PAG Aaral UKOL SA Epekto NG Cyberbullying PDF

Title PAG Aaral UKOL SA Epekto NG Cyberbullying
Course Thesis Writing II
Institution Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines
Pages 13
File Size 102.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 135
Total Views 1,009

Summary

Siena College of Taytay Taytay, Rizal Integrated Basic Education AY 2016-PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MGA MAG-AARAL NGSIENA COLLEGE OF TAYTAYStephenie Van M. Gonzaga Precious Gem Loren J. Tuazon Wiwona May L. Aragon Marso, 2017DAHON NG PAGPAPATIBAYAng papel-pananaliksik na pinamagata...


Description

Siena College of Taytay Taytay, Rizal Integrated Basic Education AY 2016-2017

PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MGA MAG-AARAL NG SIENA COLLEGE OF TAYTAY

Stephenie Van M. Gonzaga Precious Gem Loren J. Tuazon Wiwona May L. Aragon Marso, 2017

PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MGA MAG-AARAL NG SIENA COLLEGE OF TAYTAY

Papel na iniharap sa mga kaguruan ng Siena College of Taytay.Taytay, Rizal.

Isang bahaging kailangan sa pagtatamo ng pag-aaral ng Filipino 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Stephenie Van M. Gonzaga Precious Gem Loren J. Tuazon Wiwona May L. Aragon Marso, 2017

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang papel-pananaliksik na pinamagatang Pag-aaral Ukol sa Epekto ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral ng Siena College of Taytay, ay inihanda at isinagawa ni/nina Stephenie Van M. Gonzaga, Precious Gem Loren J. Tuazon at Wiwona May L. Aragon, bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng pag-aaral ng Filipino-11 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Tinanggap bilang bahaging kailangan sa pagtatamo ng pag-aaral ng Filipino-11 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Petsa

Guro

Lagda

PASASALAMAT Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng aming pag-aaral na ito. Nang dahil sa kanila mas lalo pang lumawak ang aming kaalaman. Kung hindi dahil sa tulong nila hindi kami makakakuha ng mga impormasyon na makakatulong para maipabahagi din sa iba.

Kay Gng. Cornelia Lucero ang aming pinakamamahal na guro sa Pagbasa at Pagsuri ng Filipino 11 kami ay lubusang nagpapasalamat sa walang sawang pagsuporta at pag- unawa na ibibinigay ninyo sa amin sa paggawa ng aming panahong papel kayo ang gumabay sa amin upang matapos ang aming pananaliksik.

Sa aking mga kaibigan na tumulong at nagbigay ng kanilang mga saloobin na nakatulong din sa amin upang matapos ang aming pananaliksik patungkol sa Cyberbullying. Nang dahil sa kanilang karanasan at kaalaman naging maganda ang resulta ng aming pananalksik.

Sa aming magulang na tulong at umintindi dahil sa aming pagiging abala sa gawaing ito. Sa tulong ng kanilang pinansyal hindi man ito gaano kalaki ay nakatulong pa din ito upang matapos ang aming gawain kami po ay nagpapasalamat sa inyo.

At higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil kahit gaano kahirap ang dinanas namin nandiyan pa din siya upang palakasin ang aming loob na matapos ng maayos ang pananaliksik na ito.

PAGHAHANDOG Ang Pananaliksik nito ay hinahandog namin sa mga estudyanteng nakakaranas ng “Cyberbullying” sapagkat ang mga batang ito ay naging matatag upang harapin ang kanilang mga problema at suliranin sa buhay. Sila din ang naging inspirasyon namin upang matapos ang pananaliksik na ito.

Ito ay taos puso naming inihahandog kay Gng. Cornelia Lucero na walang sawang sumuporta at umunawa saamin. Siya ang nagbigay ng gabay upang matapos ng maayos ang aming panahon papel.

Inihahandog din naming ito sa aming mga magulang na patuloy na umaalalay at gumagabay sa lahat ng aming ginagawa. Ito din ay aming inihahandog sa aming paaralang Siena College of Taytay dahil kami ay nabigyan pagkakataon na makapasok at makapag- aral sa paaralang ito .

Inihahandog din naming ang pag-aaral na ito para sa mga magulang ng mga biktima ng “Cyberbullying” sapagkat nais namin silang bigyan ng paalala na kung ano man ang maging resulta ng pag-aaral na ito, maging gabay na sila sa kanilang mga anak na nakakaranas ng “Cyberbullying”.

