Filipino sa Piling Larang Tech-Voc PDF

Title Filipino sa Piling Larang Tech-Voc
Author Vince Yuchengco
Pages 247
File Size 16.3 MB
File Type PDF
Total Downloads 189
Total Views 459

Summary

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at m...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc Vince Yuchengco

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc Kagamitan ng Mag-aaral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

i

Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc Kagamitan ng Mag-aaral Unang Limbag 2016 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang sinumang lalabag dito. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Corazon L. Santos Santos, PhD April J. Perez Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: Lilibeth Oblena Tagasuri ng Wika: Jayson Petras Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos Tagapamahala ng Kagamitan ng Mag-aaral Bureau of Curriculum Development Bureau of Learning Resources Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________ Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR) Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

ii

TALAAN NG NILALAMAN KABANATA 1: Ang Kawikaan sa Tech-Voc…………………..

1

Introduksiyon ……………………………………………………………………… 2 1. Mga Varayti ng Wika ………………………………………………………… 3 2. Ang Rehistro ng Pagluluto: Panimulang Pagsusuri ng Varayti ng Filipino sa Ilang Piling Cookbook ……………………………… 25 3. Pagsusuri sa Rehistro ng Wika ng mga Mananahi ………………………. 39

KABANATA 2: Manwal at Liham-Pangnegosyo ……………. 48

Introduksiyon …………………………………………………………..................49 4. Manwal  Manwal ng Anti-Korupsyon para sa mga SMEs ……………………... 50  Saklolo para sa mga Dayuhan sa Oras ng Sakuna at Kalamidad:  Manwal ng mga Katanungan at Kasagutan .................................... 65  Handbook ng Benepisyo ng mga Manggagawa Ayon sa Batas … 70 5. Liham-Pangnegosyo  Liham Kahilingan ……………………………………………………… 149  Liham Pag-uulat ………………………………………………………. 151  Liham Pagkambas ……………………………………………………. 154

KABANATA 3: Flyers/Leaflets, Promo Materials ………….. 156

Introduksiyon …………………………………………………………………… 157 6. Flyers/Leaflets  Tungkol sa mga Modern Methods ng Family Planning ……….... 158  Kalusugan ng Bata …………………………….. …………………… 160  Tamang Kaalaman sa Pag-aalaga ng Hayop ……………………... 162  Pag-aalaga ng Baboy sa Natural na Pamamaraan …………………164  Paano Mag-aapply para sa Supply/Paglilipat o  Transfer at Terminasyon ng Account …………………………………169 7. Promo Materials …………………….....………………………………...... 171

iii

KABANATA 4: Deskripsyon ng Produkto at Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto ………….....… 174

Introduksiyon ……………........................................................………… 175 8. Deskripsyon ng Produkto  Isang Espesyal na Durian ………………………………………. 176  Mga Uri ng Binhi para sa Organikong Paggulayan.......................... 178  Makina sa Pag-ani …………………………………………………… 182 9. Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto  Pagtanim ng Organikong Talong…………………………………. 187  Pag-install ng SIM Card at Baterya ………………………………… 190  Ang Paggawa ng Parol ………………………………………………. 192

KABANATA 5: Feasibility Study at Naratibong Ulat ……... 195 Introduksiyon ........................................................................................... 10. Feasibility Studies  Pagtatasa sa Pisibilidad ng Publiko-Pribadong Pagtutulungan (Public-Private Partnership)sa Lagay ng Kalusugan sa Pilipinas  Panukalang Upper Sepaka Micro-Hydropower Project ………… 11. Naratibong Ulat  Ulat Tungkol sa Pangkalahatang Orientation-Workshop sa Programang Abot-Alam …………………………………………  TESDA Sorsogon ……………………………………………….......  Hinggil sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Guro 2013 ng DEPSTEA ………………………………………………………..

