GE13 Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan (SINESOS) - Philippine Seas PDF

Title GE13 Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan (SINESOS) - Philippine Seas
Course Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan (SINESOS)
Institution Silliman University
Pages 6
File Size 347 KB
File Type PDF
Total Downloads 204
Total Views 346

Summary

GE 13SINESOSYEDAD/ PELIKULANGPANLIPUNAN (SINESOS)GE 13| SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)Gawain Blg. ___: Pagsusuri ng Dokumentaryo Pamagat ng Dokumentary: I-Witness: “Philippine Seas” Pangalan ng Dokumentarista: Atom Araullo Tema Isyung PangkalikasanPaksa ng dokumentaryoAng dokumentaryo...


Description

GE 13 SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)

Department of Filipino & Foreign Languages

GE 13|

Silliman University

SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)

Building Competence, Character & Faith

Gawain Blg.

___: Pagsusuri ng Dokumentaryo

Pamagat ng Dokumentary: I-Witness: “Philippine Seas” Pangalan ng Dokumentarista: Atom Araullo Tema

Isyung Pangkalikasan Ang dokumentaryo ito ay ipinapakita ang ibat ibang karagatan na mayroon tayo dito sa Pilipinas pati na rin ang mga impormasyon tungkol sa mga dagat na ito. Maaaring sa turismo, hanapbuhay o di kaya ay

Paksa ng dokumentaryo

ang dagat mismo at nilalaman nito. Naipakita din ng dokumentaryo ang buhay na mayroon ang mga mangingisda at ang kanilang realidad sa paghuli ng kanilang maibebenta. Naipapakita din dito ang mga dayuhan na illigal na humahayo sa ating bansa upang manghuli ng pawikan, pating at kung ano pang mga

Sinopsis ng dokumentaryo

lamang dagat nang maibenta din nila ang mga ito sa kanilng bansa. Ang dokumentaryo ay umiikot sa paglalakbay ni Atom Araulo sa iba’t ibang bahagi ng dagat sa Pilipinas sa loob ng sampung araw. Una niyang pinuntahan ang Tanon Strait na matatagpuan sa pagitan ng Negros Oriental at Cebu. Kaniyang pinuntahan ang Bais City upang makita ang mga dolphins pero hindi siya pinahintulutang lumangoy kasama ng mga dolphins dahil ipinagbabawal ito para na rin sa kaligtasan ng mga Dolphins. Binisita rin niya ang White Sand Bar na matatagpuan sa Manjuyod na malapit lamang sa Bais City. Lumusong si Atom sa karagatan ng Moalboal, Cebu na bahagi pa rin ng Tanon Strait upang makasamang lumangoy ang napakaraming sardinas. Itinuturing ito na pangkabuhayan ng mga tao ron. Ang General Santos City ay Tuna Capital ng Pilipinas ay pinuntahan din ni Atom Araullo, tumulong siya doon sa pagbubuhat ng mga mabibigat na sariwang mga tuna na bagong kuha pa lamang ng mga mangingisda. Hindi nagpahuli si Atom na tikman ang iba’t ibang pagkain sa Gensan lalong lalo na iba’t

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;[email protected] | www.su.edu.ph

Department of Filipino & Foreign Languages

Silliman University Building Competence, Character & Faith

ibang luto ng tuna. Ang tuna ay isa sa pinamabiling isda sa buong mundo kaya ginagawa lahat ng mga mangingisda na makahuli ng tuna. Sumama si Atom sa mga mangingisda upang makakuha lamang ng tuna, kaya nga lang habang nasa laot sila ay naabutan sila ng

masamang panahon. Sa kagustuhan ng mga mangingisda na makahuli ng maraming tuna ay pumupunta sila sa malayo para makakuha ng marami pa ngunit hindi nila namalayan na lumampas na pala sila sa boundary ng bansa. Kapag sila ay nakalampas sa karatig bansa, sila ay nahuhuli at nakukulong. Dinarayo rin ni Atom Araullo ang Palawan na tinatawag na “Last Ecological Frontier” kung saan ditto nakikita ang 1/3 ng mga coras sa buong Pilipinas. Kaniyang natuklasan sa Calauit, Palawan ang dugong o “Lady of the Sea” na mailap na lamang Makita sa karagatan dahil nasa 30 na lamang ang kanilang populasyon ngayon. Nalaman ni Atom ang ugali ng mga dugong at nakasama pa niya ito sa paglangoy. Sa Busuangan, Palawan, kaniya ring nakasama ang pinakamalaking pawikan na nakita niya sa buong buhay niya. May 2014 ay may nahuling Chinese vessel sa Hasa-hasa Shoal, Palawan na mayroong 380 patay na mga pawikan at noong August 2017 naman ay may sampung Vietnamese na may dalang 70 patay na mga pating. Ang Manila Bay ay isa sa pinakamaruming karagatan sa Pilipinas at kapag hindi ito masolusyonan, posible na sa taong 2050 ay mas marami pang basura ang ating karagatan kesa sa mga isda. Ang cyanide at dinamita ay kilala na mga illegal na paraan ng pangingisda at isa sa mga rason na nasisira ang mga corals n gating karagatan. Sa Lapinigan, Surigao Del Norte ay napakanayam ni Atom ang isang mangingisda na naaksidente dahil sa paggamit niya ng dinamita sa kanyang pangingisda. Namamatay rin ang mga corals sa Mantalif Reef sa Negros Oriental. Ang Philippine Rise ay isang bagong marine destination na pinuntahan din Atom kung saan makikita ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na mga likas na yaman. Dito makikita ang malapad na coral reef kung kaya’t nagiging breeding ground ito ng mga lamang dagat. Dito rin makikita ang “Blue Fin Tuna” na DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;[email protected] | www.su.edu.ph

Department of Filipino & Foreign Languages

Silliman University Building Competence, Character & Faith

tinuturing sa isa sa pinakamahal na isda sa buong mundo at mahigit 100 species din ang na dokumento galing sa bahagi na ito ng karagatan kaya ginawaran ang Philippine Rise bilang bagong maritime domain ng bansa.

