Sa Aking Pag-aaral PDF

Title Sa Aking Pag-aaral
Course Entrepreneurship
Institution Don Honorio Ventura Technological State University
Pages 2
File Size 63.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 25
Total Views 125

Summary

Sa Aking Pag-aaral ( Juliana D. Cabalatungan)...


Description

Sa Aking Pag-aaral Ang pag-aaral ang tanging kayamanan na hinding-hindi mananakaw ng nino man, iyan ang sabi ng mga nakakatanda, at kung saan ka man mapunta kung ang pag-aaral ay natapos panigurado na merong mga oportunidad, magiging madali na sa atin na humanap ng trabaho samahan lamang ng diskarte at tyaga. Sobrang importante ng pag-aaral sa akin dahil sa mga pinag dadaanan ko mahalagang matapos ko ito, lalo na’t ulilang ubos ako at danas ang hirap ng buhay tanging pag-aaral lamang ang tanging susi tungo sa ninanais kung tagumpay, pangarap ko ang makapag patayo ng sariling bahay para sa aking pamilya, magkaroon ng maayos ng trabaho ng may magandang sweldo at pangarap ko ring maibalik ang kabutihan ng mga taong tumutulong at gumagabay sa sakin sapagkat sila ang nagiging rason ng pagsusumikap ko ngayon. Mag mula ng ako ay nag simila ng mag kolehiyo mas akin ng nauunawaan ang kahalagahan nito, mas lalo kong ninanais na makapagtapos ng pagaaral dahil sa kagustuhan kong maiahon sa hirap ang pamilya ko at para sa aking kinabukasan bilang isang babae, kung sakali mang ako ay mag karoon ng sariling pamilya, hindi kona kakailanging umasa sa magiging kapareha ko sapagkat may kakayahan naman akong kumita. Maraming rason kung bakit mahalaga ang pag-aaral kaya nararapat talaga na matapos natin ito para sating kinabukasan, noong ako ay nakapagtapos ng senior high school akala ko ay hindi nako makakapag kolehiyo dahil wala naman akong magulang na magsusuporta ng pang martikula at mga ilang gastusin sa pag-kokolehiyo ngunit dahil sa ipinatupad na batas na Republic Act No. 10931 o “ Universal Quality Tertiary Education Act”, At sa tulong ng Pampanga State Agricultural University, ako ay nakakapag-aral ng libre sa kolehiyo, patunay lamang na hindi handa ang pagiging mahirap at ulilang lubos bagkus ito ay naging inspirasyon sakin. Totoong mahirap ang pag kokolehiyo na kahit anong kurso ang iyong napili ay mahirap parin, At para sakin kahit anong hirap ang ating nararanasan patuloy lang tayo na lumaban at magsumikap, wag mag papadala sa mga hirap na nararansan, palaging mag dasal upang magabayan sa bawat ginagawa, palagi natin isaisaip na ang lahat ng ating mga ginagawa ay para sa ating pamilya at sa ating kinabukasan, ito ang mga kalahagahan ng pag-aaral, nawa’y ipursige natin ito sapagkat

lahat ng pag hihirap tiyak na kaginhawaan ng kapalit kapag nakapagtapos tayo ng pagaaral....


Similar Free PDFs