Title | Layunin ng Pag-aaral |
---|---|
Author | Belle Cebu |
Pages | 2 |
File Size | 15 KB |
File Type | DOCX |
Total Downloads | 72 |
Total Views | 391 |
Layunin ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-impormasyon hinggil sa wikang Ingles bilang isang sagabal sa epektibong pakikipagtalastasan at nais sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Bakit maituturing na sagabal sa epektibong pakikipagtalastasan ang wikang Ingles? 2. Paano masusolusy...
Layunin ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-impormasyon hinggil sa wikang Ingles bilang isang sagabal sa epektibong pakikipagtalastasan at nais sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Bakit maituturing na sagabal sa epektibong pakikipagtalastasan ang wikang Ingles? 2. Paano masusolusyunan ang suliranin sa paggamit ng wikang Ingles sa epektibong pakikipagtalastasan? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay maniniwalang napakahalaga nito sa mga sumusunod: Sa mananaliksik, para matugunan ang tanong niya tungkol sa pagiging sagabal ng wikang Ingles. Sa respondent at mambabasa ng risirts, para mabigyang solusyon ang kanilang suliranin sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Ingles. Sa iba pang mananaliksik, upang may gabay sila hinggil sa paksa ng pamanahong papel na ito. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik ay nakatuon sa wikang Ingles at sa papel nito sa epektibong pakikipagtalastasan. Ginawa ang pag-aaral na ito sa College of the Holy Spirit Manila para malaman ang sentimyento at persepsyon ng mga estudyante mula sa ika-labinisang baitang ng akademikong taong 2017-2018 tungkol sa paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag-usap. Ang mga aspetong kinonsidera sa pananaliksik na ito ay ang wikang ginagamit, paraan ng pakikipag- usap, at ang mga nakasaad na problema at mga maaaring solusyon sa mga ito. Rationale Napili ng mananaliksik ang paksang, wikang Ingles dahil sa dalawang dahilan: 1. Sa makabagong panahon, ang wikang Ingles ay isa sa mga wikang madalas na ginagamit sa buong mundo ngunit kung minsa'y ito ay itinuturing na sagabal o pahirap sa mga taong nag-uusap o tinatawag na "language barrier". 2. Ang kabataang Pilipino o halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay hirap sa pakikipag-usap gamit ang wikang Ingles, hindi nila mailahad sa buong detalye ang kanilang sariling at kaisipan. Introduksiyon...