Sa huli ay pumunta si Atom sa isang conference upang manghikayat at panatilihing malinis ang ating mga karagatan. Nabigyan din siya ng oportunidad upang maibahagi sa mga taong galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kanyang ginawang dokumentaryo at nabigyan din siya ng parangal dahil dito. Nangigibabaw na damdamin pagkatapos mapanood ang documentary (ipaliwanag) Una, ang Pilipinas ay ang "Center of the Center of Marine Biodiversity". Pangalawa, sa buong mundo Tatlong positibong impormasyon o

dito sa Pilipinas makikita ang pinakamaraming uri ng isda. Pangatlo, ang pagiging attraction ng mga iba't

pangyayari mula sa dokumentrayo

ibang lugar katulad ng Dolphin watching sa Bais ay nagbigay nang mas maraming atensyon sa mga dagat

Tatlong nakakabahalang impormasyon o pangyayari mula sa dokumentaryo

sa Pilipinas. Una, gumagamit ng dinamita ang mga mangingisda na syang nagpapanganib sa mga marine resources mula Luzon, Visayas at Mindanao. Pangalawa, pinagsasamatalahan ng mga dayuhan ang karagatan ng Pilipinas. Pangatlo, naghihirap ang mga mangingisda lalong-lalo na ang mga nasa malilit na

Tatlong mahahalagang aral sa buhay

estado sa kanilang pamumuhay. Una, dapat tayong lahat ay marunong makiramdam sa karagatan. Ang mga basura ay talagang

na napulot pagkatapos mapanood

nakakasira ng mga yamang dagat kaya dapat tayong lahat ay maging disiplinado at responsable sa

ang dokumentaryo

pagtatapon ng ating mga dumi at kalat. Pangalawa, hindi pwedeng sugod lang ng sugod. Dapat marunong tayong magpaalam sa mga taong nagpro-protekta sa lugar o teritoryo. Matuto tayong bumusina upang hindi tayo mapahamak at upang hindi tayo makakapinsala sa kahit anomang yamang dagat. DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;[email protected] | www.su.edu.ph

Department of Filipino & Foreign Languages

Silliman University Building Competence, Character & Faith

Pangatlo, dapat hindi tayo mag-aksaya ng pagkain, lalong-lalo na ang isda dahil ang mga mangingisda na silang mismo ang nakahuli nito ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na

makain nila ang mga sariling huli nila, partikular na ang isdang Tuna! Katulad ng nakikita natin sa dokumentaryo, makikita natin sa dalampasigan ng mga karagatan dito sa Negros Oriental na may mga basura na nagkakalat. Sa aking nakikita tuwing pupunta ako ng public beaches, nakita ko kung paano pinatiling protektahan at pangalagaan ng ating gobyerno at ilan pang mga Local na pangyayari sa lugar na

NGOs ang ating yamang dagat. Pero may mga tao pa rin na itinatapon lang nila ang kanilang mga basura sa

kinalakhan na may parehong

dagat o di kaya sa baybayin lang nila iniiwan at patuloy itong tinatangay ng alon. Mas mainam na tayo ay

pangyayari o problema na pinakita

maging mapagmasid. Kung may nakikita tayong basura sa dagat ay kunin natin ito at itapon sa tamang

sa dokumentaryo

lalagyan. Marami kasing turista na dumadayo sa ating lugar kaya marami ring basura ang naiiwan. At kung may nakikita tayong nangingisda sa illegam at maling paraan, agad natin itong isumbong sa tamang awtoridad upang sila ay maparusahan at maprotwksyonan natin ang ang ating mga karagatan at ang mga

Tatlong bagay na pwedeng gawin

yamang dagat. 1. Upang mapanatili ang kalikasan lalo na ang buhay ng dagat. Ang mga karagatan o kung saan ang mga

para makatulong o mabigyang

patutunguhan ng turista, sikat na mga dalampasigan, at kung saan ang mga mangingisda ay nakakakuha ng

solusyon ang ganitong problema

mga isda, dapat na higpitan o masubaybayan palagi dahil ang buhay ng dagat ay medyo sensitibo na ito ay masira at madaling masira. 2. Laging iwasan ang mga garbage mula sa pagpunta sa mga dagat. Ang mga plastik ay maaaring makagambala, dumi, at masisira ang buhay sa dagat, lalo na kung napunta ito sa mga isda na ating kinakain. Upang maiwasan ang pagkuha ng buhay sa dagat mula sa panganib, dapat nating palaging linisin o subaybayan

ang

ating

mga

karagatan

upang

maiwasan

ito

na

mangyari.

3. Maging isang May-ari ng Alagang Hayop na Magiliw. Kung talagang nagmamalasakit tayo sa buhay ng DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;[email protected] | www.su.edu.ph

Department of Filipino & Foreign Languages

Silliman University Building Competence, Character & Faith

dagat dapat tayong magsanay sa paggamit ng mga produktong mapagkaibigan sa kapaligiran, mag-iingat ng tubig, magtapon ng mga plastik sa itinalagang lugar nito at hindi sa mga bakuran o karagatan, at laging alalahanin na hindi mabuti na maabuso ang buhay sa

dagat mula sa marahas mga aktibidad.

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;[email protected] | www.su.edu.ph...


Similar Free PDFs