196

197 202

210 216 218

KABANATA 6: Paunawa / Babala / Anunsiyo at Menu ng Pagkain ..................................................... 220 Introduksiyon ………………………………………………............. 221 12. Paunawa/ Babala /Anunsiyo  Babala ng PHILVOLCS ukol sa Bulkang Mayon………………….. 223  Babala Para sa iyong Kaligtasan ………………………………… 225  Anunsyo: Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan …………… 228  Talasalitaan: Isang Paglulunsad at Panayam ……………………. 231  Buwan ng Wika 2014 ……………………………………………….. 233 13. Menu ng Pagkain  Magluto Tayo ..…………………………………………………………. 236  P99 Food Trip Meals …………………………………………………. 239 Bibliograpiya………………………………………………………………………

iv

240

KABANATA 1. Ang Kawikaan sa Tech-Voc

1

Introduksiyon Bago pa talakayin ang iba’t ibang uri ng mga sulating panteknikalbokasyunal, napakahalagang malaman ng mga mag-aaral ang hinggil sa kalikasan ng wika at ang mga batayang konseptong may kaugnayan dito. Hindi maitatangging wika ang magsisilbing sandata ng mga mag-aaral upang makabuo ng mga sulating may kinalaman sa kanilang piniling larangan at espesyalisasyon. Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa sa wika tungo sa angkop at wastong pagbuo at pagpapakahulugan sa mga babasahing ihahain sa mga mag-aaral. Pasulat man o pasalitang paraan, ang wastong paggamit ng wika ang isa sa pangunahing batayan ng tagumpay at pagiging epektibo ng mensaheng nais iparating ng isang indibiduwal. Binubuo ang kabanatang ito ng mga babasahing isinulat ng mga guro at mag-aaral ng wika.Makatutulong ang pagkatuto ng mga varayti ng wika sa piniling larangan ng mga mag-aaral gayundin upang maunawaan ang iba’t ibang jargon nito. Bukod pa rito, may kalakip na babasahing tumatalakay sa rehistro ng wika sa pagluluto gayundin sa rehistro ng wika sa pananahi. Kaugnay nito, inaasahang makasulat at makasuri din ang mga mag-aaral sa hinaharap ng mga katulad na sulatin na may kaugnayan sa kani-kaniyang larangan.

2

1. Mga Varayti ng Wika Nilo S. Ocampo

Sa pagbabasa ng mga aklat na tumatalakay sa isang wika maaaring magkaroon ng ideya na tila na ang lahat ng mga tagapagsalita ng wikang iyon ay gumagamit sa wika sa unipormadong paraan. Ngunit dapat tandaan na ang bawat wika ay magkakaroon ng mahigit na isang varayti, lalo nasa anyong pasalita. Ang pagkakaiba-iba ay napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-araw na paggamit ng wika ng iba’t ibang komunidad na rehiyonal at panlipunan. Ganito mangyari pa ang binigyang daan ng mga dalubhasa, halimbawa ni George Yule (2010) sa kaniyang batayang aklat na The Study of Language. Isinaalang-alang niya matapos ang mga panimulang pagtalakay sa mga katangian ng wika, na may dalawang uri ito ng baryasyon. Una ang naimbestigahan sa pamamagitan ng geographic linguistics, nagdidiin sa mga rehiyonal na varayti, at ang ikalawa, ang mga sangkot na salik sa panlipunang baryasyon sa gamit ng wika. Karamihan sa sumusunod na pagtalakay ng paksang ito ay isinalin at/o hinalaw sa naturang awtor.

Ang Istandard na Wika Una, tukuyin natin ang partikular na varayti na karaniwang kahulugan kapag ginagamit ang mga pangkalahatang terminong tulad ng English, French, German, Chinese, Bahasa, Filipino at iba pa. Kapag inilalarawan natin ang mga tunog, salita at pangungusap sa Ingles at iba pang malaganap o pambansang wika, tumutuon tayo sa isang varayti lamang, karaniwang tinatawag na Standard English o Istandard Ganito/Ganoon. Ito ang varayting bumubuo sa batayan ng nakalimbag na Ingles sa mga pahayagan at aklat, sa mass media at ang itinuturo sa mga eskuwelahan. Ito ang varayting karaniwang itinuturo sa mga gustong matuto ng Ingles o iba pang wika bilang pangalawang wika. Ito rin ang varayting itinuturing ng ilang tao bilang tanging uri ng wastong Ingles at kasi nga, kailangang mapanatiling ‘dalisay’ o ‘puro’. Isang malinaw na bersiyon ng

3

punto de bistang ito ang institusyonalisado sa France kung saan isang pangkat ng mga iskolar, nakilala bilang French Academy, ang regular na nagkikita at nagpapasiya kung ang isang partikular na salita, halimbawa, ay bahagi ng Standard French o hindi. Sa mga pagtatangka nilang mapanatiling ‘puro’ ang French, karaniwang nagpapasiya ang French Academy laban sa mga salitang nahiram sa ibang wika. Sa kabila ng mga desisyong ito, nagiging palasak rin ang mga katawagang le whiskey at le weekend sa naiisip nating Standard French.