Inihahandog din naming ito sa Panginoong may Kapal na nagbibigay ng lakas at katalinuhan sa amin para ito ay maisagawa ng maayos.

ABSTRAK

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT NG MANANALIKSIK DAHON NG PAGPAPATIBAY DEDIKASYON PASASALAMAT PAGHAHANDOG ABSTRAK

KABANATA I : PROBLEMA AT ANG NILALAMAN Panimula Konseptong Balangkas Pahayag ng Problema Kabuluhan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Depinisyon ng Terminolohiya

KABANATA II : PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG – AARAL Banyagang Panitikan Lokal na Panitikan Banyagang Pag-aaral Lokal na Pag-aaral

Pagbubuo

KABANATA III : ANG PARAAN NG PAGRISERTS Disenyo ng riserts Mga Tumugon sa Pag-aaral Lokal na Pag-aaral Instrumentong Pagtitipon ng Datos Prosidyur ng Pag-aaral Estatistikong Pagtatalakay

KABANATA IV : PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON Profile ng mga Tumugon Analysis ng mga Datos

KABANATA V : BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON Buod Konklusyon Rekomendasyon

Sanggunian Biblyograpiya

Mga Dahong Dagdag Dahon A : Liham ng Hiling Dahon B : Palatanungan Dahon C : Tally Sheet

Kurikulum Bita

KABANATA I : PROBLEMA AT ANG NILALAMAN Ang kabanata na ito ay naglalaman ng Problema at ang Nilalaman. Kabilang dito ay ang mga Panimula, Konseptong Balangkas, Pahayag ng Problema, Kabuluhan ng Pag-aaral, Saklaw at Limitasyon, Depinisyon ng Terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito.

Panimula Ang henerasyon na ito ay nahuhumaling sa teknolohiya. Maraming kabataan ang nagnanais na maki-isa sa mga bago sa panahong ito. Karamihan ay gustong maging sikat sa social media sa pamamagitan ng paglalagay ng mga saloobin, litrato o bidyo sa facebook. Nagdadagdag din sila ng mga kaibigan sa kanilang account kahit hindi nila ito mga kilala. Hindi nila ito pinapansin dahil ang nais lamang nila ay makakuha ng matataas na bilang ng “Likes”. Ngunit hindi lahat ng mga kaibigan nila sa facebook ay totoo. Ang iba ang patalikod na siyang pinag-uusapan. Kapag nakabuo na ng samahan ang mga bumabatikos sa isang tao sa facebook ay agad nila itong pagkaka-isahan sa pamamagitan ng pag-komento, pag-lalagay ng mga negatibong impormasyon sa isang tao at ito ang tinatawag na “Cyberbullying”

Ang Cyberbullying ay isang uri ng pananakot kung saan gumagamit ng teknolohiya ang mga nambibiktima tulad ng mga cellphone at kompyuter kasama na nito ang pag-gamit ng mga social media, pagpapadala ng mensahe, paglagay ng mga nakakahiyang litrato at bidyo. Maaari din gumawa ng pekeng account sa mga social media tulad ng facebook, twitter at instagram.

Ang pag-aaral na ito ay para malaman kung anong klaseng Cyberbullying ba ang naranasan nila. Anu-ano nga ba ang epekto ng cyberbullying sa mga ●





Simula

● sa

Proseso

kabataan Siena

Gumawa ng mga tanong Taytay at

gamit ang internet na may

pinagbabatayan.



College of

Humanap ng mga artikulo

katunayan na



para ipa-sagot sa mga kung

ilan na ba estudyante ng Siena College

ang

nakaranas of Taytay.







Kinalabasan Nalaman ang mga datos ukol sa dahilan, epekto at mga nakaranas na ng cyberbullying.

nito. ●















Konseptong Balangkas

Ang Konseptong Balangkas na ito ay pinapakita kung paano gagawin ang pag-aaral tungkol sa Cyberbullying. Ang unang gagawin ay ang maghanap ng mga artikulo at datos na



mapapakinabangan at may kaugnayan sa Cyberbullying. Ang sumunod naman ay ang mag-talaga o gumawa ng mga katanungan na ipapasagot sa mga mag-aaral ng Siena College of Taytay. Ang huling proseso naman ay ang kinalabasan o produkto ng pag-aaral na ito. Dito na natin malalaman ang kinalabasan ng ginawang pag-aaral sa tulong din ng mga estudyante ng Siena College of Taytay.

Pahayag ng Problema

Citation https://www.stopbullying.gov/cyberbullying/what-is-it/...


Similar Free PDFs