GABAY NG GURO PDF

Title GABAY NG GURO
Author Rommel Ramos
Pages 403
File Size 4.2 MB
File Type PDF
Total Downloads 201
Total Views 369

Summary

GABAY NG GURO PANIMULA: ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Markahan: Unang Markahan Bilang ng araw ng pagtuturo: 6 Aralin: A. Isyu at Hamong Panlipunan 1. Ang Lipunan 2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan A. MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO  MGA ARALIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO Natatalakay ang katuturan ng lipun...


Description

GABAY NG GURO PANIMULA: ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Markahan: Unang Markahan Bilang ng araw ng pagtuturo: 6 Aralin: A. Isyu at Hamong Panlipunan 1. Ang Lipunan 2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan

A. MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO MGA ARALIN Isyu at Hamong Panlipunan 1. Ang Lipunan 2. Istrukturang Panlipunan at mga Elemento Nito 3. Kultura 4. Isyung Personal at Isyung Panlipunan

1

KASANAYANG PAMPAGKATUTO  Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito  Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito  Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan  Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung panlipunan  Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan

Paalala sa Guro Mahalagang isaalang-alang ng guro na ang bahaging ito ng ay ginawa upang magbigay ng pangkalahatang tingin (overview) sa pagtalakay ng lipunan at ang mga isyu at hamong kinahaharap nito. Dahil dito, naiiba ang daloy ng pagtalakay sa ibang modyul na mismong tumutuon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan.

Ang apat na

modyul ay naglalaman ng mga bahaging katulad ng Alamin, Paunlarin, Pagnilayan, at Ilipat.

Subalit, dahil nga ang layunin ng bahaging ito ay

magbigay ng overview mapapansin na may bahagi itong naglalaman lamang ng

na Alamin, Paunlarin, Pagnilayan, at

Pagtataya.

Sa kabila nito,

naglalaman ito ng mga gawain sa iba’t ibang lebel sa pagkatuto na inaasahang makatutulong sa guro sa pagtaya sa mga natutunan ng mga mag-aaral sa paksa. Inaaasahan na ang mahusay na pagkatuto ng mga mag-aaral sa lipunan at mga isyu at hamong panlipunan ay makatutulong sa obhektibong pagtingin at pagtugon nila sa bawat isyu at hamong tatalakayin sa iba’t ibang modyul sa kabuuan.

Mahalagang sa bahaging ito ay maipaunawa sa

mga mag-aaral ang “Sociological Imagination”. Nararapat na makita nila na ang kanilang karanasan ay hindi iba o nalalayo sa mga isyu at hamong kinakaharap ng ating lipunan sa kasalukuyan. Bilang kabahagi ng lipunan, maaaring ang kanilang mga nararanasan ay may kaugnayan sa malaking kaganapang sa lipunang ating ginagalawan. Sa pagpapaunawa na ang lahat, kabilang

ang

mga

mag-aaral,

ay

may

ginagampanang

bahagi

sa

pagkakaroon ng mga isyu at hamong panlipunan samakatuwid, ang lahat ay mayroon ding kabahagi sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang ating nararanasan.

2

B. PLANO SA PAGTATAYA Mapa ng Pagtataya

Yugto ng Pagkatuto Alamin

Uri ng Pagtataya Gawain

( Diagnostic, Formative, Summative )

Gawain 1: Larawan- Suri Diagnostic

Gawain 2: Timbangin Mo Paunlarin

Pagnilayan at Unawain

Gawain 3: Photo Essay

Formative Formative

Gawain 4. Modified True or False

Formative

Gawain 5. Personal o Panlipunan?

Formative

Gawain 6. Pangatuwiranan mo!

Formative

Gawain 7. Awit-Suri

Formative

Gawain 8. Ako ay Kabahagi

Summative

C. MGA YUGTO NG PAGKATUTO Panimula Tinatalakay sa panimulang aralin na ito ang mga katangian ng lipunan. Mahalaga ito sapagkat kailangan munang malaman ng mag-aaral kung anoano ang mga bumubuo sa lipunan upang maunawaan ang ugat ng mga isyu 3

at hamon na ating nararanasan sa kasalukuyan. Binibigyang-linaw rin sa panimulang aralin na ito na ang mga personal na isyu ay nararanasan ng isang indibiduwal subalit kung ito ay nararanasan ng mas nakararami at nakaapekto sa lipunan sa pangkalahatan, maituturingn itong na isyung panlipunan. Tatalakayin sa kabuuan ng asignaturang ito ang mga isyu at hamon sa iba’t ibang aspekto ng lipunan katulad ng mga suliranin at hamon pangkapaligiran, isyung pangekonomiya, kasarian at lipunan (gender and society) at pagkamamamayan (citizenship). Naglalayon ang bawat aralin na maging mulat ang bawat mag-aaral sa mga isyu at hamong hinaharap ng lipunan at maging aktibong bahagi sa paglutas ng mga ito.

Panimulang Gawain 1. Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang Panimula at mga Gabay na Tanong sa Learner’s Module (LM.) 2. Ipatukoy ang mga aralin at saklaw ng modyul. 3. Ipaunawa ang Tsart ng mga Inaasahang Matututuhan sa Modyul at Mga Inaasahang Kakayahan.

