FILI 101 Notes - FILI PDF

Title FILI 101 Notes - FILI
Author tyn villaraza
Course Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Institution Batangas State University
Pages 9
File Size 156.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 43
Total Views 241

Summary

YUNIT 1: FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng kultura, at ng kalayaan. - Ito ang susi ng pagkakaisa at at tagumpay ng isang bayan - Ito ang naging sandata upang pag isahin ang mga nag aalab na puso ng mga mamamayang Pilipino Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino ...


Description

YUNIT 1: FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN -

-

-

Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng kultura, at ng kalayaan. - Ito ang susi ng pagkakaisa at at tagumpay ng isang bayan - Ito ang naging sandata upang pag isahin ang mga nag aalab na puso ng mga mamamayang Pilipino Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang Filipino ay buhay o matatawag na dinamiko - Dumaan ito sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika Sa modyul na isinulat ni Gonzales (n.d), may apat na facets ang sistema ng paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971) 1. Kodipikasyon’ 2. Pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin 3. Istandardisasyon 4. Diseminasyon o pagpapalaganap at elaborasyon o pagpapayabong nito

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA ● Nobyembre 1936 - Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. ● Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. ● Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. ● Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946 ang Wikang Pambansa Pilipino ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. ● 1946 hanggang 1954 - Idineklara ni dating Pangulong Sergio Osmena ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ito ay ginugunita mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 35. ● Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186.

● Agosto 12, 1959 - Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kailanman at tukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. ● Oktubre 24,1967 - Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay ipangalan sa Pilipino. ● Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. ● Agosto 7, 1973 - Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. ● Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. ● 1987 - alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino. Ito ay hindi batay sa pinaghalo-halong sangkap ng katutubong wika na umiiral sa bansa bagkus ito ay nucleus ng Pilipino at Tagalog. ● 1988 - Pinirmahan ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Bilang 19, na nagpatibay ng selebrasyon ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19. ● 1997 - Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041, idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto. -

Isinasaad ng Artikulo XIV Konstitusyon 1987, ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang Pambansa at ang magkadugtong na gampanin nito bilang wika ng opisyal na komunikasyon, at bilang wikang panturo sa Pilipinas - SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at \ - SEKSYON 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. - SEKSYON 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. - SEKSYON 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng wikang

-

pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, nag-uugnay at nagtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) - Itinatag upang magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas - Ganyakin ang mga iskolar at manunulat na itaguyod ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo tulad ng mga grant at award - Hinihikayat ang paglalathala ng iba’t ibang orihinal na obra at teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba’t ibang disiplina gamit ang Filipino at iba pang wika sa bansa

FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT/NG PANANALIKSIK - Ayon kay Manuel L. Quezon, sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.” - Ayon kay Dr. Pamela Constantino, propesor sa Filipino sa UP, “Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas, sa kaayusan at sa pagunlad ng lipunan - Sinabi naman sa artikulo ni Vitangcol III (2019) sa kanyang artikulong, “Ano ang Saysay ng Wikang Filipino,” na kahit ang dating Pangulong Aquino ay nagsabi na, “imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong makabayan. - Dagdag pa niya, “Wika ang dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin - Ang wikang Filipino ay wika rin ng edukasyon - Batay sa Gabay Pangkurikulum K-12 Basic Education, isasama ang Filipino bilang disiplina sa wika kung saan nilalayon nito ang pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakailanlan, kultural na literasi at patuloy

na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN - Tinalakay ni Gonzales (n.d.) sa kanyang Modyul na may titulong “Ang Pagpapayabong at Intelektwakisasyon ng Wikang Filipino: Mula sa Paninging Teoretikal, Historikal, at Sosyolohikal” ang modelo ng paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon (1971). - Ayon sa kanila, isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang elaborasyon o pagpapayabong nito na tinatawag ding intelektwalisasyon. - Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San Juan et al. (2019) ang kahalagahan ng intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang Filipino - ito ay ginagamit hindi lang sa tahanan, sa lansangan o sa pang-araw araw na buhay kundi bilang isang larangan sa edukasyon at pananaliksik. - Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M. Fernandez (2018), binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining, na mas magiging epektibo ang saliksik kung ito ay nasa wikang Filipino. - Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang pagpaplanong pangwika. - antas makro sa pagpaplanong pangwika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo - antas maykro sa pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa bawat lugar YUNIT 2: FILIPINO SA HUMANIDADES, AGHAM PANLIPUNAN AT IBA PANG KAUGNAY NA LARANGAN - Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito. - Nabanggit nina San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006), na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko. - Naniniwala ang marami na sa pamamagitan ng pagiging matatas sa paggamit ng Ingles, pasalita o pasulat, ay magbibigay ng malaking oportunidad na magkaroon ng maayos na trabaho na mag-aangat sa kanilang kalagayang ekonomiko na

