Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Sex Education DOCX

Title Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Sex Education
Author Kathleen Regis
Pages 65
File Size 144.5 KB
File Type DOCX
Total Downloads 26
Total Views 977

Summary

1 KABANATA I Kaligiran ng Pag-aaral Panimula Lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami ang kaso ng mga kabataang nasasangkot sa ‘pre-marital sex’ ; isang uri ng pakikipagtalik na kinabibilangan ng isang tao o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ayon sa 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAF...


Description

1 KABANATA I Kaligiran ng Pag-aaral Panimula Lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami ang kaso ng mga kabataang nasasangkot sa 'pre-marital sex' ; isang uri ng pakikipagtalik na kinabibilangan ng isang tao o ng mga taong hindi pa naikakasal. Ayon sa 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAFS4 na isinagawa ng UP Population Institute, isa sa tatlong kabataang Pinoy edad 15-24 taong gulang ay nakikipagtalik na. Katumbas umano ito ng 6.2 milyon kabataang Pinoy na kumakatawan sa 32 porsyento. Ang naturang datos ay tumaas umano ng 14 porsyento mula sa resulta ng pag-aaral may dalawampung taon na ang nakakalipas. Napag-alaman din na apat sa 100 kabataan ang nakipagtalik umano sa taong nakilala lang nila sa internet o naging textmate. Nakakabahala din umano na karamihan sa mga umaming sumasabak sa pre-marital sex ay walang proteksyon kapag nakikipagtalik na ang resulta ay pagbubuntis ng wala sa plano at posibleng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases o STD. Ang 'teenage pregnancy' o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu sa Pilipinas. Sa tala ng United Nations Population Fund- Philippines o UNFPA (2014), 1 sa bawat 4 na kabataang babae sa Pilipinas ang nagiging batang ina. Pitumpong porsyento ang itinaas ng bilang ng kaso ng maagang pagbubuntis sa loob ng isang dekada, ayon pa sa UNFPA. Samantalang ang STD ay isang karamdamang nakakahawa, karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong may impeksiyon. Ang STD ay nakapipinsala sa kalusugan at maaring makapinsala rin sa pagkakataong magkaanak sa hinaharap. Dahil sa kahirapan na makolekta ang eksaktong datos, hindi tiyak ang bilang ng mga taong may...


Similar Free PDFs