Pre-Assessment Matrix Level of Assessment 4

What will I assess?

Multiple Choice Item/Constructed Response Item

Correct Answer and

Knowledge

Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

Explanation/ How will I score? A. lipunan. Ito ang batayang kahulugan ng lipunan na binaggit sa modyul

A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon Process/ Skills Nasusuri ang Para sa bilang na ito, bigyang-pansin istrukturang ang datos tungkol sa panlipunan at ang unemployment. mga elemento nito

Halaw sa National Statistics Coordinating Board (NSCB), 2013

2. Ipinakikita sa talahanayan ang C. Ang unemployment rate sa Pilipinas noong unemployment

ay bunga ng

5

2013. Alin sa sumusunod na pahayag pagkukulang

ng iba’t ibang institusyong panlipunan. ng

tungkol sa suliraning ito ang TOTOO? A.

Pangunahing

tungkulin

pamahalaan na mabigyan ng solusyon Ang mga isyu ang suliranin sa unemployment sa at suliraning Pilipinas. B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang

ng

iba’t

ibang

institusyong panlipunan D.

Nagkakaroon

ng

unemploymentrate

mataas dahil

na hindi

natutupad ng institusyon ng edukasyon at

ekonomiya

tungkulin

6

ang

kanilang

mga

panlipunan ay maaaring bunga ng kakulangan o kapabayaan ng mga institusyong panlipunan. Subalit, hindi masasabing ito ay kasalanan lamang ng isang institusyon, kadalasan ang isang suliranin ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan.

Process/Skills

Nasusuri ang Para sa bilang na ito, suriin ang kultura bilang larawan mahalagang bahagi ng pagaaral ng lipunan

B. Norms

3. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura? A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo

7

Ang pagsunod sa batas, tulad halimbawa ng batas trapiko ay isa sa mga norms na inaasahang sundin ng mamamayan upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan

Understanding

Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung panlipunan

Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan “Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.” 4.Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan? A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi. B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang. C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan. D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

8

B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

Understanding

Nasusuri ang Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng bawat bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015) isa sa pagtugon sa Sanggunian: mga isyu at http://michaelamacan.blogspot.com/20 15/09/tugon-ng-mga-kabataan-sahamong mga-isyu-ng.html panlipunang kinahaharap sa sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan Ako ay lubos na naghahangad kasalukuyan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

5. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan? A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

9

C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan

Hindi sapat na maging mulat o umiwas lamang na maging sanhi ng isyu at hamong panlipunan kundi dapat ay maging aktibong kabahagi ka nito upang ito ay mabigyan ng solusyon.

Table of Specifications: Pre-test Aralin/ Pamantayan sa Pagkatuto

Knowledge

Process/ Skills

Understanding

Total

Isyu at Hamong Panlipunan Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito

1

1

Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito

1

1

Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan

1

1

Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung panlipunan

1

1

Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan

1

1

2

5

Total

10

1

2

Aralin: Isyu at Hamong Panlipunan ALAMIN

Sa bahaging ito ay aalamin ang mga dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Bibigyang-pansin din kung ang mga magaaral ay may sapat na kaalaman tungkol sa lipunan, institusyon, at elemento ng kultura. 

Ipabatid sa mga mag-aaral na ang paksang tatalakayin sa bahaging ito ng unang markahan ay ang katuturan ng mga isyu at hamong panlipunan. Bigyang-tuon na bago ang pagtalakay sa isyu at hamong pangkapaligiran, mahalagang magkaroon sila ng kaalaman sa lipunan at mga bumubuo rito. Gayundin naman mahalagang matutunan nila ang pagkakaiba ng suliraning personal at suliraning panlipunan. Sa ganitong paraan, magiging obhektibo ang kanilang pagtingin sa lahat ng isyu at



hamong panlipunang tatalakayin sa lahat ng modyul. Hayaan

silang makapaglahad ng mga posibleng kasagutan sa mga tanong

upang maging gabay sa pagtuklas ng mga paksang dapat bigyang-diin. at unawain. Gawain 1. Headline-Suri Ang Gawain 1 ay “Headline- Suri”.

Ipasusuri ng guro ang ilang

headlines na nagtataglay ng iba’t ibang isyung panlipunan.

Layunin ng

gawaing ito na mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang isyu kinahaharap ng lipunan. Upang lalong mapalalalim ang pagsusuri ng magaaral, may mga inihandang pamprosesong tanong para sa gawaing ito.

Sundin ang sumusunod na panuto sa pagsasagawa ng gawain. 1. Ang gawaing ito ay maaaring ipagawa nang pangkatan upang magkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbahagi sa grupo. 11

2. Pagkatapos ipasuri ang larawan ay maaaring ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong na makikita sa kanilang modyul. 3. Hinihikayat kayo bilang guro na mag-isip ng mga pamamaraan kung paano isasagawa ang pagproseso ng gawain bukod sa paggawa ng isang malayang talakayan. 4. Mahalagang matukoy ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyu kung ito ay personal o panlipunan matapos ang gawain.

