaral ng mga pangunahing kurso ay labis na nakakaapekto sa pagkonsumo ng oras.

Grap 5 Pagkaubos ng oras na maaaring ilaan sa pag – aaral

14

14 12 10 8 6 4 2 0

s bo u L

na

S

g an as um

n yo -a S

g an as um

n yo -a

n yo -a

i nd Hi

i nd Hi

g an as m Su

g an as m Su

n yo -a

na s o b Lu bilang ng mga mag-aaral

6. Pagkuha ng limitadong kaalaman 6.1

Ang huling grap ay nagpapakita ng reaksyon ng mga mag – aaral

patungkol sa pagkalap ng mga limitadong kaalaman mula sa paggamit ng internet. Limang (5) respondente ang lubos na sumasang – ayon patungkol dito at labing dalawang (12) naman ang sumang – ayon. Habang may labing isa (11) ang hindi sumasang – ayon dito at dalawa (2) ang lubos na hindi sumasang – ayon. Batay sa naging resulta ng grap, patunay lang na ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay hindi sapat upang makakuha ng sapat na impormasyon sa paksang kanilang tinatalakay.

Grap 6 Limitadong kaalamang nakukuha

15

12 10 8 6 4 2 0

s bo Lu

na

g an as m Su

n yo -a

g an as m Su

n yo -a

i nd Hi

g an s a m Su

n yo a -

i nd I H

g an as m Su

n yo -a

na s o ub bilang ngL mga mag-aaral

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 16

Lagom Ang pag – aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin at pananaw ng mga mag – aaral na kumukuha ng programang General Engineering hinggil sa mga paraan na kanilang isinasagawa sa kanilang pag – aaral ng mga talakayin sa mga pangunahing kurso kaakibat ang makabagong teknolohiya. Gamit ang disenyong deskriptib – analitik, ang mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey – kwestyoner na pinasagutan sa tatlumpung (30) mag – aaral. Labing lima sa unang antas at labing lima sa ikalawang antas.

Kongklusyon Batay sa inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: 1.

Nakakaapekto ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa pgkatuto ng mag

– aaral sapagkat dito nakadepende ang kaalaman na makukuha ng mag – aaral sa isang kaukulang paksang tinatalakay. 2.

Malaki ang relasyon ng profile ng tumutugon sa paraan ng pag – aaral ng

isang mag – aaral sapagkat nakabase dito kung paano mangangalap ng impormasyon at kung anong istratehiya ang maaari niyang gamitin sa kanyang pag – aaral. 17

3.

Ang paggamit sa makabagong teknolohiya ng tama at naaayon

saintensyon ng mag – aaral kung bakit niya ito ginagamit ang mga epektibong paraan upang mas mapalawig pa ang pag – aaral. 4.

Kakulangan ang kawalan ng mga kagamitang pinapagana ng teknolohiya

sapagkat magsasanhi ito ng pagkalap ng kulang na impormasyon at mas kokonsumo ito ng malaking oras na maaaring gamitin ng mag – aaral pa sa iba pa niyang kailangang gawin.

Rekomendasyon Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod: 1.

Para sa kinauukulan katulad ng CHED, kinakailangang bigyang pansin

ang mga paraan na maaring gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng mga paksang tinatalakay sa pamamagitan ng masikap na pag – aapdeyt sa bawat isa. 2.

Para sa mag – aaral, maging mulat sa mga paraan na maaring gamitin

upang mas maging epektibo ang pag – aaral na ginagamit sa kanilang pagkatuto sa mga paksa. 3.

Para sa mga guro, pagbibigay ng pinakaepektibong paraan upang mas

mapalawak ang talakayan upang maging pamilyar ang mga mag – aaral at tumatak ng husto sa kanilang isipan.

18

Listahan ng mga Sanggunian Hanguang Elektroniko http://www.gmanetwork.com/news/story/301200/news/nation/batangas-state-uwith-highest-passing-rate-in-mech-engineering-board-exam 19

http://attracttour.com/2015/10/top-performing-top-performance-of-schools-forseptember-2015-mechanical-engineer-me-cpm-board-exam-results/ http://www.wired.com/2008/03/top-5-reasons-i/ https://www.scribd.com/doc/102337296/

Apendix A Marso 1, 2016 Mahal kong mga respondent: Malugod na pagbati!

20

Ako po ay mag – aaral sa Filipino 102 at kumukuha ng kursong General Engineering sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, Lipa Kampus. Kasalukuyan akong nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa paksang PARAAN NG PAG – AARAL...


Similar Free PDFs