-

-

maaaring maging daan upang magkaroon sila ng malawak na impluwensya sa lipunan at pulitika Ang De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng Sto. Tomas, UP at iba pa ay ilan lamang sa malalaking pamantasan at unibersidad na patuloy na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso sa pilosopiya, agham pampulitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at panitikan Register ay ang tawag sa mga set ng mga terminong ginagamit sa bawat larangan at maaaring magkaroon ng - Isang kahulugan lamang dahil eksklusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina’ - Dalawa o higit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o higit pang disiplina - Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito

LARANGAN NG HUMANIDADES - Ang pangunahing layunin ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao” - Ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na “ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito” (cont.) - Na dinagdagan ni Newton Lee sa pagsasabi na “sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di laman para magkaroon ng karera sa hinaharap” - Binubuo ng: - Panitikan (Wika teatro) - Pilosopiya (Relihiyon) - Singing (Biswal; pelikula, teatro at sayaw, applied; graphics - Industriya (fashion, interior) - Malayang sining (calligraphy, studio arts, art history, printmaking, at mied media) - Analitikal na lapit ay ginagamit sa pag oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga pag uugnay ng mga ito sa isa’t isa - Kritikal na lapit ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa idea - Ispekulatibong lapit ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat - Ilan sa mga halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit na ito ay deskripsyon o paglalarawan, paglilista, kronolohiya o

-

pagkakasunod-sunod ng pangyayari, sanhi at bunga, pagkukumpara at epekto Tatlong anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ayon kina Quinn at Irvings (1991) 1. Impormasyonal - maaaring isagawa batay sa sumusunod: a. paktwal ang mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa b. paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan c. proseso - binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging result na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika 2. Imahinatibo - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito 3. Pangungumbinse - pangganyak upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidensya at katwiran o argumento.

LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN - Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan - Gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondarya - Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay dayakroniko (historikal) at sinkroniko (deskriptibo) - Malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong Pranses (1789-1799) at Rebolusyong Industriya (1760-1840) - Kinikilala sa larangan ng Agham Panlipunan sina Diderot, Rousseau, Francis Bacon, Rene Descartes, John Locke, David Hume, Isaac Newton, Benhjamin Franklin, Thomas Jefferson, gayundin sina Karl Marx, Max Weber, Emilie Durkheim, at marami pang iba.

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan 1. Sosyolohiya - pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal

na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo. 2. Sikolohiya - pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na obserbasyon. 3. Lingguwistika - pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o pinagdaanang pagbabago ng wika. 4. Antropolohiya - pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participantobservation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik. 5. Kasaysayan - pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito. 6. Heograpiya - pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito. 7. Agham Pampolitika - pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal na pagaaral. 8. Ekonomiks - pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. 9. Area Studies - interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito. 10. Arkeolohiya - pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng 11. Relihiyon - pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan Pagsulat sa Agham Panlipunan - Ang sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat, at naglalahad

-

Karaniwang mga anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan ang report, sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo, rebyu ng libro o artikulo, niyograpiya, balita, editorial, talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik, komersiyal sa telebisyon, testimonyal at iba pa

Proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas. b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media, internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon at iba pa. e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis. f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko. g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas), angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat. h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda. PAGSASALIN - Ang “Pagsasalin” ay nagmula sa salitang Latin na translatio na translation naman sa wikang Ingles - Metafora o metaphrasis ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang sa salitang pagsalin - Ang pagsasalin ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na kaalaman sa larangan ng lingguwistika at gramatika Pakahulugan sa pagsasalin mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petra (2009): 1. Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo 2. Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita. 3. Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaing wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika. 4. Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.

Mga anyo ng sulatin Layunin ng Pagsasalin

1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika. 2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa. 3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin Uri ng Pagsasalin 1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha ng obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika 2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing layon YUNIT 3: FILIPINO SA AGHAM, TEKNOLOHIYA, INHINYERA, MATEMATIKA AT IBA PANG KAUGNAY NA LARANGAN INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO-TEKNIKAL - Noong pa mang dekada 60’s at dekada 80’s ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga siyentipiko. Ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST at ang “English-Pilipino Vocabulary for Chemistry” na nilikha ng magasawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa propesor sa kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas - Nabanggit nina San Juan et al., (2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya” - Dalawang proseso sa pagtatamo ng intelektwalisasyon ng wika sa akademya, linggwistiko at ekstra-linggwistiko - Unang Proseso: ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa pagdebelop ng akademikong diskurso, pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba’t ibang akademikong larang at ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larang - Pangalawang Proseso: ang pagbuo ng creative minority o significant others o ang mga intelektwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpapalaganap nito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo - Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasaFilipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika.

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham - Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na scientia na nangangahulugan ng karunungan - Higit na kilala sa tawag na agham - Tumutukoy sa sistematikong pag aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka a. Biyolohiya - Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya b. Kemistri - Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito c. Pisika - Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan. d. Eath science/Heolohiya - Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang...


Similar Free PDFs