Punto (Aksent) at Dayalek Iniisip mo man o hindi na nagsasalita ka ng Standard English (o anumang wika), siguradong magsasalita kang may punto o aksent. Hindi totoong may punto ang ilang nagsasalita samantalang wala ang iba. Litaw o madaling mapansin ang mga punto ng ilang nagsasalita pero hindi naman sa iba, gayunman bawat gumagamit ng wika ay may punto. Sa gamit teknikal nito, ang terminong punto ay nakalimita sa mga aspekto sa pagbigkas na nagpapakilala sa indibiduwal na tagapagsalita kung saan siya galing, rehiyonal o panlipunan. Dapat ipagkaiba ito sa terminong dayalek na naglalarawan ng mga sangkap ng gramar at bokabularyo, gayundin ng aspekto ng pagbigkas. Halimbawa, tila pareho lang ang pangungusap na You don’t know what you’re talking about sa punto man na American o Scottish. Kapuwa gagamit ng anyong Standard English ang dalawang tagapagsalita, bagama’t magkaiba sa pagbigkas. Gayunman, ang susunod na pangungusap – Ye dinnae ken whit yer haverin’aboot – ay parehong kahulugan sa nauna, pero isinulat bilang aproksimasyon ng kung paano magsasalita ang taong may isang dayalek ng Scottish English. Siyempre, may mga pagkakaiba sa bigkas (hal. Whit, aboot) pero may mga halimbawa rin ng magkaibang bokabulayo (ken,haverin) at isang kaibang anyong gramatikal (dinnae). Samantalang madaling makilala ang mga pagkakaiba sa bokabularyo, mas hindi naitatala ang mga baryasyong dayalektal sa kahulugan ng mga kontruksiyong gramatikal. Halimbawa, ang isang palitan ng dalawang ispiker ng British English (B at C) at isang ispiker mula sa Ireland (A) na naganap sa Donegal, Ireland:

4

A. How long are you here? B. Till after Easter. (Mukhang nalilito si Ispiker A) C. We came on Dunaday. D. Ah, you’re here a while then. Malinaw na ang konstruksiyong “How long are you’re here” sa dayalek ni ispiker A, ay ginagamit na may kahulugang malapit sa estrukurang “How long have you been here,” gamit sa ibang dayalek kaysa sa interpretasyong panghinaharap na ginawa ni ispiker B. Sa kabila ng paminsan-minsang kalituhang ganito may isang pangkalahatang impresyon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ispiker ng iba’t ibang dayalek, o varayti ng Ingles. Ang importanteng puntong dapat tandaan ay mula sa punto de bistang lingguwistik, walang varayting ‘mas mabuti’ kaysa sa isa pa. Simpleng magkaiba lang sila. Mula sa punto de bistang panlipunan, mangyari pa, ang ilang varayti ay nagiging mas prestihiyoso. Sa katunayan, ang varayting nadevelop bilang Wikang Istandard ay karaniwang dayalek na prestihiyoso sa panlipunan, orihinal na konektado sa isang sentrong politikal o kultural (hal. London para sa British English, at Paris para sa French). Pero palaging may ibang varayti ng isang wika na sinasalita sa ibang mga rehiyon.

Mga Dayalek na Rehiyonal Malawak ang pagkilala sa pagkakaroon ng mga iba’t ibang dayalek na rehiyonal at madalas na pinanggagalingan ng ilang katatawanan sa mga naninirahan sa ibang rehiyon. Kaya, sa United States, isang taga-Brooklyn ang magbibiro tungkol sa depinisyon ng taga-South ng sex na sex is fo’ less than, sa pinakamagaling na gaya nito sa punto ng South. Ang taga-South naman, bilang ganti, ay magtataka kung ano ang tree guy sa Brooklyn, yayamang naringgan nila ang mga ispiker sa Brooklyn ng doze tree guys. Sa Pilipinas makikita ito sa mga patutsada kung ang tumatawag ba ay si Jiji o si Jeyjey o sa paghaharap ba ng ebidensya sa impeachment trial ni Pangulong Estrada, exhibit KiKiKi (tripul K) ang ilalabas. Malinaw na may kakabit na istiryotayp na bigkas ang ilang dayalek na rehiyonal.