12

Unang Larawan

P18.4B in ‘Yolanda’ emergency aid distributed late By: Joey A. Gabieta, Nestor P. Burgos Jr. - @inquirerdotnet Inquirer Visayas / 05:35 AM November 07, 2015

Members of the Philippine military unload relief goods for those affected by Typhoon Haiyan at the airport in Tacloban. AP FILE PHOTO

Sangunian: Joey A. Gabieta. Inquirer. net. Retrieved April 4, 2016.

Ikalawang Larawan

DOLE order ending contractualization expected in February Labor secretary Silvestre Bello III wants to sign the department order on Valentine's Day, February14

13

NO TO ENDO. Workers belonging to the Nagkaisa Coalition march to Mendiola in Manila on January 4, 2016 to call on the government to end the practice of contractualization. File photo by Martin San Diego/Rappler

Sanggunian: Pasion, 2017. Rappler.com. Retrieved February 10, 2017

Ikatlong Larawan

Sanggunian: Sawatzky, 2016). cnn.com. Retrieved February 10, 2017

Ikaapat na Larawan

14

Human rights activists light candles for the victims of extra-judicial killings around the country in the wake of "War on Drugs" campaign by Philippine President Rodrigo Duterte in suburban Quezon city northeast of Manila, Philippines, Aug. 15, 2016. (AP/Bullit Marquez)

Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa headline na napunta sa inyo? Isulat ang mga ito sa diagram na katulad ng nasa ibaba. Sanggunian: Salaverria, 2017. TheJakartaPost.com. Retrieved February 10, 2017

2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakikita ng bawat headline? 3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

Mungkahing Gawain. Larawan- Suri Ang gawaing ito ay naglalayong masuri ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyung panlipunang kinahaharap ng ilang mga indibiduwal. Hihikayatin ang mga mag-aaral na tukuyin kung ang isang isyu ay personal at panlipunan.

15

Pamprosesong mga Tanong: 1. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na? Ano ang iyong naramdaman? 2. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang Suliraning Personal at Suliraning Panlipunan? Ipaliwanag. Sagutin ito gamit ang chart.

Suliraning Personal

Suliraning Panlipunan

Paliwanag

Paliwanag

3. Ano ano sa mga suliraning nabanggit ang mahirap uriini kung ito ba ay suliraning personal o panlipunan? Ipaliwanag. 4. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan? 5. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

16

PAUNLARIN Nagsimula ang pagtalakay sa bahagi ng Paunlarin sa pamamagitan ng pagpapabasa at pagpapasuri ng isang artikulo na tumatalakay sa isang isyu at hamong nararanasan sa ating lipunan.

Tungkol ang artikulo sa kalagayan ng

korupsiyon sa Pilipinas. Layunin nito na makapagbigay ng isang halimbawa ng isyu at suliraning panlipunan sa mga mag-aaral.

Matapos nito, tatalakayin sa

pamamagitan ng isang teksto ang konsepto ng lipunan upang maunawaan ito ng mga mag-aaral. Unang tatalakayin ang kahulugan ng lipunan, ang istrukturang panlipunan at mga elemento nito, at kultura bilang mahalagang aspeto ng lipunan. Matapos ang teksto, may mga inihandang gawain upang mataya ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinalakay.

Gawain 2. Timbangin Mo Matapos ang naging pagtalakay sa konsepto ng lipunan at ang iba’t ibang elemento nito, tatayain ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga inihandang gawain. Sundin ang

Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matututuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang kaalaman at konsepto tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan, mga bumubuo sa lipunan, at pagkakaiba ng elemento ng estrukturang panlipunan at kultura. Susuriin rin kung tama ba o mali ang kanilang mga panimulang sagot sa 

mga gawain Sa bahaging ito, ang guro ay magsagawa ng iba’t ibang gawain upang magkaroon ng malinaw at maayos na pagtatalakay sa aralin at matiyak na nagamit ang mga kasanayang makapagsuri, at makapagpaliwanag

 17

ng pag-unawa sa mga sanhi at bunga at wastong pagpapahalaga. Himukin din ang mga mag-aaral na suriin, pag-isipan, o baguhin kung kinakailangan ang mga naunang tanong, tugon, o palagay. Maaari ring magdagdag ng tanong na lalong makapagpapalalim sa pag-unawa sa paksa at makapagpapalitaw ang mga malalaking kaalaman (big ideas) na mahalaga sa kanilang pamumuhay.

sumusunod na panuto. 1. Ang gawaing ito ay isang formative assessment.

Tatayain sa

pamamagitan ng gawain na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay. 2. Iminumungkahing ipagawa ito sa mga mag-aaral ng indibiduwal upang mataya ang kaalaman ng bawat isa sa paksa. 3. Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawaing mabuti ang panuto bago sagutin ang gawain. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

_A_1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan. _C_2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga tanong may magkakawing na ugnayan at tungkulin. B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan _A_3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. _D_4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group. 18

B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa. _A_5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles. B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang socialgroup ay nakapagdudulot ng isyu at...


Similar Free PDFs