5

Hindi ganoong kainteresado gayunman ang mga sangkot sa seryosong pagsisiyasat ng mga dayalek na rehiyonal sa mga gayong istiryotayp, at nag-ukol ng masinsing saliksik sa identipikasyon ng mga konsitent na katangian ng pananalitang natatagpuan sa isang survey na ito ng mga dayalekat tumatrabaho sa loob ng napakaispesifik na pamantayan sa pagtukoy ng mga katanggap-tanggap na mga informant. Kasi nga, importanteng malaman kungang taong kinukunan mo ng pananalita sa teyp recording ay tunay na tipikal na kinatawan ng dayalek ng rehiyon. Mas madalas mangyari tuloy na ang mga nakukuhang informant ng survey ng dayalek ay karaniwang nakahimpil, matatanda, rural, at lalaki. Napili ang mga ganitong ispiker dahil pinaniniwalaang mas kaunti ang mga impluwensiya sa kanila na galing sa labas. Isang di-kanais-nais na resulta ng paggamit sa ganitong kraytirya ay ang pagkalarawan ng dayalek na mas totoo sa isang panahong bago pa ang imbestigasyon, dati pa at hindi ang pangkasalukuyan o sa oras ng pagsisiyasat. Gayunman, sa mga ganitong paraan nakuha ang detalyadong impormasyon na nabuo bilang Lingguwistik na Atlas ng bansa – (hal. England) o mga rehiyon (hal. Ang lugar na New England ng U.S).

Isogloss at Dayalek na Hanggahan Tingnan natin ang ilang halimbawa ng rehiyonal na baryasyon sa isang survey, yaong nagresulta sa Linguistic Atlas of the Upper Midwest of the United States. Isa sa mga layunin ng ganoong survey ay tumukoy sa mga makabuluhang pagkakaiba sa pananalita ng mga naninirahanan sa iba’t ibang lugar at gawan ng tsart kung saan ang mga hangganan, sa puntong dayalek, sa pagitan ng mga lugar nito. Kung natuklasan halimbawa, ang karamihan ng mga informant sa isang lugar ay nag-uuwi ng kanilang halimbawa, ang karamihan ng mga informant sa isang lugar ay nag-uuwi ng kanilang groseri sa isang paper bag, karaniwang gumuhit ng isang linya sa mapa na maghihiwalay sa dalawang lugar, gaya ng naipapakita sa kalakip na ilustrasyon. Tawag dito sa linyang ito ay isogloss at kumakatawan sa pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na lingguwistik na aytem, gaya ng preferens ng pail sa hilaga ay bucket naman sa timog,isa pang isogloss na pwedeng mag-overlap ang maiguguhit. Kapag natipon na ganito ang ilang bilang ng isogloss, makakadrowing nang mas makapal.

6

Minnesota

North Dakota

South Dakota

Nebraska Iowa

- - - - = isoglass

= use of paper bag

+ = use of paper sack

Gamit itong impormasyon ng dayalek na hanggahan, makikita nating may isang lugar ng dayalek na panghilaga na kasama ang Minnesota, North Dakota, kalakhan ng South Dakota at Northern Iowa. Ang natitira sa Iowa at Nebraska ay nagpapakita ng mga katangian ng dayalek na Midland. Ilang mga kapansin-pansing pagkakaiba sa bigkas at bokabularyo ang nakalista dito. (taught)

(roof)

(creek)

(grave)

Northern:

[C]

[U]

[I]

[s]

Midland:

[a]

[u]

[i]

[z]

slippery

get sick

Northern:

paper bag

pail

kerosene

Midland:

paper sack

bucket coal oil

slick

take sick

Kaya, kung binibigkas ng isang ispiker ng American English ang salitang greasy bilang [grizi] at nag-uuwi ng groseri sa isang paper sack, hindi siya maituturing na lumaki at naninirahan nang matagal sa Minnesota. Dapat pansinin na ang mga anyong karakteristik na nakalista dito ay hindi ginagamit ng lahat ng nakatira sa rehiyon. Ginagamit ang mga ito ng mga malaking porsiyento ng mga taong nakapanayam para sa survey ng dayalek.

7

Ang Katuluyang Kontinuun na Dayalektal Isa pang pag-iingat ang kailangan. Matulungin ang pagdodrowing ng mga isogloss at dayalek na hanggahan sa pagtukoy ng malawakang pananaw ng mga dayalek na rehiyonal, pero napagtatakpan nito ang katunayang naghahalo-halo rin ang iba’t ibang varayti sa mga lugar dayalektal. Habang naiisip ito, puwede nating tanawin ang isang rehiyonal na baryasyon na nakalugar sa isang katuluyan o kontinuum, at hindi iyong may kapansin-pansing patlang sa magkakatabing wikang magkakaugnay sa mga politikal. Sa paglalakbay mula sa Holland tungong Germany, makakakita ka muna ng mga konsentrasyon ng mga ispiker ng Dutch, pagkatapos ay mga lugar kung saan naghahalo ang mga dayalek ng Dutch at German, hanggang sa mapunta sa mga lugar na mas maraming ispiker ng German. Isang kaparehong sitwasyon ang naidokumento sa tinatawag na kontinuum ng dayalek sa Scandinavian, na humahanga sa mga itinuturing na magkakaibang wika, kaugnay ng iba’t ibang bansa. Sa pananaw na ito, maituturing ang mga ispiker na Norwegian at Swedish na gumagamit ng ibang rehiyonal na dayalek ng iisang wika. Isang kampante sa pagsasalita sa kapuwa Swedish at Norwegian ay puwedeng tawaging bidialectical(‘nagsasalita ng dalawang dayalek’). Gayunman, dahil nag-uusap tayo tungkol sa karaniwang itinuturing na dalawang wika, ang ispiker na iyon ay mas tatawaging bilinggual (‘nagsasalita ng dalawang wika’).

Bilingguwalismo Sa maraming bansa, hindi lang simpleng dalawang dayalek ang rehiyonal na baryasyon, subalit isang bagay ng dalawang magkakaiba at magkalayong wika ang Canada, Halimbawa, ay bansang opisyal na bilingguwal, opisyal na wika kapuwa ang French at English. Hindi nagkaroon ng pagkilala sa istatus panlingguwistik ng mga tagapagsalita ng French, kalakhan sa Quebec, nang walang malaking sigalot pampolitika. Sa kalakhan ng kasaysayan nito, sa esensiya, nagsasalita sa Ingles ang Canada, na may maynoriting nagsasalita ng French. Sa gayong sitwasyon sa puntong indibiduwal, mas nagiging katangian ng maynoriti ang bilingguwalismo. Sa anyong ito ng bilingguwalismo, lumalaki ang isang miyembro ng maynoriti sa isang komunidad na lingguwistik, pangunahing pagsasalita sa isang wika tulad ng Gaelic (gaya sa kaso sa maraming taon sa Scotland) pero natuto ng 8

isa pang wikang tulad ng Ingles, para makabahagi sa mas malaki, mas dominanteng komunidad na lingguwistik. Ang indibiwal na bilingguwalismo, gayunman, ay simpleng resulta lang ng pagkakaroon ng dalawang magulang na magkakaiba ang wika. Kung sabay na nakukuha ng isang bata ang French na wika ng kaniyang ina at ang Ingles na sinasalita ng kaniyang ama, baka hindi man mapansin ang distinksiyon sa pagitan ng dalawang wika. Mayroon lang na dalawang paraan ng pagsasalita iyon sa taong kinakausap. Gayunman, dito rin sa tipong ito ng bilingguwalismo, lumilitaw ang isang wika bilang mas dominant, ang isa naman, napangingibabawan.

Pagpaplanong Pangwika Siguro, dahil karaniwang natatagpuan ang bilingguwalismo sa Europe at North America sa mga pangkat ng maynoriti, inaakala ang isang bansang tulad ng United States of America na isang magkakapar...


Similar